Pages - Menu

Sunday, March 13, 2011

Panahon ng Hapon

Sa kasaysayan ng Pilipinas, bukod sa mga Kano at Espanyol ay may isang bahagi na ang kasama natin sa pamumuhay ay ang mga Hapon o mga sakang kung tawagin. Kulang tatlong taon lang namalagi ang mga Hapon sa bansa natin. 1942-1944 kung hindi ako nagkakamali. Sila ang humalili sa mga Amerikano.

Sa maikling panahon na 'to ay iba't ibang karanasan ang sinapit ng Pilipino. Sa panahon ng hapon nauso ang curfew. Kapag lumabas ka ng wala sa oras ay maaari kang dakpin o di kaya ay dagliang barilin. Sino mang mapatunayan na kumakalaban sa mga hapon ay may karampatang parusa na kamatayan. Ipinahayag din nila na sa bawat isang hapon na mamamatay, ito ay tutumbasan ng sampung buhay ng mga Pilipino. Sino bang makakalimot sa Bataan Death March at libong Pinay na ginawang libangan ng mga Hapon noon.

Maaaring maraming iniwan na masasamang alaala ang mga Hapon sa bansa natin noon. Sa kabila ng maikling panahon ng pananakop nila, may mga bagay din silang naimpluwensya sa atin. Sila ang nagturo sa atin ng pagkain sa iba't ibang noodles. Ang paggawa ng Haiku ay galing din sa kanila. Sila rin ang nagturong gumamit ng bata de baƱo o bathrobe. Ang pag-aalaga ng hipon at bibe ay sa kanila din natin natutunan. Maging ang pagyukod sa mga matatanda bilang paggalang ay sa mga Hapon din natin namana.

Sinong batang Pinoy ba ang hindi nakakakilala sa mga Hapon at mga likha nila?

Tuwing sasapit ang hapon paglabas sa eskwela ay lagi natin silang kasama. Mula kay San Goku at mga Saiyan na hindi maipaliwanag kung gaano kalakas hanggang sa pakikipaglaban ng reygun ni Eugene kay Taguro at iba pang halimaw mula Class A hanggang Class S.

Sa mga alien tulad ng magkaribal na Mojacko at Momonja, syempre kasama rin ang iba't ibang klaseng batong cosmo. Ang nakakatawang si Noobita, Zuneo, Damulag at ang nag-iisang robot na pusa, walang iba kundi ang galing sa future na si Doraemon.

Sinong kabataang pinoy ang hindi nagpumilit maging kasing galing ni Hanamichi Sakuragi  sa basketball, at sinong babae ang hindi napa-L-O-V-E Rukawa. Kilala n'yo pa ba ang kampon ni Diva na si Zenki. Si TP Takamiya at ang kanyang BT na si X. Sa mga dragon ni Recca at mahihiwagang sandata. 

Halos lahat tayo nasabik sa bawat kasong ireresolba ng pinakamatinik na detective na si Conan. Lahat tayo natawa sa bawat hirit ni Lupin kay Fujiko at sa bawat kapalpakan ni Detective Zenigata.

Ang puno't dulo ng kabaklaan sa Pilipinas na Sailormoon. Ang lumilipad na baboy na si Super Boink. Ang mahiwagang takure sa Time Quest. Ang may tsinelas na kahoy na si Yaiba.

Sinong bata rin ang hindi naglaro ng mini 4 wheel drive dahil sa palabas na Let's go! Nahilig sa baseball dahil sa Battle Field. Nagkolekta at naglaro ng may mga kinalaman sa Pokemon! Nahilig sa espadahan dahil sa galing at husay ni Kenshin Himura na mas kilalang Batusai sa Samurai X.

Nandyan din si Gon, Killua at ang paborito ng lahat na si Hisuka. Si Ippo Makonochi malamang kilala mo pa. Si Suezo ng Monster Rancher tanda mo pa ba? Hehe. At syempre ang mga bagong anime ngayon tulad ng Naruto, One piece at marami pang iba.

Teka, pwede ba naman nating kalimutan ang mga Hentai at si Maria Ozawa? Syempre hindi!

Tuwing hapon sila lagi ang kasama natin noon. Ito ang dahilan kung bakit natin nakilala ng husto ang mga hapon. Kung anong kultura ang meron sila. Ito rin ang dahilan kung bakit marami sa atin ang gustong makapunta sa bansang Japan. Sino bang ayaw humiga sa sahig at kumain ng nakaupo sa loob ng bahay ng isang hapon. Lahat tayo gustong mag-ensayo sa pakikipaglaban sa isang Dojo. Makapanood ng bakbakan ng dalawang higante sa Sumo. Magbabad sa hotspring. Kumain ng iba't ibang japanese food. Panoorin ang pagbagsak ng dahon ng mga puno ng Cherry Blossoms. Kung makakakita man ako ng snow, gusto ko sa Japan ko unang maramdaman ang lamig nito. At syempre, hihigop ako ng masarap na Japanese Tea.

Sobrang daming bagay ang kahanga hanga sa bansang Japan at sa mga tao dito. Hindi kataka-taka kung bakit maraming gustong makapunta dito. Para magtrabaho o kahit magbakasyon lang.

