Pages - Menu

Thursday, March 31, 2011

Patay Sindi na, Kumukuti-kutitap pa.

Kung isa kang paslit na makakakita ng mga patay sindi na ilaw, iisipin mo siguro na malapit na ang pasko. Mga maliliit na bumbilya ang nagkikislapan at kumukutitap na nanggagaling sa mga bahay sa gilid ng daan, pero walang dekorasyong pampasko. Ang meron lang ay mga karatula tulad ng "Wanted GRO: Cute and Simple" at iba't ibang pangalan ng alak kadikit ng presyo nito. Meron pa pala, mga picture ng nagseseksihan at naggagandahan daw na mga kababaihan ang sasalubong din sa'yo. Minsan may star pa sa utong 'yung ibang picture. Syempre para cute, parang sa tabloid.

Sino bang kabataang lalaki ang hindi nagnais makapasok sa lugar na tinatawag na beer house. Dala siguro ng kyuryusidad kung ano ba talagang meron sa ganitong lugar. Kung bakit maraming tatay ang nahuhumaling sa pagpunta dito na madalas nagiging dahilan pa ng pag-aaway sa pamilya. Dito raw kasi may chiks. Kung chiks nga ba talaga na matatawag ang mga  bebot na malalaki ang tiyan dahil sa serbesa. Madalas din ang happenings dito ng mga magtotropa lalo na kapag may bibinyagan sa grupo.

Dalawang beses pa lang ata akong nakakapasok sa ganitong lugar. Una noong isinama ako ni, itago na lang natin sa pangalang Kuya Miko, kasama ko sa boardinghouse dati sa Maynila. Mahimbing na ang tulog ko noon ng bigla naman n'ya akong bulabugin. Nagkataon pa na kami lang dalawa ang tao sa boardinghouse, walang pagpipilian. Akala ko may sunog.  Ginising lang pala ako para itanong kung may gagawin daw ako. Nahiya naman akong magsabi na meron, ewan ko lang kung napansin n'ya na wala nga akong ginagawa noong mga oras na 'yun, noong mga oras na mahimbing na akong natutulog. Pagkasabi kong wala akong gagawin ay agad s'yang nagyaya na samahan ko daw s'ya dahil uhaw na uhaw na s'ya sa alak at masyadong boring ang gabi. Sinabi rin n'ya na masikip na masyado ang pitaka n'ya at kailangan n'yang magbawas ng pera. Tutal s'ya naman daw ang bahala, sumama na ako. Dala na rin ng curiousity sa lugar na pupuntahan namin.

Walang ligo ligo, straight from the bed ay sumama ako pagkatapos magpalit ng damit. Isinuot ko 'yung paborito kong fit na t-shirt na may print na lalaking panggap na superman sa gitna. Sakay agad kami ng taxi papunta sa kahabaan ng Recto. Kung tutuusin nga, pwedeng pwede naming lakarin. Para siguro malakas ang arrive pagdating namin doon kaya kami nagtaxi, pambawas na rin siguro sa makapal n'yang pitaka.

Dito ko nalaman na suki pala s'ya dito at may chini-chiks na GRO. Kaya pala madalas magwala 'to pag uuwing lasing, siguro kapag hindi nakaiskor o kaya naman naunahan pag-table. Pagpasok sa loob ay tinuruan agad akong magsinungaling ni Kuya Miko. Ito ang ilan sa mga habilin n'ya:

1. Magpalit ng pangalan para hindi masusog, hindi daw kasi namin alam kung anong pwedeng mangyari. Mula Goyo, ako ay nagtransform bilang Jake. Jake the snake. Hindi pa patok si Jake Cuenca noon. 'Yun lang ang unang pumasok sa isip ko.

2. 'Wag sasabihin ang tunay na edad at tirahan. Menor de edad pa ako noong mga panahon na 'yon kahit hindi naman halata sa height ko, mula 17 ay naging 19 ako. At mula sa tirahan namin na boardinghouse sa Maynila, naging mga batang Q.C kami.

