Pages - Menu

Saturday, January 22, 2011

Kubeta Challenge

Kasama na sa pang-araw-araw na pamumuhay ng normal na tao ang pagbisita sa banyo sa oras na kailangan, pwedeng sa pagligo o pagdumi, 'yung iba pwede ding sa paglalaba at kahit simpleng pagtitikol lang. Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang nakakatuwang kwento sa tuwing nasa loob ng kubeta, 'yung iba naman nakakainis pero sa huli matatawa ka na lang sa sarili mo sa mga hindi inaasahang pangyayari sa pagtambay mo sa munting silid na ito.

Sa pagtambay ko sa kubeta, maraming nakakatawa at nakakabwisit na pangyayari na ang naganap sa akin lalo sa banyo ng mga boardinghouse na tinuluyan ko noon. Naalala ko pa na 'yung pinakaunang boardinghouse na tinuluyan ko noon ay isang araw lang ako tumagal. Sino ba naman kasing tatagal sa boardinghouse na bukod sa ilalim ka na ng hagdan natutulog ay lagi pang walang tubig sa banyo at hindi pa lumulubog ang ebak sa inidoro. Noong nagtanong kami doon ay ayos naman, pero noong lumipat na ako tsaka ko lang natuklasan. Mapanlinlang na mga land lady at land lord.

Payong kaibigan lang, sa tuwing papasok ka sa banyo dapat ay maging handa ka rin sa mga Kubeta Challenge na maaaring makaharap mo. Ilan lang ito sa mga Kubeta Challenge na kinaharap at napagtagumpayan ko. Madalas sa mga banyo sa boardinghouse nangyayari.

Minsan nagmamadali akong pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo, tsaka ko lang natuklasan na hindi pala ako nakapagdala ng tuwalya. Hindi ko ugali ang magsuot ng hinubad na damit, hindi kasi komportable. Wala akong ibang magagawa kundi ang tumakbo ng hubo't hubad papalabas ng banyo papunta sa kwarto. Nakahiwalay kasi ang banyo sa kwarto at nasa ibabang bahagi kami ng boardinghouse. Sa awa ng Diyos, wala namang nakakita sa basa kong katawan habang mabilis na tumatakbo.

Pangkaraniwan na ang mga eksenang biglang nawawalan ng tubig habang naliligo lalo at de tangke kayo. Madalas din akong lumabas noon na puno ng bula ang katawan para lang pabuksan ang motor ng tubig. Isang beses, dala na rin ng tawag ng kalikasan ay walang sabi sabi, daglian akong sumugod sa kubeta para tumae. Ang sarap sa pakiramdam magpakawala ng sama ng loob, pero ang bigat sa loob kapag nalaman mo na wala palang tubig at hindi pa hugas ang pwet mo. Mabuti na lang at lagi akong may dalang tuwalya sa kubeta. Itinapis ang tuwalya sa katawan, marahan akong lumakad papalabas ng pinto; nag-iingat na sumayad ang puwet na may jerbaks sa tuwalya. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago tuluyang may tumulong tubig sa gripo, ganun pala ang pakiramdam. Halos matuyo na ang mga dumi sa puwet ko bago ko mahugasan. Ang lagkit.

Minsan naman ay masaya akong naliligo, kumakanta kanta pa ng mga masasayang awitin. Laking gulat ko na lang na biglang bubukas ang pinto habang ako ay walang saplot. Ganun din habang ako ay umiire sa pagtae. Ang pinakamasaklap ay habang nakapikit at nagtitikol. Pansin ko lang na kadalasan ay sila pa ang mas nahihiya, dahil sa bilis ng mga pangyayari, minsan hindi ko na magawang takpan ang katawan ko, sila na mismo ang kusang umaalis at tumatalikod. Buhay nga naman, sa dami ng makakalimutan ang pagsasarado pa ng pinto.

Isa na siguro 'to sa pinakamahirap na pagsubok na kinaharap ko sa loob ng banyo, ang maligo ng walang ilaw. Hindi ko naman inaasahan na mawawalang ng ilaw noon, wala na akong nagawa. Kapa kapa na lang. Buhos buhos ng tubig at sabon ng katawan kahit hindi matanggal lahat ng libag. Makaraos lang, okay na. Pero mas mahirap pa ring tumae at maghugas ng puwet ng walang ilaw. Bukod sa mahirap tantyahin ang madilim na paligid, hindi talaga maiiwasan ang magkalat ng lagim.

