Pages - Menu

Wednesday, March 23, 2011

Sari sari storey.

Noong nakaraang linggo ay nagpunta kami sa Pampanga para magbakasyon at magpahangin, isama na rin natin ang konting oras sa paggawa ng thesis. Nagbyahe akong mag-isa papuntang Pampanga, iniwanan kasi ako ng mga kagrupo ko, naiwan pala. Nakakainggit ang mga lugar na malapit sa NLEX. Bukod sa napakadali ng byahe, mabilis pa at talaga namang iwas sa abalang trapiko. Pakiramdam ko isa akong turista. Kukuha-kuha lang ako ng larawan sa bintana na para bang ngayon lang nakakita ng palayan at maaliwalas na kalangitan. Sa pag-uwi ko, hindi na naman ako nakasabay sa mga kagrupo ko dahil kailangan kong makadalo sa graduation ng kapatid ko kaya umuna na ako. Pasado alas nuebe noon, sumakay ako ng jeep na magdadala sa akin sa highway na dinadaanan ng mga bus pa-Maynila. Buti na lang at karamihan ng pasahero sa jeep ay tagalog ang ginagamit na diyalekto sa pagsasalita. Hindi masyadong mahirap mag-abot ng bayad at sukli. Isang hindi inaasahang tao pa pala ang magpapahirap sa'ken. Sa pag-aabang ko ng masasakyang bus ay biglang may lumapit na mama. Maitim ang damit, madungis at mukhang nagugutom. Isang pulubi. Kinausap n'ya ako sa kapampangan. Hindi ko maintindihan kong anong kailangan n'ya. Hindi naman sa madamot pero wala talaga akong barya. Tinanong ko s'ya kung anong kailangan n'ya, sumenyas s'ya na parang naka-peace sign at inilagay sa nguso ang mga daliri. Sigarilyo pala. Kapag mamalasin ka nga naman, wala akong sigarilyo dahil hindi naman ako nagyoyosi. Masama sa health 'yun.

Pagkatapos sa Pampanga ay sa Bulacan naman ang sunod naming destinasyon. Tulad sa Pampanga ay mag-isa ulit akong nagbyahe papunta sa Bulacan. Hindi naman sa mahilig akong mapag-isa, inaabot lang talaga ng malas dahil may nakalimutan ako sa boardinghouse noong araw na 'yun. Dito na nagsimula ang mga kabetlogan na mga kaganapan sa bawat araw ko.

Sumakay ako ng FX malapit sa FEU patungong Bulacan. Ilang beses na rin akong nakapunta sa bahay ng kaklase ko sa Bulacan. Alam ko na ang dapat babaan pero alerto pa rin ako para hindi ako lumampas. Pagdaan sa SM Marilao ay lalo akong nagpokus sa bawat kantong dinadaanan. Unti-unti ng nagbababaan ang bawat pasahero. Hindi ko pa rin nakikita ang kantong dapat na bababaan ko. Patuloy lang sa pag-andar ang FX. Nagsalita si manong, "Meron pa ba sa inyong Bocaue?". Shit lampas na ako! Para hindi mapahiya sa ilang chiks na kasakay ko ay nakisabay na rin ako sa kanila sa pagbaba sa FX. Malinaw na malinaw sa isip ko na lampas na ako. Ngayon ko lang kasi nakita ang dikit dikit na mga beerhouse na 'to sa Bulacan. Maging sa Pampanga ay halos puro beerhouse rin ang mamamataan sa daan. Dalawampu't isang taon na akong nakatira sa Rizal pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang mga lugar kung saan maraming bahay aliwan. Naglakad lakad pa ako pabalik sa Marilao dahil nasa Bocaue na ako. Iba't ibang grill kuno ang nakikita ko. Pareho lang din pala ang presyo ng motel sa Bulacan at sa Maynila ayon sa mga tarpaulin na nababasa ko sa labas ng mga motel na nadaanan ko sa paglalakad. May nadaanan din akong isang purenarya na inakala ko pang beerhouse din dahil sa karatula nitong "Bukas 24 Oras", pero nung malapit na ako ay may nakasulat pala sa ibabang "Libre Burol". Hindi ko na matandaan ang isa pang nakasulat, laging bago ata 'yun at sariwa. Ewan, hindi ko na talaga matandaan. Basta pagkalampas ko sa purenarya ay tumawid na ako sa kabilang linya ng kalsada at sumakay pa-Marilao. Hindi mo naitatanong, kapag nakakakita ako ng purenarya ay iniiwasan kong makita ang mga numerong nakasulat dito. Hindi ko naman kasi kailangan 'yun at ayokong kailanganin 'yun.

