Pages - Menu

Sunday, March 6, 2011

Iskunolar

May sarili akong kwarto dito sa bahay pero hindi ko ginagamit. Hindi naman sa takot akong matulog mag-isa. Hindi ko na rin matandaan kung kailan ako huling natulog don. Ngayon ay mas komportable na akong matulog sa kwarto ng kapatid ko na hindi naman n'ya nagagamit dahil madalang s'yang umuwi sa bahay, nasa Mandaluyong kasi s'ya at nag-aaral. Ang silbi na lang ng kwarto ko ngayon ay bihisan, lagayan ng mga kung anu-anong gamit tulad ng dalawang sirang CRT Computer Monitor na ang isa ay hindi samin, mga lumang damit, mga alikabok at agiw.

Kanina pagkatapos manood sa liga ng basketball, sa hindi ko malamang dahilan ay binuksan ko ang isa sa mga aparador sa loob ng kwarto ko. Ang aparador na 'yon ay naglalaman ng mga lumang quiz noong mga unang taon ko sa kolehiyo, mga notebook, may mga love letters din galing sa mga kaklase ko noong highscool, mga lumang magazine at poster, mga kung anu-anong koleksyon tulad ng iba't ibang klase ng susi na hinalughog ko noon sa bahay ng Lola ko at kung anu-ano pang abubot na hindi ko naman ikayayaman kahit maging antique pa.

Gusto ko sanang muling basahin ang mga love letters, sigurado ako matatawa lang ako kaya ipinagpaliban ko na lang ang pagbabasa. Nakakatuwa din ang mga lumang quiz ko noon, ang tataas kasi kaya natatawa na lang ako. Seryoso ako sa mataas na marka sa quiz ko, masipag pa naman kasi akong mag-aral noong mga unang taon ko sa kolehiyo. Ang mga koleksyon kong susi hindi na nadagdagan ang bilang, puro kalawang na lang ang nagpaparami. Sa ilalim ng mga lumang basketball magazine ay may napansin akong lumang dyaryo. Isang dyaryo na isang pahina lang ang kinuha at itinago. "The Philippine Star, Friday April 22, 2005", ang isyu.

Noong mga panahong 'yon, kakagraduate ko lang sa high school. Masaya pa akong naglalaro ng bilyar sa may kanto malapit sa bahay namin. Nagbabasketball sa hapon kalaro ang mga binata sa lugar namin. Nakikipagkara-krus kapag walang nagpo-poker. Puro saya lang at ang tanging bisyo lang ay maglaro. Tambay lang at nag-iisip ng kung anong mangyayari kapag tumuntong na ako sa kolehiyo. Tandang tanda ko pa rin na 'tong dyaryo na 'to ang naging dahilan kung bakit kami ibinili ng computer ng nanay ko.

Isang ordinaryong gabi. Nagbibilyar ako noon. Tumutumbok ako ng biglang tinawag ako ng nanay ko na nasa labas lang ng bilyaran. Akala ko ay kakain na kami, o kaya ay kukunin lang ang susi ng bahay. Hindi pala. May sasabihin daw s'ya sa akin. Kinausap daw s'ya ni Sister Claire at may iniabot na dyaryo.


Naalala ko na kumuha nga pala ako noon ng scholarship exam sa DOST na maaaring makatulong at magamit sa kolehiyo. Dahil nga sa tuwa ng nanay ko ay pinangakuan n'ya ako na ibibili ng computer. Ibinili nga ako ng computer ni nanay bilang gantimpala.

Ang unang 500 enrollees noon sa FEU - East Asia College ay makakatanggap ng 50% discount. Dahil sa ganda ng pasilidad ng nasabing eskwelahan. At dahil na rin sa magandang promo nila para sa mga papasok na freshmen ay hindi na nagpatumpik tumpik pa si nanay at inenroll ako. Hindi ko nga alam na hiwalay pala ang engineering at computer studies ng FEU sa iba pang kurso doon tulad ng HRM, Nursing at Tourism. Nalaman ko na lang 'yon noong nakapagsimula na ang pasukan.

Sa kasamaang palad, hindi pala magagamit ang scholarship ko sa FEU - EAC. Sa kursong IT lang ito pwede. IT na hindi ko pa alam noong mga panahong 'yon kung tungkol saan, ang tanging ideya ko lang sa kursong 'yon ay may kinalaman 'to sa mga computer. Magagamit lang daw ang scholarship sa mga eskwelahan na accredited ng CHED ang pipiliin mong kurso. Maaari din itong magamit sa kahit anong state university. Nakapasa ako noon sa PUP, pasok sa quota ng kahit anong kursong inilista ko ang marka ko. Nakapasa rin ako noon sa UE at pinapakuha pa ng isang exam para sa scholarship ng unibersidad. Ang problema lang, wala pa akong ideya noon sa kung ano ba talaga at sino ba talaga ang mga eskwelahan na maganda ang kalidad ng edukason. Laking probinsya kasi ako at wala pa akong pakialam noon sa mga kaganapan sa Maynila maging sa buong bansa. Nasilaw ako sa malinis na campus ng FEU. Nasilaw ako sa advertisement ng pagiging kampyon nila sa UAAP. Pumasok ako sa FEU-EAC, hindi ko nagamit ang scholarship.

