Pages - Menu

Friday, July 2, 2010

Pangarap sa Bayan

PANGARAP - ang kaisa-isang bagay na sigurado akong libre! Mangarap ka lang, 'wag kang mag-alala hindi ito utang at wala ka talagang babayaran.

Marami akong pangarap sa buhay. Sa sobrang dami, nangangamba akong hindi lahat magkasya sa espasyo dito. Minsan hindi lahat ng pangarap natin sa buhay ay makukuha natin, at minsan kailangan nating isa-isantabi muna ang mga pansariling kaligayahan para sa PANGARAP SA BAYAN!

Ano nga ba ang mga pangarap ko sa bayan? Simple lang naman; ang maging isa ang Pilipinas, magdikit-dikit lahat ng isla para 'di na kailangan magbarko at eroplano. Lahat ng bagay magagawa at magiging posible kung nagkakaisa tayo. Walang talo-talo, kapayapaan lang ang iiral.

Gusto kong mawala ang trapiko sa Pinas, magkaroon ng mga kotseng lumilipad para wala ng male-late sa trabaho at maging mas mabilis ang pagpunta sa iba't ibang lugar. Wala ng late sa mga date, meeting at kung anu-ano pang mga importanteng bagay lalo na ang pag-rescue sa mga nangangailangan.

Magkaroon ng super vacuum cleaner para wala ng basura, kapag nawala ang basura'y siguradong wala na ring baha at hindi na mauulit muli ang nangyari sa Ondoy na alam naman nating isa ang basura sa naging dahilan. Bukod dito, ang sarap pagmasdan ng isang bayang walang basura, isama na rin natin sa mga lilinisin ang mga basurang pulitiko. Malinis na kapaligiran, malulusog na mamamayan.

Gusto ko rin magkaroon ng mga pagkaing de kapsula pero 1 full meal ang katumbas na puno ng lahat ng bitaminang kailangan. Kapag naimbento 'to, sigurado wala ng magugutom. Wala na ring magkakasakit at mamamatay dahil sa gutom. Wala ng malnourished at under nourished na mga bata. Wala ng pamilyang malulungkot sa pagkawala ng mga mahal nila sa buhay.

Korapsyon? Oo! Ito ang isa sa pinakamalaki at pangunahing problema natin. Pangarap kong magkaroon ng mahusay na presidente. Para makasigurado, lagyan natin sa leeg ng otomatikong gadget na sasabog kapag naramdaman nito na corrupt ang nakaupo sa pwesto. Sa ganitong paraan, matatakot na silang magnakaw. Mas maiintindi na ng pamahalaan ang lahat ng suliranin ng bansa.

Gusto ko rin magkaroon ng mga building na pwedeng tiklopin. Para kung saka-sakaling kailangan ng matitirhan ng mga tao sa ibang lugar sa Pilipinas, titiklupin lang ang ibang building at dadalhin sa lugar na mas kailangan ito. Libreng mga pabahay din ay isa sa mga pangarap ko, mga bahay na pwede ring tiklupin pero napakatibay at madaling gawin. Maraming bahay equals masayang pamilya at wala ng mga iskwater!

Sana meron din tayong super shield na panlaban natin sa mga bagyo at iba pang kalamidad galing sa langit. Kapag na-sense na ng super shield na lampas sa pangkaraniwang lakas ng hangin at ulan ang paparating, 'matik itong babalot sa Pilipinas at iko-kontrol ang lakas ng ulan at hangin. Sa ganitong paraan, wala ng masasalanta ng bagyo at masasayang na mga buhay. Pwede rin natin ikontrol kung kailan natin gustong umulan at umaraw. Pwede rin tayong mag-request sa super shield ng snow kapag malapit na ang Christmas. Masaya 'yun diba.

Sana magkaroon din ng mga libreng paaralan na magtuturo ng mga kapaki-pakinabang na kaalaman sa mga istudyante. Mga paaralang naglalaman ng magagaling at mga propesyunal na guro. Tuturuan silang mag-imbento ng mga gamit na makakatulong sa pagsasaka, pangingisda at paghahalaman at paghahayupan. 'Di na tayo mauubusan ng pagkain. Dadami ang propesyunal sa bayan. Wala ng mga mangmang. Wala ng ilitirate. Mas maraming propesyunal, mas maunlad na bayan.

Gusto ko rin ng mga super cops. Mga pulis na hindi napapagod at hindi tamad. Mabilis umaksyon sa mga kaguluhan. Mga pulis na hindi lumalaki ang tiyan at hindi marunong mangotong. Oras na mangotong, tulad ng presidente ay may gadget sila sa leeg para sumakal sa leeg nila oras na mangotong sila. Mangongotong ka pa ba kapag sinakal ka ng sarili mong kasalanan? Syempre hindi na. Mas mahuhusay na pulis, mas ligtas na paligid at wala ng kriminal.

