Pages - Menu

Tuesday, June 29, 2010

Hapontukin

Halos lahat naman siguro nakakaramdam ng antok lalo sa hapon. Ito 'yung tinatawag na Hapontukin Moments na madalas mangyari lalo na kapag puyat o 'di kaya naman ay galing sa nakakapagod na aktibidad sa umaga. Kapag tinamaan ka ng antok sobrang sarap itulog lalo na kapag nasa bahay ka lang at walang ginagawa. Pero paano kung nasa trabaho ka?! O di kaya naman ay nasa paaralan?! Ano ang gagawin mo kapag inatake ka ng Hapontukin Moments?!

Bilang isang istudyante, hindi maiiwasan ang magpuyat lalo sa pag-aaral. Syempre kasama na rin ang konting gimik at pantanggal umay na tambay kasama ang mga barkada. Madalas tuloy kulang ako sa enerhiya kapag pumapasok sa eskwela lalo na at galing sa nakakapuyat na gabi. Kailangang kailangan ko pa naman ng energy lalo na sa Review Class namin tuwing hapon.


Minsan isang araw pagkatapos ng klase, mga alas-onse ng umaga, dahil gutom na rin ang lahat ay nagkayayaan ng kumain. Nakatatlong kanin ata ako nun, sino ba naman ang hindi makaka-tatlong rice sa napakasarap na sisig.


Kailangan kumain ng madami para sa dikdikang Review Class sa hapon. Pagkatapos kumain ay nagpunta na kami sa library para magreview. Sa 'di inaasahang pagkakataon, mga ala-una pa lang ay umatake na ang Hapontukin sa akin. Gustuhin ko mang magreview, huli na ang lahat, tinalo na ako ng antok.


Pagkatapos mag-aral este matulog sa library ay dumiretso na kami sa klase namin bago mag-alas tres ng hapon. Tatlong oras ang Review Class, lecture muna sa unang dalawang oras, tapos ay exam naman. Hindi pa nakuntento, humirit na naman si Hapontukin sa aming klase, halos lahat ay inaantok at gustong matulog.




When Hapontukin sets in, madalas kinukurot ko ang sarili ko para 'di antukin, o di kaya naman ay maghihilamos para magising. Minsan inaamoy ko rin ang paa ko, ang pag-angat ng paa papuntang ilong ay magandang ehersisyo para kahit papaano ay mabuhayan, isama mo na rin ang matinding aroma ng nakamamatay mong medyas.



Kapag kasi nagpatalo ka sa antok, isa lang ang kahihinatnan mo -- ang bumagsak sa exams! Sa pagkakataong ito, hindi umepekto ang mga nakagawian ko ng ritwal noong umatake si Hapontukin. Dahil busy ako sa pagtulog habang nagle-lecture si sir, ano pa nga ba.


Mababa ang nakuha kong marka sa Review Test namin noon sa Electronics 2. Kailangang bumawi.

Buti na lang at napanood ko sa TV ang komersyal ng Multi-Vitamins Enervon. Isang mabisang panglaban sa pagod lalo na sa Hapontukin Moments.


Sinimulan ko ang pag-inom ng Enervon araw-araw. Hindi na ako inaantok tuwing hapon. Ang Enervon ay isa sa mga nangungunang Multivitamins sa Pilipinas. Ito ay tumutulong sa pagkakaroon ng sapat na Enerhiya at magandang kalusugan. Bukod dito, ang Enervon ay may espesyal na kumbinasyon ng mga bitaminang tinatawag na Steadi-Energy Complex na nagbibigay ng "tuloy tuloy na Energy" sa buong maghapon. At dahil sa ENERVON, ngayon ako ay MORE ENERGY at MAS HAPPY na!

Hindi na ako tinatamaan ng antok sa Review Class at maayos na naiintindihan ang lahat ng lecture! O diba? Lagi n'yong tatandaan na Hapontukin bad, Steadi-energy good! Kaya ikaw mag-ENERVON na rin para MORE ENERGY MAS HAPPY! :)



Ang post na 'to ay lahok ko dati sa contest shit ng Nuffnang. Kahit ako nagtataka kung bakit hindi 'to nanalo. Sinabi ko lang, baka sakaling kasing umabot ka sa post na 'to sa pagba-backread mo.

43 comments:

  1. Waah! Base! haha!

    May prize ba kapag nag blog ka about hapontukin??

