Pages - Menu

Tuesday, July 6, 2010

On the 10th of July

July 10,2008 *Thursday, 11:45am-12:00pm)
First meeting namin, location: Freedom Park, near Arts Building. Di ko masyadong nakita yung muka nya kahit andun sya sa harap ko, nahihiya kasi ako, lalo na may kasama syang classmate nya. Mahiyain pa naman ako. =))
~After ng unang pagkikita, text-text-text. Di ko lang alam kung may mapapala ako sa palitan namin ng message.

July 14,2008 *Monday night

Hmm. Siguro ito talaga yung araw na NAGKITA na kami. Nakausap ko sya ng matagal, nagshare sya ng konting bagay about sa family nya, past relations etc. Itong gabi din na to, nalaman ko na OK lang sa kanya na maging friends kami. Masaya ako dahil don. Hindi ko alam kung pinagtitripan ako, nagsend pa ng picture message saken. Save ko daw.

Itong gabi din na to, pinatunayan nyang hindi sya chubby, nakashorts sya.sexy. witwiw. haha
~nagkikita kami sa school kapag break time nya, isang umaga din nakasabay ko sya pumasok, kapag gabi naman, pumupunta ako sa dorm nila. Yung mga simpleng bagay na yun, sobra yung ligaya na ibinigay saken.

July 18,2008 *Friday, 4:00pm

Unang beses na nagalit sya saken. Hindi ko alam kung anong nasabi ko. Alam ko nagbiro lang ako, nagulat ako nagwalk-out sya. Akala ko wala lang yun, nakangiti pa ko nung sinundan ko sya, paghawak ko sa kamay nya, wala na dumulas lang, umuwi na sya.

Text Message nya:
Gail:Masaya ka na? Naasar mo na naman ako.
Gail: ayaw na kitang maging kaibigan, hindi na ko makikipagkita sayo kahit kailan.

***
Yep, she is Gail.

Nagdecide ako na wag pumasok sa last subject ko nung araw na yun para maayos agad yung nangyari, text ako ng text sa kanya, walang response, nagpunta ako sa dorm nila, wala pa din, sinubukan kong tawagan sya, wala, di nya sinasagot.

**Taking friendship seriously, maybe one of the best way to get hurt. Love?

~dito na ko nagsimulang mag-isip ng kung ano-ano. Hindi ko alam, wala naman ako sa posisyon, pero masamang masama yung loob ko sa nangyari, ang dami kong iniisip na hindi dapat kasi bago lang kaming magkakilala. “Akala ko naging maging magkaibigan kami, kasi gusto nya din akong maging kaibigan”. Pero hindi, friendly lang talaga sya. Ano ba tong nararamdaman ko?

July 20,2008 *Sunday

2 days na, wala pa ding text galing sa kanya. Nagtry ulit ako, ayon, nagreply. Wala na ata yung pagkabadtrip nya saken?
Nagseselos ako! Nakita ko sya may kasamang iba, buti di nya ako nakita. Sabagay, wala din naman kahit makita nya ko. Pagdating ko sa boardinghouse, nagtext agad ako.

Alexis: kaya pala di nagrereply, may kasamang gwapo.
Alexis: sige paalam.

****
Naisip ko wala na talaga. Wala na yung friendship na sinisimulan namin. Ito na siguro yung pinakamahabang 3 araw ng buhay ko. Friday, Saturday, Sunday. Parang sobrang daming nangyari.

****
Pumunta pa din ako sa dorm nila nung gabi, nagkausap kami, pinsan nya daw yun, at nagpalipas lang daw sya ng badtrip, di naman daw nya nabasa yung lahat ng message ko. (buti na lang hindi nya nabasa, nakakahiya lahat ng mga sinabi ko sa text e.) Kala ko ok na. Pero parang hindi pa din. May prob pa din.

July 21-27 *2ndWeek as Friends.

Medyo marami na kong nasabing masasamang bagay sa kanya, at marami na din akong nalalaman sa kanya. Lalong lalo na yung pagiging “Sensitive” nya. Madali syang masaktan kahit simpleng mga bagay lang. Lahat pala ng sinabi ko dati, kahit lambing lang yun na may halong pang-aasar, tumatanim sa kanya. Di ko alam kung napapansin nya na hindi lang pagiging “friends” yung habol ko sa kanya, medyo iba na din dating ng text ko sa kanya, lagi kong dinidiin na gusto ko syang maging GF. Nasabi nya din na kung magiging kami, baka daw hindi kami magtagal kasi di kami nagkakasundo. Lagi nya din dinidiin na FRIENDS lang kami. Itong point na to, napapaisip na naman ako, ayoko kasing maging Friends lang kami, di ko kayang makipagkaibigan sa taong natutunan ko ng mahalin. Paulit ulit lang yung nangyari, nagkikita kami sa school kapag araw, sa dorm naman kapag gabi. Hindi ko alam, pero laging mabigat yung pakiramdam ko, pakiramdam ko ayaw nya talaga saken, at mauuwi lang sa wala yung pagkakaibigan namin.