Isa ang Japan sa pinaka-hinahangaang bansa sa buong mundo. Kung gaano kaunlad ang teknolohiya dito, kahanga-hanga rin kung paano nila pinapahalagahan at inaalagaan ang kanilang kasaysayan. Ang mga Hapon na siguro ang isa sa pinakamapagmahal sa sariling bansa. Hindi ko na maalala kung sinong teacher ko ang nagkwento ng isang eksenang ito tungkol sa dalawang manggagawang hapon at kung gaano nila kamahal ang sariling produkto. May dalawang hapon daw na dating nagtrabaho sa Honda at nagpunta sa Pilipinas. Habang kumakain sa isang fast food chain, nakita ng dalawa ang isang Honda Civic na nakapark sa labas ng kainan. Proud na proud sila dahil ang Honda ay gawang Japan at sila ay nagtatrabaho doon. Napansin daw ng dalawang ito na madumi ang sasakyan. Mabilis silang lumabas at nilinis ang nakapark na Honda Civic. Ganito raw nila kamahal ang sarili nilang produkto.

Naaalala ko rin noong elementray ako na paborito ko talaga ang bansang Japan lalo na kapag darating na ang United Nations Day. Napakasimple kasi ng disenyo ng watawat ng bansang Japan, usong uso pa naman noon ang paggawa ng watawat gamit ang mga art paper. Isang hugis bilog lang na babakatin ko sa art paper gamit ang plato, isang bond paper, presto tapos ang watawat ko.

Ang Japan ay binubuo ng 6,852 na isla na nakalatag sa Pacific Coast ng Asya. Ang bansang Japan din ay bahagi ng lugar na kung tawagin ay Pacific Ring of Fire. Maging ang bansang Pilipinas ay kasama sa Pacific Ring of Fire na 'to. Ang bahaging ito ay ang lugar kung saan madalas ang lindol at volcanic eruptions. Nitong nakaraang byernes nga, March 11, 2011 ay niyanig ang bansang Japan ng 8.9 magnitude earthquake na s'yang naging dahilan ng malaking pinsala dulot ng sunog, baha at tsunami. Maraming tao ang namatay.

Sa mga ganitong mga pagkakataon, bukod sa pagdarasal ng taimtim, ang pagiging handa sa bawat sakuna ay isa ding sikreto para maiwasan ang labis na pinsala.

Patuloy po nating ipagdasal ang bansang Japan, lalo na ang bansang Pilipinas na 'wag sanang tamaan ng ganitong mga kalamidad. Alam naman nating lahat na hindi tayo ganun kahanda sa ganitong mga sitwasyon. Ipagdasal natin ang buong mundo. Amen.

13 comments:

  1. I really love almost everything about JAPAN ^_^ forget the karahasan....the Japanese culture is something I embrace much next to ours ^^ Let's keep the prayers goin'

    ReplyDelete
  2. May friend ako dun sa Japan, with God's grace she's safe...She contacted us on Facebook.

    Until now, parang debatable ang issue sa nangyaring unexpected na lindol sa Japan. If may PhiVolcs ang pinas, ay dapat meron din silang ahensyang nagbibigay warning or babala sa mga tao if may dadating na sakuna specially lindol? I just thought about it..


    Another well written post..Two thumbs up!

    ReplyDelete
  3. i love them!! mga amo ko ngayon lahat Japanese at syempre nasa japanese company ako nagtratrabaho. (obvious ba?) let's pray talaga for our world di kasi natin alam kung kelan tayo tatamaan ng ganitong kalamidad, dapat talaga lagi tayong handa. our only weapon is PRAYER and to TRUST GOD.

    ReplyDelete
  4. let's pray for all the people of Japan. :)

    ReplyDelete
  5. ang japan ang pangarap kong mapuntahan dahil sa mga nabanggit mong anime/cartoons.

    sana maka-ahon kaagad sila mula sa pagkakadapang nagawa ng tsunami.

    ReplyDelete
  6. ang nakakabilib sa japan kahit nangunguna sila pagdating sa teknolohiya, napreserve parin nila ang napakagandang kultura nila.Sana mabilis silang makabangon sa trahedyang pinagdadaanan nila ngayon.

    ReplyDelete
  7. Luckily, buhayl alng ang b naman ang pinsan ko. Mejo hysterical lang si gaga kasi mag-isa sya dun. Kakaawa din.. Lalo na ang buong Japan. =(

    ReplyDelete
  8. mahal ko rin ang kultura ng Japan! haha meron nga akong friend na Japanese na lalake pero hindi mo siya mahahalatang lalake dahil mukha siyang babae! actually maganda pa siya sa isang average model. Kiyoshi ang pangalan niya (na meet ko siya sa eb nasa Ottawa Canada siya kaya ligtas siya nung nangyari yung trahedya)

    kung mangyari sa atin yan ay nako malaking pinsala ang mangyayari.
    ehem* ubo* ubo*

    Hope na sana makabangon muli ang Japan

    ReplyDelete
  9. hindi ko alam na sakang pala tawag sa mga hapon..at natawa naman ako kase merong balita na kinalat na nag-sruvive naman daw si Maria Ozawa sa Japan.Lol.. hahahaha.... pero natuwa din ako na nagtravel through time ako dito sa post mo dahil sa mga anime.. di ko alam yung iba.. pero yung iba katulad ng zenki.. na halos di ko na maalala...eh wala lang..natuwa ako nakita ko dito.. pinabasa ko sa boypren ko..lol... baka matuwa din kase siya.. hehhee

    ReplyDelete
  10. oo nga lets pray for japan.. kawaa naman sila..

    ReplyDelete
  11. pangarap kong makapunta ng japan balang-araw. siguro ito ay dahil sa mga japan documentary videos na napapanood ko dati sa channel 13.

    ReplyDelete
  12. Maria Ozawa!!!!!! Sabi ko na nga babanggitin mo sya eh hahahaha... I heard she's OK so you can calm down...

    ReplyDelete
  13. parang tribute to japan to ah :D

    sana nga maging maayos at makabangon sila kaagad, at ng makapunta na rin dun :)

    ReplyDelete