Kinabukasan ay gumawa na kami ng thesis. Sila lang naman talaga ang gumagawa. Nagfe-facebook lang ako kapag nakakasingit sa laptop ng isa sa mga kaklase ko. Bukod don, taga-tawa lang ako, tagapagpatawa at taga-kain ng mga pagkain. Nakakahiya rin pala kapag ganun. Bandang alas-3 ng hapon ay nagkayayaan ng pumunta sa Monumento para sugurin ang isang importanteng tao sa grupo namin. Hindi naman s'ya ganun kaimportante pero kailangan talaga namin s'ya. Sa inip sa paghihintay sa taong hinahanap namin ay nagpalamig muna kami sa 7-11 malapit sa lugar. Kanya kanyang bili ng ice cream, hindi na ako bumili, nagsawa na ako kagabi dahil ako lang halos ang umubos ng ice cream na nakahain sa mesa sa Bulacan. Bukod dun, binalak ko rin kasing ututan sa mukha si Piyek pero hindi ko itinuloy dahil naramdaman ko agad na may solid na kasama ang sanang gas lang na ilalabas ko. At kung kakain ulit ako ng ice cream ay maaaring matuluyan ang paglabas ng ebak ko. Kaya kong tiisin 'to sabi ko sa sarili ko. Niyaya ko si Piyek na samahan ako pero ayaw n'ya. Buti pa si Eric, sinamahan akong tumae sa McDo. S'ya rin ang nag-abot ng tissue sa'ken. Dito ko napatunayan na, ang tunay na kaibigan pala hindi lang sa lungkot at saya mo kasama, sa pagtae rin. Sanay naman na akong tumae sa mga pampublikong lugar. Mas okay na nga dito sa McDo. Bukod sa aircon, malinis pa. Paglabas na paglabas ng unang batch ng malalambot na ebak galing sa pwet ko ay tatlong mabibilis na katok ang lumapat sa pinto. Inayos ko ang lalamunan ko at nagsalita, "May tao". Pinalaki ko ng konti ang boses ko para hindi na kumatok. Epektibo naman. Sinilip ko sa ilalim ng pinto ang paa, bata ata. Nagpupunas na ako ng tissue sa pwet nun, isang boses ng matanda naman ang narinig ko. "Hold your fire", sabi n'ya. Gusto ko sanang sumipol para asarin ang boses pero hindi ko na ginawa, baka maunsyame pa ang success na makakamit ko sa pag-upo sa trono kapag ginawa ko 'yun.

Pagkatapos jumerbaks sa McDo, normal lang at parang walang nangyari. Nakijoin lang ako sa mga kaklase ko na kumakain ng fries at mani sa loob ng McDo. Pwera na lang sa pakiramdam ko na parang may natuyong ube sa pwet ko. Alam kong hindi pa ako paligo, at mas lalong nakabaho sa pakiramdam ang malagkit na tuyong bagay na 'yun sa wetpaks ko.

Masyado na akong maraming naikukwento. At wala akong pake kung ayaw mo ng magbasa. Masaya naman ako sa pagkukwento ko ng mga bagay tungkol sa sarili ko.

