Pages - Menu

Thursday, June 24, 2010

Liham para kay Tatay

Tulad ng liham ko noon para kay Nanay, medyo nahuli rin 'tong liham ko para kay tatay. Alam ko namang maiintindihan 'yun ni Tatay.

Noong huwebes ng nakaraang linggo, ika-17 ng Hunyo, ilang araw bago sumapit ang araw ng mga tatay, sa gitna ng aking pagtulog ay dumalaw ang isang panaginip na umuwi na raw ang Tatay ko galing Saudi. Laking gulat namin ng pamilya ko na parang maraming nagbago kay Tatay, kapansin-pansin ang naglalakihan n'yang mga tattoo, naging sobrang masayahin n'ya, naging maluwag sa amin, kahit anong oras ako umuwi galing sa galaan e ok lang sa kanya, parang naging sobrang cool n'ya. Ilang araw pa ang lumipas, sa gitna pa rin ng panaginip ko, hindi ako naging masaya, mas gusto ko pa rin 'yung Tatay ko noon.

Dahil sa maikling panaginip na 'to ay marami akong nalaman at narealize.  Lalo ko lang napatunayan na 'di ko kailangan ng kahit sino pang Tatay sa mundo, iba pa rin ang pagmamahal ng Tatay ko na si Gregorio "Jun" Gutierrez na nagsabi sa akin na "kapag nagpa-tattoo ka, buburahin sa suntok". Masayahin ang tatay ko pero medyo pikon din (parang ako noon), istrikto din si Tatay, at kahit nasa ibang bansa s'ya ay lagi n'yang inaalam ang ginagawa namin at kung anong oras kami umuuwi. Patunay lang na mahal na mahal n'ya kaming pamilya n'ya. Siguro hindi ako 'yung perpektong anak sa mundo, aminado naman ako na hindi ako mabait, pero kahit naman siguro sino basta tungkol sa pamilya lumalambot. Ganun din ako, minsan umiiyak ako kapag marami akong naiisip na kung anu-anong mga bagay, mga malungkot at iba pa.

----

Tay, si utoy to, Happy Father's Day! Pasensya na po kayo kung medyo late ang pagbati ko sa inyo dito sa blog ko, medyo naging busy lang sa school. hehe. Tay lagi kayong mag-iingat dyan, miss na miss na namin kayo, wag nyo na masyado isipin ang mga problema natin lalo na sa pera, malapit na naman kaming makatapos ng pag-aaral, konting tiis pa, pangako ko kapag ako naging engineer na, wala na kayong dapat gawin kung hindi ang mga hilig nyo na lang. Ingatan nyo din ang kalusugan nyo, lagi kayong mag-ehersisyo at i-monitor nyo ang pagkain nyo, ayokong magkakasakit kayo, kayong dalawa ni Nanay. Ingat kayo dyan lagi tay, pasalubong ko nga pala sa pag-uwi nyo, kahit Orig na Rayban Shades lang. hehe. I love you tay. Kayo ang number 1 Tatay para sa akin, di mapapantayan ang lahat ng paghihirap nyo para mabuhay kami ng maayos ng mga kapatid ko.. 

Love, Utoy.

----

Dear Honey, Sa pamamagitan lang ng sulat na ito ko ma-express ang pag dakila sa kabutihang nagawa mo sa amin ng mga anak mo, na kahit gustong gusto mo ng umuwi ay pinipigil ka ng pagkakataon dahil kailangan natin ang pang tustos sa pag-aaral ng mga bata. Makakamit din natin ang mga pangarap na gusto natin para sa kanila na makatapos ng pag-aaral na parehong ipinagkait sa atin ng pagkakataon. Salamat sa pang-unawa at sakripisyong di matutumbasan ng kahit anong yaman sa mundo. Happy Father's Day Honey, I love you. Alam ko ibibigay din ni Lord ang mga pangarap natin, kahit matagal basta ibibigay nya sa atin, konting sakripisyo pa. Ikaw ang lakas ko kahit minsan gusto ko ng sumuko pero di ko ginagawa, talagang ganun ang buhay. I love you honey..

Love, Honey.

----

Tay thank you po sa lahat nang mga bagay na binibigay nyo po sa amin. salamat din po dahil di kayo nagsasawa na sumuporta samen ng kuya at ng nanay. I thanked God because He gave me a loving and a good father like you. Sorry po kung minsan matigas ang ulo ko at hindi ko sinusunod ang mga gusto nyo..I love you tay and miss ko na po kayo. lagi po kayo mag iingat at huwag nyo po papabayaan ang kalusugan nyo. God Bless po and Take care..mwaah.
Love-ineng ganda.

Ito na ang pinaka-latest photo namin ng buong pamilya, 2 years ago pa 'to bago umalis si Tatay papuntang Saudi.


23 comments:

  1. Goyo! Pareho tayo ng sitwasyon, nasa malayong lugar ang tatay para kumita. Nakakalungkot ano? Pareho din tayong mahal natin ang tatay natin. Belated Happy Fathers Day sa tatay mo. :)

    ReplyDelete
  2. Goyo dalawa lang din pala kayong mag utol parang kame rin... Aral mabuti ha para maging engineer na!