**nagdecide na ko. sasabihin ko sa kanya na gusto ko syang maging GF. Kapag ayaw nya, kakalimutan ko na sya, para di na ko nahihirapan. Siguro mabilis, pero ito lang yung alam kong paraan para mapalagay yung loob ko, para di na lumala pa yung nararamdaman ko.**

July 28,2008 *who’s your favorite Superhero? ~BATMAN

***
Minsan kapag magkasama kami, kapag dead air, tinatanong nya ko kung anong paborito kong kulay etc. at sino daw paborito kong superhero? Sabi ko WALA. Sa kanya daw si SUPERMAN.

***
Ito na yung araw na yun, patay kung patay. Sabi nya madali naman daw syang abutin, nagpalakas ng loob ko yung sinabi nyang yun. Inaya ko syang manood ng movie. Planado na lahat.

Magkasama na kami, nakakahiya, wrong sent ako. Alam na nya yun. BATMAN na. Kinausap ko sya. Kinausap ko sya. Kinausap ko sya. Matagal bago ko sya nakausap. Mahirap bumwelo. Di ko alam kung pano sisimulan. Kinuha ko phone nya para walang istorbo (hilig kasing magtext). Sunod kong kinuha yung kamay nya, (haha). Anu nga bang pinag-usapan namin? Basta alam ko naging “kami” na. Who’s my favorite hero now? BATMAN! Mabilis yung pangyayari. Tapos na si BATMAN kay Joker. Kami bago palang magsisimula. Binalik ko na phone nya, uuwi na kami, bago yun, badtrip.

T e t e t: mahal kita.

Messge sa kanya. Woooooooooooooooooooooooooooooooooh!! Sakit naman nun. Nakakaasar.

July 30, 2008 *break-up?

***Nagsisimula palang kami, kasabay nun simula din pala ng mga away.***
Tuesday Night, 1day palang kami, magkakahiwalay na? hmmm. Lagi nya kasing kausap yung kaibigan nya kapag nagpupunta ako dun, hindi ko alam kung bakit medyo di ako nakatiis, umuwi agad ako. Nagtext sya:

Gail: ayoko na.

Ang bigat sa pakiramdam. Bago pa lang kami ganun agad. Anu yun lokohan? Haaay. Mali daw yung desisyon nya na sinagot nya ko.
Sa pagkakaalam ko, naayos ulit kami. Hmmm. Buti naman. Ang babaw nun grabe.

July 31,2008 *First Kiss. ^^

Thursday night? Sobrang saya ng araw na to. Salamat sa kaibigan nya na nagpapahintay sa kanya at salamat din sa mga taong umupo sa tapat ng tindahan. Inaya ko sya na maglakad kami. Umikot lang kami, ang gaan sa pakiramdam kapag nakaakbay ako sa kanya, ang sarap maglakad kasama sya kahit wala naman kayong lugar na pupuntahan, ang mahalaga lang kasama ko sya. Sa gilid ng daan, may bench. Umupo kami habang naghihintay sa kaibigan nya. Unexpected? Di ko alam, pero natukso ako na halikan sya. Buti di nya ko iniwasan. ^^ sarap.

August 1,2008 *More kisses?

Basta alam ko lang, mas masaya tong araw na to compare kahapon. Absent sya sa last subject nya? Hehe. Bait naman ng gf ko.hehe. bad influence daw ako? Plano naman talaga nyang mag-absent.hehe.

August 4,2008 *Monday- Sana laging Thursday at Friday

Yun yung lagi kong iniisip mula nung nahalikan ko mga labi nya. Isa sa pinakamagandang tanawin na nakita ko, yung mga mata nyang sobrang lapit sa mata ko. Walang halong bola, mas maganda sya kapag hinahalikan ko sya, dapat lagi kitang ikikiss! Hehe.
Tulad ng mga nagdaang araw,nagkikita kami tuwing gabi. Pero tong gabing to, iba. May nakipagkita sa kanya na KAIBIGAN nya daw.

**Seloso akong tao. Hanggat maari ayokong makipagkaibigan yung GF ko sa mga lalaki. Iniisip ko pa lang, nasasaktan na ko. Kung pwede lang 24hours kaming magkasama. Ayoko na may hahawak na iba sa kamay nya, kahit dumikit lang yung balat nya sa lalaki ayoko. Di ko alam kung normal to, pero ganito ako lalo na kapag Mahal na mahal ko yung tao.**

Ang tagal nilang magkasama kung sino man yung kasama nya. Tinatanong ko sya kung magkikita pa kami, wait daw,sandali lang daw. Anong oras na? Inip na inip na ko. tumambay ako sa tapat ng ministop kasama mga tropa. Ang totoo, hinihintay ko sya kaya ako nandun.
Nagkita na kami. May nasabi na naman akong masama. Tinanong nya ko kung hinintay ko sya?

Alexis:feeling ka naman, bakit kita hihintayin?

