Pages - Menu

Monday, November 30, 2009

Kamusmusan

Higit isang taon na rin nung isinulat ko 'to sa blog ko sa friendster. Musmos na musmos pa ko noon sa blogging, hanggang ngayon naman. Memorable lang 'tong post na 'to kasi unang blog/kwento ko 'to na isinulat at pinakamaaaahaaaaaaaba sa lahat. Basahin n'yo ulit ang kwento ko.

---
Hehe. Matagal-tagal na rin akong mulat sa blog ng kung sinu-sino, pero ngayon lang ako sumubok na gumawa ng akin dito sa friendster. Wala naman kasi akong maisip kung anong magandang isusulat. Pagpasensyahan n'yo na ang mga mababasa n'yo.

First blog… gusto ko lang magkwento ng konting karanasan noong kabataan. Inspirado sa nabasang libro. Nung binabasa ko 'yung libro, ayokong magbasa sa gitna ng bawat pangungusap, ang gusto ko lang ay masariwa ang mga naging karanasan noong elementarya ako. Oo tama elementary lang, kung saan lahat ng nagawa ko ay may excuse pa, “bata pa kasi ako”. Walang pwedeng humusga sa buhay ko noon. Sa mga huling bahagi ng libro, hindi maiwasan na may marealize kahit papano, hindi maiwasan na may matutunan kahit papano. Hehe. Konti lang.. Hmmm… First blood! (adik sa DotA) Oopps first blog, ISANG PAGKUKWENTO... Wala ng iba, kwento lang.

Hindi ko alam kung bakit naaalala ko pa ang mga bagay na 'to hanggang ngayon. Natapos ko ang kinder at daycare ng s'yempre walang kahirap hirap. Tanda ko pa na pareho kami ng inuminan ng kababata ko at isa na rin sa matalik na kaibigan, si Jeilon. Nakakatawa noong daycare, lahat kasi may medal, lahat pantay pantay pa ang tingin. Noong panahon ko ganun, ewan ko lang ngayon. Siguro para hindi magkainggitan. Mga bata pa kasi, apat na taon lang ako nung una akong pumasok sa Barangay Hall. Hehe. Nakakatawa dahil barangay hall ang kalimitang nagsisilbing iskul kapag daycare ka pa lang dito sa lugar namin. Noon 'yon, 90’s. Mabilis na lumipas ang daycare at kindergarten days ko, dalawang taon din 'yun. Araw araw, pinaggagawa ako ng baon ng Nanay ko at ipinagtitimpla ng maiinom. Tuwing umaga lang ang pasok, sa hapon ay oras ng maglaro o 'di kaya ay ang sapilitang pagpapatulog sa tanghali . Lahat naman siguro nakaranas ng ganun, para daw tumangkad. Epektib sa'ken, e sa'yo?

Natapos ang bakasyon, kain-laro-ligo-kain-tulog-laro-laro-tulog, paulit-ulit lang ang mga ginagawa.

Haay, Grade 1 na ko. Sa Pampublikong Paaralan ng Jalajala ako pumasok. Hindi ko alam kung bakit ganun ang sistema. Kapag mas maraming kilalang guro ang nanay mo, AYOS! At malamang maging honor ka. Siguro nga ganun kapag elementary, 'di masyado nasusukat kung sino ang magaling. Kalimitan sa mga public school lang naman nangyayari 'yun e, o sa pangkalahatan talaga. Enrollment day noon, pinapapili ako kung sa'n ko raw gustong pumasok na section. Syempre section 1 pinili ko. Alam mo naman dati, kapag nasa unahan ka, pakiramdam mo matalino ka. Anim na taon ako nun, unang araw ko'y hatid at sundo pa kahit na malapit lang ang bahay namin sa school.

Unang linggo, nakakatawa. Medyo nagpapagalingan ang mga bata, kung sino ang magaling sumulat. Itinatanong ang mga pangalan ng mga kaklase at isusulat, itatanong kung tama ang spelling. Walang makahula sa spelling ng pangalan ko, may “X” kasi. Wala akong kwentong magaganda talaga sa elementary days ko, puro gulo at kalokohan lang. Pati pala kahihiyan. Grade 1, dahil bata pa'y normal lang ang iyakan, hagulgulan, away, napapaihi at napapatae. May kwentong tao rin ako, pero hindi grade 1 nangyari 'yun. Abangan mo.

