Pages - Menu

Friday, August 13, 2010

Blog at Musika

Ang paggawa ng isang blog post ay parang paggawa ng isang musika. Kapag pinilit mo ang utak mong mag-isip ng liriko sa musika, lalo ka lang mahihirapan. Makagawa ka man, pustahan tayo hindi lubos ang kaligayan at baka nga mawalan pa 'to ng tono. Parang paggawa ng isang post sa blog mo, ang hirap magsulat kapag pilit ang pagta-type, 'yung tipong makapag-update lang. Makagawa ka man at mailathala ito sa blog mo, madalas walang dating kapag ikaw na mismo ang bumasa, parang laging may kulang. 

May katagalan na rin pala ang huli kong update sa blog ko. Hindi tulad ng marami, hindi ako tinatamad mag-blog. Ang totoo, gustong-gusto kong magsulat! Wala lang talagang panahon. May computer, walang net. Walang pera. At marami pang kung anu-anong problema sa eskwela na dapat ayusin. Ayoko namang pilitin ang sarili ko na magsulat kung kailan maraming tinga ang nakasingit sa utak ko. Kung anu-anong iisipin. Andyan si HGC na nagselos pa sa blog ko, e hindi na nga nakakapag-update. Ewan ko ba. Mas inuuna ko pa raw ang Facebook at ito. Huh?

At kung ang pagba-blog ay parang musika, isa lang sigurado ang idol ko. Subukan mong makinig sa mga kanta ng Eraserheads, mababa ang sampung ideya sa blogging ang maiisip mo kung blogger ka. Sigurado rin na makaka-relate ka sa mga musikang likha n'ya. Kung hindi man, mamimiss mo ang mga kaibigan mo at parang gusto mong tumagay. Ganun katindi si Ely magsulat ng letra sa mga kanta nila. Gusto ko s'yang makatagay minsan, gusto ko s'yang makakwentuhan at hingan ng payo sa kung anu-anong bagay, maging ka-tropa at kabatak.

May libro na bang naisulat 'tong si Pareng Ely B.? Kung meron man, sana mabasa ko. Ely, tang ina bakit ang galing mo! Nakakabakla ang husay at lupet mo.

Isa pa nga pala, siguro isa na rin sa dahilan kung bakit madalas absent ako dito ay dahil sa secret blog ko na ngayon ay reaveled na. Ang puro kabalastugan at kalokohan kong blog sa tumblr. Goyo is No-brief.

Ang blog post na ito ay pilit, random utot ang lumabas. Tatlong beses kong binasa ng paulit-ulit at kahit ako hindi naging masaya sa nakasulat. Kasi naman, kung ang blog na ito ang magiging dahilan ng pagiging malungkot ko sa buhay pag-ibig, dapat atang burahin na lang.

9 comments:

  1. awww---wag wag wag...hayaan mo lang. that's the fall of most bloggers---we usually give into the pressure of having a post---or in this case---pleasing your gf. but once your over it, you will be a better blogger. yaan mo langh---e anu kung abutin ka ng weeks o months na walang post..wag kang ma-pressure. di mo talaga ma-eenjoy kung di mo kayang kontrolin yun. we blog to enjoy---to feel good about ourselves...once the link is broken----no reason to continue.

    then again. never say never. never say its over coz you can never tell. once a blogger, always a blogger. para lang drugs yan---hahanaphanapin mo. e di magpahinga ka muna --pero p*tng ina---wag mo delete!!!!!!!!

    peace

    ReplyDelete
  2. parang...

    may dalawa ka ding blog?

    calling roan at gasul... haha..

    ReplyDelete
  3. wag pilitin pag walang mailabas. tama ka sa sinabi mo. :D

    macheck nga ung other blog mo later

    ReplyDelete
  4. xge pilit dn ang koment ko! ahahlolz..
    oo nkkta ko emote mo sa tumbl!lolz.

    ReplyDelete
  5. naiyak ako sa comment mo pusang kalye. :'(

    walang makakapigil sa pagba-blog ko. kahit siguro wala ng magbasa, magsusulat pa din ako!

    ReplyDelete
  6. kahit anong bagay masmagandan ang kalaabasan kung hindi pilit.

    ReplyDelete
  7. @busyok, maraming salamat sayong payo.. tama ka, iba talaga kapag natural..

    ReplyDelete
  8. goyo, salamat sa link.na-add narin kita.

    ReplyDelete
  9. @busyok, maraming salamat sir! :)

    ReplyDelete