Pages - Menu

Monday, February 21, 2011

Kumpisal

Ngayon ko lang napatunayan na mahirap pala talagang gumawa ng love letter. Akala ko easy easy lang. Akala ko madali lang. Hindi ko nga alam kung saan magsisimula, kahit na obvious naman atang nagsisimula na akong magsalita.

Alam kong huli na 'to para sa Valentines. You know naman na ayokong makisuo diba. Bukod pa dun, hindi naman mahalaga 'yung eksaktong araw na 'yun. Araw araw naman Valentines sa'ten lalo na kapag naglaloving-loving. Gusto ko nga rin sanang isulat 'to sa English para mas patok at mas nakakakilig. 'Yung parang katulad nung sa mga napapanood ko na palabas sa cable, 'yung mga puti ang bida. Nakakakilig kasi, tapos minsan nakakaiyak pa. Ang sweet sweet kaya. Pero dahil pareho lang kami ng pag-e-english ng idol mo na si Manny, tatagalugin ko na lang, para mas maraming makaintindi, isa pa maiintindihan mo naman 'to kahit sa anong lenggwahe ko pa isulat.

Binasa ko ulit 'yung mga nauna ko ng naisulat sa taas. Walang kakwenta-kwenta pala akong mag-intro sa isang love letter. Para rin akong lalaking magsulat. Pasensya ka na ha, highschool lang ang natapos ko. Bukod dun, hindi kasi ako nakikinig sa mga lecture ng teacher ko. Pano ba naman pagdating sa classroom, wala akong inatupag kundi ang matulog. Nakwento ko na 'yun sa'yo diba, na noong nag-aaral pa ako ay namamasukan din ako. Alam mo na naman 'yun kaya hindi ko na ikukwento pa.

Love letter pa rin siguro ang tawag dito kasi isinulat ko 'to ng buong pagmamahal. Pero mas okay siguro kung kumpisal na lang. Buti pa sa'yo magkukumpisal ako, sa simbahan grade 3 pa ata ako nung huli kong ginawa 'yun.

Gusto ko lang namang magpasalamat sa'yo. Mula noong nakilala kita, nagbago ang tingin ko sa mundo. Na hindi pala ganun kalupit. Na sa kabila ng mga paghihirap ay makakaranas din ng saya oras na dumating ang true love. Sino ba namang ordinaryong babaeng katulad ko ang hindi magkakagusto sa'yo. You are tall, white and handsome. You are every girls ideal man. Ang tangos pa ng ilong mo, tapos ang ganda ganda pa ng smile mo. Kung totoo nga lang ang killer smile baka namatay na ako. Buti na lang at hindi. Hihi.

Sa dinami dami naming may crush sa'yo noon, laking pagtataka ko na ako ang natipuhan mo. I am not that confident when it comes sa looks ko kasi. 'Yung mga ex-boyfriends ko, lahat na lang sila mang-iiwan at mangloloko. Nakakainis, hindi man nila sabihin pero ipinapakita naman nilang katawan ko lang ang habol nila. Mga manggagamit lang sila.

Hangang hanga ako sa'yo noon hanggang ngayon, totoo palang may mga gentleman. Kilig na kilig din ako noon, kahit na wala ka namang alam sa panghaharana ay sinubukan mo pa rin. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa din alam kung saan mo natutunan 'yun. Ikaw din ang unang humalik sa mga kamay ko, at ikaw lang din ang kaisa-isang lalaking nagbigay ng boquet ng rose sa'ken. Hindi naman pala talaga mabango ang roses pero kinilig pa rin ako.

Kapag tumitingin ka sa mga mata ko, pakiramdam ko ako na ang pinakamaganda at may sexy body sa buong mundo. Ikaw lang kaya ang tumingin saken ng ganun. 'Yung iba kasi, sa boobs ko lang nakatingin. Pero iba ka. Sobrang sarap titigan ng mga mata mo. Kapag sinasabihan mo ako ng "I love you sweetheart", natutunaw talaga ang puso ko. Tapos kapag magkasama tayong naglalakad sa loob ng mall, pinagtitinginan tayo. Bukod kasi sa sobrang tangkad at gwapo mo, napakalambing mo pa rin kahit maraming tao. Hindi mo ako ikinakahiya. Ramdam na ramdam ko sa bawat pisil ng mga kamay mo na mahal na mahal mo ako.

