Pages - Menu

Sunday, March 14, 2010

Facebook Pinoy

Taong 2005 ako unang sumali sa Friendster. Naadik din ako sa Friendster tulad mo. Marami rin akong naging kaibigan doon lalo na sa mga groups na sinasalihan ko na may parehong interes tulad sa'ken. Sa Friendster din ako unang sumubok mag-blog.

Tandang tanda mo pa ba na every week ata nagpapalit tayo ng lay-out? E 'yung mga panahon na kinukulit mo ang mga kaibigan mo para bigyan ka ng malupit na testimonials tanda mo pa? Ilan na ba ang na-meet mo dahil sa friendster? Tanda mo pa? Ilan lang siguro 'yan sa mga alaala ko sa Friendster. Kung may mga bagay na nagustuhan ko sa Friendster, may mga bagay din naman ang biglang nagsulputan para masira 'to. Unang una, nakakainis minsan na may hinihintay ka na message sa inbox mo pero pagbukas mo, nanalo ka raw ng cellphone. Madalas pa ay mga cute na picture ang gamit. Spam! Bot! Mahirap din mag-upload, laging failed o kaya naman 'yung pinaghirapan mong pose na i-u-upload mo, [x] lang ang makikita mo. Sa mga groups naman, lagi namin na-e-encounter si WebMaster. Ayaw n'ya atang magpost kami sa mga discussion. Ang bulletin board punong puno ng mga walang kwentang mensahe, 'yung mga importante natatabunan lang. Isa pa sa nakakainis sa Friendster, ang hirap hanapin ng mga kakilala mo. Bukod sa maraming poser, ang dami pang arte sa pangalan ng mga member. Kung hanggang ngayon ay panatiko ka pa rin ng friendster, pwede bang add mo 'ko at magbasa ka sa mga kalokohan sa Friendster blog ko? Penge rin akong testi, add mo ko accept ko po agad.

Alam mo ba kung gaano karaming Pinoy na ang may Facebook? At nadadagdagan pa.


Halos lampas 2 taon na akong may Facebook pero 'di ko s'ya ginagamit dati at hindi ko naisip na gagamitin ko rin 'to pagdating ng panahon. Isa lang ang friend ko noon. Hanggang sa pagpasok ng taong  2009, mabilis ang naging pagsikat ng Facebook sa mga Pinoy kasabay ng pagbagsak ng Friendster. Naging sunud-sunod ang mga nagtatanong kung may Facebook daw ba ako. Add-add, accept-accept. Patok na patok sa mga kabataan at matatanda ang mga laro sa Facebook, unang-una s'yempre ang Farmville. Umamin ka na may Farmville ka rin tulad ko at kahit malaki ang katawan mo, alam ko na mahilig ka ring magtanim!

Bukod sa mga games sa FB, marami pang application dito at features ang maganda. Madaling mag-update ng status, p'wedeng magcomment ang mga friends mo sa status mo, pictures at kahit anong i-post mo, at updated ka pa dahil sa notifications. Bukod sa madaling magshare ng pictures, pwede ring magshare ng links at videos. Pati nga mga lakad ng tao meron sa FB. Ok din ang Friends Suggestions ng Facebook. Madali mong makikita ang mga kakilala mo, pagkatapos mong i-add ang cheka o long lost friend mo, madaling chikahin dahil may chat din dito. Sa Facebook, limitado ang mga impostor at madaling mahuli, limitado rin ang mga spammer. Sa kabila ng magagandang offers ng Facebook, may mga bagay na nakakainis din kung minsan. Tulad ng mga walang kwentang application na nagpapadumi lang sa wall, ang walang kamatayang "gift mo ko - gift mo ko", at "buy mo 'ko - buy mo 'ko!". Kaya madalas offline ako sa chat dahil dito. Dahil din sa facebook, ang mga noypi na dati'y walang hilig sa internet, hooked na rin ngayon. Magugulat ka na lang, in-add ka ng nanay ni ano, o kaya naman may Facebook pala si ano. Hilig din ng mga Pinoy sa facebook ang madalas na pagpapalit ng status: married, engage, single etc.

Ngayon ang uso naman sa Facebook Pinoy style ay ang walang kamatayang TAGS. Usong uso rin ngayon ang pagiging fan ng iba't ibang page. Pati nga ako dahil sa pagiging adik, madami nang nagawang Fan Page. Fan page para sa sarili ko at sa blog ko. Kapalan lang ng mukha.

