Pages - Menu

Monday, February 8, 2010

Simula na pala?

Ito na ba ang simula ng pagbabago?

                    

Ewan ko, hindi ko alam! Ang alam ko lang, at kanina ko lang nalaman na bukas (Feb.9)  ay magsisimula na ang pangangampanya ng mga gustong maging bagong presidente ng bansa. Pero bakit maaga atang nagsimula ang iba sa kampanya? Hindi ko rin alam.

Hanggang ngayon nalilito pa rin ako kung sino ba talaga ang iboboto ko. Ganito pala ang pressure ng first time voter, ganito pala kapag kahit papa'no umaasa ka na sa gagawin mong pagboto ay may mababago sa buhay mo. Ganito pala kapag hindi ka sigurado sa pagpipilian mo. Ganito pala yun? Kainaman.

Noynoy? Sabi n'ya "hindi sya magnanakaw!". Naniniwala naman ako dun, pero sa kakayahan n'ya? Marami pa siguro  akong gustong makita.

Delos Reyes? Hindi ko pa s'ya kilala. Advantage nga siguro ng maaga nangampanya 'yun, makikilala agad ng tao ang pangalan nila. Hihintayin ko ang linya nito sa commercial n'ya kapag meron na.

Estrada? Taas ang kamay ng may lolo't lola na hindi nakakakilala sa kanya? Kahit ako kilala ko s'ya, 13th President of the Philippines. "ERAP sa 2010 Tuloy na tuloy na!", eto na nga tumuloy na.

Gordon? Richard Gordon. Pamilyar din ang pangalan n'ya, senador s'ya diba? Si DICK. 'Yun lang ang alam ko. Ewan ko lang kung sing tigas din ng dick ang paninindigan nito.

Madrigal? Senador din 'to. Hihintayin ko na lang din ang campaign ads n'ya.

Teodoro? Si Gibo Teodoro, "matalino na, piloto pa!". Sabi n'ya naka-take-off na raw tayo dati pa, handang handa ng lumipad!

Villanueva? JIL leader. Yellow din ang favorite color tulad ni Noynoy.

Villar? S'ya ang tunay na mahirap. Sabi pa, "si Manny Villar ang magtatapos ng ating kahirapan!".

Kung ito lang ang alam ko sa kanila, makakapili ba ko ng pinaka-"tamang" presidente? Kung sa commercial lang at kampanya kami makakakuha ng impormasyon sa kanila, tatama kaya ang iboboto namin? Hindi ko alam. Ang alam ko lang, asahan na ang mas mahabang airing ng mga ads nila sa TV at ang direktang paghikayat nila na makuha ang boto ng bawat Pilipino.

Kailangan ko atang manood ng mga debate at forum sa TV para sa karagdagang impormasyon sa kanila. Matagal pa naman ang eleksyon, p'wede n'yo pa kaming bolahin at kumbinsihin.

7 comments:

  1. ah parang ayaw ko ng bumoto...lol...jijiji...

    ReplyDelete
  2. @jag, bakit naman? wala ding nangyayari?

    ReplyDelete
  3. noynoy ako pero secret lang ha hehe pinakaproblema kasi ng bansa natin ang korapsyon at kay noynoy, kahit papano ay mababawasan siguro. sana. kahit papano.

    nakalink ka na :)

    ReplyDelete
  4. wala kasi ako sa jalajala kaya wala ako maisulat about jalajala hahaha kapag may isusulat kang tungkol sa JJ, sabihan mo ko ha. para mai-post ko sa blog, naka link syempre sayo hehe

    ReplyDelete
  5. My heart belongs to Villar. Taga Las Pinas kasi ako at masasabi kong okey dito. Tapos I also love Binay. Tumira din kasi ako sa Makati at ayos din dun (Ganon kami sa Makati!)

    ReplyDelete
  6. @paolo, nasan ka na? sa Afghan ba? hehe.. kilala ba kita talaga sa personal? :))

    @kat, di pa rin ako nakakapagdecide kung sino talaga..salamat po sa komento.. :)

    ReplyDelete