Pages - Menu

Friday, February 12, 2010

Para sa araw ng mga puso at nagkikiskisang mga nguso.

Malapit na ang Valentines. Legal na naman magpaka-cheesy at magpaka-baduy. Madami na namang halaman ang malulungkot dahil sa bulaklak na pinitas, madami na namang ngipin ang sasakit dahil sa tsokolate, madami na namang misis ang malulungkot dahil hindi sila ang inuwian ng mga asawa nila, at madami na namang hotel at motel ang kikita dahil sa dami ng magtse-check-in, madami ring sanggol ang posibleng mabuo. Burahin natin. 'Wag nating isipin ang masasamang bagay.

Ikaw ba ay single at problemado dahil wala kang date sa araw ng mga puso? Isa ka bang bading na nangangarap ng date kasama ang pantasya mo? O isa ka sa malulungkot dahil ang asawa mo ay OFW at malayo sa'yo? O 'di kaya nama'y maluluha dahil maaalala mo na naman na iniwan ka ng asawa mo? Sabi ko nga kanina, burahin natin!

Ang araw ng mga puso ay hindi lang para sa mga magkabiyak na nagmamahalan. Kung ikaw ay single, hindi ka naman dapat malungkot dahil wala kang date. Parang ang babaw naman nun na malulungkot ka pa e isang araw lang naman. Bakit hindi mo i-treat ang sarili mo? Magpagupit ka, spa, bumili ka ng bagong damit etc. O 'di kaya naman ay matulog buong araw, paggising mo tapos na ang Valentines at sigurado balik sa normal na araw.

Kung ikaw naman ay isang bading at nangangarap ng magarbong date sa pantasya mo, 'wag kang magdalawang isip na magbigay at magpahayag ng nararamdaman mo. 'Wag lang sanang hahantong sa puntong kakainisan ka ng napupusuan mo. Kung tanggihan n'ya ang ibinibigay mo, 'wag kang magagalit. Siguro hindi n'ya lang naiintindihan ang nararamdaman mo, ang mahalaga sinubukan mo.

Kung ikaw naman ay isa sa mga misis na ang asawa ay malayo sa'yo o di kaya ay tuluyan ng sumaka-bilang bahay, 'wag kang malungkot, and'yan ang mga anak mo na maaaring sumama sa'yo sa pagdiriwang ng araw ng mga puso.

Tulad nga ng sabi ko, ang Araw ng mga Puso ay hindi lang para sa mga couple. Ito ay para sa lahat, basta marunong kang magmahal at marunong magpahalaga sa mga taong malalapit sa'yo. Kung ang pinoproblema mo ay ka-date? Sinasabi ko sa'yo, hindi mo kailangan nun para lang makiuso at maging masaya sa Valentines. Lagi mong tatandaan na may mga taong higit na nagmamahal sa'yo lampas sa kayang ibigay ng ex-bf/gf mo.

Sino pa nga ba? Syempre ang PAMILYA at mga KAIBIGAN mo. Ang simpleng pagbati sa mga kaibigan mo ay mahalagang bagay na. Kung nakakaluwag ka naman, ang simpleng regalo na nagpapakita na naaalala mo sila ay ok din. Mararamdaman nila na mahalaga sila sa'yo. Higit sa lahat ang pamilya mo, ipakita mo na mahalaga sila sa'yo, yakapin mo at halikan ang nanay at tatay mo. Ganun din ang mga kapatid mo, at sabihin mo na mahal mo sila. Sigurado ako gagaan ang pakiramdam mo, ang simpleng salu-salo ng pamilya ay maganda ring gawin, o kaya naman ay manood kayo ng sine. Family date, parang ganun na nga. Sino pang magsasabing magiging malungkot ka sa Feb.14 kahit wala kang kapareha? Wala.

Sana maging masaya tayong lahat sa Valentines Day! Happy Valentines!

Nga pala, pinapagaan ko lang ang loob n'yo, pero ang totoo iba talaga kapag may girlfriend o boyfriend na nagmamahal sa'yo. Hehe.

7 comments:

  1. isa munang masigabong palakpakan...

    ayus na ayus!!!

    at tingin ko wala kang date sa Puso day? hehehe..

    unang dalaw ko po dito

    ReplyDelete
  2. Hi there! I was wondering if you would consider posting an article of mine. It's about an up and coming band about to enter mainstream this year. They are currently working with D.Bascombe, the producer/ mixer who has collaborated with Kylie Minogue, Natalie Imbruglia, Verve, Suede, etc.

    I'm willing to pay $0.10 via PayPal for your efforts. :) I'm providing you the article and pics, including a free mp3 of the band's song. :D The article may also help drive a different population demographic to your site, which will hopefully further increase your readership. :D

    Tell me if you're interested in posting my article. Please email me at doc_alma_jones [at] yahoo [dot] com. And feel free to erase my comment after you've read it. Thanks for your time!

    Cheers,
    A.J.

    ReplyDelete
  3. @kosa, CLAP CLAP CLAP! :)
    salamat sa pagbisita pre..
    meron akong kapareha sa araw ng mga puso..di pwedeng wala. :)

    @hindi nagpakilala,
    ayoko po. $0.10? no thanks. HAHA!

    ReplyDelete
  4. woot! isa ako sa mga walang partner pero I will date my family on Sunday, Happy puso goyo at happy puso sa ka-valentine mo

    ReplyDelete
  5. @jamie, nice nice..sunday kasi valentines e. nasa bahay ako. hehe..
    Happy valentines sa lahat. :)

    ReplyDelete
  6. Talagang palusot... ANg galing!


    Hehe :) Happy Valentines Goyo! Mabuhay ang mga single... :)

    ReplyDelete
  7. @Mangyan, Happy Vday din. Mabuhay silang mga single. hehe. :))

    ReplyDelete