Para naman sa problema sa droga. Mayroong libo libong inbisible smart dog na gumagala sa buong Pilipinas. Oras na may maamoy na droga, mabilis itong magpapadala ng mensahe sa kinauukulan. Timbog lahat ng Drug Lords! Walang droga, walang mga pariwarang kabataan.

Mas maraming trabaho. Kusa itong lalabas kapag natupad lahat ng nasa itaas. Pag-unlad ng Pilipinas? Kusa itong dadating kapag umiral ang pagkakaisa at pagsisikap ng bawat isa na mangyari lahat ng pangarap natin sa bayan.

Ang dami ko palang pangarap sa Pilipinas. Ang totoo isa lang naman talaga. Ang matupad lahat ang pinakapunto ng mga pangarap kong ito.

Buti LIBRE LANG MANGARAP!

35 comments:

  1. pangarap ko equal rights. :)

    ReplyDelete
  2. iboboto na kitang presidente ng pilipinas.

    Ako pangarap ko lahat ng tambay sa pinas i pakulong or pag trabahuhin sa bukirn pag ayaw mag trabaho ibitay. Mean na kung mean LOL

    ReplyDelete
  3. pinangarap ko din ng de-sabog na collar para sa pangulo kung makararamdam na corruption.

    pero pangarap ko ngayon na yumaman tulad ng manalo sa lotto.

    ReplyDelete
  4. ako gusto ko lahat ng bahay may kanya kanyang printer ng pera.. para wala ng mahirap sa pinas.. print lang ng print hahaha

    ReplyDelete
  5. hey there. thanks for dropping by. :) nice blog here. ") see you around anyway.

    ReplyDelete
  6. Ayos ang mga pangarap natin ah!

    Ayaw ko lang nung kapsula na pagkain, hindi ko mae-enjoy ang lasa ng bawat pagkain :D

    Agree ako dun sa isinasabit sa leeg ng mga pulitiko, parang Saw III lang ang drama :)

    Isa lang ang pangarap ko, ang sumunod ang bawat Pilipino sa rule na "Keep Right"

    ReplyDelete
  7. nag-adik ka nanaman parekoy. pero ok lang, hanggang pangarap lang naman yan eh - at sabi mo nga, libra naman!

    ang pangarap ko sa ating bayan ay magkaroon ng time na hindi na tayo mangangarap. naks, parang mas adik yata ako ngayon!

    rakenrol ang pag-asa ng bayan. imulat ang tenga bago ang isipan! \m/

    ReplyDelete
  8. Napaka Ideal ng pangarap mo..
    sarap sigurong mabuhay ng ganyan...

    ako pangarap ko simple lang
    "world peace"
    pang Pageant lang.. hihihi

    ReplyDelete
  9. nakakatawa naman.. gaya nga ng sinabi mo, Sige lang. Mangarap ka lang :]

    ReplyDelete
  10. How ambitious individual you are pareng Goyo! Yeah I believe libre ang mangarap pero dapat you must take consideration several factors like if it is specific, measurable, attainable, realistic or even time-based (SMART)? Pero somehow I like your dreams though kasi you are aiming for good lives to everyone! But we can't abnegate the fact may "limitations" na tinatawag! All in all, I am hoping for possibility to all your dreams you have mentioned for you have good intention!

    In my part simple lang ang pangarap ko, magkaroon ng msayang pamilya at maginhawang buhay na alam kong inaasam din ng ibang tao!!!

    ReplyDelete
  11. @nimmy, kasama din yun sa pangarap ko. di ko lang naisama. hehe. :)

    @ian, mountain bike worth Php25K ayaw mo from nuffnang?! :)

    @jepoy, your so mean.. HAHAHA! sige iboto mo ako. mga 30 to 40 years from now. :D

    ReplyDelete
  12. @khantotantra, hehe. kakatuwa naman. pareho pala tayo ng plano sa magiging presidente. pareho maitim ang plano natin. hahahaha. >:]

    @definella, hahaha. kapag nangyari yun, magkakaubusan ng ink. ang hirap din kapag ganun. baka puro patayan na lang. patayan sa pagbili ng printer at ink. lols.

    @pamela, hello pretty. no problem po. balik ka ulit. :D

    ReplyDelete
  13. @MinnieRunner, hahaha. yung kapsula, for emergency lang yun. para pati sa mahihirap na walang makain. :) hehe.

    @No Benta, ang dami ba? nagulat din ako, akala ko kumpleto na to, hindi pa pala. ang dami nyo pa kasi naiisip na iba't ibang pangarap sa bayan. gawa din kayo entry. katuwaan lang.. :)

    ReplyDelete
  14. @poldo, hahaha. pang miss universe nga. hahahaha. hmmm. something fishy. lols. hahaha.