Nagbago na yung mood nya. Gusto nya na kong umalis. **sobrang mali nung sinabi ko, medyo tampo din kasi ako sa kanya, ang tagal nya kasi, para lang mapagtakpan yung paghihintay ko sa kanya, nasabi ko yun, sana nagpakatotoo na lang ako**

Eto pa ang masama, umalis ako. Nagtext pa ko ng smiley. Wala akong kamalay malay, nasaktan ko sya. Gusto na naman nya ng hiwalayan.

Naipon na lahat ng mga masamang salita na nasabi ko. di ko na babanggitin. Ayaw nya na. Gulong gulo ako. Babalik pa dapat ako sa kanila, ayaw na nya, di na ko tumuloy, nasabihan pa kong sinungaling. Kahit anong paliwanag ko, wala. Di tumatalab. Nagpunta ulit ako sa dorm nila mga 12am na ata yun, umaasa na bababa sya kahit imposible. Umuwi na’ko. Huminga ng malalim, natulog ng may pangamba.

August 6,2008 *Wednesday-HB kami.

Umagang umaga. Nag-open yung classmate ko, break na daw sila nung GF nya for 2 years, nagbreak daw sila nung birthday nya. Hindi nila alam, BrokenHearted din ako. Magkatext kami, pero puro palitan lang ng message na makakapagpalala sa sitwasyon, tinitiis nya ko, sobrang bigat ng pakiramdam ko, tama lang na mag-inom, para makalimot.

Nagkayayaang uminom, sumama naman ako. Habang umiinom kami, magkatext kami, sabi ko magkita kami mamaya, pumayag naman sya, pero bago sya pumayag, sobrang hirap, ang dami ko ng nasabi wala pa din, pasalamat na lang ako pumayag sya. Tapos na ang inuman, papauwi na ko, wala naman akong tama, nakasalubong ko sya kasama yung kaibigan nya, naligo agad ako, wala talaga akong tama, parang hindi din ako uminom. Isa lang ang lasing, yung kaklase kong HB.

~hindi ko alam kung pano naayos, alam ko lang nag-usap kami. Haay. Buti naisip nya na mababaw? Sabi nya sinusubukan nya lang daw ako. Huhu. Halos mabaliw ako nun. Di ko kaya kapag nagkakaron kami ng tampuhan. Lagi akong nag-iisip ng kung ano-ano, iniisip ko kung mahal nya ba talaga ko? hirap kasi syang patawarin ako. Salamat naayos naman.

August8,2008 Friday night: may prob sya, tungkol sa Ex nya at mommy nya, malungkot ako nun, wala kasi akong magawa para makatulong sa kanya. Hmmm. Sabi naman nya, ayaw nya akong madamay sa prob nya.

August 9, 2008 *tamis.

Nakakatawa.haha. nagpasama kasi ako sa kanya sa pagbabalik ng book sa friend ko kagabi, kung anong suot ko nung gabing yun, yun din yung suot ko kinabukasan.haha. nakatulog kasi ako habang magkausap kami sa text. Sabi ko magkita kami bago sya umuwi, pumayag naman, yun lang ang tagal nyang maligo at magpaganda, sulit naman nung nagkita na kami. ^^ kiss sagad! Ang sarap ng pakiramdam, parang kayo lang yung tao sa mundo, Malaya kayong pag-usapan lahat, mas nagkakaintindihan kayo. Kapag ganitong mga pagkakataon ramdam ko na nagmamahalan talaga kami.

Tong araw din na to, nakita ko ng personal pinsan nya, sabi nya saken ayaw daw saken nun, ok lang.haha. WALA AKONG PAKIALAM BASTA MASAYA KAMING MAGKASAMA!

August 10, 2008 *start ng mas malalim na away.

Nagpasama ulit ako sa kanya sa pagbabalik ng libro, haay. Mas malalim na yung pinagmulan ng away, may nasabi na naman akong bagay na di nya matanggap. Dahil sa emo thing, nasabi ko yun. Di ko sinasadya, at di ko intensyon na masaktan sya. Naulit na naman, gusto nya na kong hiwalayan ng TOTOHANAN, Sobrang lungkot. Nagpunta ko sa kanila, wala ulit nangyari. Dito ko nagstart tumikim ng yosi kahit hindi nag-iinom, ngyoyosi lang kasi ako kapag umiinom ng alak. Nakatulong naman kahit papano. *ubo*ubo.

August 11, 2008 *Monday-HB ulit kami

Galit pa din sya. Hindi nya ko pinapansin. Kahit anong sabihin at paliwanag ko walang nangyayari. Masama talaga yung loob nya. Nag-inuman kami ng mga classmate ko, haayy. Dalawa kami nung classmate ko na heartbroken. Medyo nakatulong din naman yung alak, makakalimot ka kahit sandali na may problema ka, ngayon naiintindihan ko na kung bakit maraming lumalapit sa alak kapag may problema, makakalimot ka kahit sandali, pero oras na mawala na ang tama mo, balik ka na naman sa problema. Tama ganun na nga, problema ko pa din ang pag-iwan saken ng Honhonko. 

