Lumilipad ako patungo sa buwan na parang kwago. Nagulat na lang ako, may ugat pala akong naiwan sa aming taniman. Sa gitna ng paglipad ay naalala kong may hawak akong lobo, bigla akong napaisip kung kwago ba talaga ako o inililipad lang talaga ako ng hawak na lobo? Tinitigan kong mabuti ang lobo, napansin kong kulay pula ito, laking gulat ko rin ng malaman na may langgam sa loob nito.
Bigla akong nahilo, lasing na ako. Ipapako ang bagong kalendaryo at ihihinto ang lumang kalendaryong alay mo. Alam ko pa ba ang sinasabi ko? Baka nga lasing na ako.
Sakay ng matumal na spaceship sa kalawakang may trapiko. Sa gitna ng paglalakbay sabay-sabay umawit ang mga unggoy na astronot. Walang imik ang pilotong kalabaw kahit rakrakan ang tugtog. Muntik pa kong maiyak sa saliw ng kanta ng maisip ko na pisngi ng maarteng baboy pa rin ang paborito kong ulam.
Kahit maraming langaw 'di ako mahihiyang umutot. Adik ata ako? Hindi, imahinasyon mo lang 'yon. Ang likot ng isip mo, parang kabayong tumatakbo patungong tindahan para bumili ng katol at tumambay sa ibabaw ng kalan.
Ang sakit ng ulo ko. Naalala ko na naman ng kainin mo ang mamon ko, oops teka, ako pala ang unang kumain sa mamon mo. Napangiti na lang ako nung ngitian mo rin ako ng minsang nagsusuklay ako. Baliw na nga ako.
Creative mind..Woooh! Expressing out through writing anything you have been thinkinG! Keep it up! Followed you parekoi! Hope you follow me too! God Bless..Lagay ka naman ulit chatbox d2..
ReplyDeletetake a lot of sleep parekoy! hehehehe
ReplyDeleteAh awkie dookie..I saw youin my followers..Wala ka bang planong maglagay ng chatbox parekoi! Parang nagng chatbox na din etong comment section mo? Hehehe,.,Xenxa!
ReplyDeletegrabeh naman ang takbo ng mind mo..kung saan saan lang napupunta.lol writer ka talaga!!
ReplyDeletegaling ng imahinasyon mo goyo.
ReplyDeletesarap idrawing eh. hohoho
natawa ko sa pisngi ng maarteng baboy. kelangan talaga maarte. hahaha
perstaym ko ata dito?
gusto ko rin sumulat ng ganyan! lolzz
ReplyDeletehaha, ayus ang isipan, napaisip mo talaga ako sa sulat mo dahil parang paligoy ligoy at parang lahat gustu mong gawan ng istorya, hahaha.. ;-)
ReplyDeleteperu ayus, galing ng palaisipan! :-)
nakakawindang ang post na ito...pero i luv it!
ReplyDeletefirst time here! :D
napadaan lang dito..
ReplyDeletemasakit na nga ang ulo ko lalo pang sumakit!! aarrggghh!
iba ka!
at nakakabaliw din tong post mo ha...nagkabuhol-buhol ang convolutions ng brain ko....
ReplyDeletemakatang bata ang iho! ;)
ReplyDeletemissing your comments, hope you would leave me some too.
musta na?!? :-)
ReplyDeletetao po?? goyo?
ReplyDeletelol
tao po??
happy birthday to u, happy birthday to u, happy birthday happy birthday happy birthday to u.. :-)
ReplyDeletepuro naman palaisipan--ang hirap mag-isip ng sagot---pwede bang next time bugtong nalang para definite ang answer.....hehe
ReplyDeletealam mo kasi may bigla na lang mangagalabit tapos sasabihin ng mga takure hibang ka na ba? syempre sasagot ang mga nag--inarteng ninja na walang tao sa bahay niyo ang bait mo daw kasi., ayun lungs naman!
ReplyDeleteako'y nalito. tao ba ako inay? lol \m/
ReplyDeletekung ano man ang iyong nais pahiwatig... saludo ako sayo... talagang masarap kumain ng mamon. lol
Ako'y naghanap ng mga halimbawa ng mga palaisipan (puzzles,mind games)pero dito ako inihatid ni pareng google. langya ka goyo.
ReplyDelete@asel, palaisipan naman ito diba. :)
ReplyDelete