Pages - Menu

Tuesday, May 17, 2011

Profile Pictures

Pagkatapos kong makialam sa hindi matapus-tapos na issue sa RH Bill ng simbahan at ng pamahalaan at ng buong sambayanang Pilipino na may pake, iba naman ang pagtripan natin. Gusto ko sanang tirahin si Willie sa pagbabalik ng show n'ya sa TV5 pero 'wag na lang dahil hindi naman ako updated sa kaso n'ya at masyadong ng maraming tumitira kay Willie para makisawsaw pa. Isa pa, paborito s'ya ng lola ko kaya iko-congratulate ko na lang s'ya sa muling pag-ere ng show n'ya na may bagong pangalan.

Sa panahon ngayon, parang wala na akong kakilala na walang facebook. Halos lahat meron na. Kapag wala kang facebook, bukod sa hindi ka cool ay para ka na ring hindi nag-eexist sa mundo. 'Yung iba nag-aral pa talagang magcomputer at mag-internet para lang talaga makapag-facebook. Para makaconnect sa mga kakilala at iba pang kadahilanan na hindi na natin pakikialaman. Bukod sa tao, parang hindi na rin kumpleto ang isang produkto kapag wala silang Facebook Page. Minsan nga ito na lang ang laman ng patalastas at hindi na 'yung mismong produkto nila. Blah blah blah, like us on Facebook!

Bukod sa kadramahan sa status ng mga tao, korning jokes, quotes at kung anu-ano pang cheche bureche kasama na ang mga spam messages, may isang bagay pa na pinagtutuunan talaga ng pansin at binibigyang importansya kapag may Facebook ka, ang profile picture. At dahil magkakaiba tayo, iba-iba rin ang trip natin sa paglalagay ng profile picture. Narito ang ilan:

1. Vanity Strikes. Normal lang na mag-isa ka sa profile picture dahil facebook mo nga 'yon at hindi sa iba. Sa anggulo at reaksyon ng mukha na lang siguro nagkakatalo sa isang 'to. May teorya kasi ako na lahat ng taong nakakahawak ng cellphone na de kamera, digicam o kahit ano pa 'yan basta may kamera ay kinukuhanan ang sarili sa iba't ibang pagkakataon at sitwasyon. Ang ibig ko lang sabihin ay lahat tayo may itinatagong vain side. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nakahiga 'yung picture n'ya? O kung bakit pataas ang kuha, side view, nakatingin sa ibaba at iba pang posing? Pero lahat ay mukha lang ang kita o 'di kaya ay kalahati ng katawan. Minsan nga super close-up pa. Kasi hilig n'yang kuhanan ng litrato ang sarili n'ya at kapag may natipuhan s'yang larawan na pakiramdam n'ya gwapo o maganda s'ya, presto may bagong profile picture na.

2. The Model. Kung sa Vanity Strikes ay sila lang ang kumukuha ng larawan sa sarili nila, si "The Model" naman ay may nautong photographer o nagpauto sa isang photographer. Photoshoot talaga ang datingan ng picture nila at posing kung posing ang banat nila with matching watermark ng photographer. Kung nagtataka ka naman kung bakit minsan sila na nga 'yung model tapos watermark din nila 'yung nakalagay, self timer 'yun dude at may tripod s'ya o di kaya naman e ipinatong sa kung anong makita sa paligid n'ya ang kamera.

3. The Artist. Ito 'yung mga tao na may talento talaga pagdating sa art. Nakakaelibs 'yung picture dahil sa galing ng pagkakaphotoshop na akala mo nasa ibang mundo ka o di kaya naman ay sobrang ganda ng vexel at vector ng sarili nila. Meron ding iba na pinilit ang edit sa paint na kailangan talaga nating aminin na hindi maganda at walang bahid ng pagiging artistic.

4. Sweet Forevs. Hindi pa sapat ang in a relationship status dito. Required din na dapat kasama mo sa profile picture ang asawa o kaya naman syota mo at dapat sweet ang posing n'yo. Meron ding iba ang trip, ang gusto nila magpapalit sila ng picture. Si babae 'yung poging poging picture ni boypren ang gamit, si lalaki naman 'yung kay babae ang nakalagay. Bukod sa proud na proud sila sa isa't isa, isang inbisibol karatula rin 'to na nagsasabing, "Wag mo ng subukang lumandi, taken na ako.".