August 12, 2008 *Tuesday

Sabi ko sabay kaming pumasok, pumayag naman sya. Kala ko maayos na, wala nangyari sa pagsasabay naming pumasok, wala na daw talaga, iniyakan nya yung sinabi kong salita. “B***”. Sa dami daw ng magsasabi nun sa kanya, ako pa na BF nya. Tuloy lang ako sa pagpapaliwanag. Na hindi ko intension yun, na expression lang yung pagkakasabi ko, na sa ganun lang yun, sa emo thingy lang. wala ding nangyari.

Nung hapon, gusto ko magkita kami, alam ko breaktime nya. Pilit ako ng pilit, pero wala, hanggang sa mauwi na naman sa palitan ng mas masasakit na salita. Naisip ko na ito na talaga yung katapusan namin, umuwi na lang ako, sobrang lungkot, naisip ko na hindi ko na kahit kailan mahahawakan yung kamay nya, na hindi ko na ulit mahahalikan mga labi nya, at lalong hinding hindi ko na mapaparamdam kung gaano ko sya kamahal. Hindi maiwasan, sa mata ko lumabas yung lungkot na nararamdaman ko, nakakatawa na sa pag-iyak ko, nakatulog ako.
Pagkagising, late ako sa klase ko. Uwian na, oras na naming matulog, text pa din kami, lalong lumalala, ayokong matulog hanggat hindi ako inaantok, maiisip ko lang sya, luluha lang ulit ako.

August 13, 2008

Tuloy lang yung pagtetext namin, pero wala namang nangyayari, nasasaktan ako, ramdam na ramdam ko na kayang kaya nya kong baliwalain kahit sinasabi nya na mahal nya ako. Kung matitimbang lang yung bigat na nararamdaman ko, masisira siguro yung weighing scale. Nung gabi, pumayag sya na magkita kami. Nag-usap ulit kami. Pumayag ulit sya na maging kami, isang pagkakamali ko na lang daw wala na talaga, binigyan nya ko ng last chance. Nakakatakot magkamali ulit. Ayokong mawala saken si Honhon. Mahal na mahal ko sya.

August 14, 2008 *kapag minamalas nga naman.

Kakabati lang namin, ramdam namin na parang hindi na tulad nung dati yung relasyon namin, masyado ko syang nasaktan sa mga nasabi ko. 11am. Inaya ko sya na magkita kami, pumayag naman sya, sobra sobra yung pagkamiss ko sa kanya. Pagdating sa bahay, hindi ko mapigilan sarili ko, buong pagmamahal ko syang hinalikan. Hmmm. Absent na naman si honhon dahil saken, 12pm pasok nya, nasabihan na naman ako na bad influence, hehe, absent din ako sa isang subject ko.kwits na. Plano namin, magkikita kami mamayang gabi, tapos na klase ko, ang lakas ng ulan, sya kasama nya mga pinsan nya sa mall, nagtetext ako sa kanya, di sya nagrereply. Badtrip, nakita ko na lang ang sarili ko na kasama ng mga classmate ko nag-iinuman na kami. Nakapagsabi naman ako na hindi na kami magkikita kaya lang huli na, nakauwi na sya sa dorm. Nagstart na naman yung pagtatampo nya, pinaparamdam ko daw sa kanya na balewala lang sya saken, na hindi naman talaga ganun. Akala ko simpleng tampuhan lang yung nangyari, malalim na pala, ayaw nya kong itext.

August 15-17, 2008 *ang lungkot.

Friday, wala pa din, di sya nagrereply, kala ko tampuhan lang, wala akong kamalay malay na yung last chance ko naubos na. nagkasalubong kami sa overpass, kahit yung tingin nya hindi nya ibinigay saken, parang walang nakita.
Sabado, tuloy lang sa pagtetext, wala, bihira ang reply.
Linggo, ganun pa din, ayaw na nya, ayaw na talaga nya, sawang sawa na sya sa mga away namin, gusto nya na mag-usap kami kinabukasan, Closure daw.

August 18, 2008

Walang pasok! Dapat Masaya ako dahil walang pasok, pero hindi, malungkot tong araw na to, sinisimulan ko ng ihanda yung sarili ko, pero bakit ganun, nag-iba yung mood nya sa text, biniro pa nya ako kahit alam nyang nasasaktan ako, naglabas ako ng sama ng loob sa kanya, akala ko maayos ang lahat kapag nagkita kami kinagabihan.
Gabi na. bago kami magkita, nagtanong ako sa kanya sa text.

Alexis: anong mangyayari mamaya?
Gail: wala.

