Pages - Menu

Sunday, November 22, 2009

Kwentong Kubeta

Pasintabi po sa lahat ng kumakain, usapang tae muna tayo ngayon.

Pamagat pa lang mabaho na? Masyado mo 'kong hinuhusgahan kung ganyan ka mag-isip. Sisiguraduhin ko ngayon na marami kayong matututunan sa mga mababasa n'yo. Mga bagong kaalaman na siguro alam mo na.

Gaano nga ba kahalaga ang pagtae? Sabihin na lang nating mas mahalaga pa 'to sa pagligo at pagsisipilyo, o kahit sa pag-aalala mo na kailangan mo palang magbrief o magpanty bago pumasok. Sa makatuwid, hindi kumpleto ang pagkatao mo kung wala ito. Pwede rin nating sabihin na kaya nitong sirain ang mabango mong pangalan sa isang iglap lang. Alam mo ba na noong inilalabas ka ng nanay mo ay kasama mo rin na inilabas ang mabaho nating kaibigan? Ngayong alam mo na, na lahat tayo ay may kakambal na tae, irespeto mo sila na parang tunay na kapatid. 'Di ka naniniwala? Tanungin mo ang ermat mo kung bukod sa'yo, ano pa ang inilabas n'ya nung birthday mo. Sana lang 'di sensitibo ang nanay mo at maamin n'ya sa'yo na tae ang unang kinain mo.

Gaano ka ba kadalas tumae? Kung ako ang tatanungin mo ay normal sa'ken ang isang beses isang araw. Bago maligo dapat maglabas ako ng sama ng loob sa kubeta para kumpleto ang araw ko. Minsan makulit ang mababaho kong kaibigan, matindi ang kapit, ayaw bumitaw kahit anong iri ko. Ang ending, pagka-almusal at buga ng usok, kung kailan tapos na 'kong maligo at pormado na tsaka sila magrereklamo at kakatok. Madalas mangyari saken 'to ngayon na maaga ang pasok ko papuntang Makati (OJT). Pagka-almusal ko sa mga jollijeep, isang stick, deretso ako sa basement at hoooo! tanggal ang sagabal. Halos nakasanayan ko na nga ang ganito sa tuwing mabibitin ako sa pagtae sa boardinghouse.

Alam mo ba na may tamang tae? Kung sa tao kailangan may mata, ilong, tenga, katawan atbp. para masabing normal na tao, sa tae meron din. Ang ebak mo dapat ay medyo malambot at swabe 'pag inilabas, dapat kulay brown o golden brown, dapat din 'yung texture n'ya parang sa peanut at hugis sausage. Ganyan dapat para masabing normal ang isang tae. 'Yung tipong pagtayo mo at sumulyap ka sa inodoro, mapapangiti ka sa sarap na hatid nito. May mga abnormal din na dumi. Iisa-isahin ko:

Bloody Stool - Taeng duguan. Sino bang magsasabi na normal ang dumi mo kapag may bahid ng dugo? Alam mo ba na kapag ganito, maaaring meron ka ng hemorrhoids, o kaya naman impeksyon at malala pa d'yan, isa din sa indikasyon ng colon cancer. Parang medyo nagmumukha tayong matalino dito ah, e nag-google lang naman ako.


Black Stool - Mga taeng Ita. Ito ang pinakamabaho sa lahat ng dumi. Nakukuha 'to sa uri ng pagkain o sa mga gamot na iniinom. Maaari rin naman na may pagdurugo sa loob. Kaya 'wag kang masyadong magkakain ng bulok, please!


Red or Maroon Stool - Mapulang ebak. Kadalasan sa kulay ng pagkain 'to nakukuha. Pero minsan hemorrhoids, anal fissures, colon polyps or colon cancer, diverticular bleeding, or inflammatory bowel disease na pala hindi mo pa alam.


Green Stool - Pangkaraniwan na 'tong berde ang kulay. Isa na rin siguro sa mga pinakanakakadiri. Pwedeng sa pagkain lang nakukuha. Tulad ng pagkain ng damo?


Gray Stool - Parang semento ang kulay. Ganito kadalasan ang tae ng may mga hepa at mga taong kulang sa asin sa katawan. Asin na isa sa dahilan kung bakit nagiging color brown ang jebs mo.


Dalawa lang naman kadalasan ang sakit natin na may kinalaman sa mga mababaho nating kaibigan, ang constipation at diarrhea. Sa madaling sabi, 'pag tinitibe at 'pag nagtatae. 'Pag bato at 'pag tubig.

Bakit nga ba tinitibe? Masasabi mo lang na tinitibe ka na kapag matigas, masakit at mahirap ilabas ang ebak mo. Madalas hindi mo talaga mailalabas dahil tuyo ang pakiramdam mo. Kung tamad ka at kulang sa ehersisyo, tamad uminom ng tubig at kumain ng gulay at prutas, malamang tibehin ka. Sinong tae at tao ang hindi pa nakaranas tibehin? Ewan ko, tang hindi naman ako titser sa posonegro. Isa 'tong pagtitibe sa pinakabadtrip na sitwasyon, kahit anong iri mo ayaw lumabas. Wala kang magawa kung hindi sumuko at maghintay.

Diarrhea? Ayoko ng pag-usapan pa. Bumabaho na at masyado na atang nakakadiri kung hihimay himayin ko pa. 'Yung paliwanag, hindi yung mismong tae.

Sa maniwala ka at sa hindi, totoo ang mga impormasyon na isinulat ko sa taas. Dahil nga sa madalas akong majebs sa opisina, naisipan kong magresearch tungkol dito. Mabahong kaalaman diba? Wag mong balewalain ang kulay ng tae mo, maraming ibig sabihin 'yan.  Parang mga swerteng kulay lang sa daily horoscope mo. Tae man, mahalaga rin. Aso nga kinakain ulit 'yung tae nila e. Taena, walang mai-blog! Tae!

9 comments:

  1. hi! tnx for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur favorite blogs! d top 5 highest rated will be highlighted n d Hall of Fame ;)

    you can also follow BNP's tweets at http://twitter.com/blogsngpinoy

    ReplyDelete
  2. tawang-tawa ko dito! hahaha talagang nag research ka pa

    ReplyDelete
  3. hahaha. na-curious lang ako, useful naman yung mga info kaya ok lang. :)

    go healthy life! HAHA

    ReplyDelete
  4. hahaha! ayos to ah! pati ung pics sa baba! haha!

    ReplyDelete
  5. ayos ba? hahaha.

    yung pics talaga ang ayos dun.
    marami pa kong pics na ganun..nakatago..lol

    ReplyDelete
  6. haha! ma try nga din yan! LOL gawin kong primary sa facebook..

    Nga pala... Na add na kita sa FB..

    About sa Xchange link... Inaasikaso ko pa yan...pero cge..a-add kita maya..=]

    ReplyDelete
  7. Hahahaha ayos :))

    ReplyDelete
  8. Ha ha nice.. dirty but learning .. good job

    ReplyDelete