Pages - Menu

Sunday, November 29, 2009

Damn Ride

Mga pasado alas onse ng gabi, swerte pa rin ako na nakasakay sa bus byaheng Quiapo. Ordinary bus ang nasakyan ko na hindi naman kalumaan, ang totoo nga e bago pa 'to. Nasa gitna ng bus ang pintuan, hindi tulad ng iba na nasa unahan katapat ng driver's seat. Sa loob, napansin ko na may upuan sa malapit sa tabi ng driver, hinintay ko na magbaba ng pasahero ang bus para paglakad ko papunta sa unahan e di ako mapahiya kung sakaling matumba kapag naglakad ako sa gitna ng bus habang umaandar. Naisip ko siguro 'yun dahil na rin sa pagod at puyat. Sakto, tumigil ang bus para magbaba at magsakay ng pasahero, mabilis akong pumunta sa unahan.

Ang ganda ng view dito, parang ako ang driver. Kitang kita ko kung pa'no pinahan at unahan ng driver ang ibang mga sasakyan. Medyo kaskasero si boy. Tuwang tuwa ako sa pagkakaupo ko sa unahan, aliw na aliw ako at sa sobrang tuwa ko ay kinuha ko ang telepono ko at sinubukang kumuha ng larawan. 'Di ako makakuha ng magandang anggulo dahil na rin sa alog at bilis ng bus, parang nahihilo lang ako sa ginagawa ko. Dahil na din siguro sa pagod, nakaramdam na 'ko ng antok. Matigas ang upuang kahoy ng bus, gumilid ako sa upuan at ginawang unan ang bisig ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Bago ako makatulog iniisip ko na parang sobra ang bayad ko, dahil P.Campa lang ako bababa pero Quiapo ang nasabi ko sa driver. Ilang minuto pa, nagising ako ng maramdaman ko na nahulog ang hawak kong ticket. Pagmulat ko, tang ina bakit may ilog? Shit lampas na ko! Nasabi ko ang salitang "para" pero lampas Lawton na rin ako.


Ngayon naisip ko na mas mabuti na 'yung gano'ng byahe na makakatulog ka lang at lalampas sa bababaan mo. Parang ang hirap kung nagbabyahe kayo, magigising ka, pabababain at tututukan ng baril. Papaputukan ng walang kalaban-laban at walang dahilan, ibabaon sa hukay pagkatapos. Ganun ang sinapit ng mga kababayan natin sa Maguindanao. Nakikiramay ako sa inyo (Victims of Ampatuan Massacre) at sana wala ng mangyaring mga ganitong mga bagay lalo na at palapit ng palapit ang election.

O diba, rume-relate ang kwento ko.

2 comments:

  1. nakakabagbag damdamin... tsk tsk tsk... pero bago ang lahat binabati ko ang mga tga daang bakal!! pati ang mga tga sena!! d2 na ko sa wowowee!!!

    ReplyDelete
  2. parang Jack! maglagay ka ng name pag magkokoment, kalikutin mo kasi. :)

    ReplyDelete