Pages - Menu

Saturday, May 28, 2011

Pusong Mamon

Isang umaga na naman ang dumating, panibagong araw. Bago pa man magsimula ang utak ko sa pag-iisip ng kung anu-anong suliranin sa buhay at bansa, una ng nagreklamo ang kumakalam na sikmura ko. Nagtungo ako sa kusina para tingnan kung may bigas pa na maisasaing, ready na kasi ang sardinas na iuulam ko. 'Yun lang, badtrip walang bigas. Sasabak na naman ako sa diet sa tinapay. Siguro nga epektibo sa pagkakaroon ng abs 'to pero iba pa rin kasi ang bigat ng kanin, mas nakakabuhay at nakakagana. Kaya lang no choice eh, wala talagang bigas.

Bago pa man humiwalay ang sikmura kong nagwewelga na sa katawan ko ay agad na akong naghilamos at nagtungo sa pinakamalapit na paniderya. Sinalubong ako ng ngiti ng isang babae, "Ano sa'yo kuya?". Bakit nga ba "kuya" ang tawag natin sa lahat kahit hindi natin kaanu-ano? Paggalang ba 'to o pang-iinsulto? Wala pampahaba lang 'to sa kwentong 'to. Isa pa 'to sa pinagtataka ko sa sarili ko, ang hilig hilig kong kumain pero wala akong panahon para tandaan ang pangalan ng mga kinakain ko kahit gaano pa kasarap 'to. Lalo 'pag ulam sa pyestahan. Kahit sa tinapay ganun din, kulay lang ang basehan ko.

Una kong itinuro 'yung violet na korteng bilog, hindi na raw pwede 'yun. Sunod kong itinuro 'yung puti, hindi rin daw pwede. Bakit kaya naka-display pa 'yun kung hindi rin naman ipagbibili? Sinabi n'ya nga pala na kahapon pa 'yun, e ano naman diba? Huli kong itinuro 'yung pink na tinapay na may budbod ng asukal. "Tatlong piraso lang miss", sabi ko sabay abot ng 100 pesos.

May kakapalan pala talaga ang mukha ko sa mga ganitong bagay, binulutong na nga ganun pa rin, mas lalo pa nga atang kumapal. Pakiramdam ko kasi, e nagpapacute lang si ate sa hindi n'ya pagbibili ng mga tinapay na kung tutuusin ay bagong bago naman ang itsura. Isa pa, umaga pa lang. Muling lumapit si ate para ibigay ang sukli, walang sukli. 'Yung 100 ko pa rin ang iniabot n'ya. Wala raw barya at tsaka ko na lang bayaran ang tinapay pagbalik ko. Sa isip isip ko naman, sinigurado lang ba n'ya na babalik ulit ako o wala talagang barya? Hindi ko na lang babayaran siguro sabay uwi at kagat sa pink na tinapay.

Kinahapunan ay tumambay ako sa may tindahan para magsoftdrinks, magpahangin at alam mo na magpacute, halos katapatan lang ng bakery ang tindahan na kinatatayuan ko. Tanaw ko si ate na pinagkakautangan ko ng bayad sa tinapay. Kausap n'ya 'yung isa pang ate. Kung kuya ang tawag nila sa'ken, bakit ate ang tawag ko sa kanila? Muli, 'wag na nating isipin dahil pampahaba lang 'to. Nagbubulungan sila at susulyap-sulyap sa direksyon ko. Umatake ang pagiging mahiyain at humble ko, lumingon ako sa likod ko baka kasi iba pala 'yung tinitingnan nila o kaya naman e pareho pala silang banlag. Bukod dun, baka kasi pinagtatatawanan na pala nila ako at nilalait tapos ngingiti pa ako. Ibinaling ko na ang tingin ko sa ibang direksyon pero di ko mapigilan na muling tumingin sa direksyon nila. Nawala si ateng pinagkakautangan ko, nasa harap na pala ng tindahan para bumili ng kendi. Ang bigat ng kendi na binili n'ya dahil inabot s'ya ng 10 minuto do'n. Kasama na siguro dun ang pagpapacute. Aminado ako na cute rin s'ya, lalo ang nunal malapit sa mga labi n'ya. Binagalan ko tuloy ang pag-inom sa softdrinks. Titingin-tingin pa rin s'ya saken pero hindi ngumingiti. "Ate 'yung utang ko", iniabot ko ang barya galing sa bulsa ko. Gumuhit ang ngiti sa mga labi n'ya. Bilang maginoo at hari ng pagpi-feeling na type ako ng dalawang tindera sa bakery lalo 'tong nasa harap ko, ginawaran ko rin s'ya ng pinakamatamis na ngiti ko. 'Yung ngiting hindi lumalabas ang ngipin pero cute, oo pa-cute. Pagkatapos ngumiti ay umalis na ako sa pwesto ko, naglakad na rin s'ya pabalik muli sa bakery. Lumingon pa ako ng huling beses, nakangiti pa rin s'ya at nakatingin sa direksyon ko.

