Pages - Menu

Thursday, December 17, 2009

Matalik na Kaibigan

December 15, 1988. Isinilang si Jeiloan Paul Andres sa bayan ng Jalajala. Lumaking normal na bata, may katamtamang laki ng katawan, kayumangging kulay, singkit na mga mata at ang pamatay na kulot na buhok. Limang taong gulang ng unang tumuntong sa eskwelahan. Doon nagkrus ang landas nila ng magiting na si Goyo. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa, magkasabwat sa kalokohan, magkalaro at sabay na tinuklas ang saya ng pagiging bata.

Mula pagkamusmos ay s'ya na talaga ang bestfriend ko. BFF ika nga. 'Yung tipong hindi pa nakaplano ang kasal mo, alam mo nang s'ya ang kukunin mong best man. 'Pag nagka-anak ay s'ya rin ang ninong. 'Yung tipong 'pag may problema na kailangang idaan sa maboteng usapan, s'ya ang tatakbuhan at kasamang tutungga. 'Yung tipong kapag kailangang magrelax, s'ya ang dapat kasabay sa pagpapausok ng bibig. Sa krimen man ay s'ya ang madalas kong kasama. Baback-upan ko 'yan kahit sa barilan (nangyari na), hindi s'ya maagrabyado dahil lalabas ako at ako ang tatapos sa pinlanong sagupaan. Marami kaming masasaya at mga hindi malilimutang karanasan lalo na sa aming pagkabata. Wala akong maalala na nagkaroon kami ng tampuhan o kahit na anong away. Kung meron man, naaayos agad.


Alam n'ya ang baho ko at alam ko rin ang baho n'ya. Pareho kaming mabahong mga tao. Tulad ng larawan sa ibaba, dalawang taong hindi sanay maligo. Mababaho!



Maligayang ika-21 kaarawan sa'yo tropa. Maraming hininga pa tayong itatawa, maraming bote pa tayong papataubin, maraming kwento pa tayong pagsasaluhan, maraming yosi pa tayong pababagahin, maraming krimen pa tayong pagsasabwatan at maraming salamat ikaw ang kaibigang matalik ko. Kahit siguro may tama na ako, tutungga pa rin ako sa problema mo. Kahit siguro sabog na ako, hihithit pa rin ako sa yosing libre mo. At kahit siguro tumanda na tayo, ganito pa rin tayo, magkaibigan at magkapatid sa paniniwala.

Ayos ba 'dre? Baklang bakla 'tong post na 'to. 
Hehe.

2 comments:

  1. hehe.. naaliw ako sa post mong to.. nalungkot ako bigla kasi wala akong kababata hehe.. lumipat kasi kami ng bahay,. meron akong mga childhood friends since grade 6 na hanggang ngayon tropa ko..

    nice post para sa isang tropa. isa kang mabuting kaibigan goyo.

    ReplyDelete
  2. hehehe. Kuya Dencio, ang tagal na nitong post na to ah. Isang taon na ang nakakalipas. Hehehe.

    Hindi naman mahalaga kung anong edad natin nakilala ang mga kaibigan natin, mas mahalaga yung totoong samahan. :D

    ReplyDelete