3. Magpanggap na mayaman. Sinabi rin n'ya sa akin na magpakitang gilas sa mga sasabihin tulad ng school na pinapasukan at kung anu-ano pa. Mula batang Morayta, ang dating Goyo na naging Jake ay naging Lasalista rin. Hindi ata naisip ni Kuya Miko na kung Lasalista ako, bakit naman ako pupunta sa isang beer house malapit lang sa Recto. Magkagayunpaman, itinuloy pa rin namin ang plano.

4. Magsinungaling lang ng magsinungaling at magsaluhan sa sasabihin ng kasama. Sa madaling salita, puro kasinungalingan ang itinuro sa akin ni kuya.

Naging matagumpay naman ang mga plano namin. Umorder na kami ng alak. Nood sa stage ng mga nagsasayaw na bebot. Sa totoo lang, noong una akala ko talaga lahat ng nagtatrabaho dito ay ubod ng gaganda at sesexy. Noong nasa loob na ako, tsaka ko lang nalaman ang totoo. May magaganda naman, meron ding mga 'di kagandahan, may mga pwede pa, at mapapagtyagaan na. May mga sexy din naman, 'yung mga baguhan siguro. 'Yung hindi pa mga lumolobo ang tiyan sa dami ng beer na nainom at 'yung wala pang mga anak. Kapansin pansin lang na marami sa kanila ang may tattoo sa katawan. Ito siguro ang uso at patok sa mga ganitong lugar. Malay mo pa ba naman sa mga itsura nila kapag lasing ka na. Sabi nga nila, sa alak gumaganda ang panget at sumeseksi ang matataba. Ang mga lalaki naman hindi mahalaga kung payat o mataba, pogi ka kapag may pera ka.

Pagkatapos ng isang set ng mga chikabebot na nagpakitang gilas sa pagrampa at konting paggiling at pagpapakita ng tiyan ay tinawag na ni Kuya Miko ang floor manager. Tinanong kung available si *insert suki-slash-chiks-n'ya name here*. Agad namang tinawag ng floor manager si *insert suki-slash-chiks-n'ya name here* at pinaupo sa tabi n'ya. Nagkwentuhan sila, nanood lang ako. Ipinakilala n'ya akong pinsan n'ya at syempre, Lasalista. Kumportableng kumportable sila sa isa't isa, may selosan pa ngang nangyari. Medyo nagtatampo 'yung dati n'yang chinichiks kasi hindi na siya ang tine-table ni Kuya Miko. Naayos din naman, nadaan sa pakiusapan. Mga ilang minuto pa ang lumipas ay tinanong na ako ni Kuya Miko kung gusto ko raw bang magtable. Sumagot agad ako ng hindi dahil wala akong pera, mabilis din naman s'yang tumugon ng, "Makapal ang pitaka ko boy, papautangin kita". Napilitan na rin ako. Tumabi sa akin ang isang babae at kinausap ko, sinabi ko lahat ng kasinungalingang pinaghandaan na namin.

Sa gitna ng pag-uusap ay hindi ko maiwasan ang magtanong ng mga personal na bagay sa kausap ko. Tulad ng 1. Bakit ka pumasok dito? 2. Gaano ka na katagal dito? 3. May asawa at mga anak ka na ba? 4. 'Wag mo agad uubusin ang alak ha, para mas matagal ka pa dito sa tabi ko. 5. Hindi na ako oorder ng lady's drink, ang mahal ng 250 para sa isang bote at ang bilis mong uminom.

