Pages - Menu

Tuesday, March 15, 2011

Diary

Monday, March 14, 2011

2:00pm. Umalis ako ng bahay. Akala ko nga hindi pa ako makakaalis. Ganito kasi ang nangyari. May plano na talaga akong lumuwas ng maaga dahil napag-usapan ng grupo sa thesis na magkikita-kita sa school ng alas-10 ng umaga. Tulad ng dati, ginising ako ni Nanay ng alas-3 ng madaling araw. Nakahanda na ang pagkain para may laman ang sikmura ko sa byahe. Sa tuwing luluwas ako ay nagluluto si Nanay ng ulam na mas masarap kesa mga kadalasan naming inuulam kapag ordinaryong araw. Para raw makatikim naman ang kapatid ko ng masarap na pagkain sa boardinghouse. Ang problema lang, pagkatapos kong kumain at uminom ng kape na sana ay gigising sa diwa ko ay lalo naman akong inantok. Muli akong nahiga at nakatulog. Alam ko ginising ako ni Nanay bago s'ya umalis papuntang trabaho pero halos hindi ko na maalala ang pinag-usapan namin, basta alam ko sinabi ko na aalis pa rin ako mamaya.

Ilang oras pa ang nakalipas ay nagising na ako. Hindi nag-iwan ng pera si Nanay. Nagalit pala si Nanay dahil napuyat daw s'ya. 'Yun ang dahilan kung bakit muntik na akong hindi makaalis ng bahay.

Hindi ako nakapunta ng school dahil sa insidenteng ito. Ang tanging magagawa ko na lang sa pagluwas ko ay ituloy ang pagsabit ko sa planong pag-aapply ng isa sa mga kaklase ko. Madali lang naman daw kaya sumama ako. Isa itong kumpanya na base sa Australia. Tama ka, call center na naman pero may twist, hindi tulad noong una kong apply.

Alas-6 ang usapan ng pagkikita. Hindi na ako umuwi ng boarding house para sakto ako sa oras ng usapan. Bumaba na agad ko sa Robinsons Galleria at naghanap na lang ng shop sa loob ng mall para makapagpaprint ng resume na matagal na ring natutulog sa email ko.

Madami akong natuklasan sa araw na 'to. Una: Nag-improve na ata ako sa pakikipagtalastasan sa ibang tao lalo na sa interview. Hindi na ako gaanong kinakabahan at nakakasagot na ako ng ayos. Nakapasok ako sa next level. Pangalawa: Ngayon ko lang nalaman na ganun pala ang pakiramdam kapag may nakapasak na earphone sa tenga mo at nakikinig ka sa pagdaldal ng isang hindi kalahi. Pangatlo: Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng mga Aussie. Alam kong english 'yun pero nakaka-bobo at nakakahighblood. Sabi pa naman ay isulat daw namin ang pag-uusap ng dalawang taong nasa linya. May naisulat ako pero hindi ako sigurado. Pakiramdam ko puro mura ang sinasabi nila habang nag-uusap. Pang-apat: Magaling pala talaga ako sa larangan na 'yun. Saan? Sikreto.

Tuesday, March 15, 2011

8:30am ang plano namin. Dapat nasa Rob na kami. 9:30 na ata kami dumating. Alas-10 pumasok sa loob ng matayog na building sa Ortigas. Pinabalik kasi kami. Muli na naman kaming nakipaglokohan sa mga sarili namin na naiintindihan namin ang sinasabi ng mga puting ito na nasa linya. Mas madaling intindihin ang salita ng mga lalaking Aussie kumpara sa mga babae. Tama sila. Dalawa nga ang bibig nila. Madalas nga lang mabaho 'yung isa.

Alas-2 na kami lumabas sa impyernong 'yun. Masakit ang batok ko. Na-frost bite ata ako dahil sa lakas ng buga ng aircon. Ilang beses ko ring minura ang mga pinaggagawa namin sa building na 'yun. Tatawagan na lang daw kami. Mali. Itetext lang pala kung babalik pa ulit kami. Hindi pa naman kasi nila nache-check kung tama ang pinagsusulat namin don. Mukhang hindi na ako aasa. Pero kung magkakaron ng himala, tutuloy kami.

