Pages - Menu

Thursday, May 26, 2011

Sa madaling salita, kaartehan lang.

Likas na siguro talaga sa pagkatao ko ang pagiging maarte. May ilang bagay talaga na gusto ko ganito at ganoon. Halimbawa, dapat 4mL lang lagi ang magagamit ko na toothpaste sa tuwing magsisipilyo. Pero meron din namang mga bagay na hinahayaan ko lang na magulo tulad ng buhok ko sa ulo, 'yung sa ilong hindi kasi nabubwisit ako kapag may nakalabas. Oras na mapansin ko 'yun kahit nasaang lugar pa ako ay hindi talaga ako mapakali at talagang maghahanap ako ng salamin para madali kong mabunot 'yun. Kung makita mo man akong basa ang mata, hindi ako umiyak dahil sa lungkot, mag-isip ka baka nagbunot lang ako ng buhok sa ilong o di kaya ay nahirapan sa pagkuha ng malaking kulangot.

Isang buwan bago dumating ang kaarawan ko (kanina lang May 25, gulat ka no?) ay inalala ko 'yung mga nangyari noong isang taon. Una na dito ang libo libong text message ng pagbati galing sa mga kakilala at kaibigan. Pasalamat kayo at nauso ang unlimited. Pangalawa ang munting inuman na idinaos namin sa bahay ng tropa ko. At pangatlo ang milyun-milyong wall post greetings galing naman sa mga kakilala ko rin sa facebook at kung sinu-sino pang estranghero. At eto na nga... mga wall post na siguradong 90% ay hindi naman talaga alam ang kaarawan mo at naalala lang dahil sa nakita nilang gift box katabi ng pangalan mo. Bilang isang tunay na maarte at puno ng kung anu-anong trip sa katawan ay itinago ko ng sadya ang birthday ko isang buwan bago sumapit to. 1) Maiwasan ang spam sa wall. Maiwasan ang mga maka-bati lang. 2) Malaman kung sino ba talaga ang nakakaalam ng tunay na birthday ko sa mga tao sa facebook na 'to. 3) Sukatan kung sino ba talaga ang mga tunay na nakakaalala sa'yo. Parang chiks kung mag-inarte.

Sa ngayon ay bilang na bilang ko pa ang bumati sa'ken sa facebook wall ko at wall ng page ko (Makapal ang mukha ko kaya may sarili akong page. Alam ko magagamit ko 'yun sa susunod na eleksyon.). May ilan din na ang trip ay sa message sa facebook. 'Yung tatlo naman sa facebook group. Para akong bumalik sa pagkabata na hindi man lang naranasan ang kantahan ng buong klase pagkatapos makita sa pader na birthday mo ngayon dahil bakasyon ang kaarawan. Ang tanging bumabati lang ay ang mga taong tunay na malalapit sa buhay ko. Salamat at hindi ako bigo sa parteng 'to dahil 'yung mga taong gusto kong makaalala ng birthday ko ay naalala nga ako. Buti na lang kamo, kung hindi ay buong araw siguro akong ngawa ng ngawa.

Nangunguna dito ang pagbati galing sa kapatid ko na sa text ako binati dahil hindi kami magkasama dahil umuwi ako sa Rizal. Ayoko kasing ubusin ang oras ng birthday ko sa boardinghouse ng walang ginagawa, sigurado kasi malulungkot ako sa kakatitig sa pader at kisame habang nagkakamot ng pwet at itlog sa higaan. Pangalawa ang mga magulang ko na alam kong kahit kailan ay hindi makakalimutan ang araw na 'to. Si tatay at ang kanyang madamdaming text message. Pagkatapos isend ng text ay tumawag agad. Si nanay na nagtext din noong umaga at binati ako ng personal pagdating ko sa bahay. Syempre kumiss ako.