Kung anu-anong nauuso dati, sino bang normal na tao ang makakaisip na mauuso ang:

+DURUAN Ewww. Tama, laway! Parang riot, riot ng mga laway. Magkakatabi lang kasi ang silid ng tatlong section: 1-1, 1-2 at 1-3. Kapag recess, magsisimula na 'yan, duruan with art of war. Parang bumbet sa goma ang paraan ng pagdura. Lamang ka kapag my plema ang bala mo. Yuck!

+SIPAANG KABAYO Eto sakitan naman. Kung ang dura ay hindi nakakasakit, eto pisikal na talaga. Nakasakay ang hinete (medyo maliit na kaklase) sa kabayo (mga matatangkad na grade 1). Hawak ng kabayo ang isang tuhod ng hinete sa likod, 'yung isang paa n'ya libre at 'yun ang ipansisiipa.

+BOMBA Maghanap ka lang ng lapad na bato bilang pamato, tapos bilog na bato o kaya holen, p'wede ring bayabas. Huhukay sa lupa ng butas, paunahang makapagpapasok. Parang golf lang. May kaklase ako na umiyak sa larong 'to, babad kasi s'ya. Hehe.

Ilan lang 'yan sa mga laro dati na madalas umubos ng oras namin noon. Hindi ko na babanggitin 'yung iba kasi pangkaraniwan lang naman. 'Yan kasi 'yung mga kakaibang laro para saken noon.

Grade 1 pa lang kami, may mga trippers na rin. Lakas tama. May kaklase ako, 'di ko alam kung barbero o totoo, may anting-anting daw sya. Nagpapasuntok sa tiyan ng madaming beses, pero 'di talaga s'ya nasasaktan. Galing. Lagi ko s'yang nakakaaway noon. Minsan 2 on 2 ang laban, kakampi n'ya 'yung pinsan n'ya, ako naman 'yung matalik ko na kaibigan. Round 1 *ting* sipa, suntok, sakal at isa pang sipa. Ayon talo kami. 'Di kami manalo. Isang araw, wala sa kundisyon 'yung may anting-anting daw,  kaya ayun ginulpi ko. Nakabawi na ko. Yehey.

Bukod sa boksing, may mga kaklase rin ako na umiihi sa galon ng tubig. Minsan naman, mamumulot ng bubblegum na idinura ng kaklaseng babae, lips-to-lips daw. Isa 'to sa mga hardcore na kabalasubasang nasaksihan ko noon. Eto pa, kukuhanin 'yung basurahan at ipapaligo sa sarili. Pagdating ng guro, mabilis din mawawala ang basura sa sahig, parang  may vacuum cleaner lang. Isang tao lang ang gumagawa n'yan sa klase namin. 'Di ko na babanggitin kung sino, basta hindi ako yun. Minsan din na may napagtripan kaming bag ng kaklase, sinulatan namin hanggang sa halos mag-iba na ang kulay. Pink 'yun alam ko e, naging itim na dahil sa lapis at krayola. Iyak ng iyak 'yung kaklase ko, bago pa naman 'yung bag n'ya.

Grade 1 pa lang kung anu-ano ng naiisip. Grade 1 din ako unang ngkaroon ng crush. Binigyan lang ako ng saging naging crush ko na. Grade 1 din, umiyak ako dahil sa panunukso ng mga kaklase ko sa akin sa isa naming kaklaseng babae. Hinalikan ko raw kasi 'yun sa ilalim ng puno. Sinundo pa ang tatay ko, hindi kasi talaga ako tumitigil sa pag-iyak. Waaahh.. Speaking of tatay, pinalo rin n'ya ako dati dahil naman sa pagsipa ko sa isang kaklaseng bading na masayang umaahon sa bundok ng buhangin. Gumulong s'ya, mga grade 1 nga naman. Hehe.

'Yan ang unang taon ko bilang elementary. Para tuloy akong walang natutunan. S'yempre meron, sino ba ang makakalimot sa “A B K D E G H I L M N NG P R  S T U W Y”.

Ikalawang baitang ng hagdan patungo sa tunay na mundo. Ano bang espesyal sa pagiging Grade 2 ko? Hmmm… Parang wala. Teka.. ahh... alam ko na, perslab? Tuta lab, eto siguro yun. Isang kaklaseng transferee ang naging mansanas sa mga mata ko. Hehe. Korni mo gago!

