Pages - Menu

Thursday, September 2, 2010

Langit

Ang pag-ibig ay maihahalintulad sa langit. Hindi tayo aalis sa kinatatayuan natin kahit mabasa tayo ng malakas na ulan makita lang natin ang kalangitan. Ang langit ang nagsisilbing pag-asa, ang malakas na buhos ng ulan ang mga pagsubok. Ok lang na mabasa tayo ng ulan dahil umaasa tayo na matatapos din ang lahat ng ito at sa huli muli nating makikita at makakasama ang mahal natin. Ang mahal natin na magbibigay ng pakiramdam na parang nasa kalangitan. Dakilang pag-ibig.

Pero paano kung sa paghihintay mo ay may isang taong dumating at magbigay ng payong sa'yo? Sasama ka ba sa taong ito dahil hindi mo na kaya ang bawat patak ng ulan na maaaring magbigay sa'yo ng mas malalang sakit? Sasama ka ba sa taong ito sa isang lugar na posibleng muli mong masilayan ang langit?

Walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay. Maaring sa lugar na iyon ay muling bumuhos ang patak ng ulan. Paano na? Muli ka na namang bang maghihintay ng isang taong magbibigay ng payong sa'yo? O mas pipiliin mo ng salubungin ang bawat patak ng pagsubok para sa taong minamahal mo? Ang patak ng pagsubok na minsan mo ng iniwasan sa isang taong minsang nagpadama ng tunay na pag-ibig sa'yo.

Paano kung ang dating lugar na minsang iniwanan mo ay muling magliwanag at handa nang muling ipadama sa'yo ang kalangitan?

Ang hirap mag-isip.

23 comments:

  1. WOW! ang dami na talagang depinisyon ng pagIBIG..

    napakalalim naman toh pare koy.. Im sure nasa sitwasyon ka ngayon na di ganun kagandahan..

    pero katulad nga ng sinabi mo na parang langit e hindi palaging umuulan, darating at daratin din ang pagsikat ng araw na magpapaganda sa iyong buhay pagibig with matching rainbows pa!

    cheer up dude!

    ReplyDelete
  2. para sa akin. ang tunay na nagmamahal ay willing masaktan at magintay. kahit sinasabihan ka ng gago ay okay lang sayo. ganyan ang wakas na pag-ibig. once na tumingin ka na sa iba. ibig sabihin, may hinahanap ka na wala sa iyong mahal. wala namang perpektong relasyon. parang lubak lang yan sa kalye. kelangan mag menor ng konti. prumeno. o huminto muna para maging smooth ang arangkada sa bandang huli.

    ReplyDelete
  3. oo mahirap. ang inaasam mong langit na masarap, aabot sa langit na katapusan. pero masarap pa naman din. walang kasing sarap. makikita mo na kasi si god

    ReplyDelete
  4. *hugz* nlang goyo..!
    gaya ng lage kong cnsb sa twitter kaya mo yan!pray lang =)

    ReplyDelete
  5. npa-isip ako sa mga katanungang isinaad.

    grabe... di ko alam kung sasama ako sa may payong o hindi.

    ReplyDelete
  6. mukhang seryoso to pre ah. kung saan ka masaya sa mga panahong ito dun ka, wag mong isipipin ang mga posibilidad na pwedeng mangyari kinabukasan. kung inalok ka ng payong at nakakita ka ng ligaya sa pagsukob nito, timbangin mo.

    ReplyDelete
  7. Dilemma nga yang ganyang sitwasyon. Pero kung pag-ibig ay langit, napakahirap nitong abutin. Parang ikaw ay lupa na hinding hindi mo maabot ang langit.

    ^_^ Nakiki-emo lang po.

    ReplyDelete
  8. Teka, kapag umuulan naman hindi ako tumitingala para tumingin sa langit kase masakit sa mata mapatakan ng ulan saktong sapul sa pupil. Haha.

    In all seriousness, hindi mo naman kelangan magpabasa sa ulan para matitigan ang langit. Minsan mas masaya ang mga maparaan. Malawak ang kalangitan. Sumilong ka at tumingin sa langit, 45 degrees. Hindi ka na basa, masaya ka pa.

    At sa huli mong tanong, eh.. hahayaan mo bang maharangan ng kasiyahan na may halong kabalahuraan ng nakaraan ang pagkakataong maging masaya sa ngayon? Give chance a chance. Yan eh akin lang naman. Atribida kase ako. Haha.

    Hello Goyo! :)

    ReplyDelete
  9. hey goyo

    grabe langit na langit ang ambiance dito. pati bakground.

    good luck sa pag ibig goyo!

    ReplyDelete
  10. nasa sa iyo parekoy
    tutal binanggit mo na ang mga posibleng mangyari/mangyayari
    kung maghihitay, sasabay sa payong, bablik dun sa dating nagbigay ng liwanag, sa bawat patak ng ulan

    sa huli ikaw at ikaw din ang makakaharap ng patak ng ulan, habang paparating palang...

    ReplyDelete
  11. ang hirap naman malagay sa ganung sitwasyon, pero at some point, nakakarelate ako, konti.. may mga bagay akong naalala :)

    ReplyDelete
  12. langit din ang tawag nila sa... ahem. hehehe.

    ReplyDelete
  13. nagbabalik...hehehe....

    dito lang daw ako....

    taga subaybay mo.....

    no worries...

    ill follow u....

    u follow me...

    tc....

    ReplyDelete
  14. naks, ang tindi naman ng tanong mo ms goyo.

    ReplyDelete
  15. ang ganda naman kung papaano mo inihalintulad ang pag ibig,goyo.

    sana,paglipas ng ulan,mabasa ka man,lamigin o di kaya'y nakatagpo ng sisilungang payong,hindi pa rin nawawala ang paningin mo sa ganda ng langit.

    pag-ibig nga ay langit marahil...

    ReplyDelete
  16. maraming salamat po sa mga nakiusyuso at nakidalamhati. lalo na sa mga medyo nagbigay ng payo.. salamat ulit.. tapos na ang unos.. maliwanag na ang langit ko.. :)

    ReplyDelete
  17. in other words: it's complicated.



    mahirap yang sitwasyon na yan ... pero lahat nga naman e may risks... stay or leave = parehong may masayang oras at mga pagsubok ...
    lahat nakabatay nalang sa kung gaano mo kamahal ├Żung iiwan mo... kelangan talaga pag-isipan nang mabuti ...

    OHMAY, napatagalog ako nang todo! haha!

    ReplyDelete
  18. Para akong nagbabasa ng Pag-ibig entry.

    "Paano kung ang dating lugar na minsang iniwanan mo ay muling magliwanag at handa nang muling ipadama sayo ang kalangitan? Ang hirap mag-isip.."

    Huwag ka na mag-isip. Kung saan ka masaya dun ka. =D

    ReplyDelete
  19. sabi nga kung may langit may impyerno... kung saan ka masaya doon ka.. suportahan na lang taka...

    anyway, kung langit man ang pag ibig niya at lumiwanag ulit... eto lang masasabi ko...

    hindi ka handang magmahal kung kung hindi ka handang masaktan... epal lang.. feeling close at feeling ate charo mag payo...

    padaan... goyo...

    ReplyDelete
  20. anakngtokwa! iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. susme. at talagang napapagawa ka ng ganitong klase ng poste. ayos!

    wala akong masabi. okay ka lang sana...

    ReplyDelete
  21. Galing ng pagkakasulat ha. I'm really impressed.

    ReplyDelete