Napansin ko lang na kung hindi ka personal na babatiin ng mga malalapit sa'yo ay isang medyo madamdaming text naman ang ipapadala nila. Nandyan ang mga highschool friends na sa sobrang tagal n'yong nagkasama mula pa noong elementray ay may kalendaryo na ata sa utak at matik ang pagbati sa text, syempre kapag alam ang number. Nandyan din ang matagal ng mga kaibigan na karamihan ay puro babae. Mas masarap talagang makipagkaibigan sa mga chiks. Hindi rin nakalimot ang dalawang kababata/besprends ko na nauna pa ang pagyayayang uminom kesa sa pagbati. At syempre ang mga tropa. Hindi kasama ang tropa sa kolehiyo dito dahil wala atang nakakaalam sa kanila sa birthday ko, epektibo rin ang pagtatago ko dahil wala akong panlibre sa mga mokong na 'to. Iba rin ang pakiramdam kapag binati ka ng mga ex-girlfriends mo. May s sa dulo dahil chickboy ako kahit tatlo lang naman talaga 'yung bumati sa text. Si L na inaasahan ko ang pagbati dahil alam naman talaga n'ya ang birthday ko kahit noon pa, may naalala tuloy ako. Si M, hindi rin makakalimutan ang birthday ko dahil magkasunuran kami. Ang isa pa ay si Benjot (alyas namin sa isa't isa). Sinabi n'ya na binura man daw n'ya ang numero ng dati naming mansari sa utak n'ya, hinding hindi naman daw ang 25 na ako mismo ang iniririprisinta. Hanggang ngayon ay magaling pa rin bumanat ang loka. Sa pagkakatanda ko nga, ni isang beses ata simula noong nagkakilala kami nito ay hindi pa kami nagkalimutan sa pagbati sa isa't isa.

At syempre hindi din mawawala si Cong na nakasama ko sa kaarawan n'ya at kaarawan ko. Pero 'yung isa kong ex na pinakamatagal kong nakarelasyon, hindi man lang nakaalala. Sabagay, Merry Xmas at Happy New Year nga hindi rin bumati e.

Alam kong alam din ng ilang kapitbahay namin na birthday ko kapag 25 dahil kabirthday ko ang anak nila. At hindi na ako umaasa sa text ng magku-kuya na kababata ko rin dahil kahit magka-kaibigan kami ay hindi naman kami textmates tulad din ng iba kong kaibigan dito.

Bukod sa hindi ako nakaranas ng isa sa pinakasikat na kantang "Happy-Birthday-to-you" sa classroom, hindi rin ako nasanay sa mga regalo tuwing darating ang kaarawan ko. Halos wala akong matandaan na may natanggap akong regalo sa araw na 'to. Exempted dito syempre ang pamilya ko, dahil buong buhay ko naman at lahat ng meron ako ay regalo nila. Mula brief hanggang cotton buds ay sa kanila lahat galing. Ang sinasabi ko ay 'yung mga taong hindi ko kamag-anak at kaanu-ano. Kaya nga ba espesyal 'tong mga pagbating natanggap ko bilang tugon sa "Munting Hiling" na request ko tatlong linggo bago sumapit ang kaarawan ko. Kahit hindi nila alam ang mismong eksaktong petsa ng birthday ko ay nagpadala pa rin sila para mapasaya ang Cyber Birthday ko. Bakit ko nga ba hindi sinabi ang eksaktong petsa? Para hindi maging trend tulad ng pagte-trend ng batian sa facebook kapag nakita nila na nagbabatian na sila ng happy birthday sa wall mo. Ang mga picture greetings na ipinadala nila ay sa ibang araw ko na lang ipapaskil kapag sinipag ako. Basta ito ang pinaka-panalo. Buti na lang at umabot ng 15, kung hindi baka binura ko lahat ng blogs ko. 'Yung mga nangako na magbibigay, ayos lang sa'ken 'yun. Hindi naman ako namilit e. Pero syempre tanda ko kayo. At para sa mga nagbigay, salamat sa mga panakot sa daga.

