Pages - Menu

Wednesday, June 15, 2011

Guns and Wheels

Isa na siguro sa advantage ng pagiging commuter ay ang makasaksi ng iba't ibang nakakatuwang eksena sa loob ng mga pampublikong sasakyan. Buti sana kung palaging nakakatuwa ang mga eksesa, pero hindi. Minsan may mga eksenang nakakainis at nakakapikon talaga.

Pangkaraniwan na sa'ken ang sumakay sa Bus. Nakakatamad kasing umakyat sa mga MRT stations. Bukod sa nakakahingal at masisira ang pormang baho ko sa pawis na tatagaktak sa matataas na hagdan, badtrip din ang daan daang etits na bubunggo sa'yo sa loob ng tren na daig pa ang lata ng sardinas sa pagsisiksikan ng mga tao. Buti sana kung laging p'wet at boobs ng mga chikababes ang bubunggo e, okay lang. 

Kagabi nga ay muli akong sumakay sa bus. Badtrip 'yung TV nila, bigla-biglang namamatay. Paborito ko pa naman ang palabas sa 30 inch LCD TV nila, 'yung 100 Days to Heaven. Chillax lang sa panonood habang natutuyo ang pawis ko sa malakas na aircon. Akala ko same old shit lang ang byahe na 'to. Bababa ang mga pasahero at may sasakay na bago. Aasa na may makatabing chiks sa upuan. Wala namang problema ang mabagal na byahe saken lalo at hindi ako nagmamadali. Masarap kasing magmuni-muni sa byahe. Todo suyod si manong sa mga pasahero, okay naman ang takbo na hindi mabagal pero hindi rin sobrang bilis. Todo sigaw si kundoktor para magtawag ng pasahero. Pagkalampas sa Cubao, sa isang bus stop doon ay tumigil muli ang bus para magsakay. Nauna ng sumakay ang tatlong pasahero, pero 'tong isang mama na 'to nagtanong muna bago sumakay. Nagtatanong siguro ng lokasyon. Mukhang nagmamadali pala si manong driver kaya medyo umaarangkada na ang bus at kung anu-anong sinasabi. 'Yung mga pangkaraniwang linya ng mga tsuper sa makukulit na pasahero dahil sa takot na mahuli ng mga enforcer. Si manong kundoktor naman e inentertain ang nagtatanong na pasahero hanggang sa makasakay na rin ang mama.

Pagpasok sa loob ng bus ay humanap ng pwesto ang mama na matanong. Lumapit ang kundoktor para maningil at magsayang ng papel galing sa mga tiket na ibinibigay n'ya. Pikon pala 'tong mama na 'to, biglang nagsalita, "Ang yabang ng driver mo ah. Kaya nga nagtatanong hindi alam e!". Tahimik lang ang kundoktor, tumingin lang si manong driver sa salamin at parang bubulong bulong na hindi ko maintindihan. Parang may kinalaman sa huli sa daan ang ipinuputok ng butse. Ang buong akala ko normal na konting alitan lang sa pagitan ng isang pasahero at tsuper. Pinabayaan ko na lang at muling tumutok sa palabas na hindi na pala 100 Days to Heaven. Pelikulang pinagbibidahan na ng dalawang negrong nagpanggap na chiks ang nakasalang.

