Pages - Menu

Thursday, March 10, 2011

Busabos

Kung tutuusin hindi naman talaga ang jeep ang hari ng lansangan dito sa Pilipinas. Mas marami lang siguro ang mga jeep kaya sila ang tinawag na hari. Sa totoo lang mas sigang tingnan ang mga bus para sa'ken. Bukod sa malalaki at mahahaba ang mga bus, nakakatakot din kapag ito ang bumangga sa'yo. Sigurado tepok ka. Kaya siguro ganun kalakas ang mga busina ng bus.

Sa kagustuhan kong may matutunan ka kahit konti lang at magmukhang educational blog ang lugar na ito, may sasabihin ako. Ang unang bus company sa Pilipinas ay hindi sa Maynila nagsimula. Ito ay unang umusbong sa Iriga City, Camarines Sur. Ang unang bus company ay itinaguyod ni Albert L. Ammen noong July 1914 at pinangalanang A.L Ammen Transport Co., Inc o ALATCO. Yes, quota na ako sa trivia.

Sa totoo lang ay medyo mapili ako sa bus na sinasakyan. Mas gusto ko sa may aircon. Bukod kasi sa presko, mas malaki rin ang tyansa mo dito na may makatabing hot, sexy at magandang bebot. Pero kapag mamalasin, kung hindi baklang mukhang manyak ay mamang mukhang mandurukot naman ang makakatabi mo. At kapag mas lalong mamalasin, kung hindi mahina ang aircon ay may madamot kang katabi na sosolohin ang buga ng hangin. Kapag may nakakatabi akong baklang mukhang manyak, hindi ako lumilingon sa kanya lalo na kapag ramdam kong nakatingin din s'ya saken. Kapag mamang mukhang madurukot naman ay lagi akong nakahawak sa bulsa at kinakapa ang pitaka at cellphone ko. Mahirap na.

Iwas alikabok din at basang kilikili sa mga airconditioned bus. Badtrip kasi minsan dun sa mga walang aircon, laging nagugulo ang ayos ng buhok. Ilang oras mong inayos, limang segundo lang guguluhin ng hangin. Bukod dito, kokonti lang din naman kasi ang diperensya sa pamasahe lalo na kung malapit lang naman ang pupuntahan. Malamig na, libre pa ang sine galing sa piniratang mga pelikula. Wala naman kasi atang ordinary bus na may tv diba.

Ayoko rin ng nakatayo sa loob ng bus lalo na kapag sobrang siksikan. Bukod sa mahirap bumalanse, minsan hindi ako confident sa amoy ng kilikili ko. Nakakahiya sa mga makakaamoy. Minsan naman tyempo kapag siksikan tapos nakaupo ka malapit sa daan, ilang libong puwet at dede ang mararamdaman mo, malas lang kapag puro etits ang tatama sa’yo.

Minsan, may mga pagkakataon naman na kailangang kailangan mo ng sumakay ng bus. Basta tama ang sign board kahit bulok na bus pinapatos ko na lalo kapag taeng tae na at nagmamadali talaga. 'Yung tipong hindi ka pwedeng ma-late kahit dalawang minuto lalo na kung date ang pupuntahan. Kapag ganitong mga sitwasyon, no choice. Swerte ang unang bus na mapapatapat sa’ken kasi siguradong sasakay ako kahit byaheng langit pa ang takbo nito.

Bago sumampa sa bus, ipinagdarasal ko na sana maluwag ang pagitan ng mga upuan. Ang hirap kasi kapag hindi kasya ang tuhod, para akong tanga na nakatagilid at mukhang nagpapasexy 'wag lang maipit at hindi mahirapan. Dalang dala na ako sa masisikip na upuan. Mas gugustuhin ko pang tumayo na lang kesa naman pati betlog ko mamulikat. Namimili rin ako ng pwesto na uupuan. Hindi ko trip sa dalawahan lang. Mas okay kung tatluhan tapos ako lang ang nakaupo. Paborito ko sa tabi ng bintana, pakiramdam ko may nagshu-shoot ng pagsilip silip ko sa labas at gagamitin sa isang music video. Gusto ko lang din minsan na minamasdan ang bawat lugar na dinadaanan ko, bukod sa nakakalibang, pinapamilyar ko na rin ang sarili ko. Trip na trip ko rin sa tabi ng driver, pakiramdam ko ay ako ang nagmamaneho. Kapag liliko, liliko rin ang ulo ko.

Napansin ko lang sa mga bus puro intsik ang nakasulat sa loob, o baka sulat ng hapon 'yun. Ang ibig kong sabihin, gawa pa sa lugar ng mga singkit ang karamihan sa mga bus sa Pilipinas. Malamang sa malamang e mga pinaglumaan. Basura ng ibang bansa, itinambak sa atin at muling pinakinabangan. Kung tutuusin, halos lahat ng bus na gumagala sa buong ka-Maynilaan ay puro bulok na at kakarag-karag. Mga BUSabos kung tawagin ko. Maaamos na bus.

Nitong nakaraang linggo lang ay may nasakyan akong ordinary bus patungong Cubao na hindi naman sa bulok, bulok na bulok lang at parang tinalupan. Kita ang laman loob. Apatnapu't limang minuto rin siguro akong nakasakay dito. Apatnapu't limang minuto na ang tanging iniisip ko ay paano kaya kapag sumabog ang latang ‘to? Epekto na rin ng nangyaring insidente noon sa Quirino kaya ko naisip ang eksenang 'yon.

Noong una inisip ko pa na baka magta-transform ang bus na nasakyan ko. Pero nung nagsimula ng pumaspas si manong, sa di inaasahang pagkakataon ay napaantanda ako. Parang makakalas kasi at parang konting init pa ay sasabog na.

Isa 'to sa ugali ng mga Pinoy na hindi sa lahat ng pagkakataon ay maganda. Ang hilig nating magrecycle ng mga gamit, basta gumagana pa ay gagamitin pa rin natin. Ang hilig nating tumanggap ng basura ng ibang bansa. Mapa-damit, bus, mga appliances at kung anu-ano pa. Ultimo mga sasakyang pandigma ay pinaglumaan lang ng ibang bansa ang ginagamit natin. Oo, mahirap nga ang bansang Pilipinas. Sabihin na nating nagtitipid lang tayo kaya ganun. Pero paano kung dahil sa pagtitipid natin ay samantalahin ng ibang bansa ang kahinaan ng depensa natin sa larangan ng pakikidigma? Usong uso pa naman ngayon ang kaguluhan. May Spratlys Island pa tayong ipinaglalaban na pwedeng pagsimulan ng gulo. Wala naman sanang mangyaring mga ganun. Pero maganda na rin kung laging handa.

Pangarap ko nga palang makasakay sa bagong bagong bus na 'to na madalas sa Ayala ko nakikita.


17 comments:

  1. nice trivia, dati radio lang ang libangan na meron sa bus, ngayon meron nang video on board at wifi para sa mga long distance trip.

    ReplyDelete
  2. Bagong bus ba un? Sa Marikina ung garahe nung BUS na yellow.:)

    ReplyDelete
  3. ako ayoko din sumasakay ng ordinary lalo na't ang layo ng byahe ko mula alabang hanggang crossing. kadalasan sinasakyan ko ung magaganda at maluluwag ang upuan para di masakit sa tuhod at sa bayag hehehe. paborito ko ung jayross, kingsam at cher. un lang :D

    ReplyDelete
  4. haha aray ko naman sa baklang mukhang manyak:)

    ReplyDelete
  5. *typo error naknamputcha...*


    minsan puro pwet, dede at etits ang tatama sayo! ahahahaha. laughtrip ako dito.. ganyan din sa MRT!. ahahaha

    ReplyDelete
  6. Ahahaha yang MALTC na yan ang sakit sa mata! Yan lang ata ang ordinary bus na pumapasok sa Ayala...

    Eh yung Nova bus natry mo na? Mababanat ang mukha mo sa sobrang bilis ng patakbo nila. Swak na swak kung najejebs ka...

    ReplyDelete
  7. aircon bus talaga masarap sakyan.

    Mahirap sa matangkad at mahaba ang paa ang masikip na spacing. epport sa pagsiksik para magkasya tuhod mo.

    at may aircon bus pa noon na may mga mini ipis. wakokokokk

    nothing beats gliner and rrcg bus, sardinas na sardinas ang gagawin pag rush hour

    ReplyDelete
  8. ilang beses na din ako sumakay sa lumilipad na mga bus... lakwatsera ako sa manila eh.. peyborit ko din ang cher kung mula alabang pa-crossing... at g-liner naman pag papunta sa dorm.. at pag bumabaha sa morayta... badtrip lang..

    pero naka-relate naman ako ng marami dito..at natuwa...

    galing yana sa tsina yung mga bus na yan eh... alam ko bawal ang mga madudumi ang tambutso..pero 100% yata ng gumagala sa kamaynilaan puro maitim ang tambutso.. kawawa naman tayo...

    ReplyDelete
  9. dito sa amin.. halos ayos naman ang mga bus.. sa cavite lawton... tagaytay lawton.. halos lahat ng mga bus eh bago.. ung iba na hind aircon, maayos naman.

    wala naman sanang problema sa pagrerecycle ng mga nagana pang gamit.. basta sa sarili na lang ito gamitin at hindi na para sa iba.. tulad ng bulok na bus na yun. eh dapat naman hindi na pinapayagang bumyahe sila, nandun na ko sa mawawalang ng trabaho ang driver, pero isipin din sana ang buhay ng pasahero

    madalas ng aksidente lalo na at mga bus ang sangkot eh machine error.. kaya konting higmpit sana ang LTFRB at LTO sa ganito...

    mahaba na comment ko sir.. magandang araw po..

    ReplyDelete
  10. Goyo yung archive ko hindi ko inisa-isa yun may ginamit lang akong code...

    sundan mo lang instructions dito:

    http://jacqsbloggertips.blogspot.com/2010/05/create-table-of-contents-or-archives.html

    ReplyDelete
  11. kahit naman jeep lang, nakakatakot talaga sumakay sa mga lumilipad na lata..XD

    ReplyDelete
  12. tama!

    hindi ako madalas sumakay ng bus dahil lagi akong nasusuka o nahihilo pag sumasakay sa bus kaya jeep lang talaga palagi, ayos yung trivia.
    Puro kasi papogi yung mga taong nakaupo sa kapangyarihan eh pag sa mga international crisis walang magawa kung magkagiyera man dito nakow! sana wag mangyari.
    nakakalungkot din isipin na ganito ang kalagayan ng Pilipinas parang bulok na Bus :)

    ReplyDelete
  13. Kapag nagagawi ako sa Manila noon aircon bus sinasakyan ko... hirap nga pag di aircon tyak kasi sira agad buhok mo... hehehehhehe... pero ngayon bihira na ako sa bus... tren na lang mas mabilis kasi ako makarating sa pupuntahan ko sa pananaw ko lang...kahit sobrang haba pa ng pila... hehehhehe

    ReplyDelete
  14. hahaha lagi kong nakikita yang bus na yan sa Marikina. Bagong bago nga, bagong luma...LOL

    Ayoko lang sa bus kapag nakatayo sa mahabang biyahe...Naknang, wala man lang magpaupo kahit mga lalake...buset! :))

    ReplyDelete
  15. parang naranasan ko nrin yang mga yan, at nkasakay nrin ako sa bus na nasa photo hehe natatandaan ko jan ako nadukutan, namiss ko bigla ung 3310 ko na ang mahal pa nun

    ReplyDelete
  16. bago ba yun?? haha.....gusto ko rin yung nasa may bintana...tapos sasabayan ng mp3 player na may madramang kanta..parang nagshoshoot lang ng music video nyahaha.

    mapili din ako sa mga bus...gusto ko dapat comfortable ako palagi at ako lang dapat mag-isa sa upuan! bwahaha. naranasan ko na rin yung may amoy yung katabi mo...amoy lansa ba...bwaha..kaya palagi akong nagdadala ng panyo at alcohol

    ReplyDelete
  17. ahahaha.. di din ako sumasakay sa mga bus na tingin ko... sa afterlife na kayo pupulutin.. wahhehe

    ReplyDelete