Ano nga ba ang pinupunto ng post na 'to? Wala. Gusto ko lang sabihin na sobrang normal lang ng araw na 'to sa akin taun-taon. Nasa bahay lang madalas at kasama ang nanay ko. Minsan inuusog ang araw ng munting salu-salo para kumpleto kaming tatlo ng kapatid at nanay ko. Dahil kami lang ngayon ni nanay dito at sa sabado pa ang uwi ng utol ko, napagpraktisan ako ni nanay ng pwede-na-carbonara n'ya.

Sa madaling salita, kaartehan lang nga ang post na 'to. Pagpapaalala na hindi ako tumatanggap ng belated-happy-birthdays tulad ng hindi mo pagkain ng tira tira sa handaan.

14 comments:

  1. yung picture greeting ko, un na yung magkakasama kami ni zen at zyra ha. di na ko gumawa ng solo. sensya na. happy birthday

    ReplyDelete
  2. first of all...happy birthday goyo!!! oh, di na ako makasali sa trending sa FB ngayon kasi nadeactivate ko ung FB ko bukas pa maibabalik haha...trip trip ko lang..2nd of all.. ke bino ko nalaman ung bday mo nabas ako rin interview mo..(so?) haha....at......hmmm....picture greeting ko next year na lang ha hahaha...hindi ako nakakapagblog hop lately kaya di ko alam ung post mo three weeks ago nyahehe

    happy birthday! God bless sa lahat sa buhay...enjoy life! ^^ blog on! more girlfriends to come..lol hehe

    ReplyDelete
  3. happy birthday! galingan mo sa board ha? saka ka na lang magpatagay pag pasado hehe at pag nagtop, e di doble tagay! =) good luck!

    ReplyDelete
  4. Ok lang mag-inarte bday mo nmn eh hehehe...Happy Bday parekoy!

    Ganun talaga pag ang bday natapat sa bakasyon, hnding hindi mararaasan na makntahan ng happy bday to u sa classroom hehehe....

    ReplyDelete
  5. Pang apat na base! Hehehe happy birthday ulet. Haba ng pag-iinarte mo ah. Mag-aral mabute.

    ReplyDelete
  6. happy bday goyo. hiningal ako pagbabasa ng akda mo. ngaps. tama ang sabi ko dun sa comment ko ke bino. sabi mo kase don e blog lang yan, walang seryosohan. parang ganyan ang linya. lolz. di ko na matandaan exact na pagkakasabi mo dun. pero tingnan mo ngayon ang laking deal ung pic greet. pag di naka 15 e magsasara ka. lol. piz.

    ngaps, yung isang pic greet na yon, panalong panalo x10000 points yun edi 100014 yung naresib mong greetings. pakisabihan sya padalan din ako sa beerday ko. yung may mukha na, para di ko na tatapalan ng mukha ng artista pag tawag ng pangangailangan. lol joke.

    ReplyDelete
  7. Maligayang Kaarawan.

    Selebrasyong ng buhay.

    ReplyDelete
  8. parehas pala tayo. ayoko ilagay bday ko sa facebook. gusto ko yung totoong nakakaalala lang babati sa akin. arte rin no? hahaha saka wala rin ako panlibre haha. saka tama ka, ayoko ng makabati lang. malalaman mo ang tunay na kaibigan. ang tunay na kaibigan hindi nakakalimot. :)

    ReplyDelete
  9. Happy Birthday Mr. Goyo!!!

    ReplyDelete
  10. di na ako babati... kasi baka sabihing nakikibati lang din ako.. ahaha... pero kaartehan lang... happy bday goyo.... :)

    ReplyDelete
  11. aahaha. ang taray/bitchy nung last line. ^_^

    ReplyDelete
  12. khit super late..belated hpy bday!:)

    ReplyDelete