Pages - Menu

Monday, May 16, 2011

The Red Horse Bill

Marami na ang nagbigay ng opinyon. May say si ganito, may say si ganyan. May mga nag-debate na rin. May nagmukhang maraming alam, 'yung iba nagmukhang bobo at nag-iimbento lang. Marami na rin ang nagkampihan, gumawa ng grupo at kung anu-ano pang kulto na may kinalaman sa usaping 'to. Pero hindi lahat ng Pilipino may interes dito. Maraming walang pake at "bahala kayo basta kami gagawin namin ang gusto namin" lang ang sagot dito.

Kung ang pagtaas siguro ng presyo ng alak o 'yung Red Horse Bill ang problema, sigurado mas maraming makikialam. Unang una na ang mga tambay, ang mga erpats n'yo, mga istudyanteng iskul bukol, mga gimikero, mga bars, at syempre ang mga naglalakihang kumpanya ng alak. Lalaki rin kasi ang buwis nila kapag tumaas ang presyo nito. Pero dahil hindi naman 'to ang kahulugan ng RH Bill, simbahan, gobyerno at mga taong may pake lang ang nag-uusap tungkol dito. 'Yung iba walang pake! Ano nga namang mapapala natin dito diba? Wala! 'Yan ang sabi nung isang kakilala ko.

Bilang isang likas na sawsawero sa ilang mga isyu, magbibigay din ako ng komento, opinyon, kuro-kuro at utot tungkol dito. Ang problema lang sa mga nagbibigay ng opinyon tungkol sa RH Bill, hindi pa nila nababasa ang tunay na nilalaman ng batas na 'to. Dito basahin mo kung ayaw mong matulad sa pananaw ko ang magiging pananaw mo. Hindi ko pa rin kasi nababasa 'to. Nakakatamad.

Sex Education. Aminin na natin na kahit hindi pag-usapan ang sex, malalaman at malalaman 'to ng mga bata. Oo tol, brotherhood, pati ikaw pre at padre, alam na 'to ng mga bata kahit grade 4 lang. Kahit sinong bata, mapamahirap man o mayaman, nag-aaral man sa private school o public school. Lalo na 'yung mga hindi nag-aaral. 'Yan ang totoo. Paano nila nalaman? Narinig. Napanood sa TV. Nakita sa internet. Nabasa sa dyaryo. Sinabi ng kalaro na mas nakakatanda. At kung saan saan pa. Kaya pabor talaga ako sa pagkakaroon ng ganitong asignatura sa mga eskwelahan. Malaman man nila ang tungkol sa bagay na 'to, ang importante tama ang impormasyon na makukuha nila tungkol dito. Sabi nga e, nasa tamang landas ng karunungan. May ganun ba? Imbento ko lang ata 'yun. Basta ganun.

Kung ang pagiging konserbatibo ng mga Pinoy ang pinoproblema ng "simbahan" at ilang sektor ng mga sawsawero at sawsawera sa batas, malaking problema nga talaga. Bakit? 'Yun na nga, konserbatibo kuno lang tayo. Sinasabing konserbatibo pero kung anu-ano namang kababuyan ang ginagawa. Parang hindi naman ata tama 'yun.

Pati ang paggamit ng condom, pills, iba pang contraceptives at lahat ng bagay na may kinalaman sa Family Planning damay. Ano bang mali sa paggamit ng condom kung maiiwasan nito ang mga hindi inaasahang pagbubuntis at mga sakit. Ang Family Planning na nakapaloob sa RH Bill ay magiging guide ng bawat pamilyang pilipino sa pagtataguyod ng magandang pamilya. Hindi 'yung nakasanayan ng mga Pinoy na ginawa na atang libangan ang pagkakaroon ng anak. Ang masama kasi sa Pilipinas, kung sino pa 'yung mahihirap sila pa 'yung mas malaki ang myembro ng pamilya. Umaabot sa sampu, tatlo pa ang namatay dun ha dahil sa sakit. Kailangan ba ng family planning? Parang Oo. Ata siguro. Nakakabobo ba? Ewan ko nga ba kung bakit hindi nila maintindihan ang mga simpleng bagay tulad nito.

Magiging matagumpay ang pagkakaron ng ganitong batas sa bansa kung maaabot ng pamahalaan ang lahat ng tao sa Pilipinas. Hindi lang 'yung mga nasa syudad, dapat lahat! Lalo 'yung mga lugar na laganap ang kahirapan. Isa pa, kapag natuto na tayong ihiwalay ang relihiyon sa pamahalaan.

Ang RH Bill ay isang batas na masusing pinag-aralan at hindi basta basta lang ipapasa at ipapatupad. Sabi ko naman sa inyo basahin n'yo muna ang RH Bill bago kayo magbigay ng opinyon at pananaw dito. Tingnan n'yo 'yung pinagsasabi ko, hindi ko alam kung may pinupunto o wala.

Pro RH Bill nga pala ako. Sana halata.

6 comments:

  1. isang sensitibong paksa talaga ang RH bill.

    regarding sex education, naniniwala ako na dapat ito'ng ituro sa klase kesa makuha ito sa maling paraan. sa pagiging mapusok ng mga kabataan, hindi malabong lalong lumobo ang populasyon ng ating bansa. Natawa ako dahil sa "batas" dito sa ayala alabang na kailangang may reseta ang pagbili ng condom etc. buti na lang binasura. un lang :D

    ReplyDelete
  2. ako naman kung tatanongngin niyo eh go with the low lang... kung saan yung nakakarapat... pero dapat may payo parin ng magulang.. hahh ang tanda ko na... maagulang parin/...

    ReplyDelete
  3. Pro-RH bill din ako, at tama ka dun sa sinabi mo na kahit naman hindi pagusapan yang sex, malalaman at malalaman din yan ng mga bata, oh bakit hindi pa ituro ng tama dba? ng maging bukas naman ang isipan nila sa topic na ganito, maging aware ika nga. konserbatibo? mga pinoy? ewan ko lang, mga konserbatibo kuno na nga lang yata (tama ka na naman dun), sa ngayon naiisip ko na nga lang,ngayong nasa ibang bansa ako at alam naman nating mga liberated ang mga tao dito, medyo unti unti na din nababago ang pananaw/tingin ko sa usaping sex, parang mas okay naman na open sila sa ganitong usapin mas naiiwasan ang maagang pagbubuntis para sa mga kabataan dahil nga marunong sila at may sapat silang kaalaman ukol dito. yown lang. *hindi ko binasa yung RH bill, tinamad din ako. bwahaha.

    ReplyDelete
  4. pro din ako mr. goyo...nawa bumukas na ang ilang mga square minded-minds ng mga pinoyzzz

    ReplyDelete
  5. Pro RH Bill si J.Kulisap.

    Iisa lang ang pupuntuhin ko sa ngayon.

    Kapag kaya mong magabayan sa tamang landas ang iyong anak at pamilya, magsumige ka. Pero kung alam mong dehado ang kinabukasan lalo na ang iyong anak, isipin mo, magplano ka. Yan ang esensya ng RH Bill.

    ReplyDelete
  6. Yep! halatang-halata... I'm also PRO-RH. I also have my stand. Eto.. (Promotion? haha.. thanks, Goyo) ..

    http://teddybearblogs.wordpress.com/2011/05/16/my-stand-rh-bill/

    Ayan. Aso ko ang may gawa. Hehe.. Mas opinionated at bitchy kasi syang magsulat, so kaya niyang itackle ang mga gantiong sensitive issues. :)

    ReplyDelete