Kailan ko kaya ulit s'ya makikita. Kunwari love story. At kunwari inaabangan ko ang muli naming pagkikita. May maikwento lang, shit.

17 comments:

  1. tamang love story ng mga tambay enoh :D

    may kasunod pa ba to?

    ReplyDelete
  2. sinisingil ka lang talaga ni ate kaya nagpapacute sa'yo baka nga tinging nangungusensya niya yun.. LOL

    ReplyDelete
  3. hangkyut! parang hayskul lab story lang. haha. at may pa-cute2x pa kayong nalalaman. baka nga naman pang isang baranggay yung binili niyang kendi kasi 10mins siya doon baka naman hinihintay lang niya ang muli pagbuka ng iyong bibig nang muli niyang marinig ang iyong golden voice. haha. lels.

    ang adik ng comment ko. hindi pa rin ako maka-recover kasi sa isang taong umamin na sa friend ko via fb. haha

    ReplyDelete
  4. lumalabstory kuno! hehehehe. pwede!

    ReplyDelete
  5. chash na chash ka nga cguro ni ateng pacute...

    chash mo din sya?

    ReplyDelete
  6. Ikaw na ang pusong Mamon.
    Dito ko napatunayan na maganda pag walang bigas.

    ReplyDelete
  7. kunwari di ko binasa! hahaha! so megusto ba yun sayo?! hahaha! naniningil lang yun!

    ReplyDelete
  8. Ang cute kaya kapag may nababalitaan kang babaeng nagkakacrush sa iyo. Kahit hindi mo sya gusto, parang gusto mong magingm abait sa kanya LOL. Dahil jan, laging 100 dapat ang pera mo para lagi syang walang panukli.

    ReplyDelete
  9. hahah huwag kang assuming may bulutong ka aksi kaya ka tinignan ng ganoon.. hahaha

    ReplyDelete
  10. natawa namana ko sa "nagkabulutong na nga, mas kumapal pa ang mukha." hehe :)

    ReplyDelete
  11. hoy! bayaran mo na yung tinapay!!!

    hahaha! tingin ko, sensitive yung sila ate. mga pusong mamon,eh.

    mahusay ka bang mag-masa? malamang, yan ang weakness nila.

    nyahahahaha!!!!

    ReplyDelete
  12. @Duking, may punto ka.. Mukang madadaan nga sa matinding pagmamasa. hahaha.

    ReplyDelete
  13. Angas mag sulat! Apir namiss ko tumambay dito, ngayon lang nag ka konting time para mag basabasa

    ReplyDelete
  14. Hehe. Pareho tayo, hindi ko din natatandaan ang mga kinakain ko sa handaan. Actually, hindi ko din alam ang tawag. :)

    ReplyDelete
  15. baka naman kaxe may utang ka kaya ka tinititigan ni ate hahahaha... katawa ka Goyo!!! hahahahah! ikaw na talaga ang gwapings!!!

    ReplyDelete