    @renz, tama ka. libre lang talaga mangarap. :)

    @jhieghz, hindi naman sa ganun. besides para naman to sa bayan. tsaka pangarap lang naman to, maaaring matupad maaaring hindi. kaya nga tinodo ko na, mangangarap lang din naman, bakit titipidin ko pa. hehehe. >:]

    ReplyDelete
  15. Hahahah! Lols, di naman sa pagtitipid parekoi! Ako nga I have been dreaming those things too for the sake sa mga tao at sa bansa din natin! PEro somehow, napaisip din ako super "exag!" kung baga sa figurative language "hyperbole" na ang bagsak!. That's life! That's the nature of a being, imaginative ika nga! Kya no worries, I prefer to be imaginative rather than to be intelligent, in good ways though!

    I LOVE YOUR DREAMS! ^^

    ReplyDelete
  16. Nakalimutan mo ang de-tiklop na EDSA. LOL.

    Bago ako dito kaya pa-follow. Para maalalang bumalik.

    ReplyDelete
  17. ayieee.. goyo bt hnd ka sumali sa paligsahan ni lolo. j kulisap? :)

    dami mo ngang pangarap sa bayan ehehe.. pero gusto ko yung kapsula na lht ng binamina nandun na. kc nman ano lge me walng ganang kumain.. ehehe.

    ayos!! i likey ur entry for d kontest :)

    gudlak!

    ReplyDelete
  18. Dapat pala hindi ko binasa dahil sasali din ako dito. Lech!

    ReplyDelete
  19. @kayedee, gustuhin ko man sumali sa kontest ni J.Kul, ayaw talagang gumana ng isip ko. hehehe. isa pa, panata ako sa post ni Ate Salbe nun. para saken yun na ang panalo. >:]

    @salbehe, bohahahaha. ang hirap nga sumali sa kontes kapag nabasa mo na yung gawa ng kalaban.. hihi. goodluck satin. :)

    ReplyDelete
  20. @victor, ahahaha. ok lang na hindi di tiklop ang EDSA. lumilipad na naman ang mga kotse e. hehe. salamat nga pala sa pagdalaw at sa pag-follow. :)

    ReplyDelete
  21. korek ka, goyo, libre ang mangarap! nice naman ng mga pangarap mo goyo. may kanya kanya talaga tayong pangarap sa buhay. pangarap ko na sana manalo din ako sa lotto..hehehe

    thanks a visit.

    ReplyDelete
  22. @Ate eden, sino bang tao ang hindi nangarap na tumama sa lotto. ako hiling ko din tumama sa lotto. ang problema, hindi ako tumataya sa lotto. hahaha. :P

    ReplyDelete
  23. libre lang talaga ang mangrap..ang pangarap ko para sa bayan ay maging maunlad..lahat ng bayan..

    ReplyDelete
  24. Lahat na siguro ng maganda para sa bayan pweding ibigay kung sa pangarap lang, pero nasubukan mo na bang nangako sa isang tao pero ng lumaon di mo naibigay, either nakalimutan mo na or nanghinayang ka nang ibigay pa. Kung hindi maswerte ang taong kilala ka kung oo may panahon pa sa pagbabago, iyan ang sisimulan ko, sisimulan mo, sisimulan natin sa ating sarili. Ok ba! Raise the roof :)

    ReplyDelete
  25. hays, ang dami kong pangarap sa bayan, kaso pangrap lang yun.. hehe

    ReplyDelete
  26. Ayos ang super cops sir goyo.

    isa din sa pangarap ko yung maalis ang kurapsyon simula sa SK level pataas!

    Idalangin natin.

    be blessed sir goyo!

    ReplyDelete
  27. Ang gaganda ng mga pangarap mo Goyo para sa Bayan natin.

    Ikaw bilang kabataan, ay aming inaasahan.

    Salamat ha?

    ReplyDelete
  28. Salamat po sa pagbasa. Magsulat din po kayo ng mga pangarap nyo para sa bayan.. sayang freet-shirt/. :)

    ReplyDelete
  29. track back: http://otep.wordpress.com/llm-t-shirt-season-2/

    HAHA! :)

    ReplyDelete
  30. hi po! maraming salamat sa pagsali.

    paki email na lang po yung detalye kung paano ko po maibibigay sa inyo yung t-shirt
    zef_21@yahoo.com

    real name:
    address:
    contact number:
    size ng t-shirt:

    yun lang po. salamat

    -otep

    ReplyDelete
  31. Ok Ok. send ko na po yung detalye boss otep. hahahahaha.

    MAY BAGO AKONG T-SHIRT! :))

    ReplyDelete
  32. Kung hindi kikilos, walang mangyayari sa mga pangaral. Kaya kilos na!

    ReplyDelete