Yun na, handa na ko, nung nagkita kami, nakangiti pa sya, hinila nya ko para sabihin lang na magpapalam na daw sya. Wala na, blangko na isip ko, ayokong ipakita na nalulungkot ako, wala akong magawa kundi maglakad papalayo. Tuloy ang palitan ng text, nagpaalaman na kami, masama pa din loob ko, walang preno ang pagtype ko ng mga salitang pwedeng makasakit sa kanya. Wala na kong pake, gusto kong ilabas yung sama ng loob ko. Tuloy lang ang paglabas ng usok sa bibig ko, lumapit na naman ako sa YOSI, badtrip e.

August 19, 2008

Palitan pa din ng mensahe, wala namang patutunguhan kundi ang patuloy na pagdudulot ng sakit sa damdamin ng bawat isa. Strange. Pumayag sya na magkita kami, akala ko pagkakataon ko ng isalba ulit yung relasyon naming, kasama ko na sya sa lugar kung saan, madalas naming iparamdam ang pagmamahal namin sa isat isa. Wala nangyari, napahiya lang ako sa pagtatangka kung maging maayos. Natahimik ako pag-alis nya, mabilis nag-isip na kailangan ko na syang kalimutan, sinabi ko na maging magkaibigan kami, sa kabila ng alok ko na yon, andun pa din yung intension ko na makuha ulit yung tiwala nya, magsisimula ulit kami sa pagiging magkaibigan, yun yung nasa isip ko. Pumayag naman sya na maging friends ulit kami.

August 20, 2008- I want you back!

Anong meron sa mga salitang yun? “I want you back”. Binigyan na naman ako ng pag-asa.
Give her 3 reasons:

1. Mahal kita!
2. Mahal mo ko!
3. Alam ko na lahat ng gagawin ko para hindi maulit lahat ng pagkakamali ko.

Mas lalong lumiwanag yung pag-asa ko, pumayag sya na dalawin nya ko sa boardinghouse, pumayag pa sya na ibili nya ko ng pagkain, biro lang sana yun na ibili nya ko, di ko na binawi,masaya yung pakiramdam ko. Pagdating sa bahay, hmm. Sweet. Komportable yung pakiramdam ko, nakahiga sya sa katawan ko. Parang kami ulit. Nakapag-usap kami, hindi sya naiilang na pag-usapan yung relasyon namin. Hinalikan ko sya, nakalapat labi ko sa labi nya, pero parang di nya tinatanggap mga halik ko, malapit yung mukha ko sa kanya, nag-usap kami, nag-usap tungkol sa mga bagay bagay, naging maayos. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya. Ang saya ko. ang tagal naming magkasama.

**akala ko magagalit na naman sya, may dumating kasi, bukas yung pinto.hehe.***

August 21-23, 2008.

Balik sa dati, kami na ulit. Parang napakatibay na namin pagkatapos ng maraming away na nangyari. Sabado, Malaya na ulit kaming pag-usapan lahat, bumalik na yung sweetness nya.^^ Masaya din ako nung nalaman ko na, ok na ako kay CJ yung friend nya. Masayang Masaya ako nung sabado. apaw,sagad sagaran.bwahaha.

August 25,2008*walang pasok

Wala na namang pasok! Yey! Hapon lumuwas ako, usapan namin magkikita kami ng gabi. Umaandar yung Jeep magkatext kami, sa morayta, papauwi na daw sya, nakita ko sya, naglalakad, kahit malayo, siguradong sigurado akong sya yun. Bumaba ako ng jeep, medyo tumalon ako, sobrang sabik ako na makita sya. Sabay na kaming naglalakad,umuwi muna ako, nagkita ulit kami sa dorm nila. ^^

August 26,2008*Tuesday-plano

Bukas Wednesday, magkikita kami. Hmmm. Planadong planado na. Tulad ng dati, magkasama pa din kami kinagabihan. ^^

August 27,2008*Date?

7 am na ko nagising. 1 hr akong late sa klase ko. Puyat ako kagabi. Ok lang, magdedate naman kami ni Honhon, ito kasi yung araw na mahaba yung oras namin para magkasama. 12 usapan naming na puntahan ko sya sa dorm. 10:30 ata yun, cancel na daw. Badtrip. Para daw syang lalagnatin, nilalagnat na nga, ng katamaran, tinatamad sya. Nakakaasar kasi, napag-usapan na, kahit anung mangyari tuloy kami. Pumayag na, sige daw alis na daw kami, umuwi na ko ng boardinghouse para magbihis, cancel na daw ulit. HUHU. Asar talaga, pakiramdam ko balewala lang ako sa kanya, na ganun ganun lang para cancelin na lang nya basta yung DATE namin. Ang nakakaasar pa, mag-iinternet daw sila. Haay. Nakakaasar talaga, haay, sya na naman yung nagalit, hinanap ko sya sa mga shop, pero wala, di kasi nagrereply. Nagpunta na lang ako sa dorm nila, inabangan ko sya, nagsosorry. Ayoko naming tanggapin, napikon na naman sya, away na naman? Di ko alam gagawin ko, inabangan ko sya, pero di ko sya nakita, nakasakay na siguro, may dala daw bag nung umalis. Sa sobrang badtrip ko, tumambay ako, gusto ko ng kausap, text ako sa mga kakilala ko na pwede kong mameet para makausap, isang Special HS classmate, nagkita kami, almost 4years din kaming di nagkausap nito, malaki yung naitulong nya para mawala yung pagkaasar ko.

