Pages - Menu

Thursday, April 15, 2010

Prinsipe

Ano kayang pakiramdam ng isang prinsipe? Ang maging si William o si Harry?

Kung isa lang akong prinsipe, mabibili ko lahat ng gusto ko. Walang panga-pangarap kasi lahat kaya kong maabot. Wala akong problema sa babae, kasi sila ang maghahabol sa'kin. Ang mapapangasawa ko, primera klase at hindi basta basta lang. Lahat ng gusto kong kainin makakain ko. Hindi ako kakain ng pagkain na basta basta lang, dapat prescribed ng nutritionist ko.

Kung ako ay isang prinsipe, gwapo ako sa paningin ng mga tao kahit ang totoo hindi masyado. Kung ako ay isang prinsipe, pupunta ako sa buwan! Magagawa ko 'yun kasi marami akong salapi! Hindi madudungisan basta basta ang balat ko ng kahit alikabok. Ang pawis ko, mabango ang amoy. Ang balat ko, makinis, maputi at humahalimuyak sa bango. Abot 'yan hanggang betlog ko.

Kung ako ay isang prinsipe, may mga alalay ako; maraming iiyak at malulungkot kapag nagkasakit ako. Siguro pati kabayo ko mag-aalala kapag nawala ako kahit sandali sa palasyo ko.

Kung ako ay isang prinsipe, si Amang Hari ay ipagmamalaki ako sa mga bagay na posibleng magawa ko sa nasasakupan ko. Si Inang Reyna, tuwang tuwa rin dahil magiting ako, at lagi s'yang bida sa kwentuhan sa mga amigo at amiga n'ya.

Kung ako ay isang prinsipe, may magmamanage ng Fan Page ko sa facebook, at libu-libo ang fans ko. Maraming susunod sa bawat tweet ko. Ang mga blogs puno ng larawan ko lalo na sa bansang ako ang tinitingala. Bawat kilos ko susubaybayan ng mga tao.

Kung ako ay isang prinsipe, lahat ng damit kong isusuot dadaan sa matinding test, baka kasi ma-aallergy ako. Ang sapatos ko, walang katulad at pasadya. Ang brief ko, may burda ng pangalan ko, pero ginto at pilak ang disenyo.

Siguro ang hirap maging prinsipe. Pero alam mo ba, kung isa akong prinsipe, hindi ako lalabas ng naka-jersey lang sa palasyo ko.


7 comments:

  1. at kung ika'y prinsipe, ang jersey mo'y may burda ng iba't ibang klaseng mamahaling bato at yari sa ginto ang sinulid na ginamit. bongga.


    sa may palace in the sky yan noh? hehe

    ReplyDelete
  2. ahahahha ako hindi q gustong maging prinsesa...all your action are being watched!!! ahahaha feeleerrr

    ReplyDelete
  3. bale may mga ganito na palang kaprinsipehan ano. at saan naman ang lugar na yan? mukhang stateside ang dating ng place.
    bale kung prinsipe ka baka hindi na rin ece ang kurso mo. at ano ba ang kursong pangprinsipe. ewan ko. tungkol lang naman sa kagitingan, kagwapuhan ang alam ng mga yan. ahay! bitter much?

    ReplyDelete
  4. naku ang sarap kaya, dami food and lahat.. whoa, wish pinangan ak akong ganun!

    ReplyDelete
  5. PINSAN PA ADD NAMAN SA BLOGROLL MO

    ReplyDelete
  6. @KESO, di naman ata nagje-jersey mga prince e.LOL.
    dun nga ata to. haha. di ko alam name nung place e, basta ang alam ko lang sa Tagaytay. :))

    @melody, LOL! love it. LOL! haha!

    @eloiski, meron nga ata. haha.. may sarili atang eskwelahan mga lintik na prinsipeng yan e. haha.

    @tim, ok na ko na ganito ako, prdinaryo, mas ramdam ko ang tagumpay kapag may nagagawa akong bagay. :)

    @Nep, ..l.. matagal ka ng nasa roll ko. pa-ulit-ulit ampepeness..

    ReplyDelete
  7. wow, astig ng pagtatapos ng entry, kasi in the end, parang sinabi mo nading hindi ka nga prinsipe, kasi naka jersey ka hehe.

    ang galing ng entry! sarap ngang maging prinsipe! wooo saan yung castle na nasa background, pilipinas ba yan!?

    nakiraan lang po...

    BONISTATION.COM

    ReplyDelete