Pero sa lahat ng Kubeta Challenge na naranasan ko, ang isang 'to ang pinaka-hindi ko makakalimutan. Hindi lang isang beses nangyari 'to, marami na.

Ang ganda ng gising ko. Kumpleto ang tulog at pakiramdam ko napaka-gwapo ko noong araw na 'yun. Masaya pa akong nag-agahan. Magandang maganda lang talaga ang umagang 'yun dahil pagkatapos kong kumain ng agahan ay nagparamdam naman ang tawag ng kubeta. Sabi nga sa patalastas, "I love mornings" daw kapag nakakapaglabas ng dumi sa umaga. Sugod naman ako sa kubeta dala ang tuwalya at ang iba ko pang mga gamit sa pagligo. Kumpleto lahat, wala akong nakalimutan. Swak na swak din ang jebs ko sa inidoro, lumabas lahat ng dapat ilabas, at walang ebak ang bumalik pagkatapos i-flush. Success! Malakas din ang tubig sa gripo kaya walang problema sa paghuhugas. Natapos ang seremonyas sa pagtae ng matagumpay, oras na sa pagligo. Unang buhos, malamig pero ayos lang. Pangalawa, nasanay na rin ako sa lamig hanggang sa makarami pa ng buhos. Napapakanta pa ako noon ng kanta ni Janno Gibbs, "Ako na ata ang pinakamagandang lalaki sa mundoooo..." , walang halong biro 'to kasi sobrang ganda talaga ng gising ko. Kumbaga, ang ganda ng simula. Kinuha ko ang sabon at marahang ikinuskos sa katawan. Sabon dito, sabon doon. Sabon ulit dito kay birdie at sabon ulit sa dibdib. Kapag ka nga naman mamalasin, dumulas ang sabon sa kamay ko. Nagtangka pa akong agapan ang pagbagsak nito sa sahig, at dahil doon ilang beses din itong tumalbog at dumulas sa mga palad ko. Nakita ko na lang ang kawawang sabon na lumalangoy sa inidoro. Dahil bago pa lang ako nag-eenjoy sa pagligo at hindi pa masyadong nakakapagsabon, wala akong ibang magagawa kundi dukutin ang sabon sa tang inang inidoro na hindi lang naman ako ang gumagamit sa pang-araw-araw.

Noong una akala ko hindi ko kaya. Pero nilakasan ko na lang ang loob ko dahil kailangan. Unang lubog ng kamay ko sa tubig sa inidoro, putang ina naitulak ko lang sabon sa medyo loob na bahagi ng inidoro. Inangat ko ang kamay ko. Nagconcentrate. Hingang malalim. Dukot ulit sa inidoro at nakuha ko naman ang sabon.

Epektibo pa rin kaya ang 99.9% germ killing power ng Safeguard sa mga ganung eksena? Madumi ang loob ng inidoro alam ko. Pero pagkatapos kong dukutin ang sabon, sinabon ko naman ang kamay ko gamit ang sabon galing sa inidoro. Sana lang namatay nga ang mga germs sa kamay ko, sa katawan at sa mukha. Kung may extrang sabon lang sana e di  binuhusan ko lang 'yun at pinabayaan na lang na mag-dive sa posonegro kasama ng mga jerbaks.

Ikaw, anong kubeta challenge na ang napagtagumpayan mo?

19 comments:

  1. kubeta challenge ko? haha naalala ko jumebs ako sa inidorong may nauna ng ebs ng iba ewww! hahahah! wala kacng tubig nun at ako'y jebs na jebs na...tiniis ko ang amoy...hayun nagkatrapik tuloy sa inidoro lolz! College lng ako nun sa boarding house...

    ReplyDelete
  2. lahat yata ng kakillala ko kasama na ang sarili ko ay may mga kubeta challenge. hehehe. bad trip lang ung pagpasok mo ng banyo para umebak ay may lumulutang pa ng jerbaks ng iba. hahahaha

    ReplyDelete
  3. kubeta challenge ko? ay nagjebs ng todo nilabas lahat ng masamang loob sa tyan,,,nagflush...nagpapaikot-ikot lng ang tubig sa inidoro hindi lumulobog,tapos umapaw at napunta sa sahig pati yung mga jebs..masaklap,may naghihintay at susunod na gagamit...hahahaha kakahiya talaga..

    ReplyDelete
  4. kadiri goyo, badtrip! hehehe nagbabasa ako nito habang nag-aalmusal. o kay sarap.

