Feb 14. Around 3am. Ginising ako ng isang panaginip. May nakita akong isang dalagang napakaganda, napakakinis at singkit ang mga mata. Alam ko pamilyar s'ya, alam ko kilala ko s'ya, alam kong isa s'ya sa mga taong mahal na mahal ko. Ilang segundo pa ng pag-iisip, siguradong-sigurado na 'ko na s'ya nga 'yun. Tuluyan akong ginising ng panaginip na 'to sa gitna ng mahimbing kong tulog, nagising akong umiiyak, nalulungkot at tumutulo ang mga luha; mga luha ng pananabik at panghihinayang. Pananabik dahil 11 taon ko na s'yang 'di nakakasama, panghihinayang na sana dalaga na s'ya, na sana dalawang babae ang pinoprotektahan ko bilang kuya. Feb.19, 1999. Eksaktong 11 taon ang nakalipas, binawi s'ya sa amin ng maykapal.
Alam kong paraan mo 'to ng pagpapaalala na lagi kang and'yan. 'Wag kang mag-alala, hinding hindi nawawala sa isip at puso ko ang lahat ng bagay tungkol sa'yo. Salamat sa pagdalaw mo, salamat hindi na ako nahihirapan sa kaiisip kung ano nang hitsura mo ngayon. Hindi ako nagkamali, lalaki kang isang magandang dalaga. Salamat lagi mo kaming binabantayan at pinoprotektahan. Nawala ka man sa amin sa pisikal, lagi ka namang andito sa puso namin, ni Nanay, ni Tatay at ni Ineng. Namimiss ko na ang paglalaro natin nung mga bata pa tayo, namimiss ko na ang pag-aaway n'yo ng Ate Ineng mo, namimiss ko na ang lahat. Ikaw ang paborito ni Lolo, ni Lola, ikaw ang paborito namin. Mahal na mahal ka namin Jazelle. Alam ko masaya ka na d'yan kasama ni Lolo Ross at Lolo Guring. Mag-iingat ka lagi ha. Bigyan mo ng lakas ng loob si Tatay at Nanay. Alam ko umiiyak din sila ngayon.

Kuya Alexis at Bunso Jazelle
I miss you so much bunso. :,(
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletein all fairness nakakamiss talaga ang mga taong maagang binawi ni BRO. anyway congrats pala! you made it sa top 10 ah!
ReplyDelete:-( sorry to hear that!!! anyway if you read the Bible you can read comforting message from the Scriptures about the hope for the dead.
ReplyDeleteI am sorry to hear that... anyway I have added you on my blogroll... hope you can checked it out... :D
ReplyDeletethat's sad sorry to hear that but yeah good thing you and your family have moved on.
ReplyDeletehttp://www.monzavenue.com
Salamat sa pag shashare mo ng kwento about your mahal na bunso. Salamat din sa pagdaan sa blog ko. :-)
ReplyDeleteyap, 3 blogs. Sa blog kong "I just wanna live".(www.2timersally.com) mas personal yun though I accept some ads there. dun ko na eexpress ang angst ko sa buhay. haha
ReplyDeleteoh, that's sad. ;( maybe God has better plans for her. She has served her purpose and that is to be the angel in your family.
ReplyDeleteThanks for the add... see you again... :D
ReplyDeleteHi goyo , sagot ko sa pieces of emotion message mo:
ReplyDeleteoo nga ganun na nga hirap kalaban ng puso, Gusto na ng isip ko piliin ko sarili ko but then my sarili yata talagang isip ang puso. Nakakawala ng tino. wahhh!!!
di pa po tau nag xchange links. i-lilink na po kita. salamat!
ReplyDeleteSame with my Dad...
ReplyDeleteNgaon ang pababang luksa niya... :(
how sad, i understand how it feels, i also miss my padzki. but i know the good thing is they will never ever feel pain again. they're happy in the arms of our god.
ReplyDeletengayon ko lang nabasa toh ahh. nakakalungkot naman yan. ganyan din yung nangyari sa akin itong nakaraang linggo lang. napanaginipan ko din lola ko. kaya natin toh.tama ka, dyan lang sila lagi para bantayan tayo.
ReplyDelete@mary, tama tama.. anjan lang sila para bantayan tayo.. -_-
ReplyDelete