Pages - Menu

Thursday, June 10, 2010

Sa Eskwela

Sa ating pag-aaral, iba't ibang kwento ang mararanasan at masasaksihan. May masaya, may malungkot, may mga walang kwentang pangyayari, may kalokohan tulad ng post na 'to, may mga nakakakilig at nakaka-L na eksena; L para sa salitang 'libang' o sige 'libog' kung gusto mo. May mga eksena na kahit hindi ikaw ang bida ay tatanim pa rin sa isipan at kokote mo. Bawat isa may kanya kanyang kwento, ultimo 'yung pinaka-tahimik mong kaklase, may sariling kwento 'yan na siya ang bida at hindi laging extra. Dahil unti-unti mo ng sinasariwa ang mga karanasan mo noong elementarya, hayskul at kolehiyo kasama ang mga kaklase, hindi na ako magkukwento tungkol sa karanasan ko. Ako na lang ang kwentuhan mo.

Mas gusto kong bigyan diin at pansin ang mga bagay tungkol sa mga guro ko. Labing pitong taon na akong nag-aaral at hindi pa rin ako tapos. Wala naman akong balak mag-isang dekada sa kolehiyo, nagkataon lang na mahirap talaga ang pinasok kong gulo. Sa 17 taon na 'to, humigit kumulang 40 na siguro ang naging titser ko. Iba't ibang personalidad at istilo ng pagtuturo ang nasaksihan ko sa apat na sulok ng silid aralan. May bulok at meron din namang patok. Bulok man o patok ang istilo sa pagtuturo, minsan mas mahalaga na maramdaman mo kung bakit tinawag silang pangalawang magulang.

May matatanda at meron din namang mga batang guro, syempre may babae at lalaki, at papahuli ba naman ang mga bading na guro. Sa tinagal tagal ko ng nag-aaral, wala pa ata akong nakasalamuhang tomboy na titser; mukhang tomboy at mukhang lalaki meron na. Wala naman sa edad ang pagtuturo, basta alam mo at mahal mo ang ginagawa mo, papatok ka sa audience mo.

May mga naging titser ako na puro utos ang alam, porke matangkad ay ako na lang ang laging inuutusan. Matematika lang ata ang subject na pinakamarami ang natutunan ko noong elementary. Siguro dahil hilig ko rin. May titser na maikli ang pasensya; imbis na tulungan ang istudyanteng matuto, iuuntog pa sa blackboard. May mga titser naman na idinadaan sa patawa ang pagtuturo; sila kadalasan ang mabebenta sa klase, 'yung tipong hindi ka maiinip habang nakikinig ng mahihirap na aralin dahil kada 15 minuto laging may nakahandang banat para muling mabuhay ang dugo mo. May mga titser naman na puro kwento, halos buong oras sa klase na atang nagkwento; depende sa kwento kung mag-eenjoy ako, may mga kwento kasi talaga na sarap na sarap akong pakinggan. May mga titser din na hindi natitinag, bato ang puso sa istudyante, sila 'yung mga terror sa eskwela, pag bagsak ka, bagsak ka! Hindi rin natin sila masisisi kung bakit ginusto nilang magpaka-terror, may mga dahilan 'yan. Maaaring ganun talaga kagaspang ang ugali nila o iniiwasan lang nilang mawala ang respeto sa kanila ng mga istudyante at mabastos na lang. May mga guro naman na sadyang malalambot, laging umiiyak sa klase at hindi makontrol ang emosyon. Meron ding mga guro na style matinik; pakiramdam ata nila porke titser sila alam na nila ang lahat at wala ng dapat matutunan.  May mga titser din na bastos, aminin natin 'yan. Ilan lang 'yan sa mga karakter ng mga naging guro ko, titser, sir/maam o kahit ano pang tawag sa kanila.

May mga guro ang tatanim talaga sa isip mo at mag-iiwan ng marka sa pagkatao mo. Maaaring dahil sa magandang ugali, magaling na mga payo, galing sa pagtuturo o kung minsan dahil sa pagiging terror nito. May mga Sir/Maam din na crush ng bayan, si Sir gwapo, si Maam naman maganda na sexy pa, san ka pa! Sila 'yung mga titser na laging busy sa dami ng nagtatanong at nagko-consult; minsan 'yung iba silay lang na istudyante. May ilan din naman na pangkaraniwan lang, dadaan sa buhay istudyante mo at lilipas din, parang hangin lang na minsan mong nilanghap at ihihinga rin. Elibs ako sa mga guro na minsan utang natin sa kanila bukod sa mga magulang natin kung ano tayo ngayon. Utang naman talaga natin halos lahat sa kanila pangalawa sa ating mga magulang. Ikaw na nagbabasa nito, wala ka sa posisyon mo ngayon sa trabaho mo kung hindi sa mga kaalamang ibinahagi minsan sa'yo ng mga guro mo.