Pagdating sa Ortigas ay pumara na ang mama. Ngayon ko lang napansin na hindi pala ganun katanda 'yung mamang dumakdak sa kundoktor dahil sa pagiging mayabang daw ng driver. Pagtapat na pagtapat sa pinto ng bus na katapat din ng pwesto ng tsuper ay muling nagsalita si tropa at si manong driver naman ang dinakdakan, "Tang ina mo ha ayusin mo pagmamaneho mo!" sabay tingin sa sinturunan n'ya na may nakasabit palang makintab na baril. "Driver ka lang, ang yabang mo!", pahabol pa ng mama. Nagsalita si manong driver, mahinahon ang boses na nagpapaliwanag. Pagkababa ng matipunong mama na sa tantya ko ay nasa pagitan lang ng 25-30 anyos na may dalang makintab na baril at naka-civilian, doon na naglabas ng sama ng loob ang tsuper. Galit na galit si manong dahil kahit papano ay nasindak din s'ya sa kintab ng baril na dala ng batang pulis. Namalahibo sa takot na baka biglang mapikon at tumagos bigla ang bala sa bungo n'ya. Galit na galit din n'yang inilabas ang sama ng loob n'ya sa pag-LANG ng hambog na pulis sa trabaho n'ya. At mas lalong ikinagalit n'ya na sa edad n'yang 'yon ay binastos s'ya ng ganun ganun lang ng batang batang pulis na 'to. Napabuntong hininga na lang ang tsuper sabay litanya ng, "May bakal ka lang gago!".

Kahit siguro ako tatameme kapag nalaman ko na may baril palang dala ang taong makakaalitan ko. Tama lang siguro ang ginawa ni manong, paano nga naman kung paputukan s'ya bigla ng batang pulis? Kahit pa sabihin na walang ganung intensyon ang pulis na 'to, mali pa rin ang pag-asta nito at pagpapakita sa kilos n'ya na mas nakatataas s'ya. Ilang sibilyan na ba ang tinira ng mga pulis? Kamakailan lang nga ay may bata sa Makati na pinagbabaril ng mga kapulisan. Hindi malabong mangyari rin 'yun kay manong kung nakipagtalo pa s'ya sa harap ng hambog na pulis.

Paano mo nga ba masasabi na mabuti ang isang pulis? May mga pulis na tapat sa serbisyo pero ayaw pagkatiwalaan ng mga tao dahil sa laki ng mga tiyan nito. Meron namang mga bata at matitipunong pulis na nakahawak lang ng baril ay akala mo kung sinong mga hari-harian ng makaasta. Hindi ko nilalahat, pero hindi na ata talaga matatanggal ang panget na impresyon ng mga tao sa mga pulis na sana'y magtatanggol pero madalas ay nangunguna pa sa pang-aapi sa mga mas nakakababa sa kanila.

Ganito ba talaga ang Pilipinas? Kung sinong inaasahang magbabago ng bayan ay sila pang nangunguna sa pagsira dito. Paano nga naman tayo uunlad kung puro tayo yabang at sindakan. Kung puro pagiging makapangyarihan ang aatupagin. Malaki talaga ang epekto sa mga mamamayan ng ganitong bagay. Sino nga namang gaganahang magbago kung 'yung matataas mismo ay bulok.

Nagkabakal lang sa katawan ang gagong 'to, akala mo kung sinong diyos at hari na kung umasta. Pakain ko sa'yo yang baril mo e para magtae ka ng bakal. Syempre biro lang boss, lespu ka e. Takbo may parak na nagbabasa!

6 comments:

  1. baka may makabasang pulis goyo......

    tsk tsk. dapat kung nakadamit sibilyan sya, wag nya ibabalandra baril nia. sarap bugbugin. lols. kaso may baril.

    ReplyDelete
  2. bawal magdala ng baril ang hindi naka duty at hindi naka uniform na alagad ng batas, pulis man o militar.

    nagkulang lang marahil pareho sa pang unawa ang isa't isa kung kaya't nauwi pa sila sa taasan ng boses at palitan ng mapanglait na komento sa isa't isa.

    asar ako sa taong ginagamit pansindak ang kanilang kapangyarihan, yaman o armas.

    ReplyDelete
  3. taenang mga pulis ya. kahit kailan di mababago ang yabang nila dahil sa makintab na dala nila.

    ReplyDelete
  4. aasa pa ba tayo sa mga nakaposisyon? alam naman na natin ang sagot jan, ilang taon nang ganyan ang sistema.

    ReplyDelete
  5. reality will always be reality, gnun tlga un systema pag angat at my bakal ka

    ReplyDelete
  6. hindi na bago yan. End of the world na lang ang puputol sa mga ganyang klaseng tao.

    ReplyDelete