Pages - Menu

Saturday, June 26, 2010

Drama sa Jeepney

"Hoy! Putang ina mong gago ka! Alam mo namang paparating na ako tsaka ka liliko! Kung hindi ka ba naman tanga."

Isang paos na tinig at pagkagutla sa biglaang preno ang gumising sa pagkakaidlip ni Arnel sakay ng pampasaherong jeepney. Sa tsuper nanggaling ang boses, may sunog na balat ang tsuper, pawisang batok at noo na pilit tinutuyo ang pawis sa pamamagitan ng pagpunas ng nakasukbit sa balikat na goodmorning towel. Dahilan ng insidente ay nagpasya na lang magmasid sa paligid ang binata at tuluyan ng itinigil ang pag-idlip sa napakainit na byahe.

Si Arnel ay balikbayan galing Amerika, isang matagumpay na enhinyero sa nasabing bansa. Sa Amerika na halos ginugol ni Arnel ang kalahati ng buhay n'ya kasama ang isang kapatid at mga magulang. Kung tutuusin, hindi naman n'ya kailangan sumakay ng pampublikong sasakyan pauwi sa probinsya nila pero ipinilit n'ya sa mga magulang na gusto n'yang mag-commute pauwi sa probinsyang kinalakhan. Nauna ng dalawang linggo ang mga magulang n'yang umuwi sa Pilipinas at sumunod naman s'ya pagkatapos. Samantalang ang kapatid naman ay nagpaiwan dahil kakapasukan pa lang nila sa kolehiyo doon. Pagdating ni Arnel sa Pilipinas, nagpahinga lang ito ng dalawang araw sa Maynila at nagbyahe na nga pauwi ng probinsya. Tahimik na nagmamasid si Arnel sa paligid na dati-rating pamilyar sa kanya. Ang dating malawak na bukirin ngayon ay napalitan na ng mga bahay at ilang mga establisyimento. Matagal man n'yang hindi nakita ang lugar na nasisilayan ng mga mata ngayon, ikinalungkot pa rin n'ya na may mga daan pa ring hindi sementado. Mabilis nagrehistro sa utak n'ya ang garapal na pangungurakot ng mga nakaupo sa p'westo na s'yang marahil na dahilan ng mabagal na pag-usad ng bansa. Maging ang mga pasahero ng jeepney ay pilit n'yang kinikilala, umaasa na may makasabay na mga dating kaibigan at mga kapitbahay. Malayo layo na rin ang nalalakbay ni Arnel sakay ng jeep, madami ng pasahero ang nagbabaan at may mga panibago rin namang sumasakay. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ng masilayan ang bukana ng bayang sinilangan. Ang kaninang mainit at mabanas na paligid ay unti-unting napalitan ng malamig at preskong hangin.

Ang akalang tahimik ng byahe ay muling naantala, isang bola ang humagis sa unahan ng sasakyan galing sa grupo ng kabataan na naglalaro ng basketbol sa gilid ng kalsada.

"Itigil n'yo yan! Itigil n'yo yan! Hindi laruan 'tong kalsada! Mga punyeta!" 

Sa pangalawang pagkakataon ay muling narinig ni Arnel ang paos na boses ng tsuper. Napailing na lang ang mga pasahero sa nangyari.

"Eto ang hirap sa tsuper e, kapag nakasagasa ka kahit hindi ikaw ang may kasalanan, sa huli ikaw pa rin ang mali. Buhay driver nga naman o, pangalawa na ito sa maghapon ko ah".

Muling pagsasalita ng tsuper sa mahinahon na boses. "Tama nga naman ang driver, dapat nag-iingat din lahat ng nasa paligid", naibulong na lang ni Arnel sa sarili.

Parang bata si Arnel na inilabas ang ulo sa bintana at buong galak na tiningnan ang karagatan malapit sa kalsada na tila nababalutan ng maninipis na butil ng ginto galing sa sikat ng papalubog na araw. Kahit pinagtitinginan ay inilabas n'ya ang baong kamera at walang hiya-hiya na kumuha ng larawan sa magagandang tanawin.

"Oh nasa simbahan na po tayo, hangang dito na lang po", biglang salita ng driver pagkatapos itabi ang minamanehong jeep.

