Pages - Menu

Monday, February 15, 2010

February 14

Ilang taon na nga ba akong hindi nagce-celebrate ng Valentines? Hindi naman sa hindi nagce-celebrate, siguro nagkakataon lang na kapag Feb.14 wala akong girlfriend o magkaaway kami. Tulad ngayong taon, may girlfriend ako pero ang nakalagay sa facebook ko "it's complicated". Hindi kami magkasundo. Last year ganun din, Feb.14 magkaaway din kami. Bakit kaya ganun? Ewan. Nagkakataon lang siguro na nag-aaway kami 'pag malapit ng mag-14. Sabagay, hindi lang naman tuwing Feb.14 dapat sine-celebrate ang araw ng mga puso (palusot pero ang totoo malungkot, may konting saya rin kasi walang gastos).

Feb.14, 2010. Umaga, gumising, stik-yo kahit walang kain, naligo, nagsuot ng pula(nagkataon lang na red shirt ang naisuot ko), nagbyahe, nagutom, stik-yo ulit, pagdating sa bahay, kain ng madami, tapos tambay. Hindi pa bumababa ang kinain ay nagbasketball agad kaya lang talo, dalawang beses pa. Pagod, tambay ulit at stik-yo. Umuwi ng bahay, nagbukas ng pc, natuksong humiga, nakatulog ng higit 8 oras, nagising bago mag-12am, nakabasa ng mensahe galing kay Gail.

Gail: d pwede matapos ang araw na toh na d kita nababati. Happy valentine's day.sana masaya ka.

Goyo: happy valentines din. di ako masaya, sana kahit ikaw na lang ang masaya.

Ganito lang umikot ang Feb.14, 2010 ko. Akala ko 'di nya ako maaalala ngayon. Salamat naalala mo pa rin ako kahit magkaaway tayo. 'Wag kang mag-alala, ikaw lang ang binati ko ng 'Happy Valentines Day' ngayon. Kailangan ko pa bang sabihin na na-mimiss na kita ng sobra at mahal na mahal kita? Alam mo naman na 'yun.

8 comments:

  1. ANg sweet naman ni Goyo! Hehe :)


    Happy Valentines sa inyo...

    KUNG HEI FAT CHOI!

    ReplyDelete
  2. @lionheart, hihi. ganun po talaga. hihi. bati na nga pala kami. hehe.
    KUNG HEI FAT CHOI din! :)

    ReplyDelete
  3. hehehe pag ako nanalo don di ko tatanggapin,hiya ako, hindi karapat dapat...

    ReplyDelete
  4. awwww.
    bigay lang ng bigay pare.
    hindi dapat nakikipag-away.
    lalo na kapag malapit na ang araw ng mga Puso. hehe
    may nxt time pa naman kaya ayus p[a rin:D

    ReplyDelete
  5. @kosa, onga e. sayang.. ok na naman kami ngayon e..araw araw naman valentines saken. hehe..

    @melody, diba ikaw si kuya mon? :))

    ReplyDelete
  6. kowwww, style ko din yan pre. nakikipag-away kapag balentayms na, para walang regalo tas makikipagbati na lang after haha

    ReplyDelete
  7. @paolo,KOW(jalajala puntuhan) hindi sa ganun, di ako nang-aaway dahil walang regalo, nagkataon lang. hehehe..

    ReplyDelete