Nagtext ako sa kanya, medyo ok na, nagkita kami nung gabi, ang tahimik ko, napansin naman nya na parang may iniisip ako, ayon sinabi ko na yung nararamdaman ko, natigilan sya, naisip ata na mali yung ginawa nya, after nun, ang hirap ipaliwanag, biglang naging sobrang lambing namin sa isat isa, halos hindi maghiwalay mga katawan namin, ramdam na ramdam ko yung pagmamahal nya, na wala syang pake kahit makita ng mga tao yung pagmamahalan namin, sya yung humahalik saken, sweet, burado na lahat ng pagkaasar ko sa kanya kanina. Kinagat na naman nya labi ko, pero OK lang, kahit masakit, haha. Umuwi ako na masayang Masaya, mahal ako ng taong mahal ko. Bukas 1 month na kami. ^^

August 28,2008*McNuggets? 1stMonthsary. ^^,

5:30. Magkikita kami. Ang tagal ko hinintay yun, umaga pa lang gusto ko na matapos lahat ng Quiz. 5:30 na. wala pa ding text. 6:00pm na wala pa din, sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko, ganito ba ko kabalewala sa kanya? T_T naisip ko, alis na lang ako, para libangin sarili ko. nagtext sya bigla, sunduin ko daw sya, sabi na eeh, nakatulog to, haha. Masyado akong nag-iisip ng kung ano-ano. Bagong gising sya nung pinuntahan ko. Ang laki ng ngiti ko, kasama ko na sya, sabik na sabik akong makasama sya sa araw na to. Ang lambing ang sarap sa pakiramdam, may secret kami. Haha.

Ang sarap sa pakiramdam na 1 month na yung pagmamahalan namin, masarap kasi sa loob ng isang buwan na yun, sobrang dami ng nangyari, ilang beses na akala ko hindi ko na sya makakasama dahil sa ilang mga away na nangyari, mali halos isang buong buwan na puro away, marami ding lambingan pagkatapos ng mga away. Masaya ako sa mga nangyayari pagkalipas ng mga away na nangyari, pakiramdam ko napakatibay na namin, siguradong sigurado ako sa nararamdaman ko, mahal na mahal ko sya sobra. Mas lalong nadagdagan yung saya ko, ramdam na ramdam ko din na mahal nya din ako. Napakadaming dahilan para ngumiti ako, hindi ko na kilala yung salita at pakiramdam na “malungkot”, ang daming dahilan pero isang tao lang yung pinagmumulan, ang saya ko may Gail ako na minamahal at nagmamahal saken. Salamat Honhon. Iloveyou`ney^^

Napakasaya ng araw na to. Natapos ang gabi na to, dahil late sya, libre nya ko, haha, McNuggets, kung ano ano daw nangyari saken, nakakain lang daw ako ng nuggets, magkatext kami pagkauwi ko, ayoko pa sanang maghiwalay kami, kung pwede lang sana na hindi na matapos yung gabing yun. Nakatulog ako pagkakain ko ng McNuggets. Haha.

August 29,2008*Friday-masaya lagi.

Maaga akong nagising dahil sa nuggets,haha, miss ko na agad sya, nagkita kami umagang umaga, hinatid ko sya sa pagpasok, ang sarap hawakan ng kamay nya habang naglalakad.
Nakakatawa, exam nila, magkatext kami, tinext nya saken yung mga questions sa Physics, ayon sinagutan ko, sana tama, para may Kiss ako.haha

Hapon, nagkita ulit kami sa school, pinagyabang nya saken na 89 daw sya sa Anatomy, samantalang kanina nagpaturo saken sa Physics,haha.

Mabilis ko kasi syang mamiss, gusto ko lagi ko syang nakikita, kahit kailan hindi ako magsasawang tingnan sya, sya lang yung gusto kong makita.
Gabi, nakatulog na naman ako habang magkatext kami.hehe.

August 30,2008*Saturday-Busy!

Inbox ko as of this writing.(Burger! Burger!)

