Pages - Menu

Monday, April 26, 2010

Who's that jejemon?

Pahinga muna tayo sa pag-uusap tungkol sa pulitika. Makigulo muna tayo sa mga pangyayari sa cyberworld lalo na sa Pinoy Facebook.

Mainit na mainit lalo ngayong tag-init ang usapan sa mga Jejemons. Teka, ano nga ba ang Jejemons?

"GNI2 MgtYPe Ang~ mGA TNTAwg nA jeJeMonS~ p0Wh. Getz u nb, n0H? lOLz! jejeje..."

Ang hirap intindihin minsan lalo na kapag malala ang pagkakasulat at hindi ka pamilyar sa ganitong paraan ng pagsusulat. Kadalasan mga gangsta at hiphop "daw" ang mga jejemons. Madalas silang makikita sa mga social networking sites tulad ng multiply, friendster at ang kinababaliwan ngayon ng mga Pinoy, ang Facebook!

Ako personally, ayoko ng ganitong istilo ng pagtatype at lalong hindi ako panatiko nito. Kahit sa pagtetext hangga't maaari kinukumpleto ko ang lahat ng letra sa bawat salita, p'wera na lang kung nantitrip ako at kailangang-kailangan na paikliin. Totoo na walang masama sa pagta-type ng ganun, oo walang pakialamanan ika nga. Pero dahil sa dami ng tao na ayaw sa ganitong klase ng pagsusulat, nabuo ang kontra sa mga jejemons... ang mga jejebusters!


Sa Facebook, madaming Jejebusters ang gumawa ng mga Fan Page laban sa mga Jejemons. Ano nga bang layunin ng mga Jejebusters na 'to? Itama ang paraan nila ng pagsusulat? Kung ganun nga, sang ayon ako sa kanila. Ang pagiging Jejemon, nakakasira sa bokabularyo lalo sa larangan ng ingles. Maaaring maging mahina ka sa spelling kapag nakasanayan mo na talaga ang pagsulat Jejemon.

Maganda sana ang adhikain ng mga Jejebusters na itama ang pagsusulat ng mga Jejemons, pero sa itinagal tagal ko ng kasali sa ilan sa mga Fan Page ng mga Jejebusters laban sa mga Jejemons, naobserbahan ko na nag-iiba na ata ang kahulugan ng Jeje/Jejemons.


Ang pagiging Jejemon ay hindi kailanman magiging batayan ng buong pagkatao. Hindi porke naka-Jeje Cap, Gangsta o Hiphop ay Jejemon na. Hindi mo naman malalaman na Jejemon ang isang tao kung hindi mo pa 'to nakakausap, nakakatext o nakakachat, pero bakit sa mga Fan Page, may makita lang na Hiphop, Gangsta o kahit naka-jeje cap lang, abot lupa ang panglalait na natatanggap? Ganito ba talaga tayong mga Pinoy? Nauuna ang panghuhusga kesa sa pag-iimbestiga? Imbes na tulungan ang kapwa na umahon, lalong ibinabaon sa putikan.


11 comments:

  1. ako mahilig akong gumamit ng ajijijiji after i crack a joke or when something is funny ano ang katawagan dun? AJIJIMON?

    ReplyDelete
  2. Di man ako kontra sa jejemons na yan, pero asahan mong di ako magrereply kung makatanggap man ako ng txt or message na kagaya ng style ng mga jejemons, lalo't di mo maintindihan :D

    ReplyDelete
  3. natawa naman ako kay kuya jag..wahaha parang ewan lang..hahaha ako mahilig naman sa wahaha at ahihihi wahahamon naman ang tawag sa akin?lols anyway..tama ka sa mga sinabi mo kuya goyo..hindi naman talaga dapat maging basehan ng pagkataon ang kanilang itsura tsak hindi lahat ng hiphop eh jejemon na bakit ang black eyed piece jejemon na dahil hiphop sila o kaya ang pitbull or LMFAO?ganun ba yun gusto nilang palabasin..mukang pati sila na mga jejebusters eh di na rin nagkakaintindihan..

    ReplyDelete
  4. basta ayaw ko sa mga jejemons.
    ayaw ko ang pagsalitype nila.
    ginagawang kumplikado ang lengwahe.
    buti kung sila lang nahihirapan magsalitype, eh kumusta naman ang reader! ajajajaja!

    hakhak!

    ReplyDelete
  5. nako. sobrang overrated na yan mga yan. dapat di na pinapansin.

    ReplyDelete
  6. that's a good point!

    hindi dapat jinajudge kagad ang mga tao based sa appearance niya.. at hindi naman kailangang manlait..

    Im against the jejemons din pero dapat nasa tamang paraan yung pagiging jejebuster..

    www.myfjordz.com

    ReplyDelete
  7. marked the last paragraph as "misplaced judgments"...well said...

    at naiirita ako magbasa ng jejemon!

    haha

    ReplyDelete
  8. ayoko ko din sa text na jejemized. kung makakatanggap ako ng jejemized text na hindi ko talaga mauunawaan, eto ang reply: ????!!!

    ReplyDelete
  9. don't see you in my followers...but saw the link. thanks. be linking you back.

    hope to see more of you in my blog, goyo ;)

    ReplyDelete
  10. naku--kung ako ang milyonaryo---on the way na yang mga yan sa bahay mo ngyn---kahit diko alam address u...hehe. go---dslr and laptop...blogger na blogger ang mga kahilingan.hehe. related. pero yang lapto.magandang invstment yan.hehe

    ReplyDelete