Bumaba si Arnel sa sasakyan bitbit ang dalawang malaking bag na puno ng mga damit, sapatos, tsokolate at iba pang pasalubong. Laking gulat din n'ya ng mapansin na ang simbahan ay napapaligiran na ng iba't ibang fastfood chain. Ang dating baryo kung ituring, ngayon ata ay naging syudad na. Naglakad-lakad pa sa paligid, nabasa ang mga tarpaulin sa mga kainan na bumabati ng "Happy Father's Day", nakituhog sa mga pisbulan at isaw na nadaanan. Hindi napansin ang pagkagat ng dilim, libang na libang si Arnel sa mga nakitang pagbabago sa lugar na kinalakhan. Makalipas pa ang isang oras ay nagpasya na rin itong umuwi ng makabasa ng text message galing sa ina na kanina pa pala naghihintay sa binata.

Si Ronaldo naman ay gumarahe na mula sa isang araw na nakakapagod na byahe. Pagkaabot na pagkaabot ng kita sa may ari ng pinapasadang jeep ay mabilis itong nagtungo sa plaza malapit sa simbahan. Tila may halo pang pagtakbo at mabilis na pumasok sa Pansitan ni Aleng Mameng. Bumili ng isang bilaong pansit at ilang pirasong tinapay, sinamahan n'ya pa ito ng 2 litro ng sopdrinks para sa pamilya. Habang pauwi kasi galing sa pagpasada ay naalala n'ya na Father's Day nga pala ngayon, nais n'ya sanang ilibre ang pamilya n'ya at makatikim man lang ng masarap na hapunan kahit isang araw. Masayang tinatahak ang daan bitbit ang dalang pasalubong sa 3 anak at asawa. Bago lumiko sa huling eskinita papunta sa kanilang tahanan ay nagsindi muna ng sigarilyo sa kanto, pampakalma. Mga dalawang hithit pa ang natitira sa istik ng sigarilyo ay nagpasya ng maglakad sa eskinita si Ronaldo, kasabay ng pagpitik sa sigarilyo... "kamusta ang byahe parekoy?". Hindi pa man nakakasagot sa pamilyar na boses ay nakaramdam na ito ng hapdi sa tagiliran at tuluyan ng hindi nakapagsalita, bumagsak sa lupa kasabay ng pagsabog ng pansit, tinapay at sopdrinks.

"Lola, kapitbahay pa rin ba natin 'yung kababata ko noon na si Aldong Negro kung tawagin namin?", tanong ni Arnel sa lola pagkababang pagkababa galing sa hagdanan.

"Aahh, si Aldo ga iho? Ay doon na sila nakatira sa kalye, dun sa may eskenita, pagtanong mo na laang".

Bitbit ang sapatos na tinantya lang n'ya sa sukat ng kababata, tsokolate at mga damit ay nagtungo na ito sa sinabing lugar sa kanya. Nagtataka s'ya kung bakit maraming tao ang nagtipon at tila nagtsitsismisan. "Ano pong meron?" tanong nito sa isang matanda, "Si Aldo, sinaksak kagabi ng nakaaway daw na kapwa tsuper, ayun pinaglalamayan na".

Nanlaki ang mata ng binata sa nalaman. Naihalintulad na lang n'ya ang buhay sa jeepney sa loob loob n'ya dahil sa nangyari. Ang buhay ay parang byahe sa jeepney, minsan nag-iisa ka sa paglalakbay, minsan naman maraming makikilala at makakasabay. May mga daan na malumanay ang byahe, may mga punto rin na may madaraanang mga lubak. Gaano man kahaba o kaikli ang isang byahe, pareho pareho lang tayong makakarating sa patutunguhan ng buhay. Kasabay ng realisasyong ito ang pagpatak ng luha sa mga mata ng binata.

29 comments:

  1. Nice one! Kawawa naman. Tama ka dyan sir.

    ReplyDelete
  2. nakakaiyak naman,sobrang touch aq,n homesick 2loy,..

    ReplyDelete
  3. nice bibihira sa future engineers ang magaling mag sulat :-D

    Ganyan talaga ang buhay pare pareho lang tao ng finish line, what matters most is how we spend our lives :-D Happy Weekend Engineer :-D

    ReplyDelete
  4. so sad. di natuloy ang pagkikita ng kababata

    ReplyDelete
  5. Sad naman. Tragic...

