Ikaw ang babaeng pinaka-natatangi sa lahat bukod sa nanay, kapatid at lola ko.
Tanggap mo ako sa kung ano ako. Tanggap mo hindi lang ang magaganda at mabubuti kong ugali (kung meron man), higit sa lahat ang mga pangit at masasama kong asal.
Ikaw 'yung tipong kahit ikaw ang nagbayad ng pamasahe natin sa FX at kahit ako lang 'yung nag-abot, pagbalik ng sukli ng driver ibibigay mo sa akin para lumabas at isipin ng ibang pasahero na kunwari ako ang nagbayad.
Akala mo 'di ko napapansin, may kurot sa puso ko pero mas lamang ang kaligayahan dahil naiintindihan mo ang kalagayan ko.
Noong martes, sinasabi kong busog pero ang totoo gutom na gutom na ako. Nagpapakipot lang ako at mas inuuna ko ang tampo ko. Pero ikaw pa rin ang nagwagi, umorder ka ng maraming fries. Gustong isulat ang salitang 'I LOVE YOU' gamit ang mga patatas pero nanghihina ako kapag tinitingnan kita, isang halik na lang sa pisngi mo ang nagawa ko.
Ikaw 'yung tipo ng babae na marunong at alam kung paano ako pasabikin, ang galing mong magpamiss. Alam mo kung kailan ako dapat awayin para suyuin kita. Gustong gusto ko 'yun kung alam mo lang dahil epektibo naman talaga ang pagpapamiss mo, at lalo ko lang nararamdaman na mahal kita.
Ikaw 'yung tipo na hindi agad ibibigay ang gusto ko, pag ayaw mo ay ayaw mo talaga. Lalo rin kitang minahal dahil dun. Ikaw din 'yung tipo na kapag galit, galit talaga. Kaya mo rin akong paiyakin kahit ang laki-laki kong tao.
Naalala ko nga minsan sa gitna ng daan, nakapantalon ako noong ragged at t-shirt na black, ang tigasin ng dating ko noon kasi mahaba pa ang buhok ko. Pero lumambot ako, napaiyak mo ako.
Ikaw 'yung tipo ng babae na laging nasa timing ang paglalambing. Wala akong matandaan na tinanggihan ko ang halik mo sa mga pisngi ko. Laging handa ang matataba kong pisngi para sa paglapat ng labi mo.
Ikaw din 'yung tipo ng tao na kapag nagsabi ng 'I love you', ramdam kong totoo.
Ikaw 'yung tipo na hindi nakakasawa kahit lagi tayong nag-aaway.
Ikaw din 'yung tipo na kapag may nasabing masakit tungkol sa pagkatao ko, mabilis kong matanggap dahil totoo. Bukod doon nagsisilbing inspirasyon sa'kin para magbago.
Hindi ako perpektong boyfriend, marami akong kahinaan at pagkukulang. Pero kapag kasama kita, pakiramdam ko ang lakas-lakas ko at ako ang pinaka-gwapo kahit ang totoo madalas akong mukhang basahan kasi ang ganda mo.
Ikaw 'yung tipo na hindi ako binobola lagi, pero oras na magbitaw ka ng salita, madalas inaamin ko sa'yo na kinikilig ako.
Kanina ang isa sa pinakamasayang sandali ng buhay ko. Kahit tumirik ang bus sa gitna ng lansangan sa kasagsagan ng malakas na ulan, 'yun pa rin ang pinakamasaya. Natakot ako na baka sumabog ang bus, natakot akong biglang pumanaw na hindi kita katabi dahil nagkalayo tayo ng upo sa dami ng tao sa loob. Nagtitinginan lang tayo, inaya kitang bumaba ng bus kasi ang hirap kahit saglit lang na hindi kita katabi at nakikita na malayo ka sa'kin.
Magkasalo tayo sa iisang payong, mas pinili natin sumakay sa unahan ng jeep. Ito ang isa sa pinakamasayang byahe ko sa jeep. Dinaig pa natin ang pagbuo ng pangarap ng mga bagong kasal.
Hindi naman masyadong malamig, pero mahigpit kitang niyayakap. Nababasa ng ulan ang kalahati ng katawan ko sa payong pagkababa natin sa jeep kasi mas gugustuhin kong ako ang magkasakit kaysa ikaw.
Isa ka sa mga inspirasyon ko. Alam kong hindi man tuloy-tuloy ang relasyon natin dahil sa mga pagsubok na nagiging sanhi ng paghihiwalay natin ng pansamantala, andito pa rin tayo ngayon at nakatayo gamit ang mga paa ng isa't isa.
Isa ka sa taong gusto kong makasamang tikman ang una kong sweldo kapag nagkatrabaho na ako bukod sa pamilya ko. Ikaw ang gusto kong makasakay sa pangarap kong kotse. Ikaw lagi ang kasama sa mga pangarap ko.
