Pages - Menu

Saturday, May 29, 2010

Unang Tikim

Unang tikim?! Unang post ko 'to sa blog ko gamit ang libreng internet sa cellphone, salamat sa Opera Mini. Gumana ba?!

Nakatambay lang ako sa tapat bahay habang isinusulat 'to. Isang nakakatamad na gabi. Ang dami ko sanang gustong i-kwento dito sa tambayan ko sa cyberworld, kaya lang hindi ako makakuha ng magandang tyempo para makapag-online. Sabagay, marami pa namang pagkakataon. Pagtiisan n'yo na lang muna pansamantala ang post na ito, paalala lang 'to na buhay pa ako sa pagba-blog.

Unang tikim din sa paparating na tag-ulan dito sa bayan namin. Ang dating maalinsangan at mabanas na gabi nitong nakaraang tatlong buwan o higit pa ay napalitan ng malamig sa balat na temperatura. Sakto lang ang temperatura lalo na kung sasabayan mo ng ligo. Ganitong mga gabi rin masarap matutulog ng may katabi, 'yung tipong may kahati sa unan at kaagawan sa kumot. May bigla akong namiss.

Unang tikim ko rin sa pagpapainom na medyo may kabigatan sa bulsa ng isang ordinaryong istudyanteng tulad ko. Kahit papano nakaraos ang 21st birthday ko ng masaya kasama ang mga kababata at ilang mga kaibigan. Balang araw, mapapainom ko rin lahat ng kaibigan ko! Siguro kapag kumikita na ako ng limpak limpak na salapi.

Pero sana huling tikim ko na sa pag-aaral sa darating na pasukan. Sa totoo lang, sawang sawa na kong mag-aral! Inuugat na ako sa kolehiyo. Gusto ko ng maranasan ang unang tikim sa unang sweldo. Ang unang tikim sa perang pinaghirapan bunga ng natapos na kurso. Kailan kaya darating yun, kailan kaya?

Edit: Kinabukasan, mainit na naman ang panahon. At hindi pa rin ako tapos sa pag-aaral ko.

24 comments:

  1. matitikman mo din yan parekoy kaya tiis tiis k muna tapusin mo muna pag-aaral mo...God Bless!

    ReplyDelete
  2. Nice one goyo! Gumana nga.Hahaha. =D
    lage lang tandaan, wag mag OperaMini pag 5php and above ang load.Hahah

    ReplyDelete
  3. ano yang opera na yan? anyway...tama nga si jag...pagsabayin na rin ang enjoyment at pag aaral..pede un..pero priorities pa rin haha..parang tatay haha

    ReplyDelete
  4. wow!! ngayon ko lang narinig ang about sa operamini na yan ahh..good info

    ReplyDelete
  5. Ayun. Pasok sa banga. Goodluck sa studies, konting tiis.

    ReplyDelete
  6. ayan na naman, naririnig ko na naman ang mga taong nagsasabing sawang sawa na sila sa pag-aaral.

    parekoy pag nag work ka na, mamimiss ko rin bigla ang pag-aaral.

    masarap talagang umani kapag ikaw yung nagtanim mismo parekoy.

    minsan nga naiisip ko sana araw araw sweldo. haha.

    hindi naman puwede yun, lahat pinagsisikapan.

    ang trabaho parang pag-aaral din yan, paghindi mo pinagbutihan hindi ka makaka graduate..

    in short, masarap uminom pag may perang pag inom. haha.

    tagay*

    ReplyDelete
  7. hahaha, wag kang mag madali goyo, mararanasan murin ang mga unang tikim nayan. :-)

    ReplyDelete
  8. high tech na talaga ngayon ang mga cellphone..

    ReplyDelete
  9. hanep! humahaytech na! haha! hindi ko pa natry mag blog gamit ang phone ko dahil sa charges. Hindi ko kasi ma-avail yang free service na ganyan.. tsk tsk! anyways, kasama ka ba dun sa bloggers meet up sa MOA? hindi kasi ako nakasama dun toink! haha!