Sa pagkakatanda ko ay nakatatlong order ako ng lady's drink noon. Isa doon sa unang pinuntahan namin at nakadalawa naman dun sa beerhouse na nasa underground at safe place pa. Pagkatapos magkaroon ng utang na Php750.00 ay nagvideoke na lang kami sa bandang Avenida at umuwi ng palakad. Makapal nga ang pitaka n'ya. Kaya siguro kami nagtipid sa pagtataxi. 400 lang ata ang nabayaran ko kay Kuya Miko noon, lumipat na kasi s'ya ng boardinghouse at swerte namang hindi na kami nagkita pagkalipas ng mga ilan pang mga araw hanggang ngayon.

Sa aking obserbasyon sa ganitong klaseng lugar ay may nabuo ng mga Do's and Dont's sa isip ko na posibleng makatulong para sa mga nagbabalak magpunta sa ganung lugar. Ano pa man ang dahilan ng pagpunta niyo don, mapa-broken hearted ka pa, olats ka lang talaga sa babae at sa beerhouse ka lang pumo-pogi, trip n'yo lang, nagpapahangin o naglilibang ka pa, sigurado makakatulong sa inyo 'to:

1. Hangga't makakapagsinungaling ka sa mga personal na impormasyon tungkol sa sarili mo, gawin mo. Pangalan, tirahan, edad, trabaho at ang pinakamahalaga ang status mo. Always Single dapat. Mahirap na, baka magkahulihan.

2. Huwag pupunta ng maaga. Mas okay kung pupunta ka ng mga bandang alas dyes hanggang  alas onse ng gabi para may tama na ang mga babaeng ite-table mo. Babagal silang uminom ng alak, makakatipid ka pa. Kung maaga ka kasi pupunta, papaspasan lang nila ang pag-inom sa alak. Doon kasi sila kumikita.

3. Huwag masyadong magpapaniwala sa mga impormasyong makukuha mo sa ka-table mo. Kung marunong kang magsinungaling, mas magaling silang magsinungaling sa'yo. Tandaan mo na 'yun ang trabaho nila. Trabaho nilang bolahin ka at kuhanin ang loob mo. Mas marami kang bibilhin na alak sa kanila, mas malaki ang kita nila.

Ako man ay sinabihan nung isang babae doon na bakit daw ako nagpunta don e ang gwapo gwapo ko. Nung sinabi n'ya 'yun, naniwala ako syempre.

4. Dapat din ay marunong kang tumanggi sa babaeng pinapa-table sa'yo. Karapatan mo 'yun. Kung hindi mo type, wag mong i-table. Hindi nakakahiyang tumanggi. Mas nakakahiyang magkaroon ng katable na mas mababa sa inaasahan mo. Isa pa, sigurado rin na 'yung mga unang ipapatable sa'yo ay mga expert at malalakas talagang uminom.

5. Huwag umasa na mailalabas mo sila basta basta. Kahit pa sabihin mong nakuha mo ang cellphone number nila, kung hindi peke ang number na ibinigay sa'yo, malamang sa malamang ibinigay lang nila para kunwari type ka rin nila. Tandaan, pera pera lang 'yan.

6. Huwag mong isipin na achievement at pogi points sa'yo na nakaiskor ka. Nakaiskor ka nga, ubos naman ang pera mo. At hindi mo ikakagwapo 'yun. Ikakalakas lang ng kita nila 'yun.

7. Dapat magaling kang bumoka at hindi lang puro bulsa ang panlaban mo. At kung bigla namang matuloy sa usapang maganda, pag-isipan mo kung may mabuting mangyayari sa nasimulan mong gulo.

8. Kung may nauna ng nakapagtable ng type mo na babae, 'wag ka ng makipag-agawan baka mauwi pa sa away. Babae lang 'yan. Nasa beerhouse kayo, marami pa d'yan.

9. Maglibang ka lang. Huwag karirin ang panliligaw. Baka may girlfriend ka, ang masama pamilyado ka na pala. Enjoy lang. Hanggang beerhouse lang, 'wag dalhin sa bahay.