Lumipas ang isang taon. Nagpadala ng sulat ang DOST. Hindi ko raw ginagamit ang scholarship. May isang taong palugit ang DOST para magamit. Nakasaad din sa sulat na maaari akong pumasok sa PMA sa Baguio at doon pwede kong magamit ang scholarship kung gusto ko. Bata pa lang ay engineering na ang first love ko. Naka-isang taon na ako sa kolehiyo. Gusto ko na sanang umalis sa FEU noon at gamitin ang scholarship pero huli na ang lahat. Hindi na ako makakapasok sa PUP na balak ko sanang lipatan. Kinailangan pa ng isang taon para malaman ko kung anong kalidad ng edukasyon ang maaari kong makuha sa paaralang 'yon. At tulad ng ibang mga istorya, laging nasa huli ang pagsisisi. Kasama na rin don ang pagsisisi na bakit hindi ko man lang nasubukan na kumuha ng exam sa Unibersidad ng Pilipinas, hanggang ngayon tuloy ay hindi ko alam kung papasa ang utak ko doon noong toto pa lang ako.

Itinuloy ko ang pag-aaral ng kursong BSECE sa FEU-EAC. Kursong hanggang ngayon ay hindi ko pa tapos at patuloy na pinahihirapan ng thesis na hindi naman makakatulong sa board exam. Kumbaga sa pagkain, may mga palumuting gulay sa karneng inorder mo pero bulok at wala kang balak kainin. Hanggang ngayon, sa tuwing maiisip ko na kung sa PUP na lang ako pumasok, bukod sa nagamit ko na ang scholarship ko, malamang sa malamang ay tapos ko na ang kursong pinili ko at handa na akong kumuha ng board exam sa darating na Abril. At hindi sana kami nangungutang ngayon ng ipambabaon sa pagpasok sa eskwela. Maluwag sana ang buhay. Maginhawa at masaya.

Hindi na maibabalik pa ang panahon. Hindi na maibabalik pa ang mga perang ginastos na karamihan ay galing sa utang. Kailangan ko na lang tapusin at ituloy ang laban na nasimulan. Ipagpapasalamat ko na lang na sa FEU-EAC ay marami rin akong natutunan sa buhay. Maraming nakilalang kaibigan at ka-ibigan.

Nagpapasalamat na lang ako na kahit sandali ay naranasan kong maging matalino. Na minsan ay muntik na akong maging iskolar. Sana talaga makatapos na ako. Baka sakaling mapatunayan ko ulit ang pagiging matalino ko sa board exam. Nasasabik na ako.

26 comments:

  1. gusto ko ding makapasa sa dost. :) sana makapasa ako.

    ReplyDelete
  2. wow tol isa kang magaling na estudyante hehehe..ako gnamit ko ung scholarship ni de venecia nung college ako..malaking tulong din kasi..hayaan mo na ggraduate ka na eh..kaw lng if trip mo pang mgaral uli..

    ReplyDelete
  3. wishing you the best, dude. kaya mo 'yan. buti ka pa you have your own room. Ako, I want to move out as soon as kaya ko na at may work na. :)

    ReplyDelete
  4. akala ko tapos ka na... hay... ako din pera pera problema.. hay.. gusto ko na rin magtapos.. nakakainggit lang mga kaklase ko sa CEU na magtatapos na ngayong taon..huhuhuhuhuhu.. sana ako din.. :(

    ReplyDelete
  5. ikaw na. :) ikaw na ang DOST scholar. :) hindi ako kumuha ng DOST dahil alam ko na sa sarili ko na hindi ako tatagal sa engineering, applied math, accounting, at kahit anong may kinalaman sa physical science and mathematics. hahaha

    kaya natin to goyo. :) ga-graduate tayo. :) tapusn mo na rin yang mga gawain mo sa schools kasi may sasalihan pa tayong contest di'ba? *wink :)

    ReplyDelete
  6. a case ko naman d ako nagtry sa DOST at iba pang scholarships kasi scholar na ako sa aming city at sa aming province! ok na yun! may allowance at libre pa!

    OK lang yan pareng Goyo..Everything happens for a reason! Pero kaya yan! Manalig ka pareng Goyo! At alam ko maging successful ka in the near future!