3:45pm. Dumating ako sa boardinghouse. Galit ang Tatay ko. Hindi ko nasagot ang mga tawag n'ya kanina. Nagpaload ako at nagpaliwanag sa text. Itinulog ko ang sakit ng batok ko. May tira-tirang meatloaf nga pala. Nagsaing muna ako bago natulog.

5:00pm. Hindi ko sigurado kung tama ang pagkakatanda ko sa oras, nagising na ako. Dumating na kasi ang kapatid ko. Tumawag ulit ang Tatay ko. Sorry tay, hindi ata maganda ang pakikitungo ko sa inyo sa telepono. Gusto ko na naman maka-graduate. Sorry tay. Naiinis lang ako kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin natutupad ang mga pangarap n'yo. Sorry ulit tay. Hintay lang.

6:00pm. Inumpisahan kong basahin ang ika-walong libro ni Bob Ong. Baka kasi mabulok lang sa cabinet ko. Ito ang dahilan kung bakit naisipan kong magsulat ngayon. Nakakamiss ang magsulat sa diary na minsan ko ng ginawa noong taong 2009. Diary ng pag-ibig lang naman ang ginawa ko noon. Nasa Tuesday, Nov.17, 1998 na nga pala ako sa Mama Susan na nakakatakot daw. 'Yun nga lang, lipas na ako sa kakatakutan. Kunwari matapang ako.

6:30pm. Kinain ko na ang tira-tirang meatloaf. Isang araw na palang pagkain ng aso 'yun. Buti na lang masarap pa rin. Nagluto rin ang kapatid ko ng pancit canton at pinagsaluhan namin 'yon. Nalaman ko rin na tapos na palang basahin ni utol 'yung dalawang libro na iniwan ko sa damitan ko. Ang bilis n'yang magbasa. Masaya ako dahil sa wakas may isang bagay ng mukhang magkakasundo kami ng kapatid ko. Mapipilitan na rin ako ngayon na gumastos sa pagbili ng libro. Pwede na akong magsimula ng mini library ko. May kasama na akong magbabasa. 'Yun nga lang, wala pa rin akong pera.

7:10pm. Lumabas ako ng bahay para bumili ng softdrinks. Minsan lang uminom ng softdrinks ang kapatid ko. Libre n'ya.

7:13pm. Nagpunta ako sa computer shop para isulat tong mga kalokohan na 'to. Baka kasi lumipad pa sa isip ko.

Kung nakarating ka sa bahaging ito. Nagpapasalamat ako sa'yo. 46mins. ko rin atang itinipa ito. Ang hirap talagang magsulat lalo na kapag may maiingay na nagdodota at sumisilip sa kung anong ginagawa mo. Salamat nga pala at alam kong may nagbabasa nito. Hindi masasayang ang kinse pesos ko. 35 pesos na lang ang pera ko. Wala na akong pamasahe papuntang school bukas. Uutang na lang ulit ako sa kapatid ko.

8:04pm sa orasan ng computer na gamit ko sa shop na 'to. Tsaka ko lang naisip na malaki ang pagkakaiba ng blogging sa isang diary. Sa blog, magsusulat ka kung anong alam mong magandang basahin ng mga tao. 'Yung tipong may moral lesson, nakakatawa, may tsismis kang dala, may maganda kang kuha gamit ang SLR mo, o di kaya naman may bago ka na namang ipagyayabang. Ako lang ata ang nag-iisip ng ganun. Basta ang iba ang diary sa palagay ko. Araw-araw updated. Kahit ano pwedeng ilagay. Sa blog din naman kahit ano pwede. Depende na lang talaga sa tao.  Tulad ko, sa ibang blog ko nga lang. 'Yun ay tago tulad ng isang diary. Hindi ko sasabihin kung nasan ang blog na 'yun.

Ang kagandahan lang sa isang blog post madalas solido ang laman. Minsan kasi sa diary, wala kang maisulat. Sa blog din pala ganun. Basta hindi ko maipaliwanag. Sige na nga. Pareho lang sila aktwali. 'Yung solido ang laman, hindi kasama ang blog ko na 'to dun.

