Pages - Menu

Tuesday, April 13, 2010

Edukasyon



Kuha 'to isang tanghaling tapat na maraming istudyante ang  nasa harap ng isang unibersidad. Ang mga istudyante ay sumisigaw, "Huwag pagkakitaan ang edukasyon!". Maging ako ay sang-ayon dito. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na maraming paaralan ang sumisingil ng mahal sa mga istudyante kapalit ng edukasyon. Hindi rin lingid sa kaalaman natin na maraming kabataan ang wala sa paaralan dahil sa mahal ng tuition. Ang edukasyon ang isa sa pinakamahalagang sangkap sa pag-unlad ng isang indibidwal at ng isang bansa. Kung mapupuno ang Pilipinas ng mga propesyunal, kusang lalakad ang ekonomiya.

"Education RESERVED to us". 'Yan ang sabi ng larawan. Kinabukasan sa muli kong pagdaan sa lugar na 'yan ay bagong pintura na ang sign. Tinakpan na ang hinaing ng mga istudyante. Senyales na ang paaralang isa sa mga nangunguna sa tuwing magtataas ng matrikula ay bingi at bulag sa mga hinaing ng mga kabataang mag-aaral. Bakit parang wala ata silang pake sa hinaing ng mga istudyante? Mas mahalaga ba ang pera at pansariling kapakanan ng iilan kumpara sa kapakanan at kinabukasan ng mas nakararami?

Nakakalungkot, tulad ng isang drama sa pelikula. Kailan kaya mababago ang ganitong sistema. Ngayon na usung-uso ang welga ng mga istudyante dahil sa pagtataas ng matrikula, parang wala namang nangyayari. Pagkatapos mapaos at magwala ng mga kabataan, balik sa dati ang takbo ng bawat paaralan. Walang pwersa na tumutulong para marinig at makita ang mga hinaing. Kailan natin mararamdaman ang pagbabago? Hindi ko alam. Ang tanging alam ko lang, edukasyon lang ang tatapos sa kahirapan  ng bansa natin.

Napakaseryoso ata ng litanya ko sa itaas. Sasamantalahin ko na ang kaseryosohan. Siguro maraming nag-iisip at nagtatanong kung bakit hindi pa ako umaakyat sa entablado ngayon, samantalang 5 taon na ako sa kolehiyo na trimestral pa ang sistema. 'Wag mong isipin na wala akong pagpapahalaga sa edukasyon, sino ba namang tao ang ayaw makatapos ng pag-aaral? Wala! Gustung-gusto ko ng makatapos ng pag-aaral kung alam mo lang. Minsan dismayado na rin ako sa sarili ko. Hindi ako susuko, at makakatapos din ako. Balang araw, mapapatunayan ko din ang sarili ko, at makakabawi sa mga magulang ko.

3 comments:

  1. Kung mapupuno ang Pilipinas ng mga propesyunal, kusang lalakad ang ekonomiya. *like*

    ReplyDelete
  2. Go go goyo! kaya mo yan. Wala naman masama kung yan talaga ang hangarin mo sa buhay. Bilib naman ako sa farting..ai este..fighting spirit mo..Go Pilipinas!

    ReplyDelete
  3. this is due to the commercialization of education in the Philippines....I kinda agree with you...but if you come to think of it. quality education is expensive....wag lang talaga yung subrang mahal ng tuition pero ang turo naman e palpak.yun ang kamuhi-muhi....

    bagong looks ha....lavit~~~~

    ReplyDelete