Dati, kapag my pupuntahan ang buong klase, lagi kaming nakapila, buti pa ang mga bata. Nakakatawa o nakakahiyang isipin na 'yung kaklase kong bading ang lumalabas na siga noong grade 2 kami. Hindi s'ya 'yung sinipa ko sa buhangin, nagdrop na kasi 'yun, pero 'di ako 'yung dahilan ha. Balik tayo sa kwento, sa pila, s'ya ang namimili kung pang-ilan ka. Kapag ayaw n'ya sa'yo, kahit maliit ka ay ilalagay ka n'ya sa hulihan ng pila. Astig dahil lahat naman kami sumusunod.

Grade 2 tanda ko pa, panahon ng Ginebra at Alaska. Ginebra ang mga lalaki at Alaska naman ang mga babae. Wala lang, asaran. Wala na ko maisip sa pagiging grade 2, isasarado ko na ang pahina nito. *blag, maalikabok ang libro*.

Next page.. Grade 3 and Grade 4. Ikatlo at ikaapat na baitang sa elementarya. Wala naman masyadong bago. Noong grade 3 ako, medyo tumatanda na talaga, dito nagsimula na akong mapalapit sa mga kaklaseng babae. Hindi na lang puro lalaki ang nakakalaro, hihi. 'Yun nga, may isa akong kaklaseng babae na napalapit talaga saken hanggang sa dumating 'yung oras na nagkaroon kami ng tampuhan, aw. Mula nu'n naging mailap na kami sa isa’t-isa at nagkakahiyaan na. Tumagal 'yun hanggang grade 6. Naayos lang noong high school na. Haha. Nakakatawa pero sobrang babaw ng pinagmulan. Natapos ang grade 3, paulit ulit ang mga nangyayari.

Eto grade 4 na 'ko. Ayon sa pagkakatanda ko, dito na nagsimula ang karir ko sa pagsusugal sa elementary. Nagsimula sa text (yung cards), hanggang sa pera na ang itinataya. Naalala ko pa ang isang nakakatawang pangyayari na may kinalaman sa text. Naglalaro kami noon, 3 pirasong text lang ata 'yung pinaglalabanan, nagkaduyaan pa't nagkasakitan. Naasar ako nung minura ako. Kinausap kami ng guro, bakit daw kami nagsuntukan. Sabi ko, "e kasi, minura ako". Sumagot naman ang guro namin, murahin ko din daw. "PU-TANG I-I-NA-a MO!". Nagtawanan lang ang mga kaklase ko. Nakakatawa, sumunod ako sa utos ng guro kahit alam kong masama 'yun. Sa ikaapat na baitang din naranasan kong mapahiya talaga. Sobrang lakas kong maasar noon, pero simula ng mangyari 'yung insidenteng 'yun, nabawasan na ang pang-aasar ko dahil takot akong matuksong “napatae?”. Haha, nakakatawa na isa ako sa mga nabiktima ng pagsakit ng tiyan. Noon big deal talaga 'yun kapag tinutukso sa'ken 'yun, ngayon parang wala na lang. Matagal na naman 'yun e.

Isang umaga sa buhay grade 4, lahat ng pangyayari sa araw na 'to tandang tanda ko. February 19, 1999 'yun. Napakaliwanag ng sikat ng araw, alam mo 'yung parang mga ginto 'yung sinag na nanggagaling sa lugar ng kabundukan. Pagkatapos kumain ng agahan, 'di ko alam kung sinong naghanda nung almusal ko, ang alam ko lang hindi si Inay dahil wala s'ya noon. Nakasabay kong pumasok sa eskwela ang isang kaibigan, matanda lang ako ng isang taon sa kanya. Kwentuhan habang naglalakad, malapit na kaming tumawid noon nang bigla s'yang nagtanong, "Uy! Parang 'di ko ata nakikita 'yung bunso mong kapatid?". "Nasa ospital s'ya e, kasama si Inay". 'Di ko pa alam noon kung bakit s'ya dinala doon. 'Di ko alam ang sakit n'ya. Ang alam ko lang, ayaw kumain at uminom ng kapatid ko kaya dinala sa ospital. Pangkaraniwang tagpo sa eskwela ang pagtataas ng watawat, pero 'yun na ata ang pinakamalungkot na umaga ng buhay ko. Kita na ang pagiging matangkad ko, 'di ko alam kung bakit sa unahan ako pumwesto ng umagang 'yun. Siguro para mas marinig kong mabuti ang mga sasabihin kung meron man. Tapos na ang seremonyas na tanda ng pagiging Pilipino, oras na para bumalik ang mga mag-aaral sa silid aralan o di kaya ay ipagpatuloy ang mga naiwang lilinisin nang biglang may magsalita sa mikropono. Nakikiramay daw sila sa pagkamatay ng bunsong kapatid ng magkapatid na Gutierrez. Mabilis na nasagap ng mga tainga ko ang balita, mabilis na nagrehistro sa utak ko, kasabay ng kanyang pakikiramay, mabilis na dumilim ang kaninang napakaliwanag na umaga ko. Kasabay ng pagdilim ng paligid ko, bumuhos ang malakas na ulan na ang tanging nakakakita ay ako at ang tanging nababasa ay ang mga pisngi at mata ko. Mabilis akong humiwalay sa mga kamag-aral, tinungo ko ang silid-aralan namin. 'Di ko kayang tumingin sa paligid, ang tanging nagawa ko lang ay ang tumungo sa mesa at umiyak ng umiyak. Napakalungkot ng araw na 'to, ang bunso kong kapatid na akala ko ay simple lang ang karamdaman, hindi ko na makakasama. Uuwi s'ya kasama si Inay pero wala ng buhay. Napakalungkot. Sa murang edad, naranasan ko nang malungkot ng sobra. Ngayon habang isinusulat ko 'to, 9 na taon na ang lumipas. Wala na ang malalalim na sugat na dala ng kalungkutan. Sa kabila noon, hindi maiwasan ang manabik sa kapatid, ang isipin kung ano ng itsura n'ya ngayon, kung lalo s'yang naging maganda, kung matalino ba sya,
kung mabait. Ang hirap isipin.