    Pero ang linis mong gumawa ng kwento...gusto ko ang style ng pagsusulat mo...

    Keep it up buddy!

    ReplyDelete
  6. pede ka na magsulat don sa nakita kong online pocket book!

    ReplyDelete
  7. nice post. i love it! ganda ng pagkakagawa. mabuhay ang mga engineers (to be) na tulad mo!

    ReplyDelete
  8. Galing naman.. I wish mkpg p0st dn ak0 ng k2ld ng gant0ng mga st0ry sa bl0g ko. Keep it up!

    ReplyDelete
  9. bitin po! walng ending..

    ReplyDelete
  10. kuya ang baduy po. :))

    ReplyDelete
  11. ouch, ang sad grabeh.. hndi talaga natin alam kung kelan tayu mawawala o hanggang kelan natin makakasama ang mga mahal natin sa buhay. :-(

    ReplyDelete
  12. nice post! ang ganda ng pagkakakwento mo.

    ReplyDelete
  13. Hmn... Si Arnel at Aldo nasa iisang byahe.

    Nakakalungkot. Naisip ko lang... Si Aldo yung drayber na naghatid kay Arnel. Habang nasa byahe di nya nakilala. Huli na ng malaman nya. Parang life... Kadalasan di rin natin nakikilala kung sino ang kasama natin sa paglalakbay.

    Ang galeng. Una-unahan lang sa finish line. 4 thumbs up!

    ReplyDelete
  14. nice entry mah friend, kip it upness lol. may future ka in writing. sana ako ganyan din kagaling ang imaginations. lalo pa wla naman akong alam gawin kundi tumunga-nga. one day try ko mag isip ng malalim sana marating ko ung dulo ng balon. hehe.. have a nice day friendship! mwah!..

    ReplyDelete
  15. nalungkot ako sa ending ng story mo...=(

    ReplyDelete
  16. Sige taga-bundok mauna ka na sa finish line. Hahahaha! *smash*

    ReplyDelete
  17. Ang lungkot naman... wala akong ibang maisip na maikoment kundi ang lungkot.

    ReplyDelete
  18. awww so tragic~~
    pero gaya ng sinabi ng mga nagcomment na ang galing mong magsulat~~i love it^_^

    ReplyDelete
  19. nakakawalang gana.. )= nakakalungkot masyado..

    ReplyDelete
  20. parang umuuwi lang ng Jalajala...ang init sa Manila tapos pag nakita mo na ang mga bundok ng Rizal...iba na at mas malamig na ang hangin. Odd...pero makikita mo ang malaking kaibahan---at nakakatuwa kasi di mo akalaing makaka-experience ka ng ganito sa isang lugar na malapit sa Manila.

    ReplyDelete
  21. life is indeed a journey---and it is the fun and the learning in between the origin and the destination that counts~~

    ReplyDelete
  22. galeng \m/

    idol... antaba ng utak mo goyo!

    ReplyDelete
  23. galing nman! ganda ng kwento,sana makapagsulat din ko ng ganyan!dream on ruth..! hahaha...taba ng brain m pogi ng 1st district.

    ReplyDelete
  24. salamat po sa inyong mga nakibasa at nakibola. :)

    ReplyDelete
  25. seryosong sulatin 'to,goyo.

    bihira akong nakakabasa ng mga ganito pero gusto ko 'to.

    parang nararamdaman mo yung paligid kapag nakaka basa ako ng mga ganitong kwento.

    ReplyDelete
  26. @duking, maraming salamat sa pagbabasa. maraming salamat din po sa komento. :)

    ReplyDelete
  27. Panglibro ito Goyo. Maikling kwento ng buhay.

    May drayber, kilala o hindi...mahalaga ang ginagampanan nito sa atin.
    Kung sira-ulo at walang pakialam sa pasahero niya ang drayber, maaaring mapahamak ang kaniyang pasahero.
    Bakit ko nasabi 'yon? Bakit hindi si Arnel at Aldo?

    Seryosong tao ka.Emo? Di ko alam

    ReplyDelete
  28. salamat ginoong J.Kul. :D

    di po ako seryosong tao. kahit ano lang maisipan ko, isusulat ko. hehehehe. mas maloko ako kesa seryoso. hihi.

    ReplyDelete