    Belated sa erpats mo, I know proud na proud sayo ang erpats mo

    ReplyDelete
  3. Oi tol! ganyan ang buhay nating mga anak na ang tatay ay nasa aborad. ang magagawa natin ay ipagdasal natin sila. salamat sa teknolohiya kasi kahit papano may form of communication tayo sa mga tatay natin.

    Natawa ako sa tattoo, kasi ako nung nkita ng papa ko yung henna ko sa batok binatukan ako akala nya totoo. lugi pa ako sa dagok. At binalaan ako na wag sasali sa frat kasi kung mamatay lang din daw ako dun sya na lang daw papatay sa akin at hindi ibang tao. Hindi ako alam kung matutuwa ako dun o hindi.hehehe

    Belated happy father's day sa tatay mo!!!

    ReplyDelete
  4. ang sweet corn naman...
    buti nalang hindi pumayag mama ko na mag abroad tatay ko...hirap kasi ganyang buhay. Mas masarap lumaki na andyan both parents mo na gumagabay sa iyo. Belated happy fathers day sa iyong Tatay Jun.

    ReplyDelete
  5. Awwts...mahirap talaga pag sobrang layo ng myembro ng pamilya sa isa't isa. Antagal na pala ng latest pic n'yo. Two years ago pa.

    Well, sana makabisita na ng Pinas ang tatay mo soon.

    ReplyDelete
  6. shaks.... nakakaiyak naman ang liham mo...

    ayon hirap ano pag nasa ibang bansa...
    buti na lang nung nag germany si daddy eh 2 years old pa lang ako. walang malay...

    sana mabasa nya din to! :D

    ReplyDelete
  7. T.T

    huhu... ang bait bait mo namang anak... parang ang sama sama ko. baliktad naman tayo ang erpat ko ang nasa pinas at ako ang nasa saudi.. ay wala pala ko sa saudi nasa singapore pala ko. wapaks.

    pero parang naramdaman ko sa post mo, wala akong kwentang anak. kasi tinext ko lang sya nung erpats day. :(

    ReplyDelete
  8. happy fathers day sayo goyo pagdating ng panahon. hehe

    happy fathers day sa tatay mo..

    ReplyDelete
  9. sana ay maging mabait katulad mo ang mga anak ko habang nandito ako sa saudi. mararamdaman natin ang pagmamahal ng tatay/nanay kung may pag-aalala sa atin.

    happy father's day sa erpats mo kahit medyo late na! \m/

    san siya dito sa saudi?

    ReplyDelete
  10. you're a good child. u'll have a lot of blessings.

    u look like ur dad. =)

    ReplyDelete
  11. Huwaw naman 'tol. Pati si Nanay at utol mo sumulat din. Ang sweet at ang saya talaga kapag buo ang pamilya. Nainggit lang ako. Haha.

    Sana ako rin may tatay na nagbabawal sa pagpapa-tattoo.

    Belated happy father's sa tatay mo.

    Magandang hapon Goyo. Hindi halatang mabait ka. :p

    ReplyDelete
  12. Hi, Goyo!

    Sweet and inspiring messages to your Tatay..

    Belated Happy Father's Day to him. It's better late than never ..

    ReplyDelete
  13. yeeeeehhhh kasweet naman, aral mabuti, jan mo lang masusuklian ang tatay mo.

    ReplyDelete
  14. pareho pla sila ng tatay ko, ang hilig magmonitor sa anak, mismong mga comment sakin sa fs nuon, binabasa ng tatay ko, pati mga blog ko.

    =))

    ang bait na bata, pwede ka na idagdag sa bible, katapat ng the prodigal son hehe..

    ReplyDelete
  15. good evening goyo!

    your father must be very proud of you. mabuhay ka and God bless you+

    ReplyDelete
  16. goyo a good son.. :)be goodboy always. take care....

    ReplyDelete
  17. uyy belated ky padir! ^^
    pansin kolang bkt parang hang bait mong anak? ahaha. or bka emo lng pagdating sa family? ^^
    im sure proud sau c padir ng sobra.

    keep it up goyo! tc!

    ReplyDelete
  18. belated happy fathers day..tiyak pag uwi niya panibagong pictures uli na magkakasama kayong pamilya..

    ReplyDelete
  19. Ang tamis basahin para sa isang ama ang sulating ito na gawa ng kanyang anak na mahal na mahal siya...

    belated happy father's day sa dad mo...

    ReplyDelete
  20. sa jeddah ata o sa riyadh si tatay.di ko matandaan.hehe.

    salamat sa inyong mga nakibati sa tatay ko. Happy fathers day din sa mga ama nyo.

    p.s -- di talaga ako mabait ng anak.mahal ko lang talaga sila. :D

    ReplyDelete
  21. The greatest gift I ever had
    Came from God; I call him Dad!
    ~Author Unknown

    ReplyDelete