Pages - Menu

Monday, May 9, 2011

Room Raiders

Kung dati madalas akong sabik makapag-online dahil sa sobrang hectic na schedule sa mga pictorial, shooting, mall shows, tv guesting at ilang bagay na may kinalaman sa pag-aaral, ngayon naman ay halos isuka ko na ang maghapong pagharap sa computer. Dalawang linggo na akong walang ginawa sa buhay ko kundi ang gumising, kumain, magcomputer at matulog. Paulit-ulit lang. Nakakasawa. Ang sakit sa puwet ng maghapong pag-upo at pag-iinternet. Higit sa lahat, nakakataba. Ang salarin? Mga gagong bulutong na naman. Laking pasasalamat ko na lang talaga kanina at may bigla akong naisip na kalokohan. Naalala ko kasi noong available pa ang MTV dito sa probinsya ng Jalajala ay paborito kong panoorin ang show na 'to ng mga pakielamero at pakielamera. Room Raiders ang titulo ng palabas. Hahalaghugin nila ang kwarto mo. Maghahanap ng maduduming damit, nakakatawang mga bagay, may taeng underwear, gamit na napkin at iba pa. Dating game 'to. Pipiliin ang mananalo depende kung kaninong kwarto ang trip ng searcher.

Dala na rin ng pagkabato ay naisipan kong i-raid ang sariling kwarto. Walang mananalo. Walang date. Trip trip lang. Hindi ko nga alam kung kwarto pang matatawag ang silid na 'to. Mas okay kasi kung bodega na lang. Hindi ako dito natutulog, doon ako sa kabilang kwarto kina-quarantine. Parang bihisan at tambakan na lang talaga ng gamit ang silbi ng silid na 'to. Tara pasukin na natin ang bodega.


Pagpasok mo pa lang sa kwarto ko ay bubulaga na sa'yo ang mga alikabok, agiw at iba pang masamang elemento na nagpapakita ng kapabayaan. Meron ding mga spiders at treasure. Bukod dito ay una ring tatambad ang kamang 'to. Hindi ko na alam kung kailan huling napalitan ang kobre kama nito. Halos nanggigitata na sa libag at iba na rin ang kulay n'ya ngayon. Magkagayunpaman, mapapansin mo naman ang disenyo ng kobre kama. Kahit damulag ako ay ako pa rin ang nag-iisang "Little Prince" sa bahay namin. Hehe.


(1) Sa itaas na bahagi lang ng higaan ay makikita mo ang larawan ng tumatawang imahe ni Jesus. Pangprotekta ko sa mga bad elements and ghosts. You know.

(2) Sa itaas naman ng puting kabinet ay ang dalawang CRT monitor. 'Yung isa lumang monitor namin. 'Yung isa, hiniram ko noon sa kaklase ko. 80's pa ata ginawa 'yun.

(3 & 4) Kung anu-anong gamit na hindi ko alam kung bakit nasa kwarto ko. Hindi naman saken 'yang mga 'yan. Ay tol, bodega nga pala 'to.

Ito naman sa harap ng salamin. Makikita sa kabinet ang gutay gutay na bulak katabi ng lagayan ng relo at kahon ng cellphone. Sa itaas naman nila ay tissue at 'yung malapit sa bulak, ang mahiwagang nogart kong brief. Bacon ang tawag hindi naman nakakain. Nagsisilbi na lang s'ya ngayong basahan sa palasyo ko. 'Yung kahon sa 'di kalayuan ay lagayan ng plake na natanggap ko dati sa SBA.


Ang larawan namang ito ay sa loob na ng aparador. Halos hindi ko na isinusuot ang mga pantalon na nakasabit, sa itaas naman nun ay mga pinaglumaang damit. 'Yung sa kabilang side naman ay damitan ko na sa kasamaang palad e mukhang basurahan. 'Yung pinakailalim lagayan ng mga lumang sapatos at agiw na parang cotton candy sa kapal.


Ang huling larawan namang ito ay kung anu-ano lang. (1) Kung anu-anong sticker ang nakadikit don, may mga etiketa rin ng damit. Hindi ko alam kung anong nakain ko noong highschool at ganito ang trip ko. (2) Mug. Premyo noong highschool sa isang contest na hindi ko na matandaan kung ano. Basketball ata. Tama, mug ang premyo ng intercolor noong foundation week. (3) Mga lumang notebook noong highschool at 1st year & 2nd year college. May mga test papers din at ilang magazine at kung anu-anong babasahin. Mga lumang journal noong highschool. (4) Medal? Ang alam ko lang sa mga quiz bee lang 'yan. Tsaka extra curricular activities noong high school. Itinago ko. Minsan lang magkamedal e.

Kung mapapansin n'yo, ang daming susi. Koleksyon ko 'yan dati noong elementray. Noong malakas pa ang sayad ko at pakiramdam ko cool ang mga ganitong bagay.