    ---
    Join Emerging Influential Blogs 2010 and support my entertainment blog: www.AroundTheBuzzPrimetime.blogspot.com! Click here for more details: http://www.myfjordz.com/2010/05/top-10-emerging-influential-blogs-for.html

    ReplyDelete
  10. mukhang successful namna...at parang gusto ko rin yan. anung phone ang gamit mo? mukhang cool yang opera mini-na yan---pero kailanagn ko muna bumili ng bagong phone. hehe

    ReplyDelete
  11. blog hopping here..

    you will have it tol but later..

    just study hard.. i know all your effort will pay off on time..

    see you around

    ReplyDelete
  12. parehas tayo. tinatamad na rin ako mag-aral!

    ReplyDelete
  13. goyo! salamat sa muling pagdaan sa blog ko.. hehe..

    ayos itong unang tikim!

    ako naman bigla ko namiss ang pag-aaral lalo na nung magsimula na akong magtrabaho.. hehehe!! ansarap pala mag-aral! haha

    Masarap din naman magtrabaho.. hehe!! darating ka din dun goyo konting antay na lang :)

    ReplyDelete
  14. sa totoo lang...natry ko na magtrabaho...mas masarap pa rin tumanggap sa magulang ng allowance, kasi hindi kailangan magpakapagod...hehe;p
    pero masarap din kumita ng sariling pera...kaya lang super pagod muna bago kumita ng limpak limpak!hehehe;P konting tiis pa...makakapag trabaho ka rin...=)

    btw, can we xlinks? thanks!=)

    ReplyDelete
  15. naks! bkit sa cp ko hnd mkpag post?! ahaha..

    npaicp tuloy aq kung anu ang mga unang ikim ko! ahahah..

    ingzt goyo! :)

    ReplyDelete
  16. yung celphone ko may opera mini kaso ayaw magload! baka mahina signal sa sun! tsk.

    o para sa wifi yon?

    ang gulo

    ReplyDelete
  17. nyahahaha... ayos to. limpak limpak na sweldo talaga ba ga?

    ReplyDelete
  18. kala ko kung anong natikman mo..=)) Anyways, Graduating ka na ba goyo? =)) Goodluck na lang! Sawa na din ako sa kolehiyo..

    ReplyDelete
  19. ay naks. bumablog gamit ang selpon. yabangis. gip mo yan?

    hintay na lang. kunting tiis na lang. woohoo1 gagraduate din tayo.
    sa tingin ko enjoyin na lang muna natin ang pagiging estudyante.

    nga pala happy birthday. late man nakakahabol pa din.

    ReplyDelete
  20. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  21. ANo course mo parekoi!? Tiis lang muna ah! Ako nga I want to study more knowing graduating na ako ngayon sa August! Grrr, Di pa ako satisfied! Anyways, masarap tlga mgwork kung makukuha mo na sweldo mo, pero I am not that type of person na "1 day millionaire", sana ndi ka din gnyan..Hahaha!! Just be frugal! ^^....


    PS. Parekoi lagay ka naman d2 ng Chatbox! ^^ God Bless

    ReplyDelete
  22. salamat sa inyong lahat mga kaibigan kong maituturing. hehe. :)

    tama kayo makakatapos din ako ng pag-aaral. konting tiis pa at tyaga makakamit ko din ang tagumpay. oras na mangyari yun, isa kayo sa mga unang makakaalam. :)

    mabuhay kayong lahat at sana lahat tayo ay pagpalain sa ating mga buhay. :)

    para naman sa mga nagtatanoong about Opera Mini. Search nyo na lang po, or better check the forums of symbianize.com. godbless. :) happy hacking. lol.

    ReplyDelete
  23. natry ko na din opera mini, cool, free surf=)

    ReplyDelete
  24. Hello Goyo. Salamat sa iyong pagbisita sa aking espasyo sa Net.

    Heto at naki unang tikim sa iyong blog.

    More power. ^_^

    ReplyDelete