Pages - Menu

Sunday, January 16, 2011

First Five

Sa loob ng halos anim na taon na pagpapabalik-balik sa Morayta ay nagkaroon na ako ng mga paboritong kainan. Malamang ganun ka rin sa lugar na pinapasukan mo noong kolehiyo o kahit ngayong may trabaho ka na. 'Yung kainan na hindi pwedeng hindi mo kakainan sa loob ng isang araw kasi hinahanap hanap mo ang sarap ng mga pagkain dito. Bukod sa masarap ang mga pagkain, komportable at hiyang na rin ang tiyan mo. Hindi ka na mangangamba na baka biglang sumakit at magkalat ka pa ng kung ano dyan sa brief o di kaya naman ay sa panty mo. Hindi kasama ang mga fastfood dito, hindi uso sa katulad kong dukha ang kumain sa loob ng de-aircon na establisyemento.

Sa Morayta ay kabi-kabila ang mga kainan. Sa dami ng istudyante dito, pagkain ang isa sa pangunahing patok na negosyo bukod sa mga computer shops. Iisa-isahin ko ang mga kainan na madalas kong kainan. Sa kahabaan ng Morayta ay maraming nagtitinda ng kwek-kwek, kikiam at iba pang pagkain na tinutuhog. Madalas din akong makituhog dito at makisalo sa laway ng iba sa sawsawan tuwing meryenda. Bukod sa mga tinutuhog na pagkain, uso din dito ang mga siomai rice. Madalas din akong kumain do'n lalo kapag maglalaro ng dota. Ang paborito kong order ay siomai-dog. Tatlong pirasong siomai 'yun at isang hotdog at isang balot na kanin. Marami ding nagtitinda ng burger na kung tutuusin ay 'di hamak na mas marami ang laman kumpara sa mga burger sa fastfood. Sa R.Papa, may suki na akong bilihan ng burger, madalas din kami dito kapag meryenda time. R.Papa din ang tinatawag nilang Hepa Lane. Lahat ng street food nandito na. May isaw, super cheesedog, kalamares, toknene, kahit anong klase pa 'yan, meron dito.

Kapag tanghalian naman, minsan kumakain ako sa R.K Cuisine. Maganda kasi ang ambiance dito. Relaks at solb sa mga tanawin sa chiks. Tambayan kasi ito ng mga arki sa FEU. Kumakain lang ako dito kapag tinatamad maglakad at hindi nagmamadali. Pero kapag ganadong maglakad at gustong magpakabusog, sa dulo ng Lerma kami kumakain, doon sa Tropa. Bukod sa mura, ang dami rin kasi ng ulam at masarap ang paborito kong sisig. Mahina ang dalawang kanin sa'ken kapag dito ako kumakain. Marami pang kainan sa Lerma, sa Katsudon at sa mga Kubo na hindi ko masyadong trip kainan. Hindi ko lang siguro nakasanayan.

Sa lahat ng alam kong kainan sa paligid ng FEU, isa lang talaga ang pinaka-paborito ko, sa First 5. Hindi pwedeng hindi ako kakain dito sa loob ng isang linggo, madalas nga araw araw lalo noong may mga subjects pa ako na pinapasukan. Jobidex talaga ang pangalan ng kainan na 'to sa pagkakaalam ko. Kilala rin ito sa tawag na "Lababo", mukha daw kasing lababo ang kainan. Pero dahil limitado lang ang bilang ng taong pwedeng kumain ng sabay sabay, tinawag itong First Five kahit anim naman talaga ang kasya. Sa lahat ng nakakain na dito, isa lang talaga ang binabalik-balikan, ang kanin nilang may special formula. Isinasangag kasi nila ito sa pinagprituhan ng liyempo at iba pang ulam tapos bubudburan ng asin, paminta at toyo, isama mo pa ang pawis ni ate at kuya na lalong nagpapasarap dito.


Halos siyamnapung porsyento ng kumakain dito ay puro mga lalaki. Dahil na rin siguro sa hindi gaanong komportable ang pwesto, madalas sa mga babae na bumibili dito ay puro pa-take-out. May mga babae din namang nakikisabay sa paglamon ng mga barako, at lahat sila nag-e-extra rice!

Sa First Five, walang hindi nag-eextra rice. Normal dito ang dalawa hanggang tatlong extrang kanin. Hindi na bago dito ang paglalagay ng kalamansi, sili, toyo at ketchup sa isang platito. Dito, uso ang pagbubudbod ng paminta sa kanin. Hindi pwedeng kukupad kupad ka sa pagkain kapag oras ng tanghalian dahil maraming nakapila. Dito mo lang maririnig ang mga salitang "Ano yung sa'yo ano?". Bawal magreklamo dito kung mainit ang paligid lalo na kapag nagpiprito ng ulam na kakainin mo. Pwede kang magpalagay ng bag kay ate. Bawal din dito ang may tirang kanin at ulam sa plato. Higit sa lahat, walang hindi pa nasarapan sa kanin nila. At lahat ng kumakain dito, iniisip na bakit hindi sila maghanap at lumipat sa mas malaking pwesto.

