Pages - Menu

Tuesday, January 25, 2011

Road Trip

Napakasarap ng tulog ko, ayoko pa sanang bumangon pero naghihintay ang mahal ko. Mabilis kong kinuha ang tuwalya at hinubad ang saplot sa katawan para maligo. Bitbit ang isang bag na naglalaman ng ilang damit na pamalit at panloob ay iniwanan ko ang bahay pagkatapos humigop ng mainit na kape.

Tatlong busina lang sa tapat ng bahay nila, gumuhit sa aking mga labi ang matamis na ngiti. Heto na ang pinakamamahal kong babae, maliwanag pa sa sikat ng araw ang angking ganda. Handa na ang mahal ko para sa lakad namin sa araw na ito. Napakaganda n'ya sa suot na fit na pantalon at maliit na t-shirt. Tamang tama ang bagsak ng itim n'yang buhok. Litaw na litaw  ang ganda ng maamo n'yang mukha. Magiging napakasayang araw 'to para sa aming dalawa.

Bumaba ako sa sasakyan para alalayan s'ya sa mga dala n'yang gamit. Isang mahinahong, "magandang umaga" ang isinalubong n'ya. Isang malumanay na halik ang iginawad n'ya sa aking mga labi. "Namiss kita", bulong ko naman sa kanya. Pagkarinig na pagkarinig ng mga salitang 'yun ay yumakap s'ya sabay gulo sa buhok kong humahaba na naman pala. Tawanan lang kami habang papunta sa sasakyan ko na nakaparada sa tapat ng bahay nila.

"San tayo pupunta?", pagtatanong n'ya habang iniistart ko ang sasakyan. "Sumama ka lang, maggagala lang tayo at lalanghap ng sariwang hangin", sabi ko. "Ikaw ang bahala", 'yan ang tanging sagot n'ya sabay ang muling pagngiti at isang mahinang pagtapik sa pisngi ko.

Isinalang ko ang mga paborito naming kanta sa player. Tamang tama ang musika para sa isang napakagandang umaga. Mabilis kaming nakalabas sa syudad at ngayon ay tinatahak na ang maluwag na daan patungong Laguna. Wala na akong halos maaninag na polusyon sa hangin kaya binuksan ko ang bintana sa magkabilang gilid at nilakasan pa lalo ang tugtog. Nagsimula ng tangayin ng hangin ang mga buhok namin. Napasulyap ako sa kanya, nakatingin pala s'ya sa akin habang sinasabayan ang isang romantikong kanta. Binilisan ko pa ang takbo, kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ang makina ng sasakyang 'to. S'ya lang lahat ang may kagagawan nito. Ganito pala akong kiligin. O talaga lang espesyal at walang kapares ang babaeng katabi at kasama ko ngayon sa isang mahabang paglalakbay na ito.

"Itigil mo dun mahal ko", turo n'ya sa isang malaking puno na may luntiang mga dahon. Sinunod ko ang gusto n'ya, ipinarada sa gilid ng daan ang dalang sasakyan. Hindi ko na pinatay ang musika, pinalitan ko ang CD, inilagay lahat ng kantang nakalaan lang para sa kanya.

Inilatag ko sa malulusog na damo ang dala kong tela. Kinuha ang mga gamit na kani-kanina lang ay bitbit ng taong nagpapabilis sa tibok ng puso ko. "May inihanda akong pagkain para sa'yo", sambit n'ya. Habang inihahanda n'ya ang lahat ng kailangan sa telang nakalatag ay sumimple ako ng balik sa sasakyan para kunin ang surpresang inihanda ko. "Halika na kumain na tayo, niluto ko lahat ng paborito mo", pag-aaya n'ya sa akin.

"Hindi ka naman marunong magluto diba?", pagtataka ko pa sa kanya habang iniaabot n'ya sa akin ang isang may katamtamang laki ng plato. "Nasabi ko na ba sa'yo dati na gagawin ko ang lahat para pagsilbihan ka?", mabilis n'yang pagdepensa. Hindi ako nakaimik sa sinabi n'ya. Hindi ko rin alam kung nahalata n'ya ang pamumula ng mga pisngi ko. Bigla lumipad ang ulirat ko sa ulap na tila ninamnam ang bawat salitang kasasabi n'ya lang.

"O bakit natutulala ka d'yan at parang namumula ka?", pagtukso n'ya pa. "Kinikilig kasi ako sa'yo", pagtatapat ko naman sa kanya.