Tuloy lang sa paglalakbay. Grade 5 na ko! Bago magbakasyon noong grade 4, napag-usapan namin ng mga kaklase kong lalaki na magpapatuli na kami sa darating na bakasyon.

Bakasyon na, marami na rin akong nababalitaan na mga kapwa bata na nagpatuli na. Sa mga kaklase ko naman wala akong nababalitaan, dahil magkakalayo kami ng tirahan at hindi nagkikita. Ang sarap ng bakasyon, laro ng laro kahit masunog pa ang balat sa ilalim ng araw. Malapit ng magpasukan ng Grade 5 ng maalala ko na kailangan pala tuli na ko pagpasok ko. Pinilit ko ang Nanay ko na patulian ako kahit malapit na ang pasukan. Pumayag naman s'ya, parang wala lang, tinulian ako. Hehe. Isang lingo akong hindi nakapasok sa pagsisimula ng pasukan. Pagpasok ko, tuli na 'ko sa wakas. Nagtanong ako kung sino na ang mga tuli, kokonti lang pala kaming nagpatuli noong bakasyon at marami ang hindi tumupad. Parang wala lang, hindi na rin napansin kung tuli na o hindi pa.

Nagpatuloy ang ikalimang taon sa elementary, puno ng laro. Sikyo, mga text, sipa bola, pati nga pagdidilig ng halaman ginagawang laro. Ewan ko ba, nagsisiksikan ang mga mag-aaral sa gripo, sikat ka kapag malakas kang sumahod sa gripo, unahan. Ayos, kung anu-anong nauuso. Lalong lumala ang pagsusugal ko sa taon na 'to. Umaga pa lang sugal na. Habang naggagamas ng damo, naghuhulaan sa perang papel na digit kung tawagin, parang lucky 9. Minsan naman mga barya ang hinuhulaan kung anong taon ginawa. Hayop! Kaya siguro mga nahasa sa math. Tanda ko kasi mga lalaki ang magagaling sa matematika noong panahon namin, hanggang ngayon naman ata e. Dahil bawal ang pagsusugal lalo na sa paaralan, gumagawa ng paraan ang mga guro para maiwasan ito. Ang nakakatawa lang, isang hapong mainit! Mainit din ang tayaan sa sugal. Hehe. Wala kasi noon ang guro namin, kanya kanyang tayaan sa sugal, nang biglang may dumating na guro galing sa kabilang klase. Nagmamadali, mukhang naamoy ang sugal na nagaganap. Mabilis kami, balik agad sa silid aralan. Umupo kami sa sariling mga upuan. Nakakagulat, ilabas daw namin ang mga pera namin. Dahil panalo na ako noon, itinago ko lahat ng pera ko sa ilalim ng desk, inilabas ko lang sa ibabaw ay tatlong piso. Laking gulat ko ng biglang sinamsam ng gurong 'yun ang mga pera naming sugarol na nasa ibabaw ng mesa. Wow! Ang dami n'yang pera, parang text lang ang sinamsam. Ibang klase! Ubos ang pera nila, ako hindi.