May mga bible rin. Lagi kasing nagpapamigay ng libreng bible sa school. Naipon na dyan. Dati nagbabasa ako n'yan e. Hindi ko nga lang natapos.

Estoy. Screen name ko dati. Nag-iba kami ng pangalan sa isang event na pinuntahan namin noong 4th year. At 'yung drawing ng buong tropahan naming mga lalaki noong highschool pa rin. Basketball ang tema. Hook na hook kasi kami noon kay Sakuragi at Coach Ansai.


Tapos na ang walang kakwenta-kwentang tour sa kwarto ko. Kung kasali lang ako sa Room Raiders malamang olats ako. Kapag nagkapera at trabaho na ako, ipi-Pimp ko 'tong hideout ko.


(x) Kahon ng sapatos na naglalaman ng iba't ibang souvenir sa ilang espesyal na tao sa buhay ko. Basahin mo dito. Mag-gulatan tayo sa malalaman mo. Hindi mo inaasahan ang makikita mo.


Password protected 'yan. May sikreto kasi ako don. Message mo ako sa facebook. Basta gumawa ka ng paraan.


Isang walang kakwenta-kwentang post na naman ang ipinamalas ko. Gawa rin kayo ng ganito at gulatin mo ang sarili mo sa mga maaalala mo.


18 comments:

  1. hahaha. ma-try din nga to sa kwarto ko. Kakarelate ako sa "bodega." May pagka ganayn din yung kwarto ko. haha.

    ReplyDelete
  2. hahaha salamat sa pagpapasok sa min sa iyong kwarto

    ReplyDelete
  3. whahaha parehas pala tayo ng kaunti ng kwarto whahhaa... oo yung free tvpa yung MTV nanonood din ako niyan heheh :D

    ReplyDelete
  4. wow, nakapasok na kami sa room mo. :p

    sira pa nga blogger. hirap magpost ng entry.

    ReplyDelete
  5. ang totoo nyan, hindi ko kinokonsidera na kwarto ko 'to. Hindi ko naman tinutulugan 'to. BODEGA siguro talaga ang tamang term para sa lugar na 'to. HEHE.

    ReplyDelete
  6. bodega (walk-in closet para sosyal) na rin yung kwarto ko ngayon, siguro ganon talaga pag bihira umuwi sa bahay dahil naka boarding house naman sayang daw ang space kaya tinambakan nalang ng kung ano ano

    ReplyDelete
  7. natutuwa ako kase ganyan na ganyan ang description sa kwarto ko. at kababae kong tao. hahaha! zinoom ko yung bedsheet ng little prince. star pala yung kulay dilaw. kala ko... :P

    ReplyDelete
  8. hahahahah di ko kinakaya ang room raider mo... ahahahah dami rin kasing sikreto sa kwarto ko... lels

    ReplyDelete
  9. haha isa lang ang masasabi ko.. adik.. hahahha

    ReplyDelete
  10. ayun oh, pinakita na ang kwarto! ano kayang susunod :D

    ReplyDelete
  11. LOL. Salamat sa pagtawag na 'kwarto' dito sa bodega namin..hehehe.

    Anong susunod? Marami na akong naipakita sa mga blog ko. LOL!

    ReplyDelete
  12. pamana mo na sakin mga lumang damit mo!..sayang naman..mahilig ako sa vintage lols

    ReplyDelete
  13. astig ung room raiders sa mtv, umpisahan na bro ang paglilinis hehe

    ReplyDelete
  14. hahaha meron din akong ganyang bodega. at dun ako natutulog noon. nagagalit pa ako pag pipakialaman. ano na kaya itsura nun ngayon?

    pag napimp mo na, mtv cribs naman!

    ReplyDelete
  15. Dahil sa ilang araw na pagkasira ng blogger, nabura ang ibang comments sa post na to. Buti nakita ko pa sa email ko ang notifications.. copy-paste ko na lang dito ang mga naburang comments. haha.

    ---
    Florie: hahaha meron din akong ganyang bodega. at dun ako natutulog noon. nagagalit pa ako pag pipakialaman. ano na kaya itsura nun ngayon?

    pag napimp mo na, mtv cribs naman!

    ---
    Keatondrunk: astig ung room raiders sa mtv, umpisahan na bro ang paglilinis hehe

    ---
    pepperonidoublecheese: pamana mo na sakin mga lumang damit mo!..sayang naman..mahilig ako sa vintage lols

    ---
    LordCM: ayun oh, pinakita na ang kwarto! ano kayang susunod :D

    ---
    Wala na kasing nagko-comment sa blog ko kaya ginawa ko yang pagrevive sa kanila. haha.

    ReplyDelete
  16. natawa ko dun sa naalala mo sa number#9 mo.. grabe! :))

    ReplyDelete
  17. @nica, grabe ba? Hindi kaya. lol. :D
    ganun talaga ang buhay, kailangan ng mga alaala. haha.

    ReplyDelete