Hindi ko binura halos lahat ng message nya nung Monthsary naming. Eto:
**August 28,2008**
00:16:16 - gudnyt honey..loveyou,too..muah.
06:13:05 – gudm0rning h0ney..
08:18:10 – I l0ve u 2 h0ney
10:12:10 – h0ney naiinis ako
10:13:03 – magpapalit nko ng n0.
10:14:28 – cno pa ba.nkkainis tlga
10:16:30 – ang bilis ko daw mkhanap ng kapalit nya.bka mkarma daw ako.inis na inis na tlga ako
10:20:36 – loser tlga n0h.kaasar.
10:23:38 – pero parang nanghihinayang ako sa sim ko..kc tgal na skn nito
10:26:22 – dko nman kelangan magm0ve on e.ibang case toh
10:29:31 – inis na inis na tlga ako
11:28:29 – ngaun plang break nmin
11:30:21 – cge gudlak h0ney
11:31:45 – oo dko nkkalimutan un
11:33:08 – l0veyoutoo honey
13:46:12 – haha ok lng yan..mas gudluck skn d n nman ako mg ppe
13:53:09 – ang init e..d pko uuwi maya2 pa
13:55:39 – wla n0h..m22log lng ako pag uwi sa d0rm
13:57:48 – nanghihina nga ako kya d ako nag pe
13:59:05 – hnd na..d na xa nagttxt e
14:03:01 – wag na sana
14:06:12 – ako nag eenj0y lng d2..haha
14:10:14 – pero gus2 ko na umuwi h0ney
14:11:28 – d ako mkatakas.ktbi ko prof ko
14:14:38 – hnd.kya nga binobola ko e.
14:15:50 – nang aakbay nga e.haha
14:16:47 – mbait nman xa
14:18:18 – wlang malisya h0ney
14:21:31 – xempre wla.prof un e
14:23:55 – ar0und 35 na
14:25:04 – gudluck h0ney..galingan m0h
18:22:33 – honey kggcng ko lng ..
18:23:42 – Sori honey
18:30:41 – h0ney w8 lng
18:34:44 – sunduin mo ko
22:27:07 – welcum..hehe
22:28:19 – yuck krin
22:30:00 – cheh.kumain kna nga
22:31:10 – msarap ba nuggets?hehe
22:23:48 – nkkataba dn ang fries an0 kba.
22:34:55 – kanin xempre
22:36:25 – nand2 lng ako h0ney..hehe
22:40:33 – hnd..wla ak0ng break e.tpos uwi nko agad after sch0ol
22:44:57 – my make-up class nga kmi.kc wla na kming pas0k sa sat
22:57:00 – haha.kumain ka lng nuggets nging ganyan kna h0ney
23:00:34 – bkt?msarap nman db?
23:02:14 – Loveu2..
23:04:59 – banatan kta dyan e.haha
23:08:26 – iba ata epekto ng nuggets syo h0ney..haha
23:10:23 – ok lng.n0 prob
23:13:33 – di pwede.grandma is waiting 4 me
23:24:33 – hala h0ney n2log kna kttpos m lng kumain
**August 29,2008**
17:18:51 – mamimis dn kta h0ney.wag maxado lalapit sa bading ha.hehe txt nlang kta mya
22:04:45 – gus2 m0h na m2log?
22:08:37 – namimis dn kta h0ney.hehe
22:11:07 – cge h0ney m2log kna..
**August 31,2008**
00:48:11 – haha.ano bay an.namimis dn kta
01:09:10 – H0ney 2log nko ha
01:11:08 – g0odnyt honey. Iloveyou..c u 2m..
~tama. Sabado ko to isinulat, pero naabutan din ng linggo.haha. ge.gawa na ko assignment, baka pala matulog na ko, basta. Mahal kita honhon.
 
-----END-----

Ngayong 2009 na:

Isang buwan ko rin isinulat 'to. Isinulat ko 'to mula noong una kaming nagkita. 'Di ko alam kung bakit una pala kaming nagkakilala naisipan kong isulat lahat ng mangyayari sa araw-araw. Natigil 'tong pagsusulat ko ng kwento namin noong ibinigay ko na sa kanya 'yung red book, kaya lang sinunog n'ya 'yun noong minsang nag-away kami. Buti may soft copy ako sa computer. Ngayon wala na kami, kwento na lang talaga ako sa buhay n'ya.


~ Ganito pala kami exactly 1 year ago. Mga bata nga naman. :)

Ngayong 2010 na:

Ang kwentong ito tulad ng nakasulat ay nangyari noong 2008. Kwento ng unang buwan ng pag-ibig ko sa kanya. Una itong nailathala sa Friendster Blog ko isang taon na ang nakakalipas. Siguro ay curious kayo kung ano na ang estado namin ngayon.

Nagmamahalan pa rin.

Ngayong 2011 na: Eto, nagkalimutan na. Malayo sa isa't isa. Maraming nagbago. Halos parang hindi na magkakilala. Hehe.

29 comments:

  1. kinilig aq dun s part n 1st time m syang mahalikan...hihihi
    ganyan dn kmi ng bf q b4,away-bati.hahaha! Gudluck s inyo...

    ReplyDelete
  2. ginawa ko rin ito dati, pag special ang isang tao sayo lahat ng tunkol sa kanya importante sayo.

    can i add you to my blog list. just drop by in my blog a message.

    rommeldiamante.blogspot.com

    ReplyDelete
  3. ang masasabi ko ay napakahaba..at yan ang nagagawa ng true love. keep it up parekoy

    ReplyDelete
  4. Pareng Goyo? Masaya ko na nabasa ko yung post mo na to. Napakahaba ng ginawa mo at bilib ako dahil di ka napagod ilathala lahat ng yan. Bukod pa dun sobrang tagal na niyan. Maituturing na kayaman yan! Hehe natatawa ko kasi naki2ta ko sayo yung sarili ko nung mag mahal ako. Ganon talaga? Sobrang tampuhan pero ang kapalit naman nun kasiyahan.