Pero alam mo ba kung anong nakatawag ng pansin ko sa facebook?

Ang pulitika pati Facebook hindi pinaligtas. Mapa-mataas na opisyal na kandidato man o mga lokal e sagaran ang pamumulitika sa tambayan at libangan ng marami kapag walang magawa. 'Yung iba nagsisiraan pa, puro updates sa mga project-project, puro ang bangayan at tirahan, PINOY POLITICS nga naman. Puro ang pasikat at pabango sa pangalan ang ginagawa. Sana nga matapos na ang eleksyon, tingnan natin kung patuloy pa rin sa pag-u-update itong mga mokong na 'to kapag naging talunan sa eleksyon. Abangan na lang natin kung sinong matitira.

13 comments:

  1. pramis, wala akong farmville. haha!
    isa pa jan, nakakatuwa na nagulat nalang ako nung in-add ako ng bunso kong kpatid na 9years old. san ka pa! haha. (:

    iba talaga ang kulturang pinoy. khit saan, dinadala. ehe!

    ReplyDelete
  2. hahha. ang dming accnt s fb ah! hehhhe..(hnd k nmn adik nyan!) :)

    wawa nga friendster q nacoma nah dhl d q gngmit hehhe. (dun dn aq unang nagblog e hehhe)... xge add kta accept agd h! ehheh

    ReplyDelete
  3. yeah noon friendster pro ngayon facebook rules nah!!!! ganda kasi ng mga games nila... especially all the farming,,, i even have farmville, farmtown,, happy aquarium etc etc...

    ReplyDelete
  4. @Elias, sinabi mo pa. pati nga yung may mga tagas sa lugar namin may FB e. kaya lang peke. haha..QUIT na ko sa FV e. haha. nakaka-gay kasi. haha.

    iba talaga ang noypi. kahit saan. \m/

    @kayedee, isa lang po account ko sa facebook. hehe.. fan page lang yung mga ginagawa ko. haha. sige po add mo sa FS. accept agad to. haha..


    @melody, tama! tama! FB rules na! malulupit kasi yung apps nila.
    pero di na ko naglalaro ng mga games sa FB e. tinamad na ko..hehe.

    ReplyDelete
  5. Wala akong Friendster, ni-delete ko at wala rin sana akong balak mag FB kaso kinailangan, ayun! naadik sa FB pero wala akong farmville :D

    ReplyDelete
  6. ako, hindi ako adik sa FB. pero nagagamit ko lng ito kung gusto kong ma-update sa mga kaibigan ko...hindi din ako maxadong naguupdate sa FB hehehehe....

    ReplyDelete
  7. @Lord, di na ko naglalaro sa FB ngayon..hehe. share lang ng links ginagawa ko dun ngayon. haha.

    @Jag, ako din. sa mga classmates ko.. hehe. tsaka dun kasi talaga ako nagkakalat ng lagim tungkol sa blog ko.hehe.. baguhan kasi ako sa blogosperyo..hehe.

    @Nep, eto ka ..l..

    ReplyDelete
  8. na- add n kta s fs.. hataw sa comments ah ehheh...

    ReplyDelete
  9. @kayedee, na-accept ko na po. haha. talagang in-add mo ko ha.. =))

    ReplyDelete
  10. ako rin eh matagal na yung facebook ko. gumawa ako noon pero hindi ko ginalaw. wala lang para lang may account.
    at ayun dun ko nakita may importansya pala! hakhak!
    marami naadik sa fb. pero hindi sa akin masyado.
    naglaro rin ako ng fv kaso hanggang level 4 lang. nagsawa din agad.
    mas mataas pa level ko sa ninja saga kaso ayun, nagsawa ulit!

    ReplyDelete
  11. Parehas pala tayo e! Hehe :)


    May mga FAN PAGES din akong ginawa! Haha!

    ReplyDelete
  12. @eloiski, siguro may iba ka pang FB. di ko pa kasi nakikita face mo.. hekhek.. =))

    @mangyan, oo, haha.. kapag trip ko gumawa, gumagawa ako..hahaha.. hirap din magparami ng fans. haha..

    ReplyDelete