5. Fan boys and girls. Nagkaroon ka ng photo op kay Bentong. At dahil crush na crush mo s'ya, gagawin mo 'tong profile picture. Bukod sa masayang masaya ka kaya mo ginawang profile picture, isa rin itong pagpapakita ng konting yabang at pang-iinggit na may picture ka with your idol... Bentong syempre. Pasok din dito ang mahilig maglagay ng picture ng artista at kung sino pang bida sa pelikula, sports superstar, pulitiko at kahit sinong sikat na personalidad.

6. Group Picture. Kaakibat nito ang matinding caption na, "with my _____ @ _____ while ____". Pwedeng friendship, officemates, bff's, classmates, pwede ring inmates depende sa kung anong grupo kayo nabibilang. @magandang lugar na pinuntahan, @office habang hindi nagtatrabaho at nagtsitsismisan lang, birthday celebration @insert place, @school, park o kaya CR, @Manila City Jail pagkatapos mag-exercise. Pasok din dito ang family picture. Pwedeng si nanay at tatay kasama ng mga anak. Meron ding buong angkan.

7. Trending. Mga sikat na pose kasama ng sikat na gamit sa isang sikat na sitwasyon. Bago ang SLR, kailangang magpicture sa salamin at syempre dapat nakapikit ang isang mata. Gamit ang kahit anong cellphone, mas astig kung Iphone, BlackBerry o kahit anong android phone tapos picture sa salamin ulit pero ngayon kita ang mukha at kalahati ng katawan, pwede ring buo. Picture-picture sa loob ng Starbucks kasama ng inorder na kape. Graduation picture kapag panahon ng graduation suot syempre ang makapal na make-up at pamatay na ngiti. Summer photo sa beach. Jumpshot with friends. At iba pang gimik na kapareho rin nung sa isa mo pang ka-facebook.

8. Jeje Day and Dong. 'Yung mga taong hindi makawala sa panahon ng friendster. Palong palo dito ang mga jeje pose with jeje caption with number. Wait there's more! Kasama rin syempre ang website kung saan nila inedit at nilagyan ng glittery o kaya flower effect ang picture nila.

9. Favoritism. Iba rin ang trip ng mga taong 'to. Kung hindi sa nagyayabang kung bakit 'yung bagong sapatos, damit at kung anu-ano pang bagay ang picture na gamit nila, magtataka ka rin kung bakit cartoon character at kung sinong anime ang trip n'ya. Siguro kasi, wala s'yang kamerang pangkuha ng picture kaya si Hello Kitty ang picture o di kaya naman e favorite character n'ya lang talaga si Piccolo at patay na patay s'ya kay Taguro, Sasuke, Naruto at Ichigo.

Pasok din dito ang picture ng alagang aso, pusa, pating at buwaya. Favorite pet ang datingan. Counted din ang logo ng iba't ibang company, teams, product, corporation, group, at kung anu-ano pang paborito mo sa buhay.

10. The Poser. Minsan may mag-a-add sa'yong gwapo o kaya sobrang hot na bebot pero hindi mo sila talaga kilala kaya naman magtataka ka talaga. Hindi naman artista o model 'yung profile picture nila o kahit sinong lumalabas sa TV pero maganda at gwapo talaga. Ikaw naman si tanga, crush at first sight agad at may halong kilig pa sa pag-accept ng friend request n'ya. Nagmessage ka pa.

11. Pa-Anonymous User. Dito ako nagtataka. Iba ang trip. Walang kahit anong picture ang gamit bilang profile picture kundi 'yung taong kulay puti lang. Pa-anonymous user ang datingan. 1. Maaaring walang kamerang magagamit pangpicture. 2. Hindi marunong mag-upload. 3. Hindi mahalaga sa kanya ang looks at damdamin lang ang basehan n'ya.

12. Weirdos. Palakasan na ng trip ang labanan sa isang 'to. Pamatay sa pagka-wacky na picture. Picture ng utong o kahit anong bastos at nakakadiring bagay. Picture ng ingrone, sugat, bato, kalangitan, dagat, araw, at iba pang tanawin. Panty, brief, nakatuwad na babae. 'Yung mga bagay na masabi lang na unique at astig ang dating.

13. Pakialamero. Dito ako pasok sa kategoryang 'to. Bakit ko nga ba pinapakialaman ang trip ng mga friends ko sa facebook. Simple lang naman, naalala ko lang kasi ang profile picture namin ng kapatid ko sa facebook na pareho ng tema. Pareho kasing may nakatakip na ulo ng hayop sa mga mukha namin. Pusa ang sa kapatid ko, lobo/wolf naman ang sa akin. Ang totoo hindi ko alam kung wolf ba talaga 'to o bear. Baka nga racoon pa e.