    ReplyDelete
  5. sobrang haba pootek. :P

    at dahil sa umabot na kayo ng 2ng taon. ROck on! \m/

    ReplyDelete
  6. ang haba! di ko binasa hahaha.. nadaan lang.. :) petitay!

    ReplyDelete
  7. hanep akala ko di kayo magtatagal, kasi start palng dami ng gulo..yun pla, oks na oks....hehe :)

    ReplyDelete
  8. ahaha ang gulo pero buti naman till now nagmamahalan pa rin kayo..^_^

    ReplyDelete
  9. ang haba ! hahaha...palalim kayo ng palalim....haha...grabe isang buwan niyo dami away haha..pero ayos kasi kayo pa rin..those things have made you stronger today..be stronger, happier...grabe diary mo ha..friendster days pa hehe ayos ^^.sarap sarap balikan noh?

    ReplyDelete
  10. Detalyadong detalyado ah. Happy for you na kayo parin at nagmamahalan. First few years of relationship is a test, and a little immature. Pero dapat magmature as you grow older TOGETHER.

    My girl and I will be celebrating our ninth anniversary next week. :)

    ReplyDelete
  11. ang tiyaga mo pre :] pero kung mahal mo naman talaga diba? hmm..

    ReplyDelete
  12. ang haba pala hehe

    saka ko tapusin kapag di ako busy lol

    ReplyDelete
  13. Binasa ko ulit master! Hahah. Di nakakasawa. T-up sir!

    ReplyDelete
  14. parekoy, ang haba haba hab haba haba ng entry mo. sana ay kasing haba ng aking.....

    nasa kalahati pa lang ako. sa weekend ko na tatapusin.

    maganda ang gusto mong patunayan dito. bilib ako sa'yo! \m/

    ReplyDelete
  15. Nyaha! :)

    Kinilig naman ako dun Goyo!

    naging memorable din sa akin ang FREEDOM PARK na iyan kahit na may nakapost na:

    "BEWARE: Falling Higads!"

    Hahahaha!


    Buti pa kayo nagtatagal...


    Wala lang... Inggit lang ako!scopo

    ReplyDelete
  16. Marahil nga nagmamahalan pa rin kayo.
    Naitala mo ang mahahalagang pangyayari sa inyong relasyon. Wow pare...ayos.

    ReplyDelete
  17. grabe di ko akalain na mahabang post pala binabasa ko hehe

    buti na lang worth reading naman

    :-)

    ReplyDelete
  18. binasa ko to sa phone ko . ngaun lang ako nakapag react . nakakakilig pero .. hahahah an lufet mu naman magmahal.. hindi ba bias un kwento mo dito ? hahaha

    ReplyDelete
  19. napakahaba pero binasa ko. LOL. astig, tagal nyo na...sana kayo na nga forever.

    ReplyDelete
  20. nalunod naman ako sa haba...
    ...at nilanggam tuloy ako. :]

    ReplyDelete
  21. nakakatuwa kasi sobrang detalyado about the emotions that you felt...natutuwa ako...kasi halos pareho lang pala ang nararamdaman ng guys sa girls...natutuwa akong isinulat mo ito...sanay magtuloytuloy pa ang pagmamahalan nyo...=)

    ReplyDelete
  22. Huwaw, well documented ang pagmamahalan nyo ah ^_^

    Hindi na biro ang almost 2 yrs nyong relationship. I salute you for that!

    And salamat po pala sa pagbisita sa king blog :)

    ReplyDelete
  23. salamat po sa mga nakibasa ng 1st 1 month naming magkakilala ng Honey ko.. :)

    ReplyDelete
  24. viva ang haba,,d naman masyadong detalyado sa date ano haha,,di kinaya ng memory ko ang powers mo goyo,,,,
    isa ka sa superkesong lalakeng nakilala ko ayeeiiii~~~

    ReplyDelete
  25. hahaha. sobra naman yung Unni kung ako na ang pinakakeso. HAHA!

    ReplyDelete
  26. napadaan lang ako pero naaliw ako magbasa ng blog mo.. natuwa lang ako kasi may mga nag-eexist pala talagang guy na ganyan. I mean talagang ipinagsisigawan sa mundo kung gaano sya kasaya dahil sa isang girl..ewan ko, hopeless romantic lang talaga siguro ako..

    ReplyDelete
  27. Hmm.. pilitin ko tapusin basahin lahat ng entry mo sa blog para maintindihan ko lahat hehe

    sana may mga ganito pa kahaba LOL

    I envy you guys =/ wala ako masyadong ganyan kakeso e LOL

    ReplyDelete
  28. @eric, pare napasyal ka sa blog ko.. hihi.. blog on. \m/

    ReplyDelete