    ReplyDelete
  5. kubeta challenge??? madalas mangyari sakin toh.. madalas din dinadaan ko na lang sa utot.. hehe

    ReplyDelete
  6. nice post goyo! sobrang daming makakarelate dito..

    naranasan ko na ata lahat maliban doon sa mahuling nag sasarili sa CR hahahaha...

    mas okay kasi kung sa higaan mo yun gagawin lols..

    sabagay sa boarding house di mo magagwa yun kung may ka boardmate ka hahaha..

    kewl.

    ReplyDelete
  7. i remember one time na nagCR ako sa school. nakashorts lang ako nun. nasa back pocket yung phone ko kasi walang pocket sa harap. tapos nung uupo na ko sa toilet, nahulog ang phone ko.

    dinukot ko ang cellphone ko. sa CR ng school. walang pagaalinlangan. kasi hindi na ko nag-isip. malamang kung nag-isip ako, iniwan ko na lang yung phone ko dun. hahaha. over. :P

    ReplyDelete
  8. Relate na relate ako sa last na kubeta challenge mo! Pero same as you did, kinuha ko pa rin ang sabon sa inidoro nang walang pag alinlangan, pero hinugasan ko muna ang kamay ko at lalo na rin ung sabon...Nice post pero kadiri naman! aahahaha....

    ReplyDelete
  9. lahat yan nalagpasan ko na! haha

    ReplyDelete
  10. RE: hindi ko alam parekoy bakit wala ka sa blog roll eh matagal n kitang ni-follow...dba automatic mag-update yun? cnxa ang boplax ko tlga sa mga gnito hehehe...paano ba yun?

    ReplyDelete
  11. kubeta challenge? madami na din yung iba nandyan at yung iba eh wala dyan!

    nakatuloy ako ng ilang araw sa bahay ng fren ko sa may mendiola..maliligo ka na nasa loob ka ng planggana kasi yun din ang ipang bubuhos mo ng inidoro kung sakaling tumae ka...ahahaha! tipid!!

    salamat sa pagdaan sa bahay ko!

    ReplyDelete
  12. Ahahahahhahahaha... Ayos usapang Kuwan... lol... Sa akin yung di magflush na umaapaw na ang jebs sa sahig... kasabay ang iba pang jebs na matagal nang nakaimbak sa loob... Ahahahahhahaha... Syaks! Lol... Di naman ako umalis pinump ko na lang hanggang sa maayos... lol

    ReplyDelete
  13. hahaha masasabi ko lang: NAKAKARELATE AKO!

    ReplyDelete
  14. ayuf na kubeta challenge yan.

    tara kainan na. wahaha.

    ReplyDelete
  15. hahaha potek. nangyari an din sakin yung pinakahuling scenario. dinukot yung sabon sa inidoro yaikss.

    kubeta challenge? jumebs ng tissue lang ang pinampunas. what the FUUU?! di ako sanay, gusto ko pa din talaga ang tubig at sabon. >:D

    ReplyDelete
  16. hahaha!!! dapat meron kang 'PAUNAWA: PASINTABI SA MGA KUMAKAIN' sa unahan ng post mo,eh.

    oo nga...kahit simpleng paggamit ng CR, may mga challenges pa rin kadalasan.

    nice one,goyo!

    ReplyDelete
  17. hahaha halos yung iba naranasan ko na.. pero ang di ko matake eh yung naeebak ka na at merong di nagflush kahit na may tubig.. langhiya.. nakakawala ng gana.. hahaha...

    pero di ko kinaya yung sabon na nasa inidoro.. wahehe kasi pag ako nahulogan ng sabon di ko na kinukuha yun.. wahehhee

    ReplyDelete
  18. Haha! Paborito kong kwento sa lahat ang mga kwentong kadiri! Lalo pag may taeng involved haha. Hmm kubeta challenge siguro nung high school, jebs na jebs ako sa school pero ayoko jumebs dun kasi ang dudumi ng CR, kaya nag-escape ako tapos naghanap ako ng carinderia... ayun nahiya lang ako sa may-ari kasi alam na alam na nya ang nararamdaman ko hahaha

    ReplyDelete
  19. ano ba naman yan goyo, sana sinabi mong "wag munang basahin kung nananghalian ka". hahah. natawa ako ng sobra dito.XD

    mabuti na lang at mahigpit ang dorm manager namin, kaya kahit sumobra lang ng babad ang mga nilabhan mo sa banyo,pinagsasabihan ka na,kaya malinis naman CR namin at may "emergency tubig" kami sakaling mawalan ng tubig. hahah

    na-realize ko lang na ang swerte-swerte ko sa dorm ko dahil dito sa post mo. hahah

    ReplyDelete