Huling taon sa buhay toto at nene! Matatapos na 'ko sa pagkukwento tungkol sa naging buhay ko noong elementary. Medyo marami na rin akong nasabi, pero kung iisipin kong mabuti ang buhay elementary ko, madami pang kulang na mga kaganapan. Lahat ng mga naisulat ko ay ang mga bagay lang na unang pumasok sa isip ko.

Malapit na kaming mag-highSchool, isang taon na lang. Itong huling taon ko, medyo maraming kalokohang nangyari, pipilitin kong maisulat lahat dito. Medyo kakaiba ang taon na 'to, lagi akong nakikita ng naging guro namin. Crush ata ako. Grade 1-5, lagi na rin akong nauutusan ng mga guro. Buhay elementary, wala atang ginawa ang mga guro kung hindi mag-utos ng kung anu-ano. Pitong taon ako sa elementary school 'yun kasama ang kinder. Nakakatawa dahil sa 7 taon na 'yun, laging abala ang mga guro sa tuwing may dadating na bisita galing sa DECS (DepEd na ngayon). Andyan ang laging paglilinis ng buong eskwelahan, at ang walang kamatayang pagpapaalala ng ganito:

Una: Complete uniform bukas, lahat magsasapatos.

Pangalawa: Eto talaga ang hindi mawawala at lagi dapat tatandaan, Good morning/afternoon visitor/s na binibigkas namin ng mahaba. Goodbyeeeeeeee…visitoooooooorsss….

Dahil nga sa matangkad ako, lagi akong nauutusan. Tandang tanda ko pa, alas-6 ata ako pumasok noon para lang makapagdilig gamit ang hose. Lintek, ang sipag ko. Natatawa na lang ako ngayon dahil pumasok pa ako noon ng maaga para magdilig. Siguro 85% ng pasok ko late, hanggang ngayon. Kahit malapit lang ang bahay namin. Isang umaga, inutusan akong bumili ng kung anu-ano, habang naghahakot ng mga bato ang iba kong kaklase. Nagpasama ako sa kaklase kong si Gerald. Matapos sumunod sa utos, naglaho kaming dalawa nung kaklase ko na parang bula. Naisipan naming magvideo. Sonic Wings ata ang nilaro namin noon. Laking malas naman nang may makakita sa amin, malas talaga dahil isinumbong kami sa paborito kong teacher. Mabilis kaming ipinasundo, pagharap sa teacher na nagkataon pang kasama n'ya pala ang principal, isang masarap na hila ang ipinatikim nya sa patilya ko, ang sakit. Sabay sabi ng ganito, "Alam mo kanina pa kita hinahanap. Ang laki laki mo hindi kita makita dito, nagpapakahirap ang mga kaklase mong gumawa kayo naman nagvi-VIDEO-KE?". Videoke daw, gusto ko sanang tumawa, pero wala e... masakit ang patilya ko.

Papuntahin ko raw ang nanay ko sa paaralan bukas. Dahil sa pagkakapahiya, umuwi na kami nung kasama ko. Gumala kami at napili naming tambayan ay ang sementeryo. Doon sa puntod ng kapatid ko kami pumwesto, nagpalipas lang kami ng oras at nag-uwian na sa aming mga bahay. Dahil nga sa nangyari, 'di ako pumasok, 'di ko rin pinapunta ang nanay ko. Usung-uso noon ang pellet gun, ang sarap makipagbarilan. Hanggang 2nd year highschool armado ako ng pellet gun, tutukan kami kapag nagbabarilan. Minsan na rin akong naging bayani at aksyon star sa barilan na 'yun, malakas ako e. Atapang atao! Minsang nagbabarilan, ayon barilan lang. Natapos ang barilan sa batuhan, 'di ko alam kung bakit sila nambato. Mabalik tayo sa nanay ko na ipinatatawag sa eskwelahan, nagtago ako noon sa bahay ng lola ko. Sumugod ang nanay ko sa bahay ng lola ko, umiiyak at masamang masama ang loob. Pinuntahan daw s'ya ng guro ko, at ng nanay noong kabarilan ko. Syet, nabaril ko pala sa mata, ipagamot daw namin baka mabulag. Waaah.. Iyak ang nanay ko, ang tigas ng mukha ko! Sa pagkakatanda ko, dalawang beses na rin akong nakapagpaputok ng ulo ng kalaro. Binato ko, ayun sabog ang ulo. Ubos ang napamaskuhan ko sa pagpapagamot.