10. Huwag maiinlove. Hindi ko naman sinasabing masama ang magmahal ng mga babae sa ganoong lugar pero maganda na 'yung nag-iingat sa kalusugan, pinansyal at iba pang aspeto ng buhay.

11. Huwag mambabastos. Tao sila. Nagtatrabaho lang para mabuhay.

At ang pinakahuli.

12. Lahat ng ito ay komento, opinyon, at base lang lahat sa obserbasyon at sabi sabi na rin ng mga taong nakakausap ko tungkol sa ganitong mga bagay. Wala akong balak na husgahan o ano pa man ang mga tao don. Alam kong marami sa kanila ang napunta doon dala ng kahirapan at wala na tayong magagawa kung 'yun lang ang alam nilang makakabuhay sa kanila.

Ayos!

15 comments:

  1. ahahahahahahah tama ka sa sinabi mo! hahahahahahah... kaya walang personalan sa beerhouse... hapi hapi lang... pero pwede ka manyansing walang additional bayad yun... libre lang... ahahahahahahaha

    ReplyDelete
  2. Nice one "jake".. I lived in Manila for four years because I studied there. But I never encountered going in one. (Of course i'm a girl). It's a nice read. :)

    ReplyDelete
  3. Kilala akong Vince mundong iyan.

    Maidadagdag ko lang na wag ka din magbibigay ng number sa kanila. Aaraw-arawin ka nila. Tangina.

    ReplyDelete
  4. opo boss sa susunid na pupunta ako sa mga dun eh sasabihin ko galing kay jake.. hehhee

    ReplyDelete
  5. ilang beses na din ako'ng nakapasok sa ganyang lugar. tama ung sinabi mo na mag-iba ng identity. hehehe

    ReplyDelete
  6. napaisip ako kung ilang beses ka na nga ba talaga nakapasok sa ganung lugar.

    ang daming tips eh. :)

    ReplyDelete
  7. naks. ayos sa tips, andami. :D

    mukang madami kang naobserbahan sa beerhouse.

    so pagnagkataon, jake's adventure pala blog mo :p heheh. joke lang.

    ReplyDelete
  8. Hi Jake.:p Hahaha. Alam mo bang yan ung pangalan ng ex ko na ubod ng sinungaling? :p

    Bubuhayin ko 'tong blogspot ko.:"> I miss you!

    ReplyDelete
  9. oohh jake pala ha....
    manila to qc malu lau din ha...
    yaman bigla LS...
    ayos din mga tips mo boi... lupit!!

    ReplyDelete
  10. ayus din a. parang experto din. galing. haha. tama talaga yung sinabi mo na mag-iba ng pangalan. mahirap na at baka isa sa kanila ay kapitbahay mo pala o di kaya'y kaklase. haha

    ReplyDelete
  11. hindi ko alam kung may balak ako na dumalaw sa beer house.. dahil binasa ko ang kabuuan ng storya... pero totoo lang curious ako sa kung anong itsura... siguro kung gay house pupuntahan ko.. puro lalaki.. lol. Ang gastos.

    ReplyDelete
  12. nakapasok na rin ako sa beer house. once. nagpanggap akong tomboy. LOL
    nagsuot ako ng pantalon at malaking t-shirt with matching sumbrero shit. menor din ako nun. disi-syete.

    hindi ako nagenjoy, hindi din ako nalasing. may isang magandang babae kaso nung nagi-split sya, naturnoff ako. muntik masira yung stage. lol

    ReplyDelete
  13. Good read. :-) Keep up Goyo aka Jake! Haha

    ReplyDelete
  14. ok lang rin cguro maexperience ung ganyan tao lang e hehe

    ReplyDelete
  15. Napakagaling Goyo. Itinayo mo ang bandera ng mga taong pinagdadaanan toh.

    Jake, napakauseful ng mga payo o. haha!

    =p

    pero tama... syempre tao pa rin sila kaya dapat lang may respeto pa rin...



    makapal ba wallet mo ngayon?

    ReplyDelete