Iniisip ko nga ngayon kung sabihan ko kaya ang nanay at tatay ko na ganito rin ang gawin nilang profile picture. Kay tatay lion, kay nanay naman tiger. Para may tema naman at match naman kahit papano, jungle profile pictures. Kaya lang duda ko hindi papayag ang dalawang 'to, baka masermunan pa ako. Hehe.

21 comments:

  1. ang daming uri! hehehehe pero kung ako ang tatanungin, di ko alam kung saan ako diyan. judge me na lang hahahaha

    ReplyDelete
  2. kulang. sabagay bata ka pa. saming mga late 20's wedding picture at picture ng mga anak nila. :)

    ReplyDelete
  3. @gillboard, hahaha. oo nga, yung picture ng mga anak wala. hehehe. yung sa wedding picture, wala din pero medyo pasok sa 'sweet forevs~'. lols.

    ReplyDelete
  4. sa trending yata pasok ang profile pic ko ngayon dahil umattend ako ng Pahiyas Festival :)

    ReplyDelete
  5. lols.. pati ba naman si willie dadamay mo ba wag na.. whahahah :D

    oo tama madami na naadik sa fb ngaun :D

    whahaha elibs ako sau talagang effort mo to ha.. parang yung fs days lang eheheh...

    di ko alam kung saan ako diyan :D

    ReplyDelete
  6. Ang dami nila, natin. Tama si sir gillboard, yung mga kasalan moment wala dito. Pero madami nang natuhog dito. ayus!

    ReplyDelete
  7. oh come on, lahat tayo dumaan sa profile picture sa frenster na "iismayl ako gamit ang celfone camera kong low res" haha

    ReplyDelete
  8. hahaha siguro sa wierdos ako.. ah basta ewan.. hahaha

    ReplyDelete
  9. Oo na camwhore ako lels!

    yung gif di ko pa nasubukang gawing profile pic sa kahit anong networking sites...hindi ako marunong eh hahaha!

    Nice!

    ReplyDelete
  10. @Jag, hindi gumagana ang gif sa facebook.. ginawa ko lang gif tong sa blog post ko para cute. nyahaha. :P

    ReplyDelete
  11. type of bloggers naman nxtym goyo boy! hehehe!

    ReplyDelete
  12. ahahah! daleng-dale mo ha!! siguro nasa trending ako! hahahaha!natuwa ako sa post mo swak na swak tamang-tama ako! lol ang kulet lang!

    bakit naman si Bentong? pwede naman si Tado! wahahaa

    ReplyDelete
  13. Ako bihira lang magpalit ng profile pics kasi maraming lumalait... kaya pa-demure lang lagi at pa-innocent nyahaha

    ReplyDelete
  14. Ay tama. Halos lahat, meron nang Facebook. Hindi ka yata IN kung wala kang FB. Harhar..

    Ako, madalas, vanity pictures tlga. yung pinakamaganda kong kuha. Choz! Then minsan naman, Model.. kunyari. or minsan, group picture na rin. Depende na lang sa mood..

    Hangkyut ng pictures nyo ni sister! Racoon nga yata yung sayo eh.. #lels

    ReplyDelete
  15. vanity strikes!ako yun!lels..

    the poser!ginagawa ko sya slyt...lel

    ReplyDelete
  16. hay, nak.. Ganun talaga yan, walang kataposang RH bill. Nag aaway away na tuloy sila..

    ReplyDelete
  17. @tim, natatawa ako sa comment mo. bakit kaya. lol

    ReplyDelete
  18. nyahahaha.. asar talo ako sa mga vanity strikes. pag nakakakita ako ng ganyan, press the X button agad. dati may fesbook ako e. pero dinelete ko na. narealized ko tama ang sabi nila.. na sadyang ginawa ang facebook para magmayabang tyo.. san ka naman nakakita ng sariling status ili-like. tae talaga.

    P.S. saang category papasok itong blogger pic na gamit ko? hehe.

    ReplyDelete
  19. paaaak! walang kawala. lahat nakakarelate hahah

    ReplyDelete
  20. ahaha!

    walang nakaligtas. kahit sinong facebook friends ko, papasok din sa isa sa anumang kategorya.

    ReplyDelete