Saludo ako sa mga guro. Kung tayong mga istudyante nahihirapang mag-aral, tingin ko mas nahihirapan sila kapag nakikita nila tayong hindi natututo.

Mabuhay ang mga guro, sana dumami at gumanda pa ang mga benepisyo nila! Sana dumami pa sila sa Pinas! Gusto kong umunlad tayo at lahat nakatapos ng pag-aaral.


Para sa mga gurong nagbagsak sa akin, salamat nga pala sa pagbibigay ng matinding inspirasyon para patunayan ang sarili ko balang araw.

27 comments:

  1. meron na kong naging prof na tomboy..haha.

    ReplyDelete
  2. Saludo din ako sa mga teachers! Wow, ano course mo parekoi!?...

    ReplyDelete
  3. ahaha ako kaya anung kalseng teacher magiging balang araw...

    ReplyDelete
  4. oo nga sobra hirap ng mga teacher.isa din ako sa mga sumasaludo sa kanila.

    ReplyDelete
  5. sobrang maraming titser sa hayskul ang nag-inspire sakin ng todo! hanggang ngayon eh crystal clear pa rin ung mga ginintuang aral na shineshare nila, pati na rin ung mga subject lectures. ang sarap talagang mag aral, iba't ibang klaseng tao mula sa estudyante hanggang sa mga guro ang makakasalamuha mo sa buhay

    sulitin mo lang talaga student life mo, wag masyadong seryoso hehe...magsaya at mag enjoy rin ^^

    ReplyDelete
  6. sarap mag aral i miss my highschool day and college days na rin.. puro nga lang ata katarantaduan ang ginawa ko nun. joke :)

    ReplyDelete
  7. saludo din ako sa mga guro. Kung wala sila, walang huhubog sa magagaling na doctor, nurse, engineer, architech, chef, pulis, abogado, sundalo at mga GURO na maghuhubog naman sa susunod na henerasyon. Teaching is a truly humbling profession- sabi ng ate ko. Teacher siya :]

    ReplyDelete
  8. Inipon mo na talaga ang mga teachers ha.

    Grabe rin ang mga teachers ko. Noong Elementary ako meron akong naging teacher na sobrang bano sa math kaya kaming mga estudyante pa ang naging lecturer sa math.

    Sa high school naman ay meron din akong bastos na teacher. Talagang sex education ang tinuturo. Meron ding mataray at merong lalaking teacher na every year ay nagkukunwaring nagtatampo para mag-sorry sa kanya ang mga students.

    ReplyDelete
  9. Kaya naman sobrang nagustuhan ko ang ABNKKBS dahil nakakarelate ako sa estudyante blues nya. At dun ko din naintindihan ang tumatakbo sa isip ng titser. May kaklase akong naging PRof, sabi nya tamang tama ang sabi ni Bob Ong na sobrang kabado sya sa unang araw ng klase, mas matindi pa ang kaba nya noong estudyante sya. Kaya kampay para sa mga titser!

    ReplyDelete
  10. Isa lang masasabi ko wala tayong mga professionals ngayon kung hindi dumaan sa mga teachers na nagturo sa sa atin.

    Kaya saludo ako sa mga guro kaya dapat taasan ang sweldo nila.

    ReplyDelete
  11. waw! pag nbsa eto ng mga titse mo makikis ka nila! ehehehe..

    bkt 17 yrs?ang tgk nmn!?

    im sure isa ka sa mga papnsin sa mga mggndang titser :)

    ReplyDelete
  12. Tagapaghubog ang mga guro sa maalam na nating utak.
    Marami silang magagandang gawa at kadakilaan na napatunayan na.
    Pero hindi lahat ganun, depende sa guro at kung ano ang pinaniniwalaan niya bilang guro at tao siya.

    Hi goyo, ilan na ang nagoyo mo? Patawing lang po.

    ReplyDelete
  13. high school life oh my high school life... walang kasing saya.

    paborit kong guro ay yong titser namin sa algebra...babae na parang bading ang bibig, sobrang ingay...pero in fairness galing nya at marami akong natutunan sa kanya..

    ReplyDelete
  14. akala ko Libog post--hehe

    naging teacher ako sa public school for 3 years at terror talaga ako. naisip ko minsan, nakakatuwa siguro turo ng mga college students, makikita mo reaction nila, kaso siguro kung sa college ako magturo, di tatagal buhay ko. baka bigla nalang akong abangan sa labas. hehe

    ReplyDelete
  15. Hello friend :)

    Isa ka sa mga napili ko for TOP 10 Emerging Influential Bloggers of 2010!

    Congrats in advance and I am hoping that you will continue blogging... Hehe :)

    Goodluck! Sana makapasok ka sa overall Top 10...