    Curious lang..hehe

    ReplyDelete
  2. hahaha, pst! makinig kayu! ;-)

    ReplyDelete
  3. nuffnang itey diba? maka-join nga din. ahaha.

    parang dun na topic 'to ah :)

    ReplyDelete
  4. eto dumaan na din ako sa lugar mo pareng goyo.

    akala ko kung ano ba tong post mo, yun pala sales agent ka pala ng enervon. hehe.

    gumagamit (parang adik lang) din ako ng enervon araw araw actually, pero di ko gusto si kim at gerald hahaha.

    ReplyDelete
  5. mag enervon din ako para di antukin sa hapon..perfect score..

    ReplyDelete
  6. kinikilabutan ako sa mga tanong sa Electronics nag flash back ang lahat sa akin. Parang nightmare lang. LOL

    Kapag inaatok ka kamutin mo ang betlog mo tapos amuyin mo magigising ka.

    ReplyDelete
  7. ang bilis naman ni goyo.. nakapagpost na.. ako in the making pa.. nyahaha...

    ReplyDelete
  8. walang bayad yan. hehe. pero entry ko yan sa contest sa nuffnang. maganda ng maaga, baka kasi makalimutan ko pa. :)

    @Jepoy, gabi gabi akong nagkakamot ng betlog ko! HAHA!

    ReplyDelete
  9. hehehe :D nabasa ko rin tong contest na to sa nuffnang at kahit hapontukin ako eh di ako makagawa ng entry para jan :D

    ReplyDelete
  10. yown oh numunuffnang! nice entry goyo, ECE ka ga?

    ReplyDelete
  11. @lord cm, gawa ka din! gusto ko manalo.sana swertihin. :D

    @bulakbolero, yes sir! ECE po ako.hehe. bakit po? ECE din kayo sir? Dami atang ECE na blogger ah,dami ko nakikita. :D

    ReplyDelete
  12. cool :] haha .. panalo toh..astig!

    ReplyDelete
  13. Woaah all the questions indicated sa questionnaire ay somehow familiar sa'kin! Ive seen that sa mga reviewers sa ECE books or sa Electronic Principles by Tomasi! Love read...read...read...Pero somehow, nkakabored kung minsan, I mean always! hahaha

    Incline naman sa "hapontukin", yeah I have experienced that pero "seldom" lang kasi nasa unahan kasi me nkaupo sa room namin! Kaya un, d ka tlga magpapaantok2 or else bka plalabasin ka..Isang rule namin yan sa skul!

    Anyways, d ma nkaexperience ng Enervon pero I think by its brand name, for sure effective yan! as what you have said! Woaah!

    Love this post! multi-purpose for blogging and advertising! ^^


    Keep it up Pareng Goyo!

    ReplyDelete
  14. dapat bayaran ka ng enervon kasi inendorso mo ang product nila.. hehehehehe buti nahiyang ka sa enervon.. ako kasi hindi.. stresstabs ang iniinom ko.. ;)

    ReplyDelete
  15. sana manalo ka sa proo na ito hahaha...natawa ako sa sulating ito hehehe...

    Anyway, u were tagged by me. Come, waste ur time reading about it hehehe...

    Pag-ibayuhin mo ang pagrereview para makamit ang inaasam asam hehehe...Gudlak!

    ReplyDelete
  16. sarap ng sisig! miss ko na yan.

    ganyan din ako dati noong nagrereview fo rthe board exams. nakakatulog dahil sa hapontukin. buti nalang nag-enervon din ako kaya kahit na mababa ang score ko sa mga reviewer tests, pumasa pa rin ako sa PRC exams!

    nakakatalino pala talaga ang vitamins. hehehe.

    nice entry parekoy. sana manalo ka! ano maitutulong namin??

    ReplyDelete
  17. Wahaha...asteeg! Alam ko to tol. Pa contest ito ng Nuffnang.

    Good luck sa iyo .

    ReplyDelete
  18. 25/50 hindi pa bagsak yun. pasang awa pa dahil puyat ka e.! hehe. buti na lang nag enervon ka. natalo mo si haring hapontukin. meron din kayang gabintukin? ano kaya iinumin ko? mas gusto ko magbrowse sa gabi kesa sa umaga e, lol.. ingats goys..

    ReplyDelete
  19. Laro muna tayo, call this condom game. Imaginin natin na ang Enervon ay brand ng condom na may tagline na: Enervon (Condom), MORE ENERGY MAS HAPPY. O di ba mas pampagising? :)

    ReplyDelete
  20. @renz, sana nga manalo. sayang ang mountain bike worth 25K. :)

    @jhieghz, ece ka nga din pala no? mabuhay tayo pre. hahaha. tama ka, nakakabored talaga minsan, i mean alwyas. hahahaha. love this post ba? thank you po.. :)

    @flattopsatcurlytops, ok lang na di ako bayaran ng enervon. basta manalo dito sa contest! bwahahaha.