E kasi naman, kahit hindi talaga ako mabait, kahit maraming magtaas ng kilay kasi alam nilang malandi ako at babaero, wala akong pake, basta sasabihin ko sayo:
GAIL, IKAW LANG ANG MINAHAL KO NG GANITO.
Aww. So sweet. Can't believe na yung tarantadong Alexis maiinlove ng ganito. Haha CONGRATS to you and to her :)
ReplyDeleteawwts!!! sweet mo goyo! loveit much! gail is so lucky en sa nabasa ko ur so lucky to have gail aswell! ayiee.. kinikilig ako! ahihihi
ReplyDeletePwedeng pakopya? lolzz Takte!Ang galing ng pagkakasulat, ang sweeeettt :)
ReplyDeleteNilalanggam dito :) ur lucky to have her, don't lose the grip...
ReplyDeleteayun lumalablyf ka na hahaha,,,
ReplyDeletepero infairness ang sweet ng poste mo ah hehee,,ayeeiiii
Wow ang Chezzzzzzzzzzyyness mo na Tol!
ReplyDeletepaano nagkaroon ng link nung latest post ko sa baba ng mga comments mo?
ReplyDeleteNangyari na sa akin dati yan eh, pero hanggang ngayon di ko malaman kung paano :D
sobrang keso. bukal sa puso at kaluluwa.
ReplyDelete\m/ galeng.
Awwww!!! Ang sweet mo naman. Am now a follower. More power. :-)
ReplyDeleteAng sweet! Pwede mo sigurong isali ito sa kontest ni Kulisap. Lalakihan ko ang score ko sa iyo! hehe
ReplyDeletehttp://jkulisap.com/2010/07/sige-ihataw
wow, kaya pala, happy.. hehehe
ReplyDeletetaena! npakaganda! basag ang puso ko dun!
ReplyDeleteEnjoy the moment, isa sa pinaka masayang parte ng college life ang mga eksenang ganito. Hold on to it and cease the moment, just be responsible to every action, okay!
ReplyDeleteNice post by the way.
at para atang doubful ka kung mabait ka? hahaha
ReplyDeleteperfect match i guess. buti nkhanap ka ng perfect pra sayo. :-) nice piece. pinaghugutan ang puso. hehehe. naalala ko lng dun sa may psahe s FX.. ibinabalik ung sukli kht sya nman tlga ngbyad. ahehe naalala ko lng ngawa ko din yun for my man...:-) never let her go... hold her tightly^_^ msaya yun.!:)) saktong tunay!
ReplyDeleteperfect match i guess. buti nkhanap ka ng perfect pra sayo. :-) nice piece. pinaghugutan ang puso. hehehe. naalala ko lng dun sa may psahe s FX.. ibinabalik ung sukli kht sya nman tlga ngbyad. ahehe naalala ko lng ngawa ko din yun for my man...:-) for that never let her go... hold her tightly^_^ msaya yun.!:)) saktong tunay!
ReplyDeleteSheeeeeeeeettttttttt.. ang sweet! sarap mainlove no pare koy?!
ReplyDeletetuloy tuloy mo lang yan.. Meron mang pagkakataon na nagakatampuha isipin mo parang arnibal sa taho yan pampasarap sa isang relasyon!
congrats at godbless for both of you!
inlababo talaga ang parekoy! iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig!
ReplyDeleteang sweet..
ReplyDeletelalo na dun sa makatikim ng unang sweldo at makasakay sa pangarap na kotse.. awww! that's so so so sweet.
pareho kayo swerte sa isa't-isa^^
naks!
ReplyDeletesobrang cheesyyyyyyy!
pacheeseburger ka naman!
hakhak!
Ang sweet! God Bless your relationship!
ReplyDeleteAww.. isa lang ang masasabi ko: napaka suwerte mo sa kanya parekoy! mahirap humanap ng ganyang babae sa panahon ngayon ^_^
ReplyDeleteHays pag-ibig, pag pumasok ninuman lahat hahamakin...
ReplyDelete*kilig kilig at isa pang kilig*
Gusto ko yung french fries na part...so makeso hehehe...
*kilig kilig at isa pang kilig uli*
wow! Pareng goyo napaka swerte mo naman sa girl na yan. Thumbs up ako! More power sa inyo. God bless! Pero mas swerte sya sayo hehe yun yun eh!
ReplyDeletehanep, sobrang ka-sweetan naman yan. saludo ako sayo!
ReplyDeletesalamat din sa pag add ng saranggola badge!
super sweet goyo.. love it.. ng enjoy ako pagbabasa..
ReplyDeletesir alex da best tlga! Tsk parng one more chance nakakdla ng emotion,!haha!
ReplyDeletelangya kuya goyo.ngayon ko lang nabasa 'to. KINIKILIG AKO.hohohoho. THUMBS UP KUYA!=))
ReplyDeleteWEH..98% same kami nung girl ..ganyan na ganyan ako sa asawa ko..hehe..backread me
ReplyDelete