Tanda ko pa nga isang beses na kumain tayo sa isang Italian Restaurant, sabi mo kasi paborito mo dun, kilig na kilig ako kapag sinusubuan mo ako. Gusto ko na nga sanang kamayin 'yung mga pagkain pero tinuruan mo ako kung paano ang tamang manners. Pakiramdam ko, isa akong prinsesa kasama ng pinakamagiting na prinsipe.

Lalong lumalim ng lumalim ang pagmamahal ko sa'yo. Lalo na noong isinama kita sa probinsya namin sa Batanggas. Nakakabilib ka kasi. Hindi ko naman kasi akalain na magsisibak ka ng kahoy at mag-iigib ng tubig. Nagtataka nga ako kung bakit marunong ka ng ganun. Tapos kinagabihan, muli mo na naman akong hinarana. Kahit hindi ko masyadong intindi ang lyrics ng kanta, alam ko namang puro pagmamahal ang nais ipahiwatig nito. Hindi mo naman na kailangan pang ipagpaalam ako sa mga magulang ko pero ginawa mo pa rin. May inihanda ka palang munting date sa 'di kalayuan sa kubo namin. Ikaw ha, kinakuntsaba mo pala ang mga tiyuhin ko kaya nalaman mo at nakapag-ayos ka sa lugar na 'yun.

Para akong isang bata na manghang mangha sa ayos ng lamesa sa gitna ng kabukiran. May kandila pa. May sapin din ang lamesa. Nagtataka din ako kung bakit walang damo, 'yun pala naglatag ka pa ng carpet, pakiramdam ko na naman prinsesa ako at nasa isang palasyo. Candle light dinner pala 'yun. Gulat na gulat din ako sa nakahandang adobo at kare kare. Proud ka pang sinabi na ikaw ang nagluto at nagpaturo ka sa inang ko.

Puro matatamis na salita ang binitawan mo noon. Ang totoo, hindi ko naman talaga akalain na seryoso ka. Pero noong lumuhod ka na at inilabas ang singsing, hindi mo pa man nasasabi ang "Will you marry me?", nagsisigaw na ako ng, "Yes! Yes! Yes!". Niyakap mo ako noon, hinawakan sa noo tapos sa pisngi at hinalikan sa mga labi. Ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Mahal na mahal kita. Pinaramdam mo sa'ken na babaeng babae ako sa paningin mo. Pinaramdam mo na ako lang ang pinakamaganda at wala ka ng hahanapin pang iba.

These are the reasons why I really really love you. Mahal na mahal talaga kita John Kurt McGrew. Ikaw lang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Mas Filipino ka pa sa mga Pinoy na kilala ko. I am so proud to be loved by someone like you. I will love you always and forever.

Love,
Ma. Cristina Dela Cruz McGrew

31 comments:

  1. trulalu? ang ang daming langgam naman.. hehehe...

    ReplyDelete
  2. @Istambay, nahahalata ka sa hindi mo pagbabasa. hahaha. :P

    ReplyDelete
  3. akala ko wento mo until naguluhan ako sa linya saying na parang lalaking magsulat at ang patungkol sa mga ex-boyfriends. wakokokokok.

    ReplyDelete
  4. hahaha kala ko ikaw talaga nagsulat babae naman pala.. pero weee kilig to the bones parang manok sa maxx lang..w aheheh

    ReplyDelete
  5. SUPER LIKE!!!! ahahaha...
    ang kyut!!!

    ReplyDelete
  6. ang adik mo..akala ko tungkol toh kay corinth.. wait stalker ba me? bakit alam ko.. kase naman sa tumblr.. nyahahaha.. natuwa na sana me.. at naguluhan din ako sa part na ex boyfriend, boobs, at iba pala.. hahaha

    ReplyDelete
  7. why do i feel like yung sarili mo yung dinidescribe mong guy? haha. nice one, goyo. :)

    ReplyDelete
  8. kaano-ano mo si Cristina?

    Tatak na ng bawat lalaking pilipino ang pagiging romantiko, sweet at mapag-exert ng effort para kanilang iniirog. hindi ko lang alam kung bakit sa panahon ngayon, parang nagiging extinct na cla. mas astig na kase siguro ngayon ang masyadong maangas, at gay na ang mga lalaking malalambing.

    ReplyDelete
  9. Pure fiction lang po 'to para sa mga nagtatanong.. May pinupunto ako dito, hindi nyo ata nakikita. :(

    ReplyDelete
  10. aww. pagmamahal talaga, walang pinipili.