    ReplyDelete
  21. @jag, sana nga manalo. trip na trip ko mga premyo e. hahahaha. salamat pre sa pagbasa at natuwa ka. :)

    @nobenta, hahaha. di pa po ako nagrereview for board. ummm, review class lang po yun sa school, parang subject lang.. nuffnang po ata pipili ng mananalo, ok na din yun, hirap kasi manalo kapag may botohan. hehehehe.

    @avery, salamat sa pagbasa sir. :)

    @ishmael, sali ka din bro. ahaha. salamat sa goodluck men. :)

    @petitay, salamat po. :)

    @salbehe, HAHAHAHA! pampagana sa sex? lol. brand ng condom? HAHA!

    ReplyDelete
  22. hayuf ka tol, ganda ng post..I am hoping and praying you will make it! Woaah, planning to proceed pa ah! LOLs, still makes myself busy here sa training sa isang telephone company as well DSL internet service provider! natatamad na din! Woaaah!

    Ang alam ko, ang board exam ng ECE, iba iba every year kaya take NOTE! Dapat update ka sa mga recent gadgets ngayon! ='(

    ReplyDelete
  23. @jhiegzh, di pa ako graduate fre.matagal pa ang laban ko sa board exam. Special topics lang yang subject namin dyan.hehe.parang review ala board exam. :D
    anyways, goodluck pa din saten kapag nagboard-exam na tayo.woooh!

    ReplyDelete
  24. Nice one Goyo. bumawi ka talaga next time sa exams mo :P

    brain enhancers din pala ang Enervon :))

    ReplyDelete
  25. salamat sa pagbisita sa kwarto ko..

    hapontukin ayos, yan lagi pina-plug ni DJ ramon sa brewrats U92 radio.

    goodluck sa Board exam mo brad...
    technique?.. wag kabahan at laging alalahanin ang basic...

    Yun lang.. :)

    ReplyDelete
  26. @Skeeper, hahahaha. salamat sa pagdalaw. xD

    @poldo, tatandaan ko yang mga tips mo pagkukuha na ako ng board exam. pero dapat MAKAGRADUATE MUNA AKO! HAHAHA!

    ReplyDelete
  27. Ang galing ng gawa mo goyo! :D

    ReplyDelete
  28. ang hirap magklase kapag hapontukin kaya naman ayaw na ayaw kong yong sked na 1-2 pm sa klase.

    ReplyDelete
  29. Urggh! God Bless sau sa board ah! ^^

    ReplyDelete
  30. nakakaantok talaga pag hapon...soo tired ang eyes nah!!

    ReplyDelete
  31. naks 50/50... genius! goodluck :D

    ReplyDelete
  32. ang galing ng post na 2 ^^, go for hapontukin!

    ReplyDelete
  33. @bofill, busyok, capt.runner at dc.thekerr:

    maraming salamat sa inyong pagbisita. mga 1st time nyo dito diba, sana nag-enjoy kayo.. :D

    ReplyDelete
  34. just passing through tol! hehe! may entry ka na rin pala sa hapontukin. nice 1!!

    ReplyDelete
  35. @spawnskies, salamat sa pagbisita. :D
    Yep yep meron na nga, yan oh.hehe. Mas maganda na yung mas maaga. Gusto ko ng mountainbike! Sana palarin talaga..

    ReplyDelete
  36. inom ka kasi ng kape...ehehhehe!

    kakagutom naman tong sisig....nako baka 4 rice pa ang maubos ko...lol!

    ReplyDelete
  37. @Dhemz, hahaha. masarap talaga ang sisig. wiw. lalo sa gawing Lerma St., Sampaloc, Manila malapit sa FEU. wiw. kakagutom nga! HAHA! salamat po sa pagbisita. :)

    ReplyDelete
  38. Mabisa rin ang cobra + marl red.

    ReplyDelete
  39. @Victor, hahaha. sinabi mo pa. mabisa talaga yun. Di ko lang binanggit sa post ko ang yosi break kapag nabuburat na talaga kami sa subject. dapat kasi wholesome ang post. hahaha. entry kuno kasi sa kontes. :)

    ReplyDelete
  40. Wow, naman Congratz, goyo. Galing mo..

    Sarap ng sisig..hehehe

    ReplyDelete