Pages - Menu

Saturday, December 5, 2009

Matulunging Usok

Kailangan kong gumising ng alas tres ng madaling araw, maaga akong luluwas. Galing sa long weekend alay ni Bonifacio. Malas lang, 'di ako nagising ayon sa plano. Pagbangon, takbo sa lamesa at kumain. Sakto tapos ng maligo ang kapatid ko, ako ang sumunod. Ang tagal ng ritwal, ayaw lumabas ng jerbaks ko. Ilang sandali pa, eto na. Bitin! Shit! Sige lang, maliligo na ako. Bihis. 'Di ako mapakali, puno pa rin ang tiyan ko.

Hinayaan ko na lang, ayaw lumabas e. Anong magagawa ko. Sabay dapat kami ng kapatid ko at ni kaibigan pero pinauna ko na sila, istorbo ang tiyan ko. Byahe na. Dinaan ko na lang sa tulog. Pagdating sa terminal sa Tanay, tulad ng nakagawian ay umihi sa pampublikong palikuran na sobrang bango. 2 pesos ang ihi, 5 pesos ang pagtae at 10 pesos ang ligo. Patok na patok ang menu na 'yan sa banyong 'yun. Lugi ako sa pagkakataong 'to. Ang tagal kong tumayo, hindi lumabas ang ihi ko. Sa tuwing pipilitin ko kasi ay para akong matatae. Ay, eto na sa isip isip ko. Labas ng banyo, bayad ng dos, takbo sa tindahan, bayad ng dos, balik sa banyo, bayad ng lima para sa Menu No.2. Hanap ng timba at tabo. Pinili ko ang gitnang p'westo. Nagbabakasakali na malinis 'to kahit na sa tuwing iihi ako dito e hindi ko binubuhusan. Pag-upo ko, langhap sarap. Ang baho ng kubetang 'to. 'Di pa man lumalabas ang jerbaks ko na dalawang araw kong pinag-ipunan ay umaalingasaw na ang amoy. Eto na, kinuha ko na ang secret weapon na binili ko sa tindahan sa halagang dalawang piso. Biglang lumiwanag, bukas na ang lighter ko, tutok ng Marlborong pula sabay buga.  Nagsindi na naman ng pampahaba ng buhay, parang air freshener ang usok sa ilong ko. Natanggal ang masangsang na amoy. Hithit ako, buga naman ng puwet ko. Presto! Success! Napaka-unforgettable ng first experience ko sa ganitong klaseng kubeta. Talagang hindi malilimutan.

Akalain mong may mabuting naidulot ang yosi. Nakatsamba!


2 comments:

  1. taenaman... gawain ko to nung nag-aaral pa ako. sa byahe ako madalas natatae... bababa ng gas station sa aurora. kaso lang di ko pa kiala si pare marl nun. shet anlufet ng mga public cr.

    ReplyDelete
  2. hahahaha. ang sarap kasing tumae sa madaling araw. hirap magpigil e, lalo na kapag nakapagyosi. xD

    ReplyDelete