Tiningnan ko s'ya ng deretso sa mata. Isang tingin na hindi lang ang maamong mukha n'ya ang naaaninag ko kundi ang buong pagkatao. Lumapit ako sa babaeng nasa harapan ko, ang babaeng mahal ko. Hinawi ng marahan ang buhok na tumatakip sa maganda n'yang mukha, isang halik sa noo ang iginawad ko. Napapikit s'ya, hinawakan ko ang mga pisngi n'ya at muli ay humalik, sa pagkakataon ito ay sa ilong naman n'ya. Hindi pa man tuluyang lumalapat ang buo kong mga labi sa maganda n'yang ilong ay yumakap s'ya sa akin, yumakap din ako sabay halik sa mga labi n'ya at bulong ng salitang, "Mahal na ma--".

"Tama na nga 'yan at kainin na natin 'tong mga niluto ko para sa'yo", pagpigil n'ya sa isang eksenang pinapangarap ko. Kinuha ang lagayan, humalo sa hangin ang malinamnam na amoy ng pamilyar na pagkain na 'yon. Malakas akong tumawa dahil alam ko na kung anong mga pagkain ang inihanda n'ya. "Bakit ka tumatawa?", tila nalulungkot at may tampong nasabi n'ya.

"Hindi naman ako natatawa, ang totoo nga n'yan ay masaya ako dahil alam mo palang mahilig ako sa bake macaroni, kamatis, itlog na pula, tinapa, at tinapay na may palamang tuna. Matagal na rin kasi akong hindi nakakain ng mga ganito", sagot ko naman sa kanya.

Nawala ang lungkot na muntik ng gumuhit sa mukha n'ya. Alam kong masaya s'ya dahil alam n'ya na tama ang ginawa n'ya. Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkaing walang kasing halaga ang presyo dahil alam kong ginawa at inihanda n'ya ito ng buong pagmamahal.

Namomoreblema ako ngayon kung paano ko isisingit ang pagbibigay ng surpresang matagal kong pinaghandaan para lang sa kanya. Ang pagkakataon nga naman, dahil siguro sa kaiisip ko ay biglang nasamid ang babaeng mahal na mahal ko. Mabilis akong dumukot sa bulsa, sabay kuha ng baso at salin ng malamig na juice at inaabot sa kanya.

"Oo, magpapakasal ako sa'yo. At ikaw lang ang gusto kong makasama", 'yan ang mga salitang binitawan n'ya pagkatapos n'yang makita ang singsing na inihulog ko sa basong ininuman n'ya.

44 comments:

  1. pambihira naman.. ang ganda ng mga eksena.. ang sweetness :D

    ReplyDelete
  2. sarap naman basahin..

    sana may ganto sa totoong buhay.. hmm

    ReplyDelete
  3. yun oh...super sweet naman nun. ang langgam ng istroya. =)

    ReplyDelete
  4. Ayun oh.

    Kilititap Harot. 'Yon lang ang masasabi ko.

    Gasgas na gasgas pero marami pa ring Pinoy ang talaga naman, kapag umayuda, iduduyan ang mga dalaga sa katamisan ng puso.

    Goyo, kamusta?

    ReplyDelete
  5. Dahil madalas na babae ang author ng Precious Romance novels akala ko mga babae lang ang marunong at magaling gumawa ng mga kwentong pagibig. Nagkamali ako.

    ReplyDelete
  6. ay fiction ba ito.. wahehehe... ganda ng pagkakailustrate... picnic-picnikan ang drama... ganda... hangSWEET


    WV: CANDI - pati captcha sweet din

    ReplyDelete
  7. Ahahahhahahaha yan ang magandang diskarte... kaso mas magaling siya sa iyo kasi nakita na niya ang inihulog mo... hehehehhehehe

    ReplyDelete
  8. omg!!! nakakainlove at inggit sobrang kilig haizzt sana ako din matagpuan ko na din ung lalake na magmamahal skin ng ganyan

    ReplyDelete
  9. ay kinilig ako bigla.. nice! so ikakasal kana???hehehe

    ReplyDelete
  10. Kahit ako kinikilig sa sinulat kong to, sa kasamaang palad fiction lang po at pangarap at pantasya pa lang sa ngayon. Hehehehe. :)

    ReplyDelete
  11. wow ang sweet naman ang galing pa ng pagkakaillustrate =)

    ReplyDelete
  12. A road trip to remember pala ito eh hehe. A great way to propose... "Life's a picnic" sabi nga nila... Buti na lang hindi nya nalunok yung singsing...

