Pages - Menu

Thursday, February 25, 2010

1 + 4 + 3

Bata pa lang alam ay ko nang magkakatagpo tayo. Sabi ko noon, ikaw ang gusto kong makasama sa pag-abot ng aking mga pangarap, mga pangarap na bumubuhay sa akin. Hindi ako nabigo at dumating ang araw na nakilala na kita.

Nagkasundo tayo sa iisang bagay, ang pag-abot ng pinakamimithi kong pangarap. Lumipas ang mga araw, linggo, buwan maging taon at magkasama pa rin tayo. Kahit kailan hindi ko naisip na maghihiwalay tayo dahil labis ang pag-iingat na ginagawa ko sa'yo. Ganun ka rin naman sa akin, iniingatan mo ang mga pangarap ko na hindi maglaho. Natutunan kitang mahalin. Kahit ilang beses akong nabigo, hindi mo ko iniwan.

Akala ko walang magiging hadlang sa pagkamit natin sa aking mga pangarap, pero hindi pala, hindi maiiwasan ang mga pagsubok, mga pagsubok na nilampasan natin at mga pagsubok pa na lalampasin natin ng magkasama. Dumating ang araw na pinaka-kinatatakutan ko, hindi na kita nakikita, natuto akong tumingin at humawak sa iba. Ganun pa man, iba pa rin 'pag ikaw ang hawak ko sa mga kamay ko. Hindi nila kayang lampasan kung ano man ang mga pinagdaanan natin. Labis akong nalungkot, iniisip ko ng mag-move-on at humanap na lang ng iba, pero ayoko talaga, ayokong sayangin ang halos 8 taon nating magkasama. Ipinangako ko sa'yo na ikaw dapat ang kasama ko sa araw ng aking tagumpay. Hindi ko dapat sirain ang sumpa ko sa'yo, bilang nag-iisa at natatanging kaagapay sa halos pang-araw-araw na buhay.

Hindi mo ako binigo, isang araw bumalik ka. Nakita kita sa aking higaan, wala kang ipinagbago, kung ano ka noong nawala ka, ganun ka pa rin noong bumalik ka. Salamat sa'yo dahil muli ay masasagot ko na ang 1 + 4 + 3. Salamat mahal kong calculator. Asahan mo, hindi kita ipagpapalit, ikaw at ako hanggang maging enhinyero ako. Pangako.

9 comments:

  1. Hehehe :D Buo na ang comment ko sa ilang sentence na nabasa ko eh, 1 sided ang love, para sa may akda lang ang lahat...kaya pala! Calculator lang pala! :D

    Di nyo ba kasama si T-Square? lolzz

    ReplyDelete
  2. Si Calcu, minsan nang-iiwan talaga yan. Kaya spare sa battery ha!

    At mahirap nga magcompute ng walang calcu kung square root of 1,426,588 ang tanong. aw.

    ReplyDelete
  3. i thought it was a human... calculator pala!!! lol

    www.monzavenue.com

    ReplyDelete
  4. @Lord CM, hahaha. mali ang iyong akala. haha.. di namin masyado kasama si T-square, ECE kasi ako, baka mga civil at arki, tropa nila yun. hehe..

    @Ax, congrats ulit, thanks at napadaan ka. minsan nawawalan ng silbi ang calcu kapag hindi mo din alam kung pano iso-solve ang problem. =))

    @Mon/Melody, HAHA! LOL!

    ReplyDelete
  5. Aw, mas deserving ka pa nga maging number 1 kaysa sa akin. Hehe.

    Honga, mas mahirap kung tatlo ang calcu mo pero hindi mo alam kung paano mo uumpisahan. Aw.

    Oks, gandang araw!

    ReplyDelete
  6. @Ax, lagi kong nararanasan yun. ang mangamote sa exams.. :((

    deserving ka, kaya nga ikaw nanalo e. hehe..

    ReplyDelete
  7. natuwa ako sa post na 'to, mabuhay ang mga inghinyero! masyado akong dependent sa calculator ko. sobrang dependent. parang anhg hirap na kasing mabuhay ngayon pag walang calculator lalo na kung nakakadugong math problems. nakakaasar lang minsan ang calculator, hindi niya kinakaya ang ibang problems!

    anong klaseng Engineering ka? wala lang! nakakatuwa nakahanp na naman ako ng ibang Eng-eng! hakhaK!

    ReplyDelete
  8. @eloiski, tama! mabuhay ang mga ehinyero! salamat sa mga calculator! :)

    ReplyDelete
  9. you're srsly in love with your calcu.lol. akala ko kung kanino ka na inlab haha

    ReplyDelete