Pages - Menu

Monday, March 8, 2010

Para sa inyo

Babala: Patnubay ng utak ay kailangan.

Ito ay para sa lahat ng kapwa ko Pilipino.  Para sa lahat ng Pinoy sa buong mundo. Para sa lahat ng OFW na tinitiis ang lungkot sa ibang bansa para sa pangarap sa pamilya. Para sa lahat ng Pinoy na nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Saludo ako sa inyo!

Ito ay para sa mga tamad kong kababayan. Walang ginawa kung hindi magtsismisan. Wala na ngang madukot nagsusugal pa. Walang inatupag kung hindi tumambay. Kung sino pang walang trabaho, sila pa ang laging pagod at puyat. Kung sino pang wala, sila pa ang may ganang mag-inom at magsaya.

Ito ay para sa mga putang inang pulitiko na walang ginawa kung hindi ang magnakaw sa kaban ng bayan. Ito'y para sa iilang kababayan na tunay ang paglilingkod sa bayan.

Ito ay para sa mga tiwaling pulis na sakit na ata ang mangotong. Ito ay para sa mga tunay na pulis, matuwid at tama ang paglilingkod.

Para sa mga kriminal na hindi alam ang halaga ng buhay. Para sa mga ka-kosa na nakulong sa kasalanang hindi sila ang gumawa. Para sa mga bilanggo na handa at tunay na gustong magbago.

Ito ay para sa lahat ng atletang patuloy na nagwawagayway sa ating bandila. Ito ay para sa lahat ng artista na puro arte lang naman ang alam, at sa mga artistang tunay na alagad ng sining. Para sa mga direktor, sa malulupit at astig nilang pelikula, at sa ilang direktor na mahilig magsayang ng kuryente sa tuwing may shooting ng walang kwentang pelikula. Para sa lahat ng alagad ng sining, lalo sa mga manunulat, sa lahat ng akda n'yong patuloy na humahaplos sa aming mga buhay. Salamat sa inspirasyon.

Para sa lahat ng malulupit na banda, sa inyong malulupit na musika. Sa lahat ng singer, sa laging pagpapakilig sa amin. Sa lahat ng hiphop, laging may dahilan para magsaya sa musika n'yong dala.

Para sa lahat ng adik, sa lahat ng tulak ng droga, sa lahat ng holdaper at isnatser. Para sa inyo rin 'to.

Ito ay para sa lahat ng prosti at pakawala na may iba't ibang dalang kwento at dahilan sa paglipad ng mababa.

Ito ay para sa lahat ng anak mayaman, na hindi alam ang hirap para kumita ng pera. Para sa mga mahihirap, na nabubuhay sa pangarap, 'wag kang bibitiw, isang araw maaabot mo rin 'yan. Ito ay para sa lahat ng istudyante na puro pagrereklamo ang alam sa mahirap na aralin sa eskwela, sana maisip n'yo na ang iba hindi nag-aaral. Para sa lahat ng takaw tingin, at matakaw talaga, tang ina n'yo maraming gutom.

Ito ay para sa lahat babaero at lalakero, hindi ka na nahiya sa sarili mong asawa. Para sa lahat ng asawa na nagpatawad para mabuo ang pamilya. Para rin sa marami na hindi lang isa ang pamilya.

Ito ay para sa lahat ng may facebook, sa lahat ng naglalaro ng farmville. Ito ay para sa lahat ng imba sa dota at sa lahat ng mahinang klase.

Ito ay para sa mga butihing guro. Para sa mga doktor at nurse. Para sa mga kabataan na laging bagsak sa eskwela, 'wag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa.

Para sa lahat ng bakla at tomboy na mas nakakatulong pa ata sa ekonomiya ng bansa kesa sa mga malalaki ang katawan, puro tambay lang naman ang alam. Para rin sa mga manyakis at mahilig sa laman.

Para sa mga bully sa eskwela, para rin sa mga laging kinakawawa, kailan ka kaya papalag at magsasawa?

Para sa lahat ng hindi nabiyayaan ng hitsura, 'wag kang malungkot, walang dapat ikahiya kung mabuti ka namang tao. Para sa lahat ng mahilig manlait pero ayaw malalait. Sa lahat ng madamot, sa lahat ng mapagbigay.

Sa lahat ng matatanda, na sa kasamaang palad ay iniwan ng pamilya at inabandona. Para sa mga kababayang may sira sa tuktok, kita-kita tayo sa mundong tayo lang ang may likha.

Ito ay para sa mga kabataang maagang nabuntis, isipin mong mapalad ka at nagkaanak ka dahil ang iba kahit kailan hindi na magkakaanak pa. Para sa lahat ng hindi pinanagutan, sa lahat ng anak sa labas, sa lahat ng may anak sa labas.

