Pages - Menu

Sunday, November 15, 2009

Tipo ko sa babae

Kanina, bandang hapon; mainit, trapik at nakakabadtrip dahil pagdating ko sa Starmall, ano pa nga ba e di mahaba ang pila. Sa tantsa ko may 60 katao 'yung nakapila. Sino ba namang 'di mababadtrip, wala namang dumadating na FX. Kesa naman mainip at mabadtrip ng husto, nagjeep na lang ako. Puro brusko ang kasakay ko. May ilang babae sa loob, mga apat, tapos dalawa sa unahan. Pawisan kaming lahat, madilim na, eto ata 'yung rush hour na tinatawag. Lahat gusto ng umuwi, lahat ng p'wedeng sabitan ay sasabitan na makauwi lang at makapagpahinga. Sa gitna ng jeep ay may mga nakaupo na rin.

Ilang saglit pa, napansin ko na nag-iisa na lang 'yung babae sa unahan pero marami pa rin ang nakasabit. Nagtataka ako kung bakit walang tumatabi sa kanyang bagong pasahero. Dahil nga mahirap sumakay, kataka-kataka naman kung 'di talaga ma-ookupa yung p'westong yun, nasa unahan pa. Pagdating sa Junction ay may pumarang babae, nakasalamin na malinaw na may kakapalan ang frame, nakapuyod ang buhok, nakasimpleng t-shirt, pants at tsinelas. Sa datingan n'ya, nakikinig 'to ng banda ang impresyon ko. Tumigil ang jeep hindi dahil sa pumara, kundi dahil sa trapiko. Lumapit ang babae sa unahan, akmang bubuksan nya 'yung pinto ng magsalita ang nag-iisang babae na nakaupo sa unahan, "Bayad na po 'tong isang pwesto". Sa pag-andar ng jeep, sa bintana nakita ko 'yung bigong babae na halatang gusto na ring makauwi na nagsalita, "Tang ina! Ang arte!". 'Di ko man aktwal na narinig, nakita ko naman 'yung buka ng bibig n'ya noong sinabi n'ya 'yun na may halong gigil at inis. Dun pa lang nabingi na ko, pano pa kaya kung narinig ko. Naisip ko tuloy na masarap siguro marinig 'yun kung nilakasan n'ya.

'Yung eksenang 'yun napaisip ako, turn-on pala ako sa babaeng marunong magmura sa tamang sitwasyon at pagkakataon. Hidden personality na katanggap-tanggap naman para saken.

"Tang ina! Ang arte!". \m/

2 comments:

  1. Base!
    Tama ka master, sabado pa nga kanina.Ang adik mo talaga.XD Early bird ata, o late owl?.Heheh.
    Isa pang request ulit, wag sana pop-up commentbox.XD
    On Topic: Akala ko naman yung supladong babae ang tipo mo, yun bang nililibre ng pamasahe maski multo, pano pa kaya ikaw na tao.XD
    Tama. Ang sarap kayang pakinggan ng malutong na mura mula sa magandang panex.XD
    ---
    PS. nagugulat talaga ako pag nababasa kong NAIMBAK ANG KOMENTO ko, kala ko kung san na napadpad.

    ReplyDelete
  2. ok na tong Pop-up boy. Nagagamit naman e. Eto lang gusto ko, magulo kasi yung sa isang screen. :))


    OO, pati multo nilibre. tama lang yung masarap na mura sa ganung pagkakataon. :))

    ReplyDelete