Kanina ay umuwi ako dito sa bahay namin pagkatapos ng halos siyam na araw din na pagkawala, paggagala at pag-aasikaso ng ilang mga bagay na may kinalaman sa pag-unlad at pagyaman ko sa hinaharap. Walang kamatayang FX na naman ang sinakyan ko sa Starmall. Laking pasasalamat ko na sa wakas nakatyempo din ng FX na hindi nagpasadya ng isang hilera pa ng upuan para lang lumaki ang kita. Laking pasasalamat din ng mga tuhod ko at hindi sila maiipit. Ganun din ang mga betlog at hita ko na hindi na pupulikatin dahil sa sikip. Banayad ang byahe, epektibong pampaantok ang pagbabasa ng libro lalo na at tinatamaan ka ng sikat ng araw. Naka-tatlumpu't anim na pahina rin ako ng pagbabasa sa "The Hunger Games" ni Suzanne Collins bago ako tamaan ng antok. Pupungas pungas pa ako pagbaba ng FX sa terminal. Dumiretso agad ako sa pila ng jeep papuntang Jalajala. Pagkarinig na pagkarinig ko pa lang sa, "Jalajala! Jalajala!" ay sumampa na agad ako sa maliit na jeep. Hindi pamilyar saken ang mga tao. Nakakapagtaka na kahit isa sa kanila ay wala akong namumukhaan. Akala ko pa naman ay jackpot ako sa katabi kong chik pero hindi. Parang wala ako sa sarili hanggang sa umandar na ang jeep. Huli ko na nalaman na maling jeep ang nasakyan ko. Pareho ng daan pero hindi aabot sa bayan namin. Muli kong ginawa ang teknik ko na pasimpleng makikisabay sa mga pasaherong bababa para hindi mapahiya. Pagkababang pagkababa ay naglalakad lakad ako at sa di kalayuan ay nag-abang ng panibagong jeep. Dalawa lang kaming pasahero. Presko. Ang sarap huminga. Walang alikabok. Walang usok. Amoy probinsya.

Kung umabot ka sa parteng ito ng walang kakwenta kwentang post na 'to, maraming salamat sa pagtyatyaga. Sadyang hinabaan ko ang intro para hindi naman masagwa ang dating ng mga susunod na mababasa mo.

Pagkababa sa jeep ay may narinig akong mga istudyanteng nag-uusap habang naglalakad ako papauwi sa bahay namin. Mga elementray students na tantya ko ay nasa ika-tatlo o ika-apat na baitang. Hindi ko sigurado. Para kasing ang liliit nila masyado kumpara noong panahon namin. Tatlong batang babae nga pala 'to na noong una nag-uusap lang hanggang sa mauwi sa tuksuhan at asaran. "Hoo ikaw nga ang baho e", sabi ng isa. "Baka ikaw ang mabaho!", bawi naman ng isa pang batang babae. Humirit naman ang isa pang bata na mukhang kakampi ng naunang nagsalita, "Ikaw nga malaki ang monay e!". "Baka ikaw! baka ikaw ang malaki ang monay, may pasas pa!".

Kung hindi ako nagkakamali ay boobs ang pinag-uusapan nila. Nakakatawa lang isipin na kapag mga bata pa ang mga kababaihan, naaasar sila kapag malaki ang boobs nila dahil madalas silang tuksuhin na malaki ang monay. Pagtanda naman, kapag maliit ang boobs ay maaasar pa rin dahil pisat naman ang monay nila at madalas mainggit sa may malalaking monay. Isa lang siguro 'to sa patunay na mahirap talagang intindihin ang mga kababaihan lalo na pagdating sa monay. Bakit nga ba.

16 comments:

  1. Haba ng storey. wakokokok. tapos nauwi sa monay :D

    Now, may natutunan akong tricks kapag lagpas ang binabaan, dapat kalmado lang at pasimple :D

    ReplyDelete
  2. Lately napapadalas din ang pagjerback ko sa public places, madalas sa mall. Nakakaasar kasi kailangan magprepare nang matindi... nugn last akong jumebs, sa Megamall, may tae sa mismong seat!!! bwahahahaha buti may ibang available cubicles...

    ReplyDelete
  3. natapos ko sya...ang haba..

    madami tayong similarities...

    hahaha

    may balat ka siguro kaya lage ka lumalampas at nagkakamal ng sinaskyan


    hahaha ang ganda ng ending...monay!LOL

    ReplyDelete
  4. nag-enjoy ako basahin, kase tinitingnan ko kung may byahe ba na magiging pamilyar ako.. baka pwede yun na lang sakyan ko.. lalo na pag papuntang bulacan.. FX...? san banda yun.. pero di ko naman alam kung aabot ba yun sa lugar na gusto ko puntahan sa bulacan. PEro oo inggit ako sa NCLEX.. kase mukhang sosyalen kahit mga tollgate,, wala lang sa SLEX kase parang tollgate ng compound eh. Lol.