    ReplyDelete
  13. sows. sumisigid sa buto ang kasweet-an. rakenrol, goyo. :)

    ReplyDelete
  14. yan ang magandang storya! hindi pilit ang pagkakalikha! kudos goyo! :)

    ReplyDelete
  15. I AM LIKING MORE OF YOUR POSTS!!! NAKS TOL!!!! HUNGALING GALING HEHEHE

    ReplyDelete
  16. eeeeeeeeehihihi!!!

    kinikilig ako! gusto kong nakakabasa ng mga proposal stories tas lalake ang nagkukwento. parang mas damang dama. hihihi! :D

    ReplyDelete
  17. weeeeehh.. biglang gusto kong kumaen ng tuyo.

    ang sweeeeeeetttt... ako din gusto ko na magpakasal..

    ReplyDelete
  18. wow...napaka romantiko naman ng kwentong ito, goyo.

    buti na lang at nagkaganon...eh paano kung nasamid siya dahil sa singsing na inilagay mo sa baso. nag iba sana ang happy ending. hahaha!

    ReplyDelete
  19. naks goyo, galing. kinilig naman ako dun. ayayayay. :">

    ReplyDelete
  20. nagbasa po ng kwento tungkol sa picnic... ^^,

    ReplyDelete
  21. ka sweet naman ng istorya :)

    pero may napansin lang ako, sabi nung lalake nung tinanong sya kung saan pupunta, sabi nya sya ang bahala...tapos si babae ang nagturo kung saan sila hihinto :D

    ReplyDelete
  22. After reading this post, there is only one word that I can think about.

    That is "clever".

    I love how you weave words in order to come up with a picture.

    Keep on writing. I'll keep on reading.

    ReplyDelete
  23. @neutraluniverse,

    maraming salamat. ito na ata ang isa sa mga bolang labis kong ikinatuwa. maraming salamat ulit sa pagbabasa. hindi ako magsasawang magsulat. :)

    ReplyDelete
  24. @Demigod, sino po si Martha Cicilia? Yung sa Precious Hearts Romance? Lols. Wala akong idea sa mga gawa nya. Hehe. Salamat po sa pagbisita. :D

    ReplyDelete
  25. mas titili yata ang babae kung wala ng paligoy ligoy pa, labas titi agad. 'yun lang ang paniniwala ko. loljke. kamusta goyo?

    ReplyDelete
  26. @SB, hahaha. mas ok kapag may konting kilig at paligoy-ligoy, bastos mo po! Haha. Ayos lang ako. Gwapo pa din. Hehe.

    ReplyDelete
  27. Naks! Magaling ka pala magsulat ng ganyan.

    ReplyDelete
  28. pagkatapos kong basahin yung trahedya mong istory,

    to naman nakapagpakilig. hoho
    naalala ko tuloy sinabi ko sa sarili ko na magpapakasal ako 3 years from now :)

    ReplyDelete
  29. goyo kinilig ako! lalo ko tuloy naalala ang pngarap kung kasal na kinalimutan ko nong naging kabit ako,hihihi

    ReplyDelete
  30. kelan kaya tutotohanin ni goyo ang fiction na ito? hehe

    ReplyDelete
  31. abah.. ibang klase poh kau ah. .eh daig pa ang chocolate sa kaswwettan.. hmmmp.. salamat poh sa mgandang kwento.. nkakainspire.. eheh..

    ReplyDelete
  32. Oooh cheesaaayyyy. Well-written, too ;)

    ReplyDelete
  33. ayun oh.
    nakakatuwa naman ang ganyang klaseng proposal. dyahe lang kung nalunok niya. hintayin mo pang jumebs.

    ReplyDelete
  34. hang sweet naman...may nalalaglaga bang dahon habang nagkikiss na?

    ReplyDelete
  35. @jayrulez, oo nga no. di ko naisip lagyan ng ganung epeks. hehe.

    ReplyDelete
  36. ayun oh... si don romantiko. wootwoot! :) heheh. mukhang lalanggamin ang laptop ko sa kababasa ng mga post mo. hihih :)

    ReplyDelete
  37. ang keso mo naman!!! haha!! wag mo kami kalimutan imbitahan ni jhelo ah? :D
    ni link kita sa blog ko :D

    ReplyDelete