Joke lang 'yun. Trip ko lang.

8:10pm. Siguro nakapublish na 'to. Nasayang ang 10mins na pagbabasa mo. Sayang din ang kinse pesos ko dahil sa pagtipa ng mga 'to.

8:13pm. nag-extend ako ng 5 piso. Muntik na kasing hindi ma-save. Muntik ng masayang ang kinse ko. Bente na nga pala ngayon. O s'ya, uuwi na ako at ipagpapatuloy ang pagbabasa.


Edit: 6:01pm, Wednesday, March 16, 2011
Tapos ko ng basahin ang libro ni Bob Ong na may kinalaman kay Mama Susan at sa kulto n'ya. Okay sana ang istorya kaya lang bitin ako at parang ang korni ng ending. Hindi ako natakot. O hindi lang talaga ako matatakutin. Opinyon ko lang 'to. Wag kang mag-alala gusto ko pa rin naman si Bob Ong.

21 comments:

  1. pabeys!

    Wew! Bat ko binasa.XD

    Nakakamiss si ineng. ;D sabay kayo ggraduate?

    Master tlga kta. :)

    ReplyDelete
  2. gusto ko din mag-apply sa call center, at makipag-usap sa ufo..hehe.. pero tingin ko iba talaga blogging sa diary.. hehe mas creative sa blog..mas alam mo laman ng sinasabi mo..hehe kaysa diary.. buga ka lang ng buga ng mga salita..di na dapat isipin kase alam mo walang huhusga.. tsaka na lang basahin pagdating ng panahon.. hehehe..

    bla bla bla.

    ReplyDelete
  3. magkaiba ang diary sa blog, napansin ko din yan. dahil sa blog, may magbabasa, may makakakita. kaya dapat pilitin mong magpost ng may dating, yung may kwenta, yung may makaka-appreciate. samantalang sa sarili mong diary, yung pribado, sarili mo lang ang niloloko mo. kaya kahit anong isulat mo, pwede. naalala ko yung diary ko dati, pag wala akong maisulat, dinodrawingan ko nalang. pasok na. keri. pag nagbackread ako, naiintindihan ko naman sya. lol

    Naiinip lang siguro ang tatay mo, pero hindi sya nagagalit. o baka nagaalala. kausapin mo sya and keep an open communication. assure him something. kaya mo yan. =)

    buti nalang hindi ako aussie although babae ako at dalawa rin ang bibig. hinuhugasan ko kase sila on a daily basis kaya hindi mabaho. haha

    sana magkaron din ako ng libro ni bob ong. huling huli na ko. hay.

    ReplyDelete
  4. diary... pwede ko sabihin ang pinaka dark secrets ko....hmmmm

    blog...maraming epal! lol maraming makukulit na fwend kang makikilala

    ReplyDelete
  5. pa-diary type tulad ng kay mama susan book. Mahirap ang aussie pero maututunan mo din kung lagi mo na silang makakausap. :D difference ng diary at blogging, siguro mas very personal ang diary

    btw, kamusta ang application? usually dapat one day process ang job kung similar sa call center ang work.

    Computer related course ka ba? alam ko may opening sa amin. :D alam ko madaming open positions, so pede mo din ibalita sa mga friends. sensya ng kung medyo off topic

    ReplyDelete
  6. ang daming oras hehehe

    tinapos kung basahin

    ang kulit mo hehehe...

    eksayted na ang tatay mo sa nalalapit mong tagumpay..hintay lng kamo sya..

    kayang kaya mo naman yana at naniniwala ako na magaling ka..

    gudluck goyo at ingat...

    "san ka sa jalajala?"
    nakapunta ksi ako jan kasama nung clsm8 ko,BAGUMNBONG ata yun :)

    ReplyDelete
  7. Hindi ko pa na try makipagusap sa phone sa ibang lahi, tulad dito sa akin pag may natawag na japanese at nagsasalita ng ingles, ipinapasa ko gad sa kasama ko hahaha.. mahirap, hindi kasi maintindihan ang sinasabi..

    sa tingi ko, iba din ang blog s diary, sa diary more on personal na pangyayari sa iyong buhay, kung daily un.. araw araw na karanasan mo sa buhay isusulat mo.. kahit ano pa..

    sa blog, kahit ano pede, may readers ka, minsan ganon din.. araw araw na experience pero iba pa din.

    walang magulang na hindi maiintidihan ang anak.. for sure iexplain mo lang ng ayos kay erpat... magiging ayos din ang lahat.

    magandang araw sayo sir..