Ang larawan sa itaas ay mga kaklase ko at si Gino kasama ang dalawa n'yang tropa na maliit din. Pare-pareho silang tatlo ng order. Bulilits meal.

Sana malaman 'to ni kuya at ate. Sana malibre ako kahit burgersilog lang o di kaya naman ay liemposilog. Kahit ako na ang magbayad ng extra.

20 comments:

  1. natawa ako sa Bulilits Meal! :P

    namiss ko tuloy yung kainan sa may intramuros nung nasa PLM pa ko. nakalimutan ko na ang pangalan, medyo nagkakaedad na kase ako kahit na sa totoong buhay e 20 plang ako. LOLZ.

    nakakamissssss! nakakahomesickkkkkk! eeee! =(

    ReplyDelete
  2. napaflashback tuloy aq dun sa madalas kong kainan nung college,sa Bogchi. Kahit malayo sa school at mabato yung daan (kaasar kc nakaheels aq nun), keri lang. Patok na patok dun yung chili pork and fries at yung iba't ibang flavor ng juice at iced tea ng pwedeng imix in 4 sizes pa (reg,M,L at XL).

    ReplyDelete
  3. dahil diyan naalala ko ung mga kinakainan ko sa makati na jollijeep ganun na rin ang mga sulit meals sa pup at ung mga kainan sa PLM

    ReplyDelete
  4. whaha ang kulit... parang gusto ko tuloy i try pumunta at matikman ng luto nila heheheh :D

    ReplyDelete
  5. yun ang nagpasarap dun eh, yung naghihintay ka ng mauupuan, gutom ka na at tinatakam ka ng mga kumakain habang ikaw nakapila pa, kapag nakaupo ka na, ang sarap kumain :D

    ReplyDelete
  6. isa yata yan sa hindi ko na try sa lerma, natry ko din yung hepa lane saka R.K madalas kami dito nung college bat parang hindi kita nakikita non? hmmmm pagbalik ko ng FEU try ko nga yung first five

    ReplyDelete
  7. may paborito akong kainan sa Morayta doon sa P. Campa.. yung Donna's Tapsilogan.

    Try mo! :D

    doon ako kumakain lagi.

    ReplyDelete
  8. yung mga sossy, vegetarian.

    yung mga limitado ang budget katulad ng estudyante, budgetarian.

    basta ang importante, busog at malinis. pag may trabaho na...eh ano kung sa tuktok ng empire state building o sa eiffel tower kumain?

    ReplyDelete
  9. @rainbow box, @hartlesschiq and @bino,
    pare-pareho kayong may mga naaalala ah. Hehe.

    @axl, try mo sir. pati mata mo mabubusog sa dami ng chix sa morayta. Ü

    ReplyDelete
  10. @lord cm, tama ka. masarap talagang kumain kapag takam na takam ka na at gutom na gutom. hehehe.

    @jamie, matagal ka na kasing graduate kaya hindi mo ako nakikita don. hahaha.

    @otep, alam ko yun. malapit sa boardinghouse ko yun dati. dun din kumakain lalo kapag madaling araw pagkatapos magdota. :D

    @duking, minsan masarap din kumain ng maduduming pagkain. yung mga street foods na talaga namang yummy. hehe.

    ReplyDelete
  11. ako din marami akong paboritong kainan nung college.. naisip ko tloy pag umuwi ako sa province dadalwin ko sina manang sa karinderya..it brings back the memories tlga hahahah hahanapin ko iyong d best sisig in the whole wide universe hahaha

    ReplyDelete
  12. Ang tagal tagal ko na dito sa Manila at isa yan sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan... Hindi kasi ako dito nag-graduate... One time magliliwaliw rin ako diyan haha.

    ReplyDelete
  13. Ang gara ng ipinangalan nyo sa First 5, Lababo. Lalong nakaka-engganyong kumain. :)

    ReplyDelete
  14. baket hindi ko yata naabutan yan. Hindi maari, kelangan matikman yan...

    ReplyDelete
  15. luluwas akomng maynila para lang makakain dyan

    sana me mascot sila

    ReplyDelete
  16. nakkamiss ang buhay estudyante.. tama hnd nga komportable ang place ehehe.

    ReplyDelete
  17. Sarap kumain. Yeah, I remember my college days back in Davao City hehehe.

    ReplyDelete
  18. wow free promotion para sa First 5! Sana nalaman ko yan nung nagrereview ako along Morayta for my board exam..

    ReplyDelete
  19. at namiss ko naman bigla ang college life ko. lol. mas masarap naman talaga kumain sa mga karinderya kesa sa establisyementeng de-aircon parang nasa bahay lang dbaaa. :))

    ReplyDelete
  20. wow..naalaala ko ang college lyf ko nung nasa u-blet pa ko..buti ka pa may pang xtra rice pa..ako super tipid..
    1kanin+shanghai+sabaw= solve na..ahehehe

    (bloghopping)

    nag enjoy ako sa pagbasa dito..:))
    gud day!!!

    ReplyDelete