    At hinahanap ko ang sari sari store sa kwento mo.. binasa ko tuloy ulit yung title mo nung pagkatapos ko basahin lahat. storey naman pala yun.

    ReplyDelete
  5. "Ang tunay na kaibigan pala hindi lang sa lungkot at saya mo kasama, sa pagtae din."

    haha totoo to..

    at wag mo ng problemahin ang monay na yan.. maliit man yan o malaki.. kayo paring mga lalaki ang nakikinabang jan..lol

    ReplyDelete
  6. whaha tiga pampanga ka pala.. namiss ko na pampanga hehe..
    anu ka ba pude naman magtagalog sa pampanga eh.
    tama masama sa health ang yosi... buti di mo binigyan ng barya yung pulubi..

    whaha bakit di ka tumulong sa paggawa ng thesis heheh peace...
    aww.. tumae ka sa macdo.. ay!

    oi.. the hunger game.... pahirap ako....

    hala... pati bata talagang pinatulan sa pakikinig hehee..

    at dahil ang haba ng storycon mo ha hehehe..
    i like the tricks... hehehe :D

    ReplyDelete
  7. intro ba yon? ang haba.

    ako ay taga bulacan at alam ko ang lugar na binabaan mo...lol

    saka si nene di proud sa malaki nyang monay with pasas. labo nga talaga ng babae.

    ReplyDelete
  8. whatta intro! and whatta monay! haha pernes ntapos ko sya.. :)

    ReplyDelete
  9. o ha! natapos ko'ng basahin ng walang skip read! una muna, ganun din pala ang presyo ng mot mot sa bulacan at manila. kala ko may discount.

    pangalawa - naranasan ko na ring jumerbaks sa mcdo at in fairness ang linis linis.

    pangatlo - minsan na din ako'ng tinamad at hindi tumulong sa thesis. tagachibog lang hehehehe

    pang-apat -mahirap talagang ispelengin ang mga kababaihan hehehehe

    panglima - www.thebumupstairs.com ang aking isang blog :D

    ReplyDelete
  10. Gusto ko din yung mga may mga nakakasabay na chicks sa jeep. Tapos yung teknik mo ng pagbaba kapag maling biyahe ang nasakyan, hindi ko masyadong nagagawa.

    ReplyDelete
  11. napakavivid ng pagkakadiscribe mo sa pagtatae mo sa Mcdo. feeling ko tuloy nararamdaman ko ang namuong tae sa pwet mo. yun lang ang mahirap pag natae ka sa pampublikong lugar. mahirap ang tabo at tubig. kaya siguro natutung mamahay ang pwet ko.

    ganun ata talaga pag bata pa. kase hindi pa normal sa kanila yon. tignan lang natin yung nanunuksong malaking monay kung di sya mainggit sa tinutukso nya pagdating ng araw. :))

    wv:culam

    ReplyDelete
  12. hahaha parang jerbak parati topic mo chong.. hahaha... haba ng intro o...

    ReplyDelete
  13. hanggang nagyon eh di niyo pa rin tapos thesis? HUHUHU! takte! nakakabaliw nga ata talaga 'yan. omaygawd! magpipipyir na rin ako! goodluck naman daw!

    at natuwa ako sa MONAY! syet! monay talaga?! HAHAHAHA!

    ReplyDelete
  14. HAHAHAHHA mga bata talaga haha!!!

    natapos ko naman basahin to entry na to!!haha nakakacurious kasi ang mahabang blog post :P

    Gawain ko din tumae sa public places, wala nga naman hassle tos aircon pa wahahhaha! yung iba may kasama pang hose para diretso hugas hahahah!!
    gusto ko dito sa blog mo sarap magtagalog sa totoo lang hahahha!


    ang hilig mo pala sumakay sa FX, ako takot ako sa FX kasi dito samin sa Laguna bihira lang ang yun. panay van kaso naman ibig sabihin non malayo talaga ang pupuntahan mo.

    ReplyDelete
  15. sana inupakan mo iyong mama hehe mamburaot ba at hihingan ka pa ng yosi..hehehe

    ako pag najejerback ako pinipigilan ko hhehehe gusto ko sa bhay tlg hehehe hindi ako kumportble pag sa mall dami labas masok ng cr hindi ako makairi to the 9th power hehehe

    ReplyDelete