Pages - Menu

Sunday, November 8, 2009

Ang Alamat ng mga Goyo

Sino nga ba si Goyo? At bakit Goyo? Ako ang nagmamay-ari ng blog na 'to kaya malamang ako si Goyo. Pero sa'n nga ba nagsimula ang pangalan na "Goyo"?

Bata pa lang ako ay marami nang tumatawag sa akin na "Goyo". Noong una nga, akala ko tinutukso nila ako, kaya naman medyo naiinis ako noon kapag "Goyo" ang itinatawag nila sa'kin. Pero hindi rin naman nagtagal ay nakasanayan ko rin hanggang sa ginamit ko na nga't niyapos ang katotohanan na cute ang palayaw ko. Goyo, parang toyo. Lagi na lang nilang sinasabi na baka goyoin ko sila o di kaya naman ay manggogoyo raw ako. 'Tong gwapo kong 'to, ang kakapal ng mukha n'yo!

Gregorio Gutierrez Sr. ang pangalan ng magiting kong lolo na beterano ng digmaan. Hindi ko nga alam kung totoo, pero sabi ni Tatay sundalo nga raw. Mula noong nakumpirma ko na sundalo nga si lolo, tuluyan na akong naniwala. Lolo Guring ang pagkakakilala ko sa kanya, sa iba naman Gorio ang tawag nila. Sumalangit nawa nga pala si Lolo; ang Lolo ko na nagpamana sa akin ng de kulay na mata.

Gregorio Gutierrez Jr. naman ang pangalan ng matipuno, masipag, mapagmahal at gwapo kong ama.  "Jun" naman kung tawagin ang tatay ko. Simpleng manggagawa sa ibang bansa na ang tanging pangarap ay makatapos kaming mga anak n'ya ng pag-aaral. Ang aking ama na masasabi kong pinaka-idolo ko sa lahat ng tao. Idolo sa iba't ibang mga bagay na ang karamihan ay tungkol sa pagiging magaling at mabuting tatay.

Gregorio Gutierrez III - Buti na lang talaga at hindi naisipan ni Tatay na isunod sa pangalan n'ya ang magiging panganay n'ya. Kahit daw kasi si Tatay ayaw sa pangalang "Gregorio", masaya na s'ya na Jun ang tawag sa kanya. Jun for Junior. Balita ko pa, wala talaga silang maisip kung anong ipapangalan nila sa unang anak nila. Pasalamat na lang kay doktora at pinangalanan akong "Alexis". Kung ako ang papipiliin, oks lang naman kung Gregorio rin ang pangalan ko. Ewan pala, baka ayawan ko rin. Masyado kasing makaluma. Isa pa nga pala, kung natuloy man na Gregorio ang naging pangalan ko, hindi ko na puputulin ang nasimulan at isusunod ko na rin sa pangalan ko ang unang lalaking anak ko. Bawi bawi lang.

Sa paglaki ko, nakagisnan ko na lang na tinatawag akong "Goyo". Hindi pa rin ako nakaligtas sa pangalan ng Tatay at Lolo ko. Ok naman e, kilala ako sa tawag na "Alexis" lang at "Goyo".

'Yan si Lolo Guring at ang Tatay ko. Kuha 'yan noong 1988, araw ng kasal ng mga magulang ko. 
Kung wala 'yang dalawang Gregorio na 'yan, wala rin si Goyo.

Wala si Alexis na sobrang gwapo, macho, habulin ng chiks pero sobrang down to earth at maginoo.


Walang mga babaeng kikiligin, mangangarap, pero sa huli ay masasaktan at magtataglay ng pusong sugatan.


Walang kasing-yabang.


13 comments:

  1. ayos! pwede na den..

    ReplyDelete
  2. @ "hindi nagpakilala"

    kilala kita! kapatid kita! Charlene Gutierrez! ahaha. salamat sa pagbasa. :)

    ReplyDelete
  3. Ak0 kilala m0?XD
    Bag0ng kal0k0han na naman.Hahah.Pasama ako sa adventUre m0.XD

    ReplyDelete
  4. amp na blogspot to. babaguhin ko settings.HAHA.
    dami anonymous.

    may isang tao sa isip ko kung sino ka! :)
    fan kita. LOL

    sige sama ka. permanent bahay ko na to. :)

    ReplyDelete
  5. visit mo to
    http://charlene-gutierrez.blogspot.com/

    ReplyDelete
  6. Sige na nga.Magpapakilala na ko.XD!
    Tama bA ang hula m0?Xp
    wee! Yehey! Kasama na ko.lol
    ~may tanong ako: Pano napoprotektahan ng copyscape ang isang website?XD Panakot ba to sa daga?XDD

    ReplyDelete
  7. alam kong ikaw yan Boy.

    lahat naman welcome sa Adventure ko. pati nga kapatid ko, gumagawa na din ng sariling adventure. hehe.

    copyscape? design, nakuha ko lang kay Badoodles sa kwentongbarbero.com. hehe

    ReplyDelete
  8. Ang galing mo talaga master.Heheh. Exchange links tau.^^
    sana wala ng captcha.XD.Ang labo ng mata ko e.

    ReplyDelete
  9. yep.yep. ok na. na-update ko na blog ko, may links na kayo ng kapatid ko sa sidebar. :)


    para sa iba:
    exchange links din po tayo? :)

    ReplyDelete
  10. ayos... napakagandang istorya.. naiyak ako dun...





    jack ng daang bakal, mandaluyong city.

    ReplyDelete
  11. pede po ba sama rin ako sa adventures mo....? kakadiskubre ko palang nito eh...

    ReplyDelete