    I am hoping to see you rin sa awards night :)

    ReplyDelete
  16. may prof ako dati, tinuturuan lang kami ng puros kalibugan. kailangan daw yun sa buhay, and we proved him right. hoho.

    ReplyDelete
  17. anakngtokwa. may prof akong ibinagsak ako. jusme!!! pero apterdat okay na. mas lalo tuloy tumindi ang fighting spirit ko. hakhak!

    halos karamihan sa mga prof ng engineering laging may halong kalokohan ang itinuturo sa amin. minsan pag may napuntang ME na instructor sa amin, sisiraan at idadown ang ECE. nakakabwisit lang.

    hakhak!

    basta pagkagraduate ko ayaw ko maging prof o maging teacher. ayaw ko. kasi ayaw ko gawin ng mga estudyante ko mga ginawa ko noon sa mga teachers ko. waaaah!

    ReplyDelete
  18. may mga naging guro ako na malupit talaga..hindi puwede biruin..parang mainit lagi ang ulo..

    ReplyDelete
  19. I have high respect for teachers kahit sometimes nasasagot ko sila, haha. Kasalanan naman nila. *peace*

    Off-topic: Nasa college ka pa rin? What year?

    ReplyDelete
  20. Isa talagang malaking parte ang mga teachers sa buhay ng isang estudyante. Ako, kapag magaling ang teacher magturo, kahit terror pa sya, favorite ko na un. Pero kahit gano kabait pero ang tanga naman sa pagtuturo lalo na yung mga barok magenglish, ayokong ayoko un! Lalo na yung mga namamagsak ng wala namang dahilan, o kya yung hindi marunong magturo tapos ang baba magbigay ng grade. Err, nakakagigil un. Pero tama ka, dapat gawin nalang natin silang inspirasyon sa buhay. :)

    ReplyDelete
  21. ako nga din iba yung pagkakaintindi ko. kala ko ano. hahaha.

    ReplyDelete
  22. at may mga guro namang naghihiganti :D

    ung prof ko nung 1st yr 2nd sem,
    lagpas sa kalahati ng klase namin, binagsak nya (kxama ako,watda!) pero nung magretake kami, ibng prof na kinuha namin.. SISIW lng pla! (pero syempre joke lng un hehe) ayun, nkapasa kami ng hndi dumudugo ang ilong.. ang galing magturo.. tas last sem, nakita nmin ng dabarkads ko ung transcript ng prof naming nambagsak samin.. wo0op! ang dami nyang failed at INC.. kaya pala, bumabawi ata sya! at kami ang nabiktima!


    bakit kaya may mga ganung prof?

    ReplyDelete
  23. kung iisipin nga, dapat naaappreciate natin ang mga guro natin. kahit pa dati, kung loko-lokohin lang natin sila, kung pagtawanan ang mga mannerisms nila na nakakatawa naman talaga, kung makareklamo sa dami ng mga pinapagawa, akala mo sila pa yung may utang na loob sa atin. XD

    ReplyDelete
  24. Kuya Goyo salamat po sa pagdaan sa blog ko.
    Nakarelate ako ng sobra dito, dahil naging mag-aaral at naging guro ako. Ngayon ay nakikipagsapalaran sa disyerto.

    May iba-ibang katangian ang guro depende sa klaseng hinahawakan. Strategies kumbaga.

    Ang tawag sa akin ng mga naging mag-aaral ko ay Sir Sungit noong una. Tapos kalaunan barkada nalang ang turingan. Kuya ang tawag nila kapag sa labas ng school. Masayang maging guro.

    A teacher's word has two purpose, to kill or build.
    Kaya bawal ang verbal abuse mas malalim ang sugat nun sa mga bata.

    Tsaka ang importante ay mag-iwan ng legacy sa buhay nila hanggang sa pagtanda ay hindi ka nila makakalimutan.

    ReplyDelete
  25. ayoko sa uber bookish na teacher at puro kwentuhan lng alam hahaa..
    mas gusto ko terror para machallenge tau hahaha...

    ReplyDelete
  26. ako mabait akong guro! hehehe

    ReplyDelete
  27. Titser nanay ko, lola ko, lola ko pang isa, mga tita ko... teka, puro pala sila babae. Ay, ang seksist lang. Gayumpaman, siyempre saludo ako sa kanila kasi napagtiyagaan din nila akong turuan ng mga bagay-bagay na hindi ko matututunan sa loob ng klase. Kung pwede ko silang yayaing tumagay para pagbibigay-pugay, gagawin ko. Pero dahil konserbatib pa rin sila, sms na lang (alam naman nilang mahal ko sila. Sana, hehe). Salamat sa'yo, Goyo, sa pagapaalala sa amin na Teacher's Day ngayon. Kudos!

    ReplyDelete