Pages - Menu

Saturday, May 15, 2010

Liham para kay Nanay

Sayang ang pagkakataon ko. Planado na ang liham ko para kay Nanay para sa nagdaang Mother's Day pero 'di ko naman nagawa. Nagkaroon kasi kami ng tampuhan noong araw na 'yun, salamat at naayos din. Pati 'tong post ko huli na rin. Pero ok lang, sabi nga, "huli man at magaling maihahabol din". Tama ba yun?

Hindi ako 'yung tipo na showy sa nararamdaman sa pamilya, kung may naipapakita man ako, madalas 'yung mga oras na galit ako o may tampo. Kahit na ganun sana sa pamamagitan nitong blog ko maipahatid ko kay Nanay kung ano talagang mga nasa loob ko.

Nay, siguro hindi ko lagi naipapakita na mahal na mahal ko kayo, kasi ako 'yung anak na sumasagot sa magulang, lagi napapagalitan at matigas ang ulo. Pero alam n'yo ba na sa tuwing napapagalitan n'yo ako at napagsasabihan, makailang beses itong tumatakbo sa isip ko at pinag-iisipan at inaalala ang mga sinasabi n'yo sa tuwing nag-iisa ako. Ang tingin n'yo sa akin 'di ko pa kaya ang sarili ko, siguro nga totoo 'yun Nay dahil hindi ko naman talaga kaya ang sarili ko kung wala kayo. Kayo ang inspirasyon ko higit sa kahit ano pa man, mukha akong matigas, pero hindi n'yo alam naiiyak ako kapag naiisip ko ang lahat ng sakripisyo n'yo ni Tatay lalo na kayo Nanay. Kung sa pagiging pinakamapag-mahal na Ina, kayo na ang No.1.

Kayo lang ang gusto kong maging Nanay wala ng iba pa. Hindi man tayo nakakaangat sa buhay, pero nagsisikap kayo para maitaguyod kami, naglakas loob nga kayo na pag-aralin ako sa magandang paaralan kahit alam n'yo na mahihirapan tayo. Kasi alam ko na gusto n'yo akong mabigyan ng pinakamahusay na edukasyon. Nahihiya na nga ako sa sarili ko kapag naiisip ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tapos ng pag-aaral, pero lagi kayong nandiyan, handang suportahan ang mga pangarap ko. Kung alam n'yo lang Nay, ang mga pangarap ko isa lang, pangarap ko na tuparin lahat ng pangarap n'yo sa buhay.

Kayo lang ang Nanay na makakaunawa at magpapasensya sa ugali ko. Kayo lang ang Nanay na handang gawin ang lahat para sa amin, nakakahiya man umutang ng umutang, kinakaya n'yo pa rin para sa mga pangarap natin. Kahit ang pinakamahirap na trabaho kinaya n'yo para sa amin. Nag-iisa kayo Nay at walang kapares sa mundo.

Salamat Nay sa pagmamahal nyo sa amin ng mga kapatid ko.

Salamat sa laging pagpapaalala ng mga dapat naming gawin kahit minsan nakukulitan kami sa inyo, sa pagku-kwento ng mga bagay bagay kahit ilang beses nyo ng naikwento.

Salamat Nay sa masasarap na luto sa almusal, tanghalian at hapunan na inihahanda n'yo sa amin. Sa pabaong pagkain sa tuwing ako ay luluwas. Sa paglalaba ng damit namin at sa pagpaplantsa kahit pagod at puyat na kayo ay 'di pa rin kayo titigil hangga't hindi tapos.

Salamat Nay sa pagpuna n'yo lagi sa akin, kahit minsan naiinis ako. Lagi kayong nagpapaalala tungkol sa itsura namin. Naintindihan namin na gusto n'yo lagi kaming maganda at gwapo hindi lang sa paningin n'yo kundi pati sa ibang tao.

Salamat din Nay sa laging pagsasabi na proud kayo na magaganda at gwapo ang mga anak n'yo.

Salamat lalo Nay sa lagi n'yong pag-alam sa kalagayan namin, hindi kayo nakakatulog hangga't wala ako sa bahay dahil lagi kayong nag-aalala.

Salamat Nay sa walang sawang pagmamahal. Salamat Nay at kayo ang naging Ina ko. Balang araw, aahon din tayo at mauubusan ng problema. Matutupad din natin lahat ng pangarap natin. Magsisikap ako at hindi titigil hangga't hindi ako nagtatagumpay, hindi ko kayo bibiguin. Pangako po. Mahal na mahal ko kayo ni Nanay at Tatay.

11 comments:

  1. Happy Mothers Day sa lahat ng Ina! :)

    ReplyDelete
  2. Cindy,.. I love... your mom.. XDD! Nice one master! Yan pa ba ang hindi showy, hahah.

    ReplyDelete
  3. wow..di nga naman gaanong showy ha..hehehe

    ReplyDelete
  4. waw!! hang swit nman..I gez Laht naman Tau eh sobrang ngmamahla lalo na sa ating Ina.. jaz try not to be so hard to them goyo.. Kaht late na belated hapi mothers day sa magandang mommy mo :)

    ReplyDelete
  5. Touched naman ako! happy Mother's Day sa mama mo parekoi!

    PS Wla kang chatbox d2! :)
    Visiting you again!
    INgatz!

    ReplyDelete
  6. wow how sweet mo naman sa mama mo...keep it up!!!

    ReplyDelete
  7. oo late ako, peru babati padin ako.. hehehe

    happy mothers day sa mom mo. :-)

    ReplyDelete
  8. ang ganda naman niyan para sa nanay mo.

    ReplyDelete
  9. salamat po sa inyo mga bumisita.. :)

    ReplyDelete
  10. Wow.. ang sweet ng gawa mo :) sana kapag nagka anak na ko, kasing bait mo.. teheeh XD

    ReplyDelete
  11. hehe. di po ako mabait ate. xD

    ReplyDelete