Pages - Menu

Friday, April 9, 2010

Santong Lugar

Naging tradisyon na sa Jalajala, Rizal ang taunang pag-ahon sa tinatawag na Santong Lugar. Maging ang mga kalapit bayan ay pumupunta rin dito. Kasama ang pamilya, barkada at syota, sama samang umaahon ang mga tao Hwebesanto ng gabi at nagpapaabot na ng Byernesanto sa itaas ng bundok. Ang pinakamahabang ruta ng pag-akyat ay magsisimula sa Special Dist. sa Jalajala, sabi pitong bundok daw ang dapat daanan para makarating sa Santong Lugar na nasa dulong bahagi ng bayan ng Jalajala, sa Bagumbong. Hanggang ngayon, di pa rin ako sigurado kung pito talaga ang bundok na nadadaanan kahit ilang beses na akong nakaahon dito.

Elementary ko unang narinig ang tungkol dito. Hangang hanga ako sa kwento ng mga taong nakarating na dito dati, kesyo nakakatakot daw dumaan sa mga bangin at nakakapagod ang pitong bundok. Dahil dun, ginusto ko rin maranasang umahon dito. Tandang tanda ko pa noon, Grade 6 ata ako, pilit ako ng pilit sa mga tito at pinsan ko na isama nila ako. Handang handa  na ang mga dadalhin ko, sapatos, flashlight, at konting pagkain at tubig. Sa kasamaang palad, hindi nila ako ginising noong paalis na sila at nagising ako umaga na. Pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko ay pag-iyak agad ang inatupag ko. Pinaasa lang nila ako. Sabi ni Nanay, sumunod na lang daw kami, magji-jeep daw at tsaka aakyat kapag nasa Bagumbong na. Bwakanginang shit, walang thrill kaya 'di ako pumayag.

Marami rin sa mga nakaahon na dito ang hindi na umuulit, wala naman daw kasing mapapala kundi pagod lang at aksaya sa panahon. Sa katunayan nga, isa lang sa ka-batch ko ang nakita ko doon sa taas, hindi tulad dati na marami. Pansin ko rin na parang kumonti nga ang umahon o konti lang talaga ang nakita kong kakilala. Depende naman siguro sa taong aahon 'yun, itong nakaraang Hwebesanto kasi, plano ko na talagang umahon kahit sino pang makasama ko. Medyo nakapagpromise kasi ako sa itaas na aahon ako kahit anong mangyari, tsaka pasasalamat ko na rin 'yun kasi tinupad n'ya agad ang isa pero napakahalagang hiling ko na p'wedeng makapagpabago sa buhay ko. Salamat Papa God.

May mga tao na naging panata na ang pag-ahon dito. Tulad ng iba kong kakilala na wala atang absent sa pag-ahon mula noong una silang umahon. Itong nakaraang Hwebesanto, ibang-iba talaga ang naging pag-ahon ko. Una, dapat marami akong kasabay na mga kalugar ko, pero naiwanan ako. Pangalawa, dahil naiwanan ako, sa mga pinsan ko na lang dapat ako sasama pero malas dahil nakaalis na pala sila. Umahon tuloy akong mag-isa. Alam ko naman na may makikita pa kong mga kasabay, 'yun nga meron akong nakasabay na mga kakilala rin. Pag-uwi naman, mag-isa na rin akong umuwi. Sa totoo lang mas trip ko noon na umuwi talagang mag-isa, para na rin magawa ko 'yung gusto ko at wala akong hinihintay na tao.

Bakit nga ba umaahon sa Santong Lugar?

1. Posible na panata talaga, lalo 'yung mga pumupunta na may bitbit pang anak kahit matatarik ang ilang dadaanan at malayo talaga. Marami rin ang pumupunta para makapagtirik ng kandila at makapagsimba sa kapilya sa itaas ng bundok. Saludo ako sa ilan na maganda ang hangarin sa pag-ahon. Amen.

2. Nakagawian lang kapag Mahal na Araw, kasi walang magawa? Posible! Lalo na kapag may mga kamag-anak galing Maynila. Pagdating sa itaas, may suma-shot pa! Parang kami lang.

3. Para makasama ang barkada, parang gimik na rin sa bundok dahil alam na maraming bebot ang makikita? P'wede! Chicks hunting at Papa hunting para sa mga bading. Nakakagulat nga e, may nakita akong maganda at sexy na babae, kaya lang nakita ko s'ya sa isang eksena na medyo pinagsisisihan ko. Ikaw ba naman ang makakita ng chikas na umiihi ng nakatayo. Chiksilog.

4. Para makipag-date! Marami ang date lang talaga ang ipinupunta dito. Marami raw kasing p'westuhan sa mga punong kahoy. Medyo romantic pa ang datingan ng lampungan, liwanag ng buwan at damuhan. Parang nasa pelikula lang.

Isa lang nakakalungkot sa Santong Lugar. Dahil sa dami ng umaakyat dito taun-taon, marami ring basura ang iniiwan nila pagbaba. Kahit pa sabihin na may maglilinis pag-alis nila, panget pa ring tingnan ang mga basurang naiwan. Pano naman 'yung mga basurang hindi makikita ng mga tagapag-alaga ng lugar? 'Yun lang naman, medyo environment friendly lang.

Lagi namang masaya ang pag-ahon dito. Laging may bagong istorya. Wala naman masamang magsama ng gf/bf basta alam n'yo kung pano igagalang ang lugar. Kahit siguro ako kung may maisasama, isasama ko rin. Wala ring masamang mag-shot sa itaas, basta walang mapeperwisyo. Kaya lang hinuhuli na ang alak sa itaas ng mga tanod at pulis na gumagala dun para maiwasan ang gulo. Magaganda ang tanawin sa itaas. Sana hindi magbago ito, at sana maabutan pa ng magiging mga anak ko ang tradisyon na ito sa bayan ko.

Yun oh, parang tourism ads lang para sa Jalajala ang datingan.

4 comments:

  1. pag nsa pinas dn aq umaakyat aq s mga mtaas n lugar gaya nyan..twing holy wik kht mataas at nkakapagud worth it pagbaba u db..

    ReplyDelete
  2. wow! mukang masaya yang pag-akyat jan sa Santong Lugar, ah...try ko nga yan next year...usually kasi Alay lakad lang ako sa Antipolo...actually this year lang ako nagvisita iglesia with my boyfriend and his sis na soon-to-be-my-sis na din :)

    ReplyDelete
  3. hays, kanya kaya talagang paniniwala ang mga tao.

    ReplyDelete