    ReplyDelete
  7. no need to worry matalino ka naman, maabot mo din mga dreams mo

    ReplyDelete
  8. ok lang yan! ganun talaga! ^ ^ maging masaya nalang sa pinili! mas may magandang nakalaan!!!


    tapusin mona yaaan!! engr. goyo!!

    ReplyDelete
  9. ako naman nagsisisi na hindi ako nakapagtake ng dost exams. Sayang kasi. Sobrang need yun ng pamilya ko sa pagpapaaral sa akin next year.

    Idol ka pala kuya goyo. isa kang ehemplo ng taong matalino dahil positibo pa rin. Good luck sayo! sana pare-pareho yaong makatapos ngayong darating na marso? or abril man.
    Naniniwala ako sa kakayahan mo!

    ReplyDelete
  10. hindi ako nag try sa UP or DOST, pero mga classmates ko noon OO. Hindi man ako nakakuha ng any scholarship na magandang pakinggan sa ears, scholar naman ako/kami ng BAYAN kasi tulad ng kagustuhan mo sanang mangyari, sa PUP ako nagtapos.

    ung tuition nyo eh, ilang cellphones na kapalit nun sa mga estudyante sa PUP. ahahaha...

    ReplyDelete
  11. may wentong DOST din ako, nalate ako ng pagpasa dahil sa kahihintay sa isang kaibigan kaya di na ako nakapag-exam... at nung college ako, sa 40 students sa section namin, 10 lang ang hindi DOST at isa ako sa mga yun. pero magkagayunpaman natapos ko naman ang ECE sa TUP(Totoong UP...lol) ng 5 years.

    ReplyDelete
  12. Naks! galing oh...iskolar! naks! ako di man lang makapasa pasa sa mga scholarship na mga ganyan... hehehehehhe pasaway naman kasi talaga ako simula't sapul kaya sanay na... hehehehhehhehe

    ReplyDelete
  13. sayang man ang scholarship pero sa aking kutob/palagay, minahal mo na ang ECE kaya you decided to stay.

    Hindi kaya mas gusto mo ang aura sa kwarto ng kapatid mo kaya dun ka natutulog?

    ReplyDelete
  14. ang galing naman! sabi na nga ba't isa kang matalinong nilalang ayaw mo lang aminin hehehehe

    ReplyDelete
  15. char ang galing at magkabatch pa talaga tayo ano.. hahaha... frustration ko naring makatapos after 6 yeras in college sawa narin akong palipat-lipat ng school..w ahehe

    ReplyDelete
  16. ang galing galing naman..,
    sana makagraduate ka na...
    makapagexam n ng board at tuluyan ng maging engr,goyo!


    taga jalajala rizal k ba?

    ReplyDelete
  17. hangtalino mo pala.

    yakang yaka mo ang board pre. \m/

    ReplyDelete
  18. sayang hindi ka nagPMA sa baguio.hehehe.very bright.looking forward to your graduation goyo..

    ReplyDelete
  19. Sana nakapasa ako dati sa DOST. Hihi. Nonetheless, masaya naman ako ngayon. Har. :)

    Napadaan lang po!

    ReplyDelete
  20. wow! congratz!!!! galingan mo ang pag-aaral!

    ReplyDelete
  21. yahoo! ok yan ipagpatuloy
    waaah! buti ka pa
    kaya nga ako umatras sa course ko eh napaka hirap halos lagi akong late may minus yun, tas gabi na uwian tas gising ng maaga pera, pagkain, commute, ugh!

    ReplyDelete
  22. kaya yan bro! minsan lang tlga cguro napapalampas ang oppurtunity pero may darating pa yan, kudos!

    ReplyDelete
  23. huli na itong post ko sir pero habol ko.. naging busymasyado sa reporting namin.. :)

    ang talino mo pala sir. Kung siguro naging singtalino mo ko.. malamang din sa alamang eh iskolar ako.. ECE din ang gusto ko na course, pero dahil sa walang ECE sa inubersidad na pinasukan ko, accounting ang binagsakan.

    May pagsisi din sa part ko, gusto ko din noon mag aral sa PUP, kaya naman ng utak ko kasi nga yun ang gusto ko. pero dahil na din sa kagustuhan ng magulang na wag ng lumayo, (probinsya din kasi ang sa amin) napilitan na din ako kuhanin ang accountancy...

    Di bale sir, ang importante jan.. gusto mo ang kursong kinuha mo.. malapit mo ng marating ang pangarap mo sir.. Gudluck

    ReplyDelete
  24. DOST scholar ako chief pati na rin ang asawa ko. At parehong Engineering ang kinuha namin.. Chem ako, Mech sya.. pero kung hindi s'yo, di tlga.. :)
    goodluck!

    ReplyDelete
  25. I would love to see you around, great blogger.

    ReplyDelete
  26. @PP, salamat sa comment na 'to! Nauntog ako bigla! Review na! Haha!

    ReplyDelete