Nalampasan ko rin ang kalbaryong 'yon sa buhay ko. Tuloy lang ang paglipas ng araw sa ika-anim na baitang. Tuloy din ang pagsusugal. Tanda ko pa na sa unahan kami ng classroom nagtetext money. Yiiha. Ang mahuli ng paborito kong guro na nakatayo, tanggal ang patilya. Malas, parang lagi akong hinahabol ng mga kamay n'ya, ako lang ata ang gustong maubos ang patilya. Elementary pa lang tamad na kasi akong magpagupit kaya lagi madaming patilya ang nalalagas. Minsan pa s'yang nagtanong sa mga babae, kung sino raw ang may crush na. Aba! Girl talk! Nang biglang, kung pipili raw ng magugustuhan, 'wag daw 'yung katulad ko. Amp, kala ko ibebenta ako. Hindi pala. Lagi akong inuutusan, wala naman akong mapala sa kanya. Watda! Isang guro lang ata ang 'di ako masyadong inuutusan kahit lagi akong nakikita. Hehe. Mas trip n'ya ang iba kong kaklase, ayaw ata ako paghukayin para sa mga poste sa nalalapit na graduation. Bakit kaya? Di ba ko gagraduate? Lol. Kahit loku-loko ako, masasabi ko na hindi ako bobo. Hehe. Lalo na sa math, ngayon naglaho na ang galing ko sa math, kumukuha ako ng engineering, hirap na hirap ako. Mahirap pala talaga kapag tamad mag-aral. Hehe. Dahil nga sa kahit papano'y may laman ang utak ko, isa ako sa medyo nakakaangat sa eskwela pero hindi ako honor. Hehe. Malapit na ang graduation nun, top 10 ang kailangan. At wow! Kasama ako sa top 10. Pinatawag na kami, habang nag-uusap na at sasabihin ang mga pwesto, eto na ang dahilan kung bakit ko s'ya naging paboritong guro. Nagbilang ang paborito kong guro, isa…walo, siyam, sampu.. "Hmmm.. Teka parang wala si “M”?". May nakalimutan s'yang isama sa top 10. Anak ng!! Nanghuhula lang ang loko kung sinong top 10. "Alexis, tawagin mo nga si “M” at wag ka nang babalik dito". Ang saklap, ako pa ang inutusan matapos hindi palarin na makasama sa sampu. Ang lupit. Muntik na! Daplis! Muntik na kong magka-medal! Haha. Eto graduation na.

Pagdating ng highschool, marami sa kanila ang classmate ko pa rin. Marami ring hindi na. Naputol ang pagkakaibigan ng ibang katropa. Nagkahiwa-hiwalay ng landas highschool pa lang.

Tapos na! Tapos na! Lahat ng nabanggit ko ay ang pawang mga bagay na unang pumasok sa isip ko. Marami pang nasa alaala ko. Malas nila hindi ko naisulat. Hehe. Sana may makabasa ng kwento kong ito. Teka, magdodota lang ako. 5:03 pm ko natapos 'to, Myerkules, April 30, 2008. Babye!

**Ampota, ngayon ko lang naalalang ilagay, buti nakita ko sa PC namin. Hoho.

5 comments:

  1. hahahahaha super tawa akoh naalala koh tuloy mga k engenagn koh nung elemtary hehehe..nice one joyce_anncristine07@yahoo.com

    ReplyDelete
  2. si paypal, tae ka ian! di ka kikita jan. :)
    kaya ayaw ko anonymous e. hehe. spammer amps.

    @joyce, thanks, masugid kong classmate. salamas.

    ReplyDelete
  3. hi! ano pong ibig nyong sabihin that your blog is di ginawan ng publicity?? your blog has been posted na po days ago pa when you registered..it's under the categories: "G", "Just About Anything", and "Personal"

    ReplyDelete
  4. hahahahahaha :))
    ang galing galing m nman tlga oh.shissshhh!
    hehe la n ko masabi sau
    d ko alam n mgkakagnyn k pla pgktpos ng mhbng panahong d pgkikita.
    awww
    hehehe pwede!
    anu kilala mp b q?
    ikaw ata ang parang d ko n kilala
    hehe
    dish me out
    shisshhhh!

    /kis
    shissshh!
    if these words were people.. i would embrace their GENOCIDE

    wil to alala m pa?
    i enjoyd EVRYTHING
    u wrote
    keep up
    susubabyan kita
    hahaha
    keep on clappin
    :)

    ReplyDelete