    ReplyDelete
  11. shunga ko... nabura ko yung una kong koment.. hehe bwiset tlaga ako..

    ayos ka tlaga ser sumulat :)
    nakakatuwa at nakakakilig..


    mapalad si cristina..

    sana si ka peps na ang John Kurt McGrew ng buhay ko..

    ReplyDelete
  12. Ma. Cristina De la Cruz.. John Kurt McGrew...

    hmm, merong acculturation na nangyayari sa panahon naten,pero hindi yung pinuwersang acculturation. Ibig sabihin nag-iiba ang culture ng panliligaw ng mga binatang Pinoy sa mga dalagang Pilipina. Sa kwentong ito, parang naiisip kong mas pinoy pa pala manligaw ang ibang lahi kesa sa mga Pinoy? Pero para saken, iba pa rin magmahal ang mga Pilipino.:)hello goyo. kamusta? :)

    ReplyDelete
  13. hay.. pwede ka nang author ng preciuos hearts romances hehehehe. galing :D. at sakin na lang isa kong opinyon. may tinatago tong sulat na to eh hehehe

    ReplyDelete
  14. napakasweet naman...

    di ko makuha pinupunto mo goyo :))

    nagpadala na lang ako sa sweet ng liham na ire hehehe

    good day!

    ReplyDelete
  15. hahah hindi ko din magets kung anong meron dito sa sulat na ito :)) ito ba ay pangarap lang o bading si Cristina???LOL

    Too-good/sweet-to be true naman yung pinagagawa ni John. Swerte ni Cristina. inggit lang :))

    ReplyDelete
  16. sa aking palagay kaya ng mga pinoy na magmahal. di lang nakita ni ma. cristina yun. ;)

    o gusto lang niyang mapetition. hehehe

    ReplyDelete
  17. ang sweet naman pero honestly nalito ako nung una naguluhan ako kung lalaki ka ba talaga or babae gang sa nabasa ko yung dulo hehehehe nagduda pa tuloy ako sa kasarian mo hehehe

    ReplyDelete
  18. binasa ko po yan mula umpisa hangang sa huli.. eh hindi ko po kilala kung sino ang binanggit nyong characther.. shungaers ako hahaha.. kaya ask kung true po ba iyon? teka... wala akong masabi sa comment kanina ahehehe.. so sweet naman talaga di po ba? ahehehe... magandang araw..

    ReplyDelete
  19. Swak na swak si John Kurt McGrew sa banga ng dalisay at marikit na Ma. Cristina Dela Cruz! Sensya na kung hindi ko rin naintindihan ang nabasa ko, kinuha ko lang sa face value hehehehe...

    ReplyDelete
  20. tama ba ko tol sa pag-iisip na medyo late na ata yung love letter mo? di nakahabol ng 14? hehe. wala lang..

    ReplyDelete
  21. hala akala ikaw yung sumulat para sa babae pero biglang iba na naman baka kako sulat naman sayo kaso mali ulit. bakla ata sumulat nito.

    tapos nalaman ko babae na pala talaga! hoooo!

    ReplyDelete
  22. shet tol kinilig ako!!! galing mo!! isa kang alamat hahahah!!! super like pre!!!! yahoo!

    ReplyDelete
  23. hmm subukan kung ipoint ung gusto mong ipoint ha...


    hmmm,, iyong point mo b eh, iyong the right way to treat and love a girl? tomo b?

    ReplyDelete
  24. hahaha! kala ko bading ka! lol! kaya napabasa tuloy ako sa profile mo!

    ang swet-swet naman kasi,saan ba nakakahanap ng ganyan?!!

    ReplyDelete
  25. yung comment ni KatrinaDanieles at Gillboard. Parang ganun. Dun umiikot ang gusto ko puntuhin dito. Hehe.

    @iyakhin, ako bading? sayang ang tulis ko kung magiging bading ako. BARAKO ho ako. :)

    ReplyDelete
  26. Palakpakan! Hay! Ang tamis naman. haha. Natola ako kasi kala ko ikaw talaga nagsulat pero astig pa rin ang post na 'to. haha

    ReplyDelete
  27. Wala pa ring gaganda sa pinoy style na panliligaw pero as time goes by unti unti ding nawawala ang kahalagahan nito....dala na rin cguro ng impluwensiya ng media at ng ibang kultura...

    Fiction? O ikaw yung lalake na tinutukoy sa liham? hehehe...Ayos!

    ReplyDelete