Pages - Menu

Monday, January 18, 2010

Ewan II

Babala: Ito ay para lang sa mga bukas ang isip. Patnubay ng utak ay kailangan.
 
(tutugtog na ang theme song ng palabas...)

"O gising ka na pala Lisel, akala ko mamayang alas-10 ka pa babangon, alam ko kasi pagod ka galing duty, halika na at sabay sabay na tayong kumain ng pinsang buo mong si Artur, para magkakilala na din kayo"  bulalas ng tiyahin ni Artur.

Pagkarinig ng mga salitang iyon ni Lisel ay mabilis na nagbago ang mood nito, dagliang umakyat ng silid at tila sirang sira agad ang araw kahit kasisimula pa lang. Samantalang si Artur ay parang napako sa kinatatayuan, ang nag-iinit na katawan ay tila nanlamig sa narinig, ang babaeng pinagpapantasyahang mahalin ay kadugo n'ya pala. Nagtataka rin ito kung bakit biglang bumalik sa silid ang dalaga, naisip n'ya na baka hindi sya welcome sa bahay na tinutuluyan.

Ang tiyahin ni Artur ay mabilis na sumunod sa dalaga. Nakita nito ang dalaga na umiiyak, kasabay nito ang pagpatak din ng luha sa mga mata ng tiya ni Artur. Nabasag ang katahimikan sa silid ng magsalita na ang dalaga,

"Kailan n'yo ba matatanggap na hindi ako ang anak mo na nawala maraming taon na ang nakakalipas? Bakit ba pinagpipilitan mo na ako s'ya? Kinupkop mo ba ako dahil parang ako s'ya? Na naaalala mo s'ya kapag nakikita mo ko?!".

Natauhan ang tiyahin ni Artur sa mga narinig, "Patawad anak, hindi na mauulit 'yun Lisel, siguro nga kailangan ko na talagang mag-move on sa nangyari tutal maraming taon na talaga ang lumipas.". Nagyakap ang mag-nanay, kahit hindi ito tunay na magulang ni Lisel, mahal n'ya ito higit pa sa ibang mga tao, dahil ito na ang nag-alaga sa kanya mula pagkabata at tumayong magulang sa kanya.

Hindi na nakuhang mag-agahan ng dalawang babae, dala na rin siguro ng mahabang pag-uusap at mga kadramahan. Samantalang si Artur, hindi pa rin mapakali sa nararamdaman sa inaakalang pinsan n'ya talaga.

Kinagabihan, s'ya lang ang naiwan sa bahay, sabado kasi at ang mga istudyante ay nag-uuwian sa kani-kanilang bahay, gayundin ang mga reviewee. Ang tiya naman n'ya ay nagpaalam na may pupuntahang kaibigan, si Lisel ay may duty at hindi n'ya alam kung anong oras ang balik. Kahit tahimik ang gabi hindi makatulog si Artur sa pag-iisip, lalo n'yang subukang alisin sa isip n'ya ang dalaga, tila ba lalo s'yang natutuksong pagpantasyahan ito. Mas lalo n'ya itong minamahal sa tuwing maaalala n'ya ang maganda at maamo nitong mukha. Lalo lang s'yang nahihirapan sa pag-iisip. Matutulog na sana ang binata kasabay ng ritwal n'ya tuwing gabing malamig ng biglang may kumalabog sa kabilang silid. Sa silid ito ni Lisel, dagliang lumabas ang binata at laking gulat sa nakita, si Lisel na bagong ligo, nakatapis lang ng tuwalya ay walang malay sa mismong  pinto ng silid nito. Hindi makagalaw ang binata sa nakita, si Lisel na bagong ligo, basa pa ang katawan na halos makita n'ya ng buong buo, ang babae na laging kasama n'ya sa kanyang mga panaginip, heto ngayon sa harapan n'ya, sa isang bahay na sila lang ang tao. (Itutuloy...)

2 comments:

  1. waaaaaa! bitin.. andun na dapat e. haha

    ReplyDelete
  2. hehe.. subaybay lang po mga parekoy marekoy..may kasunod po yan..hindi pwedeng wala. hihihi..
    thanks for visiting Richard.. :)

    ReplyDelete