Ito ay para sa may lasenggong tatay, sa may sugalerang ina, mapalad ka pa rin at may mga magulang ka, dahil may mga tao na kahit minsan hindi nakasama ang mga magulang nila.

Para sa lahat ng driver at kundoktor, para sa lahat ng taga-linis, taga-luto, sa lahat ng tindera, sa lahat ng barbero, manikurista at pedikurista.

Ito ay para sa mga feeling maganda at gwapings. Ok lang 'yan, atleast may tiwala ka sa sarili mo. Para sa lahat ng taong yamot sa'yo.

Para sa lahat ng inggitero at talangka. Para sa lahat ng sipsip sa boss, para rin sa mga boss na mahilig mang-harass.

Ito ay para sa lahat ng boboto ngayong taon, ito ay para sa mga kandidato.

Ito ay para sa mga taong laging bigo sa pag-ibig, sa lahat ng mapaglaro at tapat kung magmahal. Ito ay para sa mga taong hindi marunong magmahal.

Pagod na ko. Ang hirap pala isa-isahin ng mga karakter at klase ng tao.

Sa lahat ng sexy at hot! Sa lahat ng chubby at fat! Sa lahat ng nagbabasa dito, ito ay para sa inyo. Teka, nasan ba ako at ikaw dito?

21 comments:

  1. Sa lahat ng sexy, at hot! - PRESENT! haha napagod ako magbasa ah haha nice one goyo!

    ReplyDelete
  2. walangya! kung iisa-isahin mo lahat lahat! magiging poreber na ang pagtatype mo!

    ReplyDelete
  3. Naks.. Lahat pinoy na pinoy.. hehe.. malapit na elksyon.. vote wisely

    ReplyDelete
  4. ahahhaha funny mo naman inisa-isa mo pa lahat!!!! para sa adik sa farmville---ako yun!!! hahahha lol

    ReplyDelete
  5. @jamie, wow sexy at hot. hehe.. kahit ako napagod din magtype. hirap. haha.

    @eloiskie, oo nga e.. kaya nga nagsawa na din ako magtype, parang wala kasing katapusan..haha. di ko pa nga sana ipa-publish pakiramdam ko kasi kulang. nyahaha.

    @walongbote, first visit mo dito. thanks po.. :) yep, boboto ako ng wais. :)

    @melody, retired na ko sa FV e. haha.. nagsawa na ko.. hehe..

    andun ako sa SEXY AT HOT. kaw asan ka? :)

    ReplyDelete
  6. Pilipinas, Pilipinas kelan ka aangat? hayz!

    ReplyDelete
  7. @jag, kelan nga kaya? puro ata kabulukan ng pinoy ang naisulat ko, lalo sa first part..

    ReplyDelete
  8. nandun ako sa OFW. hihi. pero nag expect ako sa dulo kung ano ang para sa lahat.. kala ko may reserved words after mong banggitin ang lahat.. ^^

    napagod ka na nga sa dami ng binaggit mo!

    napadaan lang pO!

    ReplyDelete
  9. @bonistation, actually meron talaga.. nawala na lang.. ang hirap kasi mag-isip.. haha.. :))

    ReplyDelete
  10. adik. haha! ipagpatuloy ang malayang pagsusulat! sulong.

    ReplyDelete
  11. wla me ma-say kundi ang luffett ng post u n e2.. astig! ;)

    ReplyDelete
  12. @Elias Jayson, tama! isulong ang malayang panulat! salamat din sa pagbisita.. :)

    @kayedee, salamat at nagustuhan mo.. :)

    ReplyDelete
  13. BASTA AKO MABAIT....


    Mapagbuhat lang talaga ako ng bangko madalas....

    ReplyDelete
  14. isang kang tunay na piNoy!.sken ay vote wisely pAra sa kauunlad ng bayan,..nkaka aliw ang goyo adventure..,2lad q ofw ay nkk libang mgbsa ng yung mga mensahe!...so adventure nga!GODBLESS,

    ReplyDelete
  15. @hindi nagpakilala,
    sana po ay nagpakilala kayo.. para napasalamatan ko kayo.. :)

    ReplyDelete
  16. Kbbyan mo ko!work d2 hongkong,tga bayugo,.

    ReplyDelete
  17. ganun po ba.. salamat po sa pagbabasa. :)
    pa-add na lang po sa facebook for more updates ng blog natin.. :)

    ReplyDelete
  18. salamat po ate Verna. na-add ko na po kayo sa FB.. :)

    ReplyDelete
  19. para sa'yo ang pasasalamat ko... ;)

    *ayos 'tong post mo. panalo. hehe... salamat sa idea. *

    ReplyDelete