Pages - Menu

Thursday, March 25, 2010

Kwentong FX

Noong sabado, sobrang init! Araw-araw naman atang mainit. Sabado na naman, uwian na naman sa Rizal. Ang totoo mas gusto ko dun mag-stay kesa sa Maynila. Kaya lang 'pag nasa Rizal ako, 'di ako makapag-online ng matagal, silip-silip lang. Ang masarap naman kapag andun, e 'yung pagtambay at paglalaro ng basketball kasama ang mga kalugar. At ang sumagap ng tsismis, biro lang ang parteng 'to. Teka, napapalihis na ata ako sa title nitong post na 'to. Simulan na ang walang kwentang kwento.

Sa loob ng FX. Akala ko noong una, tulad lang 'to ng ibang mga sabado na magbabyahe at mangagalay ang mahaba kong binti at mangingime ang medium size kong betlog dahil sa sikip ng FX, nagkamali ako. Mahaba ang pila, kapuna-puna ang dalawang babae sa pila na biglang naging anim. May sumingit ata sabi ko. Medyo nakakainis, kasi ang tagal ko sa pila tapos may sisingit lang. Makalipas ang ilang minuto ay may sumimple pang isa, at sa harap ko pa. Tulo na nga ang pawis ko, pati puso ko apektado sa inis. Sa loob ng FX, nalaman ko na hindi pala sumingit ang isang pamilya, mga yaya pala nila ang dalawang kasama, at hindi lang sila pumila kasi mainit sa pilahan. Mayayaman nga naman, parang ayaw man lang mapawisan, may taga-pila pa. Pinalampas ko na lang ang insidente, wala rin naman akong mapapala. Bukod don, maganda naman kasi si ate na amo nila. 'Di ko maiwasan na hindi mapatingin sa hot and sexy mom with her cool husband. Halata na mga mayayaman sila sa dating palang ng pinag-uusapan. Ewan ko ba pero bakit ang hilig kong makinig sa kwentuhan ng iba lalo na 'pag walang magawa.

Hot Mom: 'Di ako excited sa summer ngayon, ang taba ko pa kasi.

Goyo (sa isip): *'Di naman ah, sexy mo nga e, maganda pa.*

*biglang nagpalit ang tugtog sa loob ng FX.

"Oh, kiss me beneath the milky twilight
Lead me out on the moonlit floor
Lift your open hand
Strike up the band and make the fireflies dance
Silver moon's sparkling
So kiss me"

Hot Mom: (sumasabay sa kanta).

Goyo (sa isip): *Hindi pwede, and'yan ang asawa mo! LOL*

Deretso lang ang takbo ng FX, 'di ko na pinansin si hot mom, kasi hindi rin naman n'ya ako pinapansin at hindi naman talaga ako nagpapapansin. Akala ko tapos na ang pag-uusap ko sa isip, pero hindi pa pala dahil biglang may nag-ring na phone. Sinagot ng lalaki.

Lalaki: Hello! Napatawag ka?

Kausap: ('di ko alam ang mga sinasabi, malamang).

Lalaki: Ok na! Nakabili na kami. Dalawa 'yung binili ko, 'yung isa si ano ang pumili, 'yung isa ako, magaganda 'yung swimsuit na napili namin.

Kausap: ....

Lalaki: Ready na tayo sa summer natin, pati sa birthday celebration.

Kausap: ....

*Nagulat na lang ako ng biglang tumaas ang boses ng lalaki*

Lalaki:  TANGA ka ba?! May cake bang tiangge?!

Napansin ko lang na ang mga kalbo ata, magaganda ang gelpren at nagiging asawa. Salamat nga pala sa kaklase ko noong highschool, ng dahil sa'yo, hindi ang mga paborito kong fishball, kikiam at kwek-kwek ang naging meryenda ko. Naging Chowking. At cake sa tiangge.

Lumindol nga pala. Magdasal po tayo mga kapatid.

10 comments:

  1. anu anu napapansin!! hahaha maganda sa lipunan natin naun.. eto talaga nakakatuwa e

    Goyo (sa isip): *hindi pwede, andyan Husband mo. LOL*

    HAHAHAHHAHA

    ReplyDelete
  2. yeah very hot talaga ngayon...
    sobra!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  3. wahahaha..astig chong..napatawa mo ako,..whahaha...sexy yung pix mo sa baba ha..kahit naka-BW

    ReplyDelete
  4. hehehe.. ang dmi ung npapansin goyo! :)

    e kung myaman cla bkt wlang sriling sskyan??hehe

    npansin q din un..bkt halos lht ng kalbo hot ang wifey?? hehe.. kaya magpakalbo k n rin pra magkaroon k ng hot mama! nyahaha

    ReplyDelete
  5. hehehe.. ang dmi ung npapansin goyo! :)

    e kung myaman cla bkt wlang sriling sskyan??hehe

    npansin q din un..bkt halos lht ng kalbo hot ang wifey?? hehe.. kaya magpakalbo k n rin pra magkaroon k ng hot mama! nyahaha

    ReplyDelete
  6. yan ang tunay na gingineer. hakhak.
    may pagkatsismoso. keen observant.
    matalas ang mata sa chix!
    langya!

    apir!

    btw, ang ganda ng musika dito. hakhak! rakenrol!

    ReplyDelete
  7. pasaway, nakikinig sa usapan :) gawain ko din yan minsan di naman maiiwasan tapos sa isip mo m akikitawa ka :)

    by the way ho, na add na kita sa roll,, cnxa delayed ng unti :) salamat po

    hirap marinig yung sa komment ;)

    ReplyDelete
  8. moso. anlakas ng chismax hehe. mala-cougar si hot mom

    ReplyDelete