Unang tikim?! Unang post ko 'to sa blog ko gamit ang libreng internet sa cellphone, salamat sa Opera Mini. Gumana ba?!
Nakatambay lang ako sa tapat bahay habang isinusulat 'to. Isang nakakatamad na gabi. Ang dami ko sanang gustong i-kwento dito sa tambayan ko sa cyberworld, kaya lang hindi ako makakuha ng magandang tyempo para makapag-online. Sabagay, marami pa namang pagkakataon. Pagtiisan n'yo na lang muna pansamantala ang post na ito, paalala lang 'to na buhay pa ako sa pagba-blog.
Unang tikim din sa paparating na tag-ulan dito sa bayan namin. Ang dating maalinsangan at mabanas na gabi nitong nakaraang tatlong buwan o higit pa ay napalitan ng malamig sa balat na temperatura. Sakto lang ang temperatura lalo na kung sasabayan mo ng ligo. Ganitong mga gabi rin masarap matutulog ng may katabi, 'yung tipong may kahati sa unan at kaagawan sa kumot. May bigla akong namiss.
Unang tikim ko rin sa pagpapainom na medyo may kabigatan sa bulsa ng isang ordinaryong istudyanteng tulad ko. Kahit papano nakaraos ang 21st birthday ko ng masaya kasama ang mga kababata at ilang mga kaibigan. Balang araw, mapapainom ko rin lahat ng kaibigan ko! Siguro kapag kumikita na ako ng limpak limpak na salapi.
Pero sana huling tikim ko na sa pag-aaral sa darating na pasukan. Sa totoo lang, sawang sawa na kong mag-aral! Inuugat na ako sa kolehiyo. Gusto ko ng maranasan ang unang tikim sa unang sweldo. Ang unang tikim sa perang pinaghirapan bunga ng natapos na kurso. Kailan kaya darating yun, kailan kaya?
Edit: Kinabukasan, mainit na naman ang panahon. At hindi pa rin ako tapos sa pag-aaral ko.
Edit: Kinabukasan, mainit na naman ang panahon. At hindi pa rin ako tapos sa pag-aaral ko.
matitikman mo din yan parekoy kaya tiis tiis k muna tapusin mo muna pag-aaral mo...God Bless!
ReplyDeleteNice one goyo! Gumana nga.Hahaha. =D
ReplyDeletelage lang tandaan, wag mag OperaMini pag 5php and above ang load.Hahah
ano yang opera na yan? anyway...tama nga si jag...pagsabayin na rin ang enjoyment at pag aaral..pede un..pero priorities pa rin haha..parang tatay haha
ReplyDeletewow!! ngayon ko lang narinig ang about sa operamini na yan ahh..good info
ReplyDeleteAyun. Pasok sa banga. Goodluck sa studies, konting tiis.
ReplyDeleteayan na naman, naririnig ko na naman ang mga taong nagsasabing sawang sawa na sila sa pag-aaral.
ReplyDeleteparekoy pag nag work ka na, mamimiss ko rin bigla ang pag-aaral.
masarap talagang umani kapag ikaw yung nagtanim mismo parekoy.
minsan nga naiisip ko sana araw araw sweldo. haha.
hindi naman puwede yun, lahat pinagsisikapan.
ang trabaho parang pag-aaral din yan, paghindi mo pinagbutihan hindi ka makaka graduate..
in short, masarap uminom pag may perang pag inom. haha.
tagay*
hahaha, wag kang mag madali goyo, mararanasan murin ang mga unang tikim nayan. :-)
ReplyDeletehigh tech na talaga ngayon ang mga cellphone..
ReplyDeletehanep! humahaytech na! haha! hindi ko pa natry mag blog gamit ang phone ko dahil sa charges. Hindi ko kasi ma-avail yang free service na ganyan.. tsk tsk! anyways, kasama ka ba dun sa bloggers meet up sa MOA? hindi kasi ako nakasama dun toink! haha!
ReplyDelete---
Join Emerging Influential Blogs 2010 and support my entertainment blog: www.AroundTheBuzzPrimetime.blogspot.com! Click here for more details: http://www.myfjordz.com/2010/05/top-10-emerging-influential-blogs-for.html
mukhang successful namna...at parang gusto ko rin yan. anung phone ang gamit mo? mukhang cool yang opera mini-na yan---pero kailanagn ko muna bumili ng bagong phone. hehe
ReplyDeleteblog hopping here..
ReplyDeleteyou will have it tol but later..
just study hard.. i know all your effort will pay off on time..
see you around
parehas tayo. tinatamad na rin ako mag-aral!
ReplyDeletegoyo! salamat sa muling pagdaan sa blog ko.. hehe..
ReplyDeleteayos itong unang tikim!
ako naman bigla ko namiss ang pag-aaral lalo na nung magsimula na akong magtrabaho.. hehehe!! ansarap pala mag-aral! haha
Masarap din naman magtrabaho.. hehe!! darating ka din dun goyo konting antay na lang :)
sa totoo lang...natry ko na magtrabaho...mas masarap pa rin tumanggap sa magulang ng allowance, kasi hindi kailangan magpakapagod...hehe;p
ReplyDeletepero masarap din kumita ng sariling pera...kaya lang super pagod muna bago kumita ng limpak limpak!hehehe;P konting tiis pa...makakapag trabaho ka rin...=)
btw, can we xlinks? thanks!=)
naks! bkit sa cp ko hnd mkpag post?! ahaha..
ReplyDeletenpaicp tuloy aq kung anu ang mga unang ikim ko! ahahah..
ingzt goyo! :)
yung celphone ko may opera mini kaso ayaw magload! baka mahina signal sa sun! tsk.
ReplyDeleteo para sa wifi yon?
ang gulo
nyahahaha... ayos to. limpak limpak na sweldo talaga ba ga?
ReplyDeletekala ko kung anong natikman mo..=)) Anyways, Graduating ka na ba goyo? =)) Goodluck na lang! Sawa na din ako sa kolehiyo..
ReplyDeleteay naks. bumablog gamit ang selpon. yabangis. gip mo yan?
ReplyDeletehintay na lang. kunting tiis na lang. woohoo1 gagraduate din tayo.
sa tingin ko enjoyin na lang muna natin ang pagiging estudyante.
nga pala happy birthday. late man nakakahabol pa din.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteANo course mo parekoi!? Tiis lang muna ah! Ako nga I want to study more knowing graduating na ako ngayon sa August! Grrr, Di pa ako satisfied! Anyways, masarap tlga mgwork kung makukuha mo na sweldo mo, pero I am not that type of person na "1 day millionaire", sana ndi ka din gnyan..Hahaha!! Just be frugal! ^^....
ReplyDeletePS. Parekoi lagay ka naman d2 ng Chatbox! ^^ God Bless
salamat sa inyong lahat mga kaibigan kong maituturing. hehe. :)
ReplyDeletetama kayo makakatapos din ako ng pag-aaral. konting tiis pa at tyaga makakamit ko din ang tagumpay. oras na mangyari yun, isa kayo sa mga unang makakaalam. :)
mabuhay kayong lahat at sana lahat tayo ay pagpalain sa ating mga buhay. :)
para naman sa mga nagtatanoong about Opera Mini. Search nyo na lang po, or better check the forums of symbianize.com. godbless. :) happy hacking. lol.
natry ko na din opera mini, cool, free surf=)
ReplyDeleteHello Goyo. Salamat sa iyong pagbisita sa aking espasyo sa Net.
ReplyDeleteHeto at naki unang tikim sa iyong blog.
More power. ^_^