Pages - Menu

Friday, January 29, 2010

A Friend Within

Kaibigan,

         Sana ay hindi ako nakakaabala sa'yo. Matagal-tagal na rin nung huling beses akong tumambay dito sa kokote mo. Lagi akong napapadaan dito pero pansin ko na abala ka sa pag-iisip ng paulit-ulit na mga bagay, na alam ko namang mahalaga sa'yo. 'Di naman ako nagtatampo, alam ko rin naman na kokonti lang ang makakaintindi sa'ken. Ok lang ba kung kahit saglit magbahagi ako sa'yo ng ilang bagay tungkol sa sarili ko? Kahit makinig ka lang at hindi magbigay ng reaksyon, ayos lang sa akin.

         Siguro umiibig ako, ang sarap sa pakiramdam. Ang problema lang nakakulong ako dito sa isip mo. Hindi ko magagawa sa kanya lahat ng bagay na p'wedeng magpakita at magparamdam ng pagmamahal ko. Kapag nakikita ko s'ya ay gusto kong lumapit at hawakan ang kamay n'ya. Gusto kong iangat ang mga kamay n'ya palapit sa aking mga labi. Buong suyo ko 'tong hahalikan. Kung hindi pagbabawalan, agresibo pero malambing na pagagapangin ang mga halik sa kanyang mga braso. Kung sakaling pigilan n'ya, titigil ako at tititigan na lang ang mga mata n'ya. Titingnan ko ito hanggang sa maging malinaw ang sarili kong repleksyon. Sa sandaling maramdaman ko na tinatanggap n'ya ang bawat tingin ko, sisikapin kong maramdaman n'ya sa bawat halik ko na tunay ang pagsamba ko sa kagandahan n'ya.

         Hindi man ako karapat dapat, buong kapangahasan kong hahaplusin ng tingin ang kutis n'ya, kasunod nito ang lalong mapangahas na pagdampi ng balat ko. May lambing ang haplos at bawat dampi sa kanyang katawan kasabay ng ubod tamis na paghalik sa labi n'ya. Napakaganda n'ya ano man ang isuot sa katawan. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan ang dapat kong taglayin upang lalong makita ang tunay na kagandahan sa likod ng mga saplot na iyon. Sapat ba na mahal ko s'ya ng buong puso at kaluluwa? O mas dapat sabihing siya ang dapat magtanong sa kanyang sarili kung handa ba s'ya sa susunod na lebel ng aming pag-iibigan? Kung sakaling ‘Oo’, buong giting kung igagalang ang kanyang pagkababae. Buong lambing at pagmamahal na ipadadama ang tamis ng bawat halik sa bawat parte ng kanyang katauhan. Maginoo kong iingatan na hindi s'ya makadama ng sakit. Sisikapin kong tamis lang at walang halong pait. Pangalan lang n'ya ang aking sasambitin sa bawat sandali ng pagmamahalan.

         Ngunit, paano? Ako’y karakter lang na likha ng isipan mo.

Ang iyong kaibigan,
---

5 comments:

  1. GOYO...pwede ding bumoto ang mga non bloggers...Go lang sila here. http://llamasjournal.blogspot.com/2010/01/how-to-vote-in-llamas-choice-award-2010.html

    ReplyDelete
  2. Mind is powerful...pwede nya itong maisakatuparan kung ano man ang meron nito jijiji...pero xempre kailangan din ng moderation mahirap na jijiji...

    Just added u buddy in my list...Tnx!

    ReplyDelete
  3. thanks Jag. :)
    nalagay na din kita sa roll ko..

    ReplyDelete
  4. Hinay hinay lang sa friend na iyan... Haha!\


    Na link na nga pala kita :)

    ReplyDelete
  5. Parekoy, I publicly followed your blog. Pls. check it in my profile...

    ReplyDelete