    ReplyDelete
  8. sa tingin ko ay magaling ka sa larangan ng pambobola. lol juk lang. kung ano man yong secret mong tinatago e sya, seu nalang yon.

    hindi ko pa naranasan gumawa ng diary. lol. pero sa tingin ko may pagkakaiba sya. kase yung blog may audience ka, pwera nalang kung private lang sayo yun. yung diary, ikaw lang ang makakabasa.

    ReplyDelete
  9. ang hirap ng life sa call center lalo sa mga schedules..siya nga pala.finollow po kita..sana po do the same ah..thenks

    ReplyDelete
  10. ayaw ko nang trabahong nakikipag-usap hehehe lalo na sa mga banyaga kasi minsan nag-nosebleed ako
    nung magtanong sa akin yung isang Iranian . . .
    napatagalog tuloy ako sabi ko
    "dun ka nalang sa guard magtanong"
    pak! hahaha tagalog!

    ReplyDelete
  11. Magaling ka nga talaga sa larangang iyon!:)

    ReplyDelete
  12. Ahahahahha bumabob ong ka na rin ah... lol... ayos na diary... hirap magimagine... pabago bago ng settings... lol... ayos!

    ReplyDelete
  13. @Xprosaic, hindi pa lumalabas ang Mama Susan, nag-diary na ako. Friendster days pa. hehehe. Eto o, Diary of love. http://goyosadventure.blogspot.com/2010/07/on-10th-of-july.html

    lols. :P

    ReplyDelete
  14. ako rin hindi natakot kay mama susan hehehe

    ahm galingan na lang sa pagaapply ng tarbaho. at nawa matapos na yang thesis niyo hehehe

    ReplyDelete
  15. Ang kyot ng idea na ito. At tama ka, medyo korni nga ang ending ng bagong libro ni bob ong dahil bitin. Nginit subalit datapwat, maganda pa din ito. Mas trip ko ang libro tungkol ke Mama Susan kesa sa Kapitan Sino.

    Anyway, napadaan! <3

    ReplyDelete
  16. hala buiti ka pa may trabaho na...

    ReplyDelete
  17. @Kikomaxx, ha? anong trabaho? nag-apply lang kami pero hindi naman kami natanggap. hahaha.

    ReplyDelete
  18. bagong follower ako haha, baguhan lang ako sa blogging pero oo magkaiba nga ang blogging sa diary. Kasi yung supposedly diary ko (itong blogspot) naging blog na at hindi ko na masabi yung mga bagay na nangyayari sakin araw araw. Kung gusto ko magblog dapat swak sa subject, swak sa audience..ganon.. para bumalik sila ulit :/

    pero ok lang masaya parin naman siguro nga gagawa nalang ng bukod na diary diba, kaso maasikaso nga lang.

    natapos ko naman to post mo hehe di sayang ang kinse mo (na bente na pala ngayon)

    ^_______^

    ReplyDelete
  19. hahaha! takte! THESIS NA NAMAN! WAAAAAH!

    dumadiary din ako dati eh. kaso di ko na itinuloy. sadyang may pakialamerong mga tao kasing nakikibasa at nakikiusyoso sa mga pinagsusulat ko.

    yung mama susan, tanong ko lang talaga bang sa page 7 siya nagsimula? page 7 kasi sa akin eh. baka kako may napunit or something...

    ReplyDelete
  20. @Yapo, salamat sa pagbisita at pagsubaybay. ^^V

    @Eloiski, Oo thesis na naman. tang ina lang. hahaha.

    Hindi ko napansin na sa page 7 nagsimula ang libro ni Bob Ong. Baka nga dun nagsimula o may napilas nga sa